You are on page 1of 15

Inihanda ni: Assoc. Prop. JUDITH R.

ANGELES

Kagamitang Pampagtuturo sa Kursong


FILI 2008 – KULTURANG POPULAR

Modyul 2
Aralin 1: Popular na Babasahin:Komiks

Babasahing Popular

Ang komiks ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng kuwento,


buhay ng tao o pangyayari. Ang salitang komiks ay hango sa salitang ingles na "comics" at
isinulat lamang na may titik "k" alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino.
Isang midyum ng pagpapahayag na gumagamit ng mga imahe, kadalasan may teksto
o iba pang mga anyo ng impormasyong bawal, upang magpahayag ng mga ideya o
maghatid ng salaysay o kwento.
Ang Komiks ay isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa,
nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay
binubuo ng mga manunulat at dibuhista (cartoonist) na napakalawak ng imahinasyon.
Sinasabing si Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong
1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang komiksstrip niya na
“Pagong at Matsing”, halaw mula sa isang popular na pabula ng Asya. Makulay naman ang
pinagdaanan ng komiks sa bansa magmula nang lumabas ito sa magasin bilang page filler
sa entertainment section noong 1920. Halimbawa: Halakhak Komiks (1946), Pilipino
Komiks (1949), Tagalog Komiks (1949) at Silangan Komiks (1950). Subalit humina ang
komiks sa pagpasok ng dekada 80 nang ipatanggal ng ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang
paggamit ng murang papel. Naapektuhan ang kalidad at itsura ng papel. Umalis ang mga
dibuhista ng komiks sa Pilipinas at nagtrabaho na lamang sa Amerika sa parehong
industriya.
Pagkatapos ng Martial Law, muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sumikat sina
Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang interes sa komiks ay tumagal lamang
hanggang 1990. Nahumaling kasi ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang.
Ayon sa blog ni Fermin Salvador, ‘world-class’ ang kakayahan ng mga Pilipino sa
paglikha ng komiks. Ayon kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS, “Hindi
mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang
kakanyahang hinding hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga’t ang mga Pilipino ay
may mga mata para makakita at bibig para makabasa– magpapatuloy ang eksistensya ng
komiks.”

Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, naglipana ang komiks at naging popular ito sa
buong bansa, dahilan upang maging isa ang Pilipinas sa mga pinakamalalaking tagalimbag
ng komiks sa buong mundo. Pero sa mga nagdaang dekada, bumababa ang popularidad ng
komiks dahil sa iba't ibang salik, kabilang na rito ang iba pang anyo ng mass-media tulad ng
telebisyon at Internet.

Kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas


Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng
komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks
strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula
sa Asya.
Mula 1896 hanggang 1898, habang ang Pilipinas ay dumadaan sa yugto ng rebolusyon,
ilang magasin ang lumabas sa Maynila na may nakaimprentang cartoons. Dalawa sa mga ito
ay ang "Miao" at "Te Con Leche". Nang matalo ang Pilipinas sa digmaan, maraming Pilipino
na kontra sa pamamahala ng Amerikano ang lumipat sa malayang pamamahayag. Ang mga
nasyonalista ay binitawan ang kanilang rebolusyonaryong pamamaraan upang maglathala
ng ilang babasahing satiriko na naglalayong batikusin ang mga kolonyalista. Karamihan sa
mga magasing ito ay nakalathala lamang sa Tagalog at Espanyol, ang dalawang wikang
hindi naiintidihan ng mga Amerikano. Noong 1907, inilathala ang "Lipang Kalabaw", isang
magasin na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Lope K. Santos. Ang magasin na ito ay nasa
wikang Tagalog, at nagtataglay ng mga satirikong cartoons na patungkol sa mga
Amerikanong opisyal. Ang paglalathala ng magasin na ito ay natigil din noong 1909.

Ang mga unang serye ng Filipino komiks ay lumabas sa simula ng 1920 bilang page
filler sa mga magasing Tagalog. Dalawa sa mga magasing ito ay ang "Telembang" at ang
muling binuhay na "Lipang Kalabaw", na nagtataglay ng mga satirikong cartoons laban sa
mga Amerikano at mga pederalista. Ang dalawang komiks na ito ay maaaring ituring na
nagpasimula sa mga komiks sa Pilipinas.

