You are on page 1of 21

Aralin 1: PAGPAPAKILALA SA PAMAHAYAGAN

Ano ang katuturan ng pamahayagan?

Sa mahigpitang pagbibigay-katuturan, ayon sa makabagong pamahayagan, ito'y isang uri ng hanapbuhay na ang
gawain ay magpalimbag ng mga pahayagan at magasin; halos ganito rin ang katuturang ibinigay ng diksiyunaryong
Webster sa pagsasabing ito'y isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay magsulat ng mga bagay na maipalilimbag sa
mga pahayagan at iba pang mga peryodiko. Sa maluwagang pagbibigay-katuturan ay isinasama rito ang gawaing
panradyo at pantelebisyon, bagama't sinasabing ang pahayagan, una sa lahat, ay tagapagpalaganap ng balita at kurukuro
at hindi libangan o aliwan na siyang pangunahing tungkulin ng television at radio. Ang ganitong maluwag na pagbibigay-
katuturan ay sinusuportahan ng bagong diksiyunaryong Webster sa pagsasabing ang pamahayagan ay isang gawaing
pangangalap ng impormasyon, pagsusulat, pag-eedit at paglilimbag o pangangalat ng mga balita, maaaring sa
pamamagitan ng mga pahayagan at magasin o kaya'y sa pamamagitan ng radyo at television.

Mabubuo rito batay sa katuturang nabanggit na ang pamahayagan ay isang uri ng gawaing kinapapalooban ng
mga pahayagan, magasin, polyeto, aklat, atb., at (2) pagbabalita sa radio at/o televisyon, na tumatalakay hinggil sa mga
bagay na bukod sa nakalilibang sa madla ay nagsasaad pa ng mga pangyayaring tunay na nagaganap di lamang sa sariling
pook o bansa kundi gayon din sa buong daigdig.

Sa paaralan naman, ang pamahayagan ay sinasabing iyong kawili-wiling gawaing pampaararan hindi lamang ng
mga kasapi sa patnugutan ng paaralan kundi gayon din ng mga mag-aaral nito (1) tungkol sa pangangalap, pagbubuo at
pagsusulat ng mga balita, editorial, kartun, kolumna/pitak, lathalain, mga akdang pampanitikan; (2) tungkol sa
pagwawasto ng mga sipi, pag-aanyo, pagsulat ng ulo ng mga balita, ang lahat ay sa hangaring makapaglabas ng isang
pahayagang pampaaralan. at (3) tungkol sa pagsulat ng iskript at pagsasahimpapawid nito sa radio at television.

Saklaw ng Pamahayagan

Sumasaklaw ang pamahayagan sa tatlong gawaing gaya ng sumusunod: una, paggsulat, tulad ng pagsulat ng mga
pahayagan, magasin, at iba pa, ikalawa,paggsasalita na karaniwang nagaganap sa radyo sa pamamagitan ng pagbabaiita
at pamumuna o pagbibigay ng komentaryo, at ikatlo, pampaningin, pagbabalita sa television, ng mga on-the-spot-
telecast- na pagbabalita, komentaryo, paanunsiyo, at iba pa.

Mga Layunin ng Pahayagang Pampaaralan

Mahalagang makapagpalabas ng isang pahayagan sa Filipino ang matataas na paaralan sa buong bansa, maging
ang paaralang ito'y pampubliko o pamprivado. Ang totoo, lalong magaling kung masisimulan na ito sa mababang
paaralan, mula man lamang sa ikalimang baitang. Sa ganitong paraan, magkakaroon na ang mga bata ng kaunting
kaalaman at karanasan sa mga gawain sa pagpapalimbag ng pahayagan, at masisimulan nang makilala ang mga batang
may talento sa ganitong gawain. Gayon pa man, kailangang ang pag-aaral na ito ng pamahayagan ay magkaroon ng
matibay at makabuluhang layuning may kinalaman sa kapakanan ng mga mag-aaral, ng paaralan at ng pamayanan.
Narito ang pinagtibay na layunin ng pahayagang pampaaralan:

A. Tulong sa Mag-aaral

1. Nasasanay ang mga mag•aaral sa makabuluhan at nakawiwiling panunulat.

2. Masiglang nagkakaroon ang mga mag-aaral ng hilig, panlasa at lugod sa pagbabasa.

3. Lumilinang ng kakayahan ng mag-aaral sa pagmamasid at sa wastong pagpapahalaga sa mga babasahin.


4. Napasisigla sila sa lalong maningning at mabungang pag-aaral.

5. Nasasanay sila hindi lamang sa pag-akda at panunulat kundi gayundin sa pamamahala, pagtuturo at
paghahanapbuhay, pati na rin sa magandang pakikitungo sa kapwa, pagsusuri sa kasiningan at kaaghaman ng
mga bagay.

6. Natuturuan sila ng wastong pagbasa ng mga pahayagan at ng mga aklat.

7. Naglilinang sa kanila ng mataas na pamantayan ng pagtutulungan, katapatang-loob, pagpapaumanhin,


pagkamaginoo, pananagutan, pagkukusa, pamumuno at pagpapasunod.

8. Nabibigyan sila ng pagkakataong makasulat ng iskript at makapagbrodkast nito sa radyo at/o televisyon.

B. Tulong sa Paaralan

1. Naipapaalam sa mga magulang o sa bayan ang gawain ng paaralan.

2. Naglalathala ang lahat ng uri ng balitang pampaaralan.

3. Naglalathala ang mga kurukuro ng mga mag-aaral, guro, kawani o administrador ng paaralan.

4. Nag-uukol ng kolumna/pitak ng mga mungkahi ng mga mag-aaral at ng kanilang mga magulang sa lalong
ikabubuti ng paaralan.

5. Nagtataguyod ng pagkakaisa ng mga pinuno ng paaralan, guro, magulang at mag-aaral.

6. Tumulong sa paglinang ng mabuting pamantayan ng pag-uugali ng mga kabataang mag-aaral.

7. Nagbibigay-daan sa pagkakaisa ng buong paaralan.

8. Nagpapasigla at nagbubunsod ng mga gawaing kapaki-pakinabang.

9. Tumatangkilik sa pakikipag-unawaan at pakikipag-tulungan sa ibang paaralan.

10. Nag-aalaga at nagpapasigla sa diwang pampaaralan gaya ng paglikha ng matangkilik na pagibig sa tinubuang
lupa.

11. Nagpapahayag at nagpapalaganap ng diwa ng idealismo na higit kaysa materyalismo.

12. Lumilikha ng magaang na pagtutulungan ng mga magulang, paaralan at pamayanan.

C. Tulong sa Pamayanan

1. Nagpapabatid sa pamayanan ng tungkol sa gawain ng paaralan.

2. Naglalathala ng mga balitang pampamayanan

3. Nakakalikha ng paraan sa ikapagkakaisa ng pamayanan at paaralan.

4. Nagpapaunlad ng pagkakaunawaan ng pamayanan at paaralan.

5. Nagpapaunlad ng diwang makapamayanan. 6. Nagpapasigla ng mahahalagang gawain ng pamayanan.

Mga Bahagi ng Pahayagan


Ang pahayagan ay karaniwan nang nahahati-hati sa iba't ibang bahagi. Ang dami ng bahagi ay kalimitang
nasasalalay sa laki at dami ng pahina ng pahayagan. Laging kakaunti ang mga bahagi ng maliliit na pahayagan, na
nakikilala sa tawag na tabloid sapagka't sa kaliitan nga'y halos wala ng lugar na masisingitan ng iba pang bahagi. Sa
kabilang dako, ang broadsheet, na bukod sa malaki ay malawak pa ang saklaw ng sirkulasyon ng hindi lamang pambansa,
kundi pang-internasyonal pa, ay napakarami nang bahagi sa boob, marami pang mga kasamang suplementong bahagi.

Paghambingin natin ang dalawang pahayagan, ang broadsheet na Philippine Star at ang tabloid na Filipino Star,
makikita natin ang mga pangunahing bahagi ng una na wala bilang pangunahing bahagi ng huli.

