You are on page 1of 3

Kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas

Ang komiks ay isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng kuwento, buhay ng tao o
pangyayari. Ang salitang komiks ay hango sa salitang ingles na "comics" at isinulat lamang na may
titik "k" alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, naglipana at
naging popular ito sa buong bansa, dahilan upang maging isa ang Pilipinas sa mga pinakamalalaking
tagalimbag ng komiks sa buong mundo. Pero sa mga nagdaang dekada, bumababa ang popularidad
ng komiks dahil sa iba't ibang salik, kabilang na rito ang iba pang anyo ng mass-media tulad ng
telebisyon at Internet
Kasaysayan: Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng
komiks. Noong 1884 inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na
"Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya.
Mula 1896 hanggang 1898, habang ang Pilipinas ay dumadaan sa yugto ng rebolusyon,
ilang magasin ang lumabas sa Maynila na may nakaimprentang cartoons. Dalawa sa mga ito ay ang
"Miao" at "Te Con Leche". Sa pagkatalo ng Pilipinas sa digmaan, maraming Pilipino na kontra sa
pamamahala ng Amerikano ang lumipat sa malalayang pamamahayag. Ang mga nasyonalista ay
binitawan ang kanilang rebolusyonaryong pamamaraan upang lumathala ng ilang babasahing satiriko
upang batikusin ang mga kolonyalista. Karamihan sa mga magasing ito ay nakalathala lamang
sa Tagalog at Espanyol, ang dalawang wikang hindi naiintidihan ng mga Amerikano. Noong 1907,
inilathala ang "Lipang Kalabaw", isang magasin na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Lope K. Santos.
Ang magasin na ito ay nasa wikang Tagalog, at nagtataglay ng mga satirikong cartoons na patungkol
sa mga Amerikanong opisyal. Ang paglalathala ng magasin na ito ay natigil din noong 1909.
Ang mga unang serye ng Filipino komiks ay lumabas sa simula ng 1920 bilang page filler sa mga
magasing Tagalog. Dalawa sa mga magasing ito ay ang "Telembang" at ang muling binuhay na
"Lipang Kalabaw", na nagtataglay ng mga satirikong cartoons na laban sa mga Amerikano at mga
pederalista. Ang dalawang komiks na ito ay maaaring ituring na nagpasimula sa mga komiks
sa Pilipinas.
Dalawang komiks sa mga magasin na ito ang naging popular sa mga Pilipino noong mga panahong
iyon: ang "Kiko at Angge" sa Telembang, at ang "Ganito Pala sa Maynila" sa bagong Lipang Kalabaw.
Noong 1923, isinilang ang Tagalog magasin na Liwayway. Sa simula ay hindi pa ito nagtataglay ng
mga serye ng komiks, pero pagdating ng 1929, inilathala kasama ng magasin ang "Album ng Mga
Kabalbalan ni Kenkoy" bilang isang filler sa entertainment section nito. Ang karakter na si Kenkoy ang
bida sa seryeng ito, isang nakatutuwang batang Pilipino na naging representasyon ng mga
kabataang may pagiisip na kolonyal noong 1930s.

Mga Larawan

Komiks
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang
salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba[1] ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang
katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan
ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.

Tony Velasquez
i Tony S. Velasquez[1] (namatay: 1997) ay isang artistang tagaguhit ng komiks sa Pilipinas. Siya ang
itinuturing na "Ama ng Pilipinong Komiks" o "Ama ng Komiks sa Pilipinas," sapagkat siya ang
nagpanimula at nagpaunlad ng sining ng mga serye ng mga larawang-guhit sa bansa. [1]
Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]
Ipinanganak si Tony Velasquez sa Paco, Maynila. Sumakabilang-buhay siya noong taong 1997.[1]
Larangan[baguhin | baguhin ang batayan]
Nilikha ni Velasquez ang unang magkakasunod na mga guhit pang-komiks, ang Mga Kabalbalan ni
Kenkoy sa magasing Liwayway[2] noong 1928, na naging isang maimpluhong akda. Noong 1947,
inilunsad niya ang Pilipino Komiks, ang aklat na may kuwento at mga larawang nagpanimula sa
industriya ng komiks sa Pilipinas. Sa ilalim ng pamamahala ng Ace Publications, inilunsad rin niya
ang mga komiks na Tagalog Klasiks, Hiwaga Komiks, at Espesyal Komiks. Noong 1962, itinatag
naman niya ang Graphic Arts Service, Inc.(GASI) na naglathala ng Pinoy Komiks, Pinoy
Klasiks, Aliwan Komiks, Holiday Komiks, Teens Weekly Komiks, at Pioneer Komiks.[1]
Kabilang sa mga inakdaan niyang mga guhit-larawan, na umaabot sa may 300 bilang,
ang Kenkoy, Tsikiting Gubat, Talakitok, Talimusak, at Ponyang Halobaybay.[1]
Mga gawa[baguhin | baguhin ang batayan]
Ilang sa kaniyang mga akdang-guhit ang mga sumusunod: [1]

Baby Blue Seal

Kenkoy

Kikong Kang Kong

Lupang Ginto

Nanong Pandak

Ponyang

Si Kenkoy at ang Kanyang Bionic Kid

Si Kenkoy at si Rosing

You might also like