Dalawang komiks sa mga magasin na ito ang naging popular sa mga Pilipino noong
mga panahong iyon: ang "Kiko at Angge" sa Telembang, at ang "Ganito Pala sa Maynila" sa
bagong Lipang Kalabaw.

Noong 1923, isinilang ang Tagalog magasin na Liwayway. Sa simula ay hindi pa ito
nagtataglay ng mga serye ng komiks, ngunit pagdating ng 1929, inilathala kasama ng
magasin ang "Album ng Mga Kabalbalan ni Kenkoy" bilang isang filler sa entertainment
section nito. Ang karakter na si Kenkoy ang bida sa seryeng ito, isang nakatutuwang batang
Pilipino na naging representasyon ng mga kabataang may kolonyal na kaisipan noong
1930s.

Nilikha ni Tony Velasquez ang unang magkakasunod na mga guhit pang-komiks, ang Mga
Kabalbalan ni Kenkoy sa magasing Liwayway noong 1928, na naging isang maimpluhong akda.

Noong 1946, lumabas ang unang regular na nailalathalang magasin ng komiks, ang Halakhak
Komiks. Tumagal lamang ang Halakhak ng sampung edisyon dahil sa kakulangan ng maayos na
distribusyon. Hindi tuluyang namatay ang industriya ng komiks dahil noong 1947, lumabas ang
Pilipino Komiks, sa ilalim ng pamamahala ni Tony Velasquez. Ito ay nagbukas ng daan para sa iba
pang magasin ng komiks na mailathala.
Noong 1947, inilunsad niya ang Pilipino Komiks, ang aklat na may kuwento at mga larawang nagpanimula
sa industriya ng komiks sa Pilipinas

Pagkatapos nito ay sunod-sunod na lumabas ang mga naging sikat na komiks tulad ng Tagalog
Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950. Ang unang komiks ng Silangan ay lumabas
noong March 15, 1950 sa ilalim ng pamamahala ng editor na si Ben Cabailo, Jr.. Ipinagmalaki nito ang
mga pinakabata at magagaling na dibuhista ng panahong iyon: Nestor Redondo, Alfredo Alcala,
Nolasco "Noly" Panaligan, Elpidio Torres, at Antonio de Zuniga. Isa sa mga sumikat na kuwento mula
sa Silangan ay ang "Prinsipe Ahmad, Anak ni Aladdin", na likha ni Alfredo P. Alcala.

Hunyo 14, 1947 Nobyembre 15, 1946

Ang Pilipino Komiks ay ang unang komiks na inilimbag ng Ace Publication na itinatag ni
Don Ramon Roces. Si Tony Velasquez ang nagbigay ng tugmang pangalan nito at naging unang
patnugot. Sa unang labas, naglimbag ang Ace ng 10,000 kopya, na sa halagang 25 sentimos, ay kaagad
naubos sa pamilihan.

Naging lubhang matagumpay ang Pilipino Komiks, at mula rito nasundan pa ito ng mga ibang babasahin:
Tagalog Klasiks (Hulyo 16, 1949), Hiwaga Komiks (Oktubre 11, 1950), Espesyal Komiks
(Oktubre 20, 1952), at humigit-kumulang 20 iba pa. Dahil dito naging pinakamalaking publishing company
ng babasahing pangmasa ang ACE sa Pilipinas nang panahong yaon. Mula sa panahon ng pamamayagpag
ng mga unang komiks hanggang sa mailipat na ang pagmamay-ari nito sa Atlas Publications sa huling
bahagi ng 1970s ay itinuturing na “Ginintuang Panahon ng Komiks sa Pilipinas.”
1949 1950 1952
Ilang linggo matapos ilabas ang unang komiks ng Silangan, inilathala ang Aksiyon Komiks ng
Arcade Publications. Naging editor nito si Eriberto Tablan, at sina Alfredo Alcala at Virgilio
Redondo ang mga punong ilustrador. Sumunod sa mga ito ang Bituin Komiks (April 1950),
Bulaklak Komiks (August 1950), Pantastik Komiks (October 1950) Hiwaga Komiks (1950), Espesyal
Komiks (1952), Manila Klasiks (1952), at Extra Komiks (1953). Dito nagsimula ang isa sa
pinakamalaking industriya ng komiks sa buong mundo, kaya noong kalgitnaan ng 1950s, hindi man
opisyal ay itinuring ang komiks bilang pambansang libro ng mga Pilipino. Mayroong dalawampu o
mahigit pang titulo ng komiks sa mga tindahan ang mabibili.
Lumawak pa ang mga ginamit na anyo sa paggawa ng komiks. Noong 1950s, kumuha ng
inspirasyon ang komiks mula sa ibang anyo ng literatura tulad ng komedya, alamat, mga paniniwala at
maging sa mitolohiyang Pilipino. Ang mga naunang komiks na Tagalog ay mayaman sa mga
kwentong patungkol sa aswang, kapre, nuno sa punso, tikbalang at iba pang mga karakter na mga
sinaunang paniniwala ng mga Pilipino.
Ang ilang komiks ay hinango ang mga ideya ng karakter sa mga komiks ng Amerika, tulad ng
Kulafu at Og (Tarzan), Darna (Wonder Woman o Superman), at D.I. Trece (Dick Tracy).