Mga Bahagi Phil. Star Fil. Star


1. Pahina ng balita X X
2. Pahinang pang-editoryal X X
a. folio X X
b. flag X X
c. kuwadro ng patnugutan X X
d. karikatura X X
e. liham sa editor X X
f. tudling X X
g. editorial liner X X
3. Pahina ng opinion X X
4. Pahinang pampalakasan X X
a. folio X 0
b. larawan X 0
c. sariling balita X 0
d. sariling lathalain X X
e. sariling tudling X X
f. sariling editorial X X
5. Pahinang panlathalain X 0
a. tudling ng pangunahing X 0
lathalain
b. natatanging lathalain X X
c. lathalaing pampanitikan X 0
d. mga larawan X X
6. Pahina ng edukasyon at tahanan X 0
7. Seksiyong panlipunan X 0
8. Seksiyon ng mga balitang local X X
9. Seksiyon ng mga balitang banyaga X 0
10. Pahina ng patnubay sa sine, X 0
television at radio
11. Pahina ng balitang Pambansa X X
12. Seksiyon ng Pagsasaka X X
13. Seksiyon ng patnubay sa 0 0
sasakyang dagat
14. Seksiyon ng anunsiyong X 0
itinatanghal
15. Seksiyon ng anunsiyong X X
klasifikado
16. Pahina ng Komiks X 0
17. Seksiyon ng Fashion & Beauty X 0
18. Seksiyong pangnegosyo X 0
19. Pahinang libangan X X
20. Bahagi ng pahinang pangmukha
a. Pangalan ng pahayagan X X
b. Tainga X X
c. Bandera X X
d. Ulo ng karaniwang balita X X
e. Tudling/Kolumna X 0
f. Lupi X 0
g. May-ulat X X
h. Larawan X X
i. Kuwadro X X
j. Paliwanag ng larawan X X
k. Pamagat ng paliwanag ng X 0
larawan
l. Kicker X 0
m. Dateline 0 0
n. Credit line X 0
o. Deck X X

Aralin 2: ANG PAMAHAYAGAN SA PILIPINAS

Unang Anyo ng Unang Pahayagan

Nagsimula sa Sucesos Felic ni Tjomas Pinpin ang kasaysayan ng pamahayagan sa Pilipinas. Bagama't sinasabing
hindi ito maituturing na isang ganap na pahayagan sapagkat isa lamang pahayagang paliham, hindi maitatatwang ito na
ang una—wala nang iba ang pahayagang natala sa mga kasulatan na lumabas noon 1637 maliban dito.

Inilathala ito ni Tomas Pinpin, ang manlilimbag na Pilipino; gayon man, walang nabanggit na tiyak na petsa ng
pagkalathala at kung gaano kalimit ang paglalabas niyon. Anupa't kinikilala itong unang pahayagang una pa nang may
kalahating dantaon sa kinikilalang kauna-unahang pahayagan ng Amerika. na Publick Occurences Both Forreigh and
Domestick ni Benjamin Harris. Ang Sucesos ni Pinpin ay nabibilang sa mga hojas volantes (polyeto) na umiral hanggang
noong 1809. Ang isa pa sa mga sinasabing "hojas volantes" na may pamagat na Al Publico(sa publiko) ay lumitaw noong
Pebrero 27, 1799. Sinasabing ang sukat nito ay tulad sa isang malaking kuwaderno at naglalaman ng balita tungkol sa
mga kampanya laban sa mga Moslem at ang pagkabihag sa mga pirata sa Sulu ng hukbong Kastila sa pangunguna ni Jose
Gomez, puno ng sangay militar sa Cavite.

Unang Pahayagang Lumabas nang Palagian

Lumabas ang unang sipi ng pahayagang Del Superior Gobierno noong Agusto 8, 1811. Ayon sa mananalaysay, ito
ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas na lumabas nang palagian. Pinamatnugutan ito ni Governador-Heneral
Manuel Fernandez de Folgueras. Dahil sa kahigpitan ng mga Kastila hinggil sa mga lathalaing nakasisira sa kanila, umiral
lamang ang pahayagang ito sa maikling panahon. Matapos ang labinlimang labas, ang nasabing publikasyon ay kusa nang
namatay. Dahil sa binubuo ang Lupong Tagasuri noong 1855 ng walong kagawad apat ang hinirang ng Governador-
Heneral at apat ang hinirang ng arsobispo, kaya halos lahat ng pahayagang nalimbag sa Pilipinas noong magtatapos ang
ika-19 na dantaon, kung hindi may himig pulitika ay may himig relihiyon.

Kung ang pahayagang Del Superior Govierno ay kinikilalang unang pahayagang lumabas nang regular: ang La
Esperanza naman na pinamamatnugutan nina Felipe Lacorte at Evaristo Calderon ang kinikilalang unang pahayagang
pang-araw-araw. Lumabas ito noong Disyembre 1, 1846. Malaking bahagi ng mga napapalimbag dito ay nauukol sa mga
talakayang pamfilosopya, panrelihiyon, at pangkasaysayan; ang dahilan ay upang maiwasan ang mahigpit na sensura.
Tatlong taon ang itinagal ng nasabing pahayagan. Bagama't masasabing di-lubhang naging kapaki-pakinabang ang La
Esperanza sa tunay na larangan ng pamahayagan, iyon naman ay siyang naghawan ng landas para sa mga pang-araw-
araw na pahayagan, sapagkat di nalaon ay inilathala na ang mga pahayagan nang araw-araw, sa halip nang lingguhan o
buwanan.

Ang pamahayagan sa Pilipinas ay masasabing sumapit sa mataas na katayuan sa paglitaw noong 1848 ng Diario
de Manila ni Felipe del Pan. Patuloy itong lumalabas sa loob nang apat na tao, tumigil lamang upang magbigay-daan sa
isang buliting ofilyal. Nkunit muling inilathala hanggang 1899, nang maging maligalig na ang katayuan ng Pilipinas. Nang
dakong 1895, ang Diario de Manila ay nagpadala ng sariling kabalitaan (correspondent) sa Espanya, at minsan ay
gumugol ng may P3,000.00 para sa pagtataguyod nito, sapagkat may karibal na pahayagan - ang pang-araw-araw na El
Comercio na pinamahalaan ni Ulpiano Fernandez.

Ang iba pang pahayagang nakipagpaligsahan sa larangan ng pamahayagan ay ang La Oceania Espanola, Diario de
Filipinos, Correo de Manila, El Porvenir Filipino, Revista Morcantil, Diario de Avisos, El Catolico, Revista Mercantil, El
Catolico Filipino. Gayon pa man, sa kahirapan ng pagpapalimbag dahil sa kagipitang bunga ng Himagsikan, karamihan sa
mga pahayagang ito ay tumigil na ng publikasyon.

Panahon ng Pagbabago

Sina Julian de Poso at Jesus Polanco ‘ang nagsimula ng pamahayagang may kulay pulitika. Inilathala nila ang La
Opinton, ang unang pahayagang tandisang sumalungat sa mga prayle at minsan ay humiling ng pagpapaalis sa mga
relihiyoso, kabilang na ang Arsobispo. Si Pablo Pacea, na isang manunulat na Kastila, ay sumulat sa sagisag na
"Quiaoquiap" ay kabilang sa patnugutan nito at ilan sa kanyang mga artikulo ang nagpasiklab ng galit ni Rizal at mga
kasamahang Pilipino.

Noong 1882, samantalang mahigpit na nangangampanya laban sa mga dayuhan, itinatag ni Marcelo H. del Pilar
ang pahayagang Diariong Tagalog. Inilathala niya rito ang tungkol sa pag-ibig sa bayan at ang masamang kalalagayan ng
bansa. Subalit hindi nagtagal ang pahayagang ito.

Ang unang Pilipinong pumasok sa larangan ng pamhayagan ay si Pascual Poblete na kasama ni Baldomero
Hazanas, isang Kastila. Sila ang nagtatag n El Resumen noong Hulyo 1, 1890. Naging popular ang peryodiko sapagkat ito'y
ginagawang makatugon sa katutubong damdaming Pilipino.

Kaalinsabay ng paglitaw ng pahayagang pang-araw-araw, ang mga nasa larangan naman ng panitikan ay
gumagawa ng eksperimento sa lingguhang satiriko. Sa pamamagitan ng verso o karikatura ay ginagawa nilang
katatawanan ang mga taong nasa pamayanan. Kabilang sa mga lingguhang ito ang La Semana Elegante, Manila Alegre,
Manililla, El Caneco, El Domingo. May iba pang may publikasyong nauukol sa agham, komersiyo at mga propesyon.

Samantala, ang kalagayang pampulitika sa Pilipinas ay patuloy sa paglubha. Sa pagkakaroon ng edukasyon ng


Pilipino sa Espanya at sa iba pang lungsod sa Europa, unti-unting sumidhi ang damdamin ng mga ito laban sa
pamamahala ng Kastila sa Pilipinas. At nagkaroon ng pagkakataong maipahayag sa mga pahayagang inilalabas ng mga
bayaning Pilipino ang kanilang paghihimagsik.

Ang pinakabantog ay ang La Solidaridad. Ang pahayagan ng mga Pilipino sa Espanya. Unang editor niyon si
Graciano Lopez Jaena, at pagkatapos ay si Marcelo H. del Pilar. Inilathala ng La Solidaridad ang mga artikulo nina Rizal,
Del Pilar, Jaena, Mariano Ponce at iba pang Pilipino. Ngunit ang pahayagang ito'y nasusulat sa Kastila at para lamang sa
mga intelektuwal.
Hindi sinasadya, ito ang nagpunla ng binhi ng himagsikan nang batikusin nito ang pagmamalabis ng pamahalaan,
nang humingi ito ng pagbabago, nang itaguyod nito ang himagsikan, ang marangal na pagmamahal sa sariling bayan, at
nang salungatin nito ang pananakop ng mga Amerikano. At sinundan pa ito ng ibang pahayagang may ganito ring uri.

