You are on page 1of 4

Mae Everly D.

Gamayo
BSED- FIL2

Kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas


Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng komiks.
Noong 1884 inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na
"Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya.
Mula 1896 hanggang 1898, habang ang Pilipinas ay dumadaan sa yugto ng rebolusyon, ilang
magasin ang lumabas sa Maynila na may nakaimprentang cartoons. Dalawa sa mga ito ay ang
"Miao" at "Te Con Leche". Sa pagkatalo ng Pilipinas sa digmaan, maraming Pilipino na kontra
sa pamamahala ng Amerikano ang lumipat sa malalayang pamamahayag. Ang mga nasyonalista
ay binitawan ang kanilang rebolusyonaryong pamamaraan upang lumathala ng ilang babasahing
satiriko upang batikusin ang mga kolonyalista. Karamihan sa mga magasing ito ay nakalathala
lamang sa Tagalog at Espanyol, ang dalawang wikang hindi naiintidihan ng mga Amerikano.
Noong 1907, inilathala ang "Lipang Kalabaw", isang magasin na nasa ilalim ng pangangasiwa ni
Lope K. Santos. Ang magasin na ito ay nasa wikang Tagalog, at nagtataglay ng mga satirikong
cartoons na patungkol sa mga Amerikanong opisyal. Ang paglalathala ng magasin na ito ay
natigil din noong 1909.
Ang mga unang serye ng Filipino komiks ay lumabas sa simula ng 1920 bilang page filler sa
mga magasing Tagalog. Dalawa sa mga magasing ito ay ang "Telembang" at ang muling binuhay
na "Lipang Kalabaw", na nagtataglay ng mga satirikong cartoons na laban sa mga Amerikano at
mga pederalista. Ang dalawang komiks na ito ay maaaring ituring na nagpasimula sa mga
komiks sa Pilipinas.
Dalawang komiks sa mga magasin na ito ang naging popular sa mga Pilipino noong mga
panahong iyon: ang "Kiko at Angge" sa Telembang, at ang "Ganito Pala sa Maynila" sa bagong
Lipang Kalabaw.
Noong 1923, isinilang ang Tagalog magasin na Liwayway. Sa simula ay hindi pa ito nagtataglay
ng mga serye ng komiks, pero pagdating ng 1929, inilathala kasama ng magasin ang "Album ng
Mga Kabalbalan ni Kenkoy" bilang isang filler sa entertainment section nito. Ang karakter na si
Kenkoy ang bida sa seryeng ito, isang nakatutuwang batang Pilipino na naging representasyon
ng mga kabataang may pagiisip na kolonyal noong 1930’s.
Ito ang aking napili sa dinami-rami ng pabalat ng komiks mula sa internet. Talamak na
mga pabalat ngunit ito lamang ang bumihag sa aking puso’t paningin sapagkat ang aking
perspektibo sa larawan ay maiuugnay ko sa pag-iibigan ng aking mga magulang. Noong dalaga
pa lamang ang aking ina’t iniirog ng aking ama, ayaw ng mga aking lolo’t lola sa kanya sapagkat
ito’y mahirap lamang, sabi nga walang mapatutunayan kaya hindi naging madali ang kanilang
pag-iibigan. Parang may kumurot sa aking puso nang marinig ko ang kwento. Ang pagmamahal
at sakripisyo ang agad na pumasok sa aking isipian pagkakita pa lamang ng larawan. Labis na
mapagmahal, isang simbolismo ng kulturang Pilipino na aking nakita sa pabalat. Naturang
mapagmahal ang mga Pilipino sa maraming bagay ngunit pagtutuunan ko ng pansin ang
pagtibok ng puso sa ating napupusuan. Tila isang bituin, napakalayo at kay hirap abutin. Sa labis
na pagmamahal, lahat ng posibiladad ay ating gagawin mapatunayan lamang na tayo’y tapat,
nagpapahalaga at nagmamahal ng may sinseridad. Sa labis na pagmamahal, natututo tayong
labagin ang batas ng ating magulang. Mahirap ka lang, mayaman siya. Hindi kayo nararapat sa
isa’t isa. Sa labis na pagmamahal, kahit alam ng trespassing, patuloy pa rin dahil iyon ang
hangarin ng damdamin. Ganyan tayong mga Pilipino, sa labis na pagmamahal minsa’y
nakagagawa ng tayo ng desisyong taliwas ngunit alam natin sa ating sarili na hindi natin ito
pagsisisihan sapagkat isa iyon sa ating kaligayahan. Hindi nakukuha ang pag-ibig sa yaman ng
mundo kundi ang nilalaman ng puso.

You might also like