Taong 1970 “Ginintuang Panahon ng Komiks”. Sa panahong ito umabot sa 500


pamagat ng mga komiks ang nailathala. Dumami din ang mga kilalang taong manlilikha sa larangan
ng komiks. Kinilalalat ginamit ang komiks sa pag- iindurso ng mga produkto. Maging sa pulitika ay
nagamit din ng mga kandidatong tumatakbo sa eleksyon ang mga komiks bilang panghikayat sa
masa at ang pangyayaring ito ay hindi nabigyang pansin sa ating kasaysayan.

Sa panahon ng Martial Law, ipinatanggal ang ilan sa mga nilalaman ng komiks. Ipinag-utos din
ang paggamit ng murang papel para sa komiks. Naapektuhan nito ang itsura at kalidad ng komiks,
kaya naman bumaba ang benta ng mga ito sa pagpasok ng dekada 80's.

Nagresulta ito sa pag-alis ng mga ilustrador ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa parehong
industriya sa Amerika. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño, Tony de Zuniga,
Rudy Nebres, at Nestor Redondo.

Pagkatapos ng Martial law, muling namuhunan ang industriya ng komiks sa mga makabagong
mambabasa. Drama ang naging usong tema sa komiks, sa pagpapasikat ng mga manunulat na sina
Pablo S. Gomez, Elena Patron, at Nerissa Cabral.

Dekada otsenta, nauso naman ang mga Komiks na tulad ng Love Story, Love Song, Love
Letter, Theme Song at iba pa na nagpokus sa mga Kuwentong Pag-ibig.

Taong 1986 “Komiks bilang Pambansang Babasahin. Ayon sa isang sarbey na


isinagawa, lumabas na tinangkilik ng mga Pilipino noon ang Komiks dahil sa umano’y madali itong
maunawaan at ayon pa sa pahayag ng mga taong kinapanayam ay:
“hindi nakasasakit ng ulo basahin”, “Madadala
mo kahit saan” “Nakapagpapaantok”
“magaganda ang kwento”
“Magaganda at nakakaaliw ang mga drawing” “murang
bilhin”
Naingganyo ang mga mambabasa ng komiks sa kadahilanang ang mga usapan ay
sumasalamin lamang sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. May mga salitang balbal tulad ng
“datung” o pera, “bebot” o babae, “datan” o matandang babae o lalaki, “repa” o kaibigan at iba pa.
Ang mga bulgar na salita ay piling-pili naisulat sa mga usapan lalung-lao na ang mga mura sa
sadyang tinutulang gamitin ngunit may ilang mga malalaswang komiks o ang mga fly-by-night
publication tulad ng Bomba Komiks. Tiangkilik din ang komiks ng masang Pilipinong di kayang
makapanood sa mga tanghalan, pelikula at vaudeville.
Ang Pagbagsak ng Komiks. Taong 1990 ng magsimulang humina at bumagsak ang
komiks. Ang pagkahilig ng mga Pilipino sa Komiks ay napalitan ng mga Video Games, Karaoke,
Text Messaging at iba pang mga Electronic Media na mapaglilibangan. Dahil dito ang mga
gumagawa ng komiks ay bumaba ang kinkita. Magagaling ang mga Pilipino sa larangan ng sining
lalo na sa komiks kaya’t kinuha o inalok sila ng mga Amerikano ng mas malalaking
mapagkakakitaan sa Amerika. Dahil sa paglitaw ng iba’t ibang propesyon ang mga manlilikha ng
komiks ay naagaw ng mga propesyong ito. Dahil dito nawala ang interes ng mga editor, publisher at
iba pang manlilikha ng komiks kung kaya’t napunta sila sa ibang propesyon. Ayon kay Joe Lad
Santos, kung unang pinilay ang source (manunulat
/ manlilikha) babagsak talaga ang isang laranangan na parang domino effect at hindi papatayin ng e-
media ang komiks kung may mga manunulat pa. Publisidad pa itong maituturing sa larangan ng
komiks ang maisa-tebisyon.