Ang kailangan nang mga panahong yaon ay isang pahayagang nasa katutubong wika, kaya si Bonifacio at ang
kanyang pangkat ng Katipunero ay palihim na naglabas ng isang pahayagan—ang Kalayaan. Gayon pa man, isa lamang
labas ito, na ang editor ay Emilio Jacinto: Kasama siya (Jacinto) ni Bonifacio at Dr. Pio Valenzuela sa pagtatatag nito. Ang
tangi at unang labas na ito ang nagpasiklab ng damdamin ng bayan. Ang ikalawang labas ay di naituloy dahil sa
pagkatuklas sa Katipunan ni Bonifacio.

Mabilis na kumalat ang silakbo ng himagsikan at may maliit na pahayagang inilathala upang lalong pag-alabin
ang damdamin ng paghihimagsik. Kabilang dito ang Republika Filipinas ni Pedro A. Paterno; La revolucion na inilabas sa
Jaro, Iloilo; El Heraldo de la Revolucion; at La Independencia ni Antonio Luna. Inilathala rito ang mga artikulo nina Leon
Ma. Guerrero, Rafael at Jose Palma, Epifanio de los Santos, at Cecilio Apostol.

Bilang isang bansang naghahanap ng pagbabago, kailangang gumawa ang Pilipinas ng paraan upang maihatid sa
kinauukulan ang kanyang mithiin, upang sa gayo'y kilalanin at ipagkaloob ang kanyang hinahangad na pagsasarili.
Kailangan ang mga pahayagan para maiparinig ang kaniyang mga mithiin. Dahil dito, itinayo ng Rebolusyong Pamahalaan
ang kanilang ofisyal na pahayagang El Heraldo Filipino, na lurnabas noong Setyembre 29,1898. Sa dakong huli'y pinalitan
ang pangalan nito ng Heraldo de Filipino, pagkatapos ng Indice Oficial at noong huli'y ng Gaceta de Filipinas. Ang kahuli-
hulihang sipi nito ay lumabas noong Oktubre 14, 1899. Inilathala nito ang tekstong ofisyal ng mga utos ng pamahalaan,
gayon din ng ilang balita at mga tulang Tagalog, na pawang naglalaman ng pagmamahal sa bayan.

Hindi lamang ang ofisyal na publikasyon ng pamahalaan ang tumalakay sa mga propaganda. Kumilos din ang
ibang pahayagang privado para ipagtanggol ang kapakanan ng mga Pilipino. Ang pinakabantog dito ay ang La
Independencia na pinamatnugutan ng may-ari nitong Heneral Antonio Luna;, Lumabas ang unang sipi nito noong
Setyembre 3, 1898. Kabilang sa pamatnugutan nito sina Cecilio Apostol (Catullo), Jose Palma, Rafael Palma, (Dapit
Hapon), Fernando Ma. Guerrero (Fulvi Gil), Epifanio de los Santos (G. Solon), Jose G. Abreu (Kaibigan), Mariano V. del
Rosario (Tito-Tao), Salvador V. Del Rosario (Juan Tagalo), Rosa Sevilla, at Florentina Arellano. Naging lubhang makabayan
ang nasabing mga pahayagan kung kaya pinagtangkaan itong sugpuin ng mga maykapangyarihang Amerikano, subalit
hindi nagtagumpay.

Ang iba pang mga pahayagang makabayan na lumitaw noon ay ang La Republica Filipina na itinatag sa
Mandaluyong ni Pedro A. Paterno, na unang lumabas ang sipi noong Setyembre 15, 1898; La Libertad, na lumitaw noong
Hunyo 20, 1898 sa pamamatnugot ni Clemente Jose Zulueta, Ang Kaibigan nang Bayan, Malolos Bulakan, noong 1898;
Columnas Volantes, Lipa Batangas noong 1899; La Federacion, sa Kabatuan, Iloilo noong 1899; La Oportunidad, sa
Tagbilaran, Bohol noong 1899; at iba pa. Halos lahat ng mga pahayagang ito na umiral lamang sa maikling panahon ay
nagkakaisa sa pakikipaglaban para ss kasarinlan ng kanilang bansa.

Ang nangingibabaw na kapalit ng Kalayaan ay ang La Independencia, na ang editor ay si Antonio Luna at siyang
tagapamansag ng mga Insurektong Pilipino sa dalawang digmaan—ang digmaan laban sa Espanya at laban sa
Amerikano.

Ngunit hindi nagtagal ang paglaya sa kamay ng mga Kastila, sapagkat ang digmaang Espanya-Estados Unidos ay
nagdulot sa Pilipinas ng panibagong suliranin. Marami sa mga digmaang bumatikos sa mga Kastila ay bumatikos din noon
sa amerikano at ilan sa kanila ang pinigil ng maykapangyarihang militar.

Dahil sa pag-aakala ng mga maykapangyarihang Amerikano na ang nasabing pahayagan ay mapanghimagsik


nagkaroon ng kaunting kahigpitan sa kalakaran ng pamamahayag kaya't ayon kay Jaime C. de Veyra ay mahirap nang
makapagpalimbag noon ng isang pahayagang may malayang pagkukuro. Sa Cebu ay itinatag ni Sergio Osmena ang El
Nuevo Dia, isa sa mga unang makabayang pahayagan. Dumaan ito sa mahigpit na sensura at dalawang beses na
sinuspende. Subalit hindi ito nakasira ng loob ng mga manunulat nito, sa halip ay nagpatuloy na sumulat ng mga
editoryal na bumabatikos sa mga Amerikano sa Pilipinas. Hindi pa noong nahuhuli ng pamahalaan si Aguinaldo kaya ang
El Nuevo Dia ay nagsilbing sandata ng mga maghihimagsik.

Ang EI Renacimiento at Panahon ng Amerikano

Itinatag naman sa Maynila ang pahayagang pang-araw-araw na El Renacimiento ni Rafael Palma noong 1901. Isa
ito sa mga pahayagang magpapanatili ng damdaming makabayan ng mga Pilipino. Bantog na bantog ang pahayagang ito
dahil sa masiglang pangangampanya laban sa mga di-matapat at mandaraya sa pamahalaan. Ang El Renacimiento at ang
katulad nito sa Tagalog na Muling Pagsilang sa pamamagitan ng matatalim na mga pa p ay naglathala ng mga puna sa
masasamang gawain ng mga pinuno ng pamahalaan. Tuluyang natigil ang El Renacimiento pagkatapos ng isang magugol
na kasong iniharap ng Kalihim Panloob Dean C. Worcester laban sa publisistang si Don Martin Ocampo at editor na si
Teodoro M. Kalaw.

Sumunod dito ang Vanguardia Taliba, ang kay Ramon Torres na El Debate, La Opinion, at Los Obreros.

Tunay na makabayan ang mga pahayagang ito. Nanatili ito sa taimtim na pagtataguyod ng kampanya para
matamo ang Kalayaan sa Estados Unidos. Ang iba pang mga pahayagan tulad ng La Democracia at Consoledacion
Nacional ay mga pahayagang pampulitika.

Sa pananakop ng Amerikano, ilang peryodistang Amerikano ang nagtungo sa Pilipinas at nagtatag ng mga
pahayagan, na kinabibilangan ng Manila Daily Bulletin, Manila Times, American at Cable News

Sa pamamatnugot ni Carson Taylor, ang may-ari, lumabas ang Manila Daily Bulletin noong Pebrero 1, 1900
bilang isang pahayagang nauukol lamang sa pagbabapor, ngunit nang malaunan ay nagtataglay na rin ng iba’t ibang
balita.

Itinatag naman ni Israel Putman ang Cable News na noong huli’y isinama na sa America na naging Cablenews-
American.

Ang tanging magasing Ingles na umiral nang mahabang panahon sa kapuluan ay ang Philippine Free Press na
itinatag ni Hukom Kincaid noong 1907. Noong Agosto 19, 1908, hinalinhan ni R. McCulloch Dick si Hukom Kincaid at
pinamahalaan ang malaganap na magasin bilang editor at publisista, hanggang sa kanyang kamatayan noong Setyembre
14, 1960.

Ang pinakamatandang magasin sa Pilipinas na hindi palalo, subalit lagging masigla, mapanuri at maingat na
pinamamatnugutan ay ang Philippine Free Press. Hindi nagtagal, naging kalaban nito ang Graphic na itinatag ni Ramon
Roces noong Hulyo 1927, nang ang Liwayway ay may limang taon nang umiiral sa tulong ng sampung magasing
bernakular. Si Vicente Albano Pacis, ang editor noon ng Tribune ay siyang kauna-unahang editor ng Graphic, katulong si
A.C. Fabian na siya namang humalili bilang editor makalipas ang dalawang taon.

Napahinto ang pagpapalimbag ng Graphic bago sumapit ang puspusang pananakop ng mga Hapones at
nagpatuloy mula lamang noong Mayo 25, 1948, sa ilalim ng bagong pangalang Kislap. Noong Oktubre 11, 1898, itinatag
naman ni Thomas Golwan isang Ingles, ang Manila Times na unang pinamatnugutan ni Willmott Luis. Binili naman ito ni
Alejandro Roces Sr. noong 1930 upang makatulong ng kanyang Tribune na sinimulan niya noong Abril 1, 1925.
Inihinto ni Roces ang pagpapalimbag ng The Times noong Marso 15, 1930, at inihalili ang Philippnes Herald na
itinatag noong Agosto 8, 1920 at naging pahayagang panghapon. Itinatag ang Herald ni Vicente Madrigal, Manuel at
Tomas Earnshaw, Ramon Fernandez, Teodoro R. Yangco, Mauro Prieto at iba pang milyonaryong Pilipino noong
panahong iyon. Si Conrado Benitez ang una nitong editor at sumunod si Carlos P. Romulo. Sa bandang huli'y naging
bahagi na lamang ang Herald ng naging kawing na pahayagan ni Alejandro Roces Sr. na DMHM (Debate, Mabuhay,
Herald, Monday Mail).

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tatlo lamang pahayagan sa Ingles ang umiral Tribune,
Manila Daily Bulletin, at Herald. Anupa't di naglaon ay hinadlangan na ng mga Hapones ang mga Pilipino sa pagsusulat sa
Ingles sa pamamagitan ng pagpapahinto sa magasin ng Manila Tribune, ang pahayagan lamang na pang-araw-araw
noon, at sa pamamagitan ng pag-akit sa mga Pilipino na sumulat sa Tagalog. Bilang wikang ofisyal, naging popular noon
ang Tagalog at maraming mga manunulat sa Ingles na hindi na makapagpalimbag sa Tribune at Philippine Review ang
napilitang sumulat sa Tagalog upang kumita at mabuhay.

Sa kabilang dako, sa paniniwalang ang mga manunulat sa Tagalog ay hindi kumikita nang sapat, Tsang miting ang
tinawag nina Kin-iti Ishikawa at Murakami, kapwa aral sa Amerika, at pinag-usapan doon ang mga suliranin ng mga
manunulat sa Tagalog. Ipinangako ni Isikawa na sa pamamagitan ng Liwayway ang tanging magasing pinaiiral noon, ang
mga manunulat ay kikita na nang malaki. At sinasabing natupad naman ang nasabing pangako. Sa mga magasing
inilathala noon ng Hapon ang tanging naging popular ay ang Philippine Review at Pillars.

Panahon ng Pagpapalaya

Noong 1945 (panahon ng Liberasyon) nagsimulang lumabas ang iba't ibang pahayagan ng mga sundalong
Amerikano, kabilang dito ang Newsweek, Daily Pacifican, Yank, Stars, and Stripes at Free Philippines. Free Phlippines ay
nagsimula ng publikasyon sa Leyte sa pamamahala ng Office of War Information ng punong Himpilan ni Heneral Douglas
MacArthur. Ang mga kopya niyon ay ipinamamahagi nang walang bayad.

Subalit hindi matustusan ng mga pahayagang nabanggit ang pagkauhaw ng mamamayan sa mga balitang
nahihinggil sa loob at labas ng bansa. Lihim na umusbong ang iba pang pahayagan. Kabilang dito ang Bagong Buhay,
Taliba, The Philippine Press, The Manila Chronicle, The Comet, The Courier, The Express, The Fil-American, The Filipino
Observer, The Freedom, The Guerilla (nang dakong huli'y naging Star Reporter), The Liberal, The Daily Mail, The
Philippine Liberty News, The Manila Post, The Progress, Voz de Manila, The Victory News, The Evening Herald, atb.

Itinatag ni Sergio Osmelia Sr. and The Morning Sun noong Abril, 1946. Sa kabilang dako, itinatag naman ni
Manuel A. Roxas ang kanyang Daily News at Balita bilang pahayagan ng Partido Liberal.

Muling ipinagpatuloy ang pagpapalimbag sa mga pangunahing pahayagan noong bago magkadigma.
Nakipagkompitensiya ang Herald at Bulletin na itinatag ng dating pamatnugutan ng Tribune sa The Manila Times at
Manila Chronicle.

Ang The Manila Times na sinimulan noong Mayo 27, 1945, sa lingguhang labas, ay naging pang-araw-araw na
tlaloid noong Setyembre 5,1945. Sa pamamagitan ng lumang linotipyang hiniram ni Joaquin Roces sa kanyang kapatid na
si Ramon ay naibangon niyang muli ang The Times. Samantala, itinatag naman ni Ramon Roces ang Evening News, na
matagal ding nasarili ang labas sa hapon. Sumunod ang Star Reporter.

Noong Pebrero 1961 binili ng mga Soriano ang The Philippines Herald, sa kabilang dako, binili naman ng mga
Lopez ang The Chronicle at nagpatuloy ang muling pagpapalimbag ng Bulletin noong Pebrero 25, 1946. Noong Hunyo 12,
binili naman ni Hans Menzi ang Bulletin sa nagtatag nitong si Carson Taylor.
Ang Daily Mirror at ang Evening News, lamang ang pahayagang panghapon makalipas ang digmaan. Ang Mirror
ay itinatag ng Manila Times Publishing Co., noong Mayo 2, 1949.

Ang pahayagang Mabuhay na pinamatnugutan ni Amado V. Hernandez, hindi rin nagtagal ay ipinagbili ng mga
Manahan nang siya'y puspusang lumalahok noon sa pulitika (1955-56), Gayon din ang pamapanitikang magasing Akda na
pinamatnugutan ni Dr. Rufino Alajandro (Kalihim ni Dr. Alejandro noon ang may-akda sa pagtutustos ng mga Roces,
parang bulang naglaho makalipas ang ikatlong labas.

Sumunod na iniluwal sa sangmaliwanag ay ang magasing Weekly Nation. Agosto 27, 1965 noon. Si D.H. Soriano
na dating editor ng Graphic (humalili si Luis Mauricio) ay siyang naging unang patnugot ng magasing Nation at siya pa
ring naging publisista. Bilang magasing lingguhan, naging makabago at masaklaw ang mga artikulo sa Nation.

Bago isinilang ang Weekly Nation, isa pang lingguhang magasin ang itinatag ni Leon O. Ty dating kagawad ng
patnugutan ng Philippines Free Press. Ang nasabing lingguhang magasin ay kahawig sa anyo at estilo ng Times at
Newsweek. Ang magasing ito ni Ty, ang Examiner, ay limitado sa saklaw ng publisidad.

Upang matugunan ang kagyat na pangangailangan sa paglalathala ng mga balitang pambansa at upang
matulungan ang mga pahayagan sa kapuluan ay nagpalathala ng kani-kanilang mga magasin ang mga pangunahaing
pahayagan noon. Tulad halimbawa ng Manila Times na may Sunday Times Magazine, Variety Magazine at siyang
tagapamahagi pa ng Asia Magazine tuwing araw ng Linggo. Ang Manila Chronicle ay may kanya ring Saturday Magazine
at Entertainment Guide; Ang Daily Mirror ay may Mirror Magazine; Ang Philippines Herald sa kanyang Herald Magazine
at ang Manila Daily Bulletin ay may Panorama Magazine."

Ang pinakabago noong pahayagang pang-umaga na nalathala sa tabloid ay ang Daily Star at Pilipino Star na
pinamumuhunan ng mga Roces. Higit na maliit kaysa anim na pangunahing pang-araw-araw na pahayagan, ang
dalawang ito ay madaling tinanggap ng mambabasang Pilipino dahil sa ito'y madaling basahin at madaling dalhin.

Ang iba pang magasin at babasahing kumikita noon ay ang Weekly Women's Magazine, Sports Magazine, Show
Magazine, Confidential Movie World, at marami pang iba na ang pinakalinya ay magdulot ng aliw.

Ang magasing dumanas minsan ng malaking suliranin ay ang Philippine Free Press. Ang katapat nito sa Filipino
na Free Press sa Pilipino na pinamatnugutan ni B.S.Medina noong una at ni Jose Lacaba nitong huli ay nahinto na ng
pagpapalimbag hanggang sa tuluyan nang namatay. Anupa't ang orihinal na Free Press ay madali ring nakabangon sa
kanyang pagkalupaypay buhat nang iwan ito ng karamihan sa dating bumubuo ng patnugutan upang magtatag ng
bagong magasing-The Leader.

Lumabas ang unang sipi ng magasing The Leader noong Abril 9, 1971, sa pamamatnugot ni Nick Joaquin, ang
dating `Quijano de Manila' ng Philippines Free Press.

Matapos na ideklara ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972, kagyat na naglaho sa sirkulasyon ang lahat ng
mga pahayagan noon tulad ng Manila Times, The Chronicle, The Manila Daily Bulletin, Taliba, Mabuhay, The Daily
Mirror, The Evening News, The Philippines Herald, Filipino Star, The Leader, The Nation. Ngunit hindi nagtagal at may
lumabas na ring mga tabloid. Unang linggo pa lamang ng sumunod na buwan ng Oktubre,1972, ay lumabas na ang unang
sipi ng tabloid na Daily Express. Halos kasabay nito'y lumabas din ang unang sipi ng Bulletin Today sa sirkulasyon, gayon
din ang mga tabloid na Mabuhay at Sitsiritsit. At nagsunuran nang lumabas ang mga pahayagang Times Journal, People's
Journal, Tempo, Ang Taliba, Metro Manila Times, The Guardian, Pahayagang Malaya, Mr. & Mrs. Veritas, Filipino Times,
Philippine Signs, at iba pang mga pahayagang lokal na karaniwa'y nasusulat sa Pilipino o sa wika ng rehiyong kinaiiralan.
Sa kasalukuyan ay marami nang pahayagang broadsheet na pang-araw-araw gaya ng sumusunod: Sa Filipino ay
kabilang ang Malaya at Kabayan at sa Ingles ay kabilang ang Manila Bulletin, The Philippine Star, The Philippine Daily
Inquirer, Manila Standard, The Manila Times, The Philippine Post, The Business World at Sun Star.