Maraming gumagawa ng komiks ang nagtipid sa produksyon, binawasan ang suweldo ng mga
manunulat at dibuhista, gumamit ng murang papel at dinamihan ang mga pahinang nakatuon sa
showbiz kaysa komiks. Dahil sa baba ng suweldo, ang mga manggawa sa industriya ng komiks ay
nawalan na ng gana sa paggawa ng mga lumang kuwento at ang guhit ng mga ilustrador ay
pangkaraniwan na lamang. Samakatuwid, hindi na nito nasasalamin ang mayamang tradisyon ng
komiks na nasimulan noon.
Sa taong 2005, wala nang kahit anong kumpanya o malaking tagalimbag ng komiks sa Pilipinas.
Ang mga naiwan ay mga maliliit na lamang na naglalathala ng sariling titulo ng komiks.
Sa kasalukuyan ay marami pa rin ang nagnanasang buhayin ang industriya sa bansa. Isa na rito si
Carlo J. Caparas. Noong taong 2007, tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks
sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t bang bahagi ng bansa.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi
maging sa ibang bansa. World-class nga naman kasi ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng
komiks.
Kinilala ang galing at husay ng mga Pilipino sa larangan ng sining at malilikhaing pagsulat sa
lokal man at internasyonal na komunidad . Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas
ng Pilipinas sina Gerry Alaguilan, Whilce Portacio, PhilipTan Alfredo Alcantara at marami pang
iba.
Kamakailan lamang, inilunsad ng ABS-CBN ang seryeng KOMIKS sa telebisyon na
nagpapalabas ng mga klasikong kuwento ng komiks na ginagawang maiiksing teleserye. Tinapatan
naman ito ng GMA 7 sa pagpapalabas ng mga sumikat na karater ng komiks tulad nina Darna at
Captain Barbell. Maging sa Internet ay inilalabas na rin ang mga komiks na gawang-Pinoy. Sa
pamamagitan ng telebisyon at Internet, mas malawak na madla ang maabot ng muling pagbangon ng
komiks.

MGA TANYAG NA KOMIKS

DARNA
• Si DARNA ay isang kathang-isip na tauhan ng Pinoy Komiks na
nilikha at binigyang buhay ng batikang Pilipinong Manunulat na si
Mars Ravelo noong dekada 50s. Isang tunay na Super Pinoy Hero na
lubos na kinasabikan, pinuri, kinaluguran at pinanabikan ng
sambayang Pilipino dahil sa taglay niyang lakas, ganda at karisma sa
madla.
• Sinulat ni Mars Ravelo at iginuhit ni Nestor Redondo.
Inilathala sa Pilipino Komiks noong 1950. Isinapelikula noong 1951 at sa unang ganap ay si Rosa
del Rosario ang gumanap bilang unang Darna. Mula naman sa direksyon ni Fernando Poe, Sr.
MGA GUMANAP SA DARNA
1. Rosario del Rosario(1951-1952)
2. Liza Moreno (1963)
3. Eva montes (1965-1966)
4. Gina Pareno (1969)
5. Vilma Santos (1973-1979)
6. Dolphy (1978)
7. Rio Locsin (1980)
8. Lorna Tolentino (1981)
9. Nanette Medved (1991)
10. Anjanette Abayari (1993)
11. Angel locsin (2005)
12. Marian Rivera (2009)
DYESEBEL
Si Dyesebel ay isang sirena sa nobelang komiks na nilikha ni Mars Ravelo noong dekada
'50.
• Isinulat ni Mars Ravelo at iginuhit ni Elpidio Torres.
• Inilathala bilang serye sa Pilipino Komiks noong 1953.
• Isinapelikula ng Premiere Productions noong 1953.
• Ang mga gumanap: Edna Luna bilang Dyesebel at Jaime dela Rosa bilang Fredo

CAPTAIN BARBELL

Ang Captain Barbell ay isang kathang-isip na tauhan na may pambihirang


lakas at kakayahang lumipad mula sa komiks na nilikha ni Mars Ravelo noong
dekada 50s. Isang batang nagngangalang Teng-teng ay nagbabagong-anyo
bilang si Captain Barbell kapag binuhat niya ang isang ginintuang barbell
na bigayng isang BahagingermIist anygokaatraskintearsanma
mitaayngkamkagyaamhanhgiwpaaghaanbgaisnalita. ang mga bahagi ng kanyang katawan.