Sa mga tabloid ay kabilang ang: Abante, Abante Tonite, Bagong Tiktik, Ang Balita, Balitang Sariwa, Bandera,
Bulgar, Daily Aliwan, Diario UN 1, People's Journal, People's Tonight, Pilipino Star Ngayon, Remate, Remate Tonight,
Taliba at Tumbok.

Di rin nagtagal ang pahayagang Kabayan. Isinilang naman ang malalaking dyaryong Business Mirror, Standard
Today, at Tribune. Sa mga tabloid, ang mga bagong labas ay ang Bomba, Hataw, Tanod (dyaryo ng Bayan), at Diyaryo
Kongreso (Political Newspaper).

Mga Pahayagang Pampaaralan

Nagkaroon din ng mga sari-sariling pahayagan ang mga paaralan, dalubhasaan at pamantasan sa buong bansa.

Unang nagkaroon ang Pamantasan ng Pilipinas. Sa pamamagitan nina Dean Hariet Fansler, nalimbag ang unang
pahayagan ng pamantasan noong 1910 sa taguring The College Folio. Sumunod noong 1912 ang Torch ng Paaralang
Normal ng Pilipinas, gayon din ang Varsitarian ng Pamantasan ng Santo Tomas at Guidon ng Ateneo de Manila.
Nagkaroon din ng sariling pahayagan ang Far Eastern University, National University, Manila University, Siliman
University, at iba pang paaralan at dalubhasaan sa lalawigan.

Ang nanguna naman sa mataas na paaralan ay ang Manila High School (ngayon ay Mataas na Paaralang Araullo)
sa pamamagitan ng The Coconut na sinimulan noong 1912 sa pamamatnugot ni Carlos P. Romulo.

Marami ang sumunod, kabilang dito ang La Union Tab ng Mataas na Paaralan ng La Union, 1923; The Lagunian
ng Laguna High School, 1925; The Pampangan, Mataas na Paaralan ng Pampanga, 1925; The Leytean ng Mataas na
Paaralan ng Leyte, 1925; The Rizalian ng Mataas na Paaralan ng Rizal, 1926; The Coconut ng Mataas na Paaralan ng
Tayabas (ngayon, Quezon), 1927; The Volcano) ng Mataas na Paaralan ng Batangas, 1927; The Toil ng La Union Trade,
1928; The Samarian ng Mataas na Paaralan ngSamar, 1928; 'The Melting Pot ng Mataas na Paaralan ng Tarlac, 1929; The
Granary ng Mataas na Paaralan ng Nueva Ecija, 1929; The Torres Torch ng Mataas na Paaralan ng Torres, 1930; The
Cagayan Student's Chronicle ng Mataas na Paaralan ng Cagayan, 1931.

Sa pangunguna ng The Coconut, nagkaroon pa ng maraming pahayagang pampaaralan sa Lungsod ng Maynila.


Kabilang dito ang Torres Torch ng Mataas na Paaralan ng Torres, The Chronicler ng Mataas na Paaralan ng Arellano,
Mapazete ng Mataaas na Paaralan ng Mapa, Newsette ng Mataas na Paaralan ng Maynila; Wheel ng Mataas na
Paaralang Manuel Roxas; Gasette ng Jose Abad Santos; Mokwe ng Mataas na Paaralan ng Villamor, atbp.

Kaugnay ng Wikang Pambansa, marami na ngayon ang nagbabagong-palakad sa kani-kanilang mga pahayagang
pampaaralan o pandalubhasaan. Di na iilang matataas na paaralan ang may sariling pahayagan sa Filipino hukod pa sa
pahayagang Ingles, tulad ng Torres na may Ang Sulo (Hunyo, 1956); Ang Gabay ng Mataas na Paaralang Mapa; Araullo,
may Ang Moog (1957); Abad Santos, may Ang Tinig (1957); at ang Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham na may Ang
Lagablab (1970).

Makaraan ang panahon ng Batas Militar, lalong dumami ang lumabas na pahayagan sa Filipino sa malalaking
mataas na paaralan. Naging lalong aktibo ngayon ang mga pahayagang pampaaralan sa paglahok sa mga patimpalak sa
pagsulat ng iba't ibang sulatin sa pagtataguyod ng Secondary Schools Press Conference na idinaraos taon-taon. Sa
ngayon, ang ganitong komperensiya-paligsahan ng mga kagawad ng patnugutan ay nilalahukan na ng matataas na
paaralang publiko at privado, una, sa antas na pandivisyon; ikalawa, sa panrehiyon at ikatlo, sa pangwakas, ay
paligsahang pambansa.
Sa pagsapit ng panahon ng sentinyal lalo nang dumami ang mga paaralang may sarili nang ofisyal na pahayagan
sa Filippino, gaya ng sumusunod: (1) Ang Agong ng MSU Iligan Institure of Technology, (2) Ang Aninag ng Negros
Occidental High School, Bacolod City; (3) Ang Bagiw ng Baguio City High School, Baguio City; (4) Aug Banyuhay ng
Quezon City Science High School; (5) Ang Bangan ng Nueva Ecija High School, Cabanatuan City; (6) Ang Baranggay ng
Lakandula High School, Manila; (7) Ang Batis ng Mariano Marcos High School, Manila; (8) Ang Gabay ng Mapa High
School, Manila; (9) Ang Gintong Panitikan ng E. Quirino High School, Manila; (10) Ang Gulong ng Manuel Roxas High
School, Manila; (11) Kalasag ng Raja Soliman High School, Manila; (12) Ang Lagablab ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas
sa Agham, Lungsod Quezon; (13) Malaya ng Marcelo H. del Pilar School, Malolos, Bulacan; (14) Ang Moog ng Arellano
High School, Manila; (15) Mulawin ng Villamor High School, Manila; (16) Pabaon ng Binalonan High School, Binalonan,
Pangasinan; (17) Ang Pag-asa ng E. Quirino High School, Q. C., (18) Rizalian ng Rizal High School, Pasig City; (19) Ang
Silahis ng Ramon Magsaysay High School, Manila; (20) Ang Silangan ng Zamboanga del Norte National High School,
Dipolog City; (21) Sulo ng Torres High School, Manila; (22) Tambuli ng Arellano High School, Manila; (23) Tanglaw ng
Ramon Magsaysay High School, Q. C. (24) Tilamsik ng Gregorio Perfecto High School, Manila (25) Ang Tinig ng Kalookan
High School, Caloocan City; (26) Ang Ubod ng Manila Science High School, Manila; (27) Wika ng Sergio Osmelia High
School, Q. C.

Sa alinmang patimpalak na itinataguyod ng SSPC, pandivisyon man, panrehiyon o pambansa, dalawang


kategoriya ang nilalahukan ng mga kinatawang mamamahayag-estudyante, una, sa paligsahang individwal, at ikalawa sa
paligsahang pangkatan. Sa una, sa individwal, ang paligsahan ay sa: (1) pagsulat ng balita (Filipino at Ingles), (2) pagsulat
ng editorial (Filipino at Ingles), (3) pagsulat ng lathalain (Filipino at Ingles), (4) pagsulat ng balitang pang-isports (Filipino
at Ingles), (5) pagwawasto at pagsulat ng ulo ng balita (Filipino at Ingles), (6) Photo-Journalism (Filipino at Ingles), (7)
editorial kartuning (Filipino at Ingles). At sa ikalawa, sa paligsahang pangkatan, lumalahok sila sa paligsahan sa: (a) Pag-
aanyo (layouting sa Filipino at Ingles), (b) Pahina ng balita (Filipino at Ingles), (c) Pahina ng Editoryal (Filipino at Ingles),(d)
Pahina ng Panitikan at Lathalain (Filipino at Ingles), (e) Pahina ng Isports (Filipino at Ingles), (f) Komunikasyong
developmental (Filipino at Ingles), (g) Pahinang Pang-agham (Filipino at Ingles), at (h) Pinakamagaling na pahayagang
pampaaralan.

Ang kalakarang ito sa pamahayagan sa Filipino ay lumalaganap na rin sa mga kolehiyo at universidad. Marami na
ngayon sa mga pahayagang pangkolehiyo at pang-universidad seksiyon sa Filipino. Ang Quezonian nga ng Pamantasan
ng Manuel L. Quezon ay sinusulat na rin ngayon sa Filipino, mayroon lamang seksiyon sa Ingles. Ganito rin ang The
Philippine, sinusulat na rin sa Filipino.

Aralin 3: ANG BALITA

Ano ang ibig sabihin ng salitang balita?