Gumanap sa Lastikman sina Vic Sotto, Mark Bautista at VhongNavarro.

TINY TONY
 Ginanapan ito ni John Prats. (2009)

DRAGONA – Ginanapan ni Shaina Magdayao (December 13, 2008 - February 7, 2009)

FLASH BOMBA – Ginanapan ito ni Luis Monzano (April 2009) Publisher: Klasiks Magazine

BONDYING – Isang matandang tao na nagpak atao bilang isang bata. Sinulat ni
Mars Ravelo at iginuhit ni Elpidio Torres. Inilathala bilang seryeng komiks sa
Pilipino Komiks noong 1952. Isinapelikula noong taong ding iyon at si Fred
Montilla ang gumanap sa papel na Bondying.
JACK AND JILL – Sinulat ni Mars Ravelo at iginuhit naman ni Elpidio Torres. Inilathala bilang komiks
serye sa Tagalog Klasiks noong 1953. Isinapelikula at ang mga gumanap ay si Dolphy bilang Jack, at Lolita
Rodriguez bilang Jill.

MGA BAHAGI NG KOMIKS

MGA SIKAT NA MANUNULAT SA KOMIKS

JOE LAD SANTOS


Komiks Writer/Novelist

Nagsulat muna ng tula at sanaysay sa Taliba, Liwayway, Mabuhay,


Pilipino Free Press at Tagumpay si Joe Lad Santos bago bumaling sa
komiks nang maging associate editor siya ng Kislap Magazine, na
inilalathala ng Graphic Arts Service Inc. Nang umangat siya sa editorial position ng
naturang publication, nahirang siyang mamatnugot ng Pinoy at Silangan Klasiks. Noong 1981 ibinigay
sa kanya ang pagiging Editor in Chief ng mga komiks ng GASI. Hindi lang sa GASI, maging sa
Counterpoint Publication ay hinawakan din niya ang ganitong posisyon nang lumipat siya sa naturang
publication na hinawakan niya noong 90's bilang manunulat sa komiks, siya ang kauna-unahang
komiks writer na nagwagi ng Catholic Mass Media Award (CMMA) noong 1979. Naging unang
pangulo rin siya ng Komiks Operation Brotherhood (KOMOPEB) at dalawang beses na nahalal bilang
pangulo ng FAMAS.
Ang ilan sa mga nobelang sinulat ni Joe Lad ay ang “Ina” at “Aram” na lumabas sa Aliwan Komiks
noong 1982-83.

LOPE K. SANTOS

 (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na


manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang
kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon
 Noong 1907, inilathala ang "Lipang Kalabaw", isang
magasin na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Lope K. Santos.
Ang magasin na ito ay nasa wikang Tagalog, at nagtataglay
ng mga satirikong cartoons na patungkol sa mga
Amerikanong opisyal. Ang paglalathala ng magasin na ito
ay natigil din noong 1909.
MARS RAVELO

 October 19,1916 – September 8, 1988


 Si Marcial o mas kilala sa tawag na “Mars Ravelo”.
 Tatlumput tatlong taong gulang na nang magsimulang
umentra sa komiks.
 Isinilang ang karakter na “Roberta” na naging instant
hit hindi lamang sa komiks kung hindi maging ng ito
ay maisalin na sa pelikula.

• Noong 1984, si Mars Ravelo ay ginawaran ng Life Achievement Award ng


KOMOPEB dahil sa kanyang katangi-tanging ambag sa komiks industry.

Tony Velasquez ay isang artistang tagaguhit ng komiks


sa Pilipinas. Siya ang itinuturing na "Ama ng Pilipinong
Komiks" o "Ama ng Komiks sa Pilipinas

CARLO J. CAPARAS
• Taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa
sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang
bahagi ng Pilipinas.

You might also like