Ang balita ay isang impormasyon hinggil sa isang pangyayaring naganap na, nagaganap pa lamang, o magaganap
pa sa isang tiyak na hinaharap, ngunit hindi pa alam ng marami, na may kaugnayan sa kabuhayan, katahimikan,
edukasyon, pulitika, kultura, isports, kalusugan at/o paniniwalang panrelihiyon.

Itinataguyod ng maraming mamamahayag ang katuturang ito ng balita na tumutukoy sa isang ‘pangyayaring
naganap na.' Ayon kay Turner Catlege, ang tagapangasiwang editor ng The York Times. Ano mang bagay na hindi mo
alam nang nagdaang araw ay isang balita. Ipinahihiwatig nito na ano mang bagay na ngayon mo lamang nalaman ay
bago sa iyong kabatiran, samakatwid ay maaaring maging karagdagan sa iyong kaalaman. Maging si Dr. Rufino Alejandro,
dating Assistant Director ng Surian ng Wikang Pambansa, ay nagsabing, "...ang balita ay isang ulat na hindi pa
nailalathala, tungkol sa mga ginagawa ng mga tao na inaakalang pananabikan, maiibigang mabatid, at mapaglilibangan
ng mambabasa..."
Ang isa pang katuturan ng balita na ibinigay ni Dean M. Lyle Spencer, isang Dekano ng Paaralan ng Pamahayagan
sa Syracuse University na laging sinisipi sa mga batayang-aklat ay ganito: Ang balita ay anumang pangyayari, ideya o
opinion na napapanahon, na nakakawili o nakakaafekto sa maraming tao sa isang pamayanan, at maaanng maunawaan
nila.

Mabubuo rito, samakatwid, na ang tatlong elementong batayan ng isang balita ay ang: (1) nagbabalita, (2)
imformasyon hinggil sa pangyayari, at (2) mambabasa o nakikinig. Kailangang magkaroon muna ng isang informasyon
hinggil sa isang bagong pangyayaring maihahatid sa mambabasa o makikinig.

Mga Sangkap ng Balita

May kinikilalang 14 na sangkap ng balita. Ano ba ang ibig sabihin ng sangkap ng isang balita? Ang sangkap na
tinutukoy sa isang balita ay ang katangiang taglay ng isang pangyayari na maaaring makapagbigay ng kasiyahan sa
mambabasa. Kailangang ang isang pangyayari ay (1) ngayon lamang malalaman ng mambabasa, (2) nangyari sa pook na
malapit sa kinaroroonan ng mambabasa, (3) may puwersang naglalaban, (4) may kaugnayan ang panyayari sa mga taong
tanyag, (5) mahalaga ang pangyayari sa mamamayan at sa bayan, (6) may kaugnayan sa pag-unlad, (7) di-karaniwan ang
pangyayari, (8) kaakit-akit sa tao, (9) may romansa at pakikipagsapalaran, (10) di karaniwang hayop, (11) mahahalagang
pangalan, (12) mahahalagang numero, (13) may kaugnayan sa sex, at (14) nakalilibang.

1. Pagkanasa panahon ng pangyayari. Ang ibig sabihin ng `pagkanasa panahon' ay iyong pangyayaring
kailanman naganap ay ngayon, ngayong araw na ito lamang nababatid ng nakararaming mambabasa. Maaaring ang
pangyayari'y kagaganap lamang kanina, kahapon, kamakalawa o kaya'y naganap na noon pang libong taon na ang
nakararaan, ngunit ngayon lamang nalaman ng mambabasa. Ang magandang halimbawa nito ay ang natuklasang
"Mindanao killing fields" na noon pang 1985 naganap, ngunit noon lamang Marso 11, 2000 lumabas sa The Philippine
Star. Kabilang sa nagtataglay ng ganitong uri ng sangkap ang pagkatuklas ng mga antik na pinggang porselanang Intsik, at
iba pang mga kagamitang natagpuan kamakailan sa ginanap na paghuhukay sa isang barangay sa Pila, Laguna.
Tinatayang ang lugar na ito ay naging isang libingan ng mga Intsik noon pang ika-15-16 na dantaon, ngunit ngayon
lamang natuklasan. Mangyari pa, lalong magaling iyong mga pangyayaring kagaganap lamang noong nagdaang (mga)
araw ay naipapabatid na agad ngayon sa mambabasa. At lalong kinawiwilihan at kinalulugdan ng mambabasa iyong
kaninang umaga lamang naganap o kaya'y maaaring kasalukuyang nagaganap pa lamang ay lumalabas na agad sa
pahayagan.

2. Kalapitan sa Pook. Sino ang hindi nasisiyahang magbasa ng mahahalagang balitang hinggil sa kanyang sariling
pook — sa kanyang sariling barangay, sa kanyang sariling bayan, sa kanyang sariling distrito, sa kanyang sariling
lalawigan? Nangangahulugan ito na higit na kinagigiliwan ng mambabasa ang mga pangyayari sa kanilang paligid kaysa
mga nagaganap sa malalayong pook. Kaya't upang matulungan ang pangangailangan ng maraming mambabasa, lalo na
ng malalaking pahayagang pang-araw-araw, naglalagay na sila ng nakabukod na seksiyon para sa balitang lokal —
balitang panlalawigan at seksiyon ng mga balitang banyaga.

Halimbawa:

a. Nasunog, munisipyo sa Upi.

COTABATO — Natupok ng apoy ang gusali ng munisipyo ng bayan ng Timog Upi sa lalawigan ng Maguindanao.
Batay sa report, ang insidente ay naganap alas-6 ng umaga ng may narinig silang malakas na pagsabog habang
nagaganap ang sunog subalit hindi pa rin matukoy kung saan ito nanggaling. Hindi pa mabatid kung magkano
ang halaga ng ari-ariang sinira ng apoy. Samantala, nangyari ang nasabing insidente, ilang oras matapos madakip
ng Philippine National Police (PNP) Provincial Intelligence Operatives si Atong Pascua, isa sa 10 most wanted
Holduppers sa lalawigan. (Kabayan, Marso 16, 2000, p.4).
b. Kilos-protesta sa Davao

DAVAO Pagkatapos ng pagdiriwang ng ika-63 taon ng Araw ng Davao ngayon, isang malawakang kilos-protesta
naman ang isasagawa ng mga sasakyan sa lungsod sa Marso 17, kung saan inaasahang 98 porsiyento ng daloy ng
trapiko ang mapaparalisa. Sa panayam kay Alvin Logue, kalihim pangkalahatan ng bayan, ang welga ay isasabay
sa "National Day of Pro-test" na dadaluhan ng iba't ibang sektor. Ang welga ay pangungunahan ng Koalisyong
Kontra Kartel at Alyansang Makabayan. Hindi na umano bibiyahe ang mga sasakyan sa Lungsod simula ngayong
hatinggabi. Muling isisigaw at babatikusin ng mga welgista ang administrasyon kaugnay sa pinakahuling
pagtataas ng presyo ng langis sa 80 sentimos na itinuturing nilang pagmamalabis sa panig ng tatlong kompanya
ng langis sa bansa. Tinutulan din ng nasabing grupo ang "road user's tax" na planong ipatupad ng pamahalaan.

3. Tunggalian. Tulad sa kuwento at novela, ang tunggalian ang nangingibabaw na katangian ng mga balitang
nahihinggil sa isports, pagwewelga, laban sa pulitika, paligsahan, atbp. Ang katangiang ito ang lalong
nakapagpapatingkad ng kariktan ng balita sa mga mambabasa. At bunga ng tunggalian o labanan, ang mambabasa ay
malimit na pumapanig sa isa sa (mga) naglalaban. Halimbawa, sa larong basketbol, marami ang pumapaborito sa
Genebra, ang iba nama'y sa Purefoods, sa Tanduay o kaya'y sa Red Bull. Sa pulitika, sa panahon ni dating Pres. F. Ramos,
marami ang pumapanig sa LAKAS, nang pumalit si Pres. J. Estrada, marami naman ang pumapanig sa LAMP. Nang
pumalit naman si Pres. GMA, marami namang mga kasalungat ang gustong magpaalis sa kanya sa puwesto.

Anupa't sadyang kapag may labanan, laging may pumapanig sa magkabilang partido. At sa ganitong paraan
laging naaaliw ang mga tao. Sa boksing, laging ang sigaw ay tiyak na si Pacman', si Pacquiao! Ang sabi nga ni Castro'y
"Ang tunggalian ay nagpapahiwatig ng kapanabikan at nagsasama o humihila sa mga emosyon."

Halimbawa:

a. 8th impeach rap isinampa

Walo na ang impeachment complaint laban kay Png. Gloria Arroyo.

Ito'y nang magsampa rin ng impeachment ang grupong Black and White Movement (BWM) kahapon sa
pangunguna ni dating social welfare secretary at "Hyatt 10" member Corazon Juliana "Dinky" Soliman.

Inendorso nina Tarlac Rep. Benigno Aquino III, Bukidnon Rep. Nereus Acosta, Batanes Rep. Henedina
Abad at Cagayan Rep. Manuel Mamba ang pinakabagong impeachment na isinampa bandang 9:00 ng
umaga. Walang ipinag-iba ang mga bintang na ibinabato sa Pangulo sa panibagong complaint. Ang mga
ito'y pandaraya sa 2004 election, graft and corruption, paglabag sa karapatang pantao at pagiging
diktador.

Ayon sa mga nag-endorso, dapat managot si Pangulong Arroyo sa mga nagaganap na pagpatay at
kawalan ng pondo ng pamahalaan dahil malaki ang kinalaman ng Pangulo sa mga anomalya.

4. Katanyagan. Ang isa pang katangian ng balita ay ang kaugnayan ng pangyayari nito sa mga taong tanyag.
Malimit na ang mga balitang nagtataglay ng ganitong katangian ay yaong mga nahihinggil sa mga pinunong
pampamahalaan, mga lider, mga taong kilala sa iba't ibang larangan ng buhay, mga taong bantog. Ito'y dahil sa mga
taong ito ay maaaring magbigay-katuturan sa o magbigay-bisa sa mahahalagang kilusang pampatakaran,
pangkabuhayan, pang-agham, at teknolohiya, at iba pa.

Sinasabing ang pagbatikos ng isang lider-oposisyon sa pamumudmod ng Pangulo ng mga tsekeng may halagang
sampung libo sa bawa't kapitan ng barangay ay maaaring maging isang balita, ngunit ang pag-atake ng isang karaniwang
tao sa gayon ding pangyayari ay hindi malalathala sa pahayagan.
Halimbawa:

Hahandugan ng buong parangal-militar ang libing ng yumaong Brig. Gen. (Ret) Javier Carbonell na
gaganapin sa Sabado sa libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio. Namatay siya sa edad na 70 matapos
ang matagal na pakikipaglaban sa sakit na kanser.

Si Carbonell ay naging tagapangulo ng Videogram Regulatory Board mula noong 1992 hanggang sa 1998
at Isang bayani ng democratic forces na nagpahinto sa "God Save the Queen" ng 1987, at sa tangkang
coup noong 1989 laban sa Administrasyong Aquino.

Kabilang sa kanyang mga naulila ang kanyang asawang si Violeta at apat na anak, Carmina Follosco, Erika
Lapinig, Wilma Carbonell at Javier Carbonell Jr.

Ang kanyang labi ay nakaburol sa Funeraria Paz sa Lungsod ng Quezon, kung saan ito ililipat sa Kampo
Aguinaldo sa Huwebes, Marso 16, sa ganap na ika-6 n.h. Ang Misa Nikrolohikal ay gaganapin sa Kampo
sa Biyernes, Marso 17 sa ganap na ika-6 n.g.

Nakatakda ang libing sa Sabado (Marso 18) sa Libingan ng mga Bayani matapos na makapagpamisa sa
Kampo Aguinaldo.

Maliwanag na ang paksa ng balitang ito ay isang taong tanyag, isang dating Brigadyer Heneral na naging
bayani ng sandatahang lakas sa pagtatanggol sa bansa laban sa mga nagtatangkang magbagsak dito at sa
administrasyong Aquino. Kung siya'y isa lamang karaniwang kawal hindi na siya malalathala sa
pahayagan bilang isang balita.

5. Kahalagahan. Ang pangyayaring nagaganap sa sariling bansa man o kaya'y sa ibang bansa ngunit
nakakaafekto sa kalagayan ng ating kabuhayan, pananalapi, edukasyon, kultura, atbp. ay makabubuo ng isang tunay na
balita dahil sa kahalagahan nito sa mamamayan at sa bansa. Halimbawa ang pagkontrol ng produksiyon ng langis sa
pamamahala ng OPEC ay nagaganap sa ibang bansa, ngunit dahil sa may maliwanag na efekto ito sa pagtaas ng halaga
ng gasolina't krudo sa ating bansa, sa gayo'y maaaring makapagpataas ito ng halaga ng pamasahe, makapagpataas ng
halaga ng gugulin sa pagpapatakbo ng mga makina ng mga pagawaan, planta, atbp. At bunga nito'y tataas ang halaga ng
mga bilihin sa bansa. Kaya hindi maaaring maiwasang lumabas ito ang pagkontrol ng OPEC sa produksiyon ng langis -
bilang pangunahing balita sa mga pahayagan sa bansa.

Halimbawa:

a. Seminar sa paghahanda laban sa lindol, itinaos

Isang seminar hinggil sa pagdaraos ng Earthquake Drill sa lahat ng Kolehiyo at Universidad na nasa ilalim
ng supervision ng Commission on Higher Education sa Metro Manila ang idinaos sa Bulwagan ng Universidad ng
San Sebastian noong Hulyo 12, 2006, mula 1:00 n. h. hanggang 5:00 n. h.

Dinaluhan ito ng may dalawandaan, humigit-kumulang, na kinatawan ng mga kolehiyo at universidad sa


National Capital Region. Sa pamamagitan ng dalubhasang mga panauhing tagapagsalita mula sa Philvocs, tulad
nina Dr. Jane Punungbayan, Engr. Julius M. Galdeano, at Engr. Henremagne C. Penarubia.

b. Israel, binomba ng Palestino

JERUSALEM (AP) — Nagpakawala ang Palestinians sa Gaza ng home-made rockets kahapon na tumama
sa isang bayan sa katimugang Israel at ikinasugat ng isang tao, ayon sa pulisya.
Ayon sa tagapagsalita ng rescue services na si Avi Zelba, nasapol ng rockets ang bayan ng Ami-Oz,
malapit sa hangganan ng bansa at ng Gaza, at isang tao ang malubhang nasugatan. (Balita, Hunyo 26, 2006)

6. Pag-unlad. Lahat ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad sa edukasyon, sa siyensiya at


teknolohiya, sa kultura, kabuhayan, agrikultura, kapayapaan, pulitika at/o iba pa ay tunay na nakabubuo ng pangunahing
diwa ng isang ganap na balita sa mga pahayagan.

Walang tigil sa pagbabago ang lahat ng bagay sa ibabaw ng daigdig. Sa anumang paraan, mula sa pamunuan ng
maliliit na unit ng pamilya, hanggang sa pamunuan ng mga barangay, pamahalaang bayan, pamahalaang lungsod,
pamahalaang panlalawigan hanggang sa pamahalaang pambansa ang laging iniisip at ginagawan ng hakbang ay ang
pagpapaunlad sa maraming bagay. Maging ang mga paaralan, dalubhasaan at pamantasan ay walang tigil sa mga
hakbanging tungo sa pagpapaunlad ng kalidad ng pagtuturo, ng mga kagamitan ng mga guro't mag-aaral, ng mga kalidad
ng mga aklat na angkop sa panahon, ng mga kasangkapan sa mga laboratoryo, ng mga kalidad ng mga kompyuter na
angkop sa panahon, gayon din sa mga kursong makatutugon sa pangangailangan ng panahon, pati na rin sa mga gusaling
ang kayarian ay angkop laban sa mga malalakas na lindol, bagyo at iba pang puwersa ng kalikasan. At ang bawa't
hakbang tungo sa alin man sa nabanggit na kaunlaran ay kailangang mailabas na balita o lathalain sa pahayagan ng
paaralan upang maipaalam sa mga mamamayan gayon din sa mga pinunong pampamahalaan ang mga nagagawang
kaunlaran sa lahat ng mga paaralan sa bansa.

Sa kabilang dako, hindi sapat na maipakita lamang sa mga pahayagan ang mga kaunlaran, kundi gayon din
kailangang maging kasangkapan din ang balita sa pagtawag pansin sa mga kinauukulan hinggil sa mga bagay na
nakahahadlang sa kaunlaran. Maaaring ang mga nakahahadlang ay ang mismong provision ng Saligang Batas ng Pilipinas
hinggil sa pagbabawal sa sinumang dayuhan na makapag-may-ari ng isang daang porsiyento ng lupang industriyal;
maaaring isa ring hadlang sa kaunlaran ng employment ang pagkakaroon ng tinatawag na `minimum wage', gayon din
ang mga pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa na karaniwan na ring ginagawa rito, halimbawa, ang mga pag-
angkat ng bigas, mais, asukal, karne, gulay, de lata, atbp. Na sa gayo'y nakapagpapahina ng kita, kung hindi man
nakapagpapalugi sa mga lokal na magsasaka, dahil sa hindi naman natutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka sa
buong bansa sa larangan ng tinatawag na 'subsidy' sa mga pataba, pamatay-kuhol, pamatay-kulisap, sa mga makinang
panlinang ng bukid, pati na sa pagsesemento ng mga kalsada sa baybay kanal ng patubig. Maisasama na rin dito ang
hindi maiwas-iwasang pagpupuslit sa bansa ng mga produktong galing sa ibang bansa, e.g. mga gulay, mga karneng
manok, bigas, at iba pang mga pagkain.

Halimbawa:

a. Trabaho sa Espanya binuksan

Magandang balita sa mga health worker.

Binuksan na ng Espanya ang pinto nito para sa 100,000 mga caregiver sa isang kasunduan na
nakatakdang lagdaan ng Pilipinas at pamahalaang Espanya.

Kung dati'y domestic helpers lamang ang puwedeng makapasok sa naturang bansa,
magkakaroon na rin ng pagkakataong maging ang mga skilled Pinoy workers na makapagtrabaho.

Ayon kay Labor Sec. Patricia Sto. Tomas, 40 professional health workers ang nasa Madrid na
mula sa unang batch ng 100. Ang second batch na binubuo ng 60 workers ay darating sa Agosto.

Sinabi ni Sto. Tomas na malaking bentahe para sa mga manggagawang Pinoy ang kasunduang ito
dahil sa boob ng susunod na 5 taon ay mangangailangan ng 1 milyong dayuhang manggagawa ang
Espanya. (PH. Star Ngayon, Hunyo 30, 2006)
7. Di-Karaniwan. Anumang pangyayaring di karaniwan ay laging bago, laging kawili-wiling basahin ng sinumang
mambabasa. Kaya't laging sinasabing "Ano mang pangyayaring di-karaniwan ay isang balita."

Halimbawa:

a. Limampung oras nang naililibing, buhay pa rin nang mahukay.

KARACHI, Pakistan, Mayo 7 (AP). Isang batang may dalawa at kalahating taong gulang ang
natagpuang buhay sa kanyang libingan pagkatapos na siya ay malibing nang 50 oras.

Ang nasabing batang babae na namatay noong Sabado, ay hinukay noong Lunes sa isang
sementeryo sa Karachi.

Siya ay natagpuang nakaupo sa kanyang libingan at sinususo ang kanyang hinlalaki.

b. Zebronkey anak ng babaeng donkey at lalaking zebra.

Isang dadalawambuwaning zebronkey ang dinagsa ng manonood sa Manila Zoo nitong nakalipas
na linggo. (Marso 1956)

Ito ay naging anak ng isang babaeng donkey at lalaking zebra. Bakas na bakas sa katawan ng
bisirong tinatawag na zebronkey ang kulay ng ina at kulay ng ama. Ang mukha - ilong, mata, tainga — at
unahang bahagi ng katawan, kasama ang dalawang paa sa unahan, ay kulay kape, kulay ng inang
donkey. Samantalang mula sa bahaging nabanggit papunta sa puwit at buntot ay unti-unti nang
lumalabas at tumitingkad ang pagkatigre — puti't itim na kulay zebra. Isa itong babae.

Isa itong malusog, masigla at kaakit-akit na bisiro. Gayunpaman, sinasabi ng mga sayantist na
hindi ito maaari nang manganak pa.

c. Pinakamaliit na babae sa buong daigdig nasa Samar.

CATARMAN, Hilagang Samar — Noon may tila `duwendeng" si Dante Varona ng Mayorga, Leyte.
Ngayon narito naman si Antonia "Tonette" Tobis, ang tila pinakamaliit na babae sa buong daigdig.

Sa edad na walong tao't limang buwan, si Tonette ay may taas na 25 pulgada o 60 sentimetro
humigit-kumulang, at tumitimbang ng 5.4 kilo, isang physiological phenomenon na ayon sa doctor ay
isang anyo ng pagkaunano.

Ayon sa 1998 Guineness Book of Records, si Madge Bester na may taas na 25.5 pulgada at
ipinanganak noong Abril 26, 1963 sa Johannesburg, Timog Africa, ang naghahawak ng record ng
pinakamaliit na babae sa buong daigdig.

Si Tonette ay ipinanganak noong Agosto 20, 1991 sa Ospital ng Hilagang Samar; pangatlo siya sa
walong anak nina Jose Tobis at dating Edith Jumadiao. Nakatira ang familya nina Tobis sa maliit na lugar
sa isang poblasyon sa Catarman, ang capital ng lalawigan. (The Star, Marso 15, 2000).

Ang mga balitang nahihinggil sa mga pangyayaring di-karaniwan, bagama't walang lubhang
kahalagahan ea pamumuhay ng maraming mamamayan ay nakapagdudulot naman ng aliw sa maraming
mambabasa. Maibibilang dito ang mga balita hinggil sa mga milagro, mga ipinanganak na triplet,
kuwadruplet, mga ipinanganak na may kakambal na hayop, isda, ahas at iba pa.
8. Kaakit-akit sa Tao. Ito ang katangian ng pangyayari na karaniwang pinapaksa ng mga balitang pinagaganda
(colored news).

Lahat ng bagay na nakatitimo sa damdamin ng tao ay masasabing kaakit-akit sa tao. Ano ba ang (mga) bagay na
nakakatimo sa damdamin ng tao? Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, dating Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa, ito
raw yaong mga bagay na nahihinggil sa mga karanasang masaya o malungkot, matagumpay o bigo, may tapang o takot,
may pag-ibig o poot, may talinghaga o hiwaga, may pagmamalaki o pagkaduhagi, may kawanggawa o kalupitan, atbp.
Alinman sa mga pangyayaring ito ay mahalagang maipakita sa pahayagan sapagkat ang ganito, bukod sa maiibigang
mabatid, ay nakalilibang pa sa mga mambabasa.

Halimbawa:

a. Dahil sa computer program, naging milyunaryo ang isang lalabintaunin

CHICAGO, Illinois (AP) — Pag-uusap hinggil sa mabuting paggamit ng inyong oras.

Matapos na malamang ang kanyang klase sa pre-calculus ay kinansela na, inubos ng 15


taong gulang na si Rishi Bhat ang kanyang panahon sa buong tag-init sa paglikha ng programa na
magpapahintulot sa isang gumagamit na mag-surf sa internet nang walang nakakaalam.

Isang kaklase niya ang nagdesenyo ng graphics at isinilang ang SiegeSoft. Ngayon ang
batang nasa ikalawang taon sa mataas na paaralan ay may yaman nang $1.6 milyon. Itinatago ng
SiegeSoft ang anumang pagkakakilanlan ng mga sumususkribe, binabayaan silang magpainut-
inot sa Web nang hindi iniiwanan ang daan, ayon kay Bhat, isang estudyante sa isang privadong
University of Chicago Laboratory School. Ang programang ito ni Bhat ay nakatawag-pansin kay
David Hodge, isang inbestor na nakabase sa Vancouver. Makalipas ang isang buwang
negosasyon, ipinagbili ni Bhat ang kanyang programa sa halagang $40,000, 1.5 milong share of
stocks at kaparte sa tubo sa unang dalawang taon bilang kapalit ng kanyang patuloy na
pagtatrabaho sa Web service.

9. Romansa at Pakikipagsapalaran. Kinagigiliwan ding basahin ng mambabasa ang mga akdang nahihinggil sa
romansa at pakikipagsapalaran. Saan mang dako ay sagana sa mga paksang nahihinggil sa romansa at
pakikipagsapalaran, hindi lamang napag-uukulan ng pansin at nailalabas sa mga pahayagan. Sa buhay ng mga mag-aaral
at magulang ay nabubuhay ang ganitong mga paksa, kaya't hindi tayo mauubusan ng paksang nahihinggil dito. At
sapagkat ito'y nakapagbibigay-kabatiran bukod sa nakalilibang, kailangang magtaglay ng ganitong mga paksa ang
pahayagan, maging ito'y pahayagang pambuong kapuluan, pambayan, panlalawigan, pampurok o pampaaralan.

Ano ang paksang nahihinggil sa romansa? Ang paksang ito'y tumutukoy sa kuwento ng pag-iibigan, o kaya'y
kuwento ng kabayanihan. Kalimitan ito'y inilalathala sa Seksiyong Panlipunan, halimbawa, ang panayam ni Ricky Lo sa
magkasintahang sina Christine `Tintin' at Julius Babao ng programa sa television na Alas Singko y Medya ng Channel 2
(Martso 12, 2000); sa kuwentong pang-adventura naman ay maibibilang ang tungkol sa tinatawag na "Mountain
Climbing", kuwento ng pagdalaw sa bunganga ng bulkang Pinatubo, pagtawid nang palangoy sa Laguna de Bay mula sa
Sta. Cruz hanging sa Isla de Talim, at ang pag-akyat sa tutok ng Mt. Everest ni Romy Garduce.

Halimbawa ng pakikipagsapalaran sa ibang bansa:

a. Panayam sa isang OFW

"Alam mo, minsan kung isipin na hindi isang pagsubok ng tadhana ang pagiging isang OFW.
Minsan nasasaiyo kung gusto mong waging OFW. Mabuti kung meron kang pinag-aralan...pero kahit na
rin siguro. Dito nga sa Hong Kong maski merong diploma sa kolehiyo ay namamasukan bilang domestic
helper."

lyan ang bungad sa akin ng isang malapit na kaibigang dalawang taon na siya roon at
nagbibilang. Naparito siya sa Pilipinas nitong nakaraang araw hindi dahil sa panayam na ito. Dalawang
araw lang siya rito — Sabado't Linggo. Ang dahilan...? Para magpabunot ng ngipin! Walang biro, ikako.

"Naku Dong, maniwala ka. Sa kamahalan ng dentista sa Hong Kong eh mas mura pa ang bumalik
sandali sa Pinas para ipaayos ang ipin," ang paliwanag niya... Halos hindi ako makapaniwala sa aking
narinig subalit ipinaliwanag niya sa akin na gayon kamahal ang manirahan sa Hong Kong.

Dagdag pa niya, "Kung sa akala mo ay madaling mabuhay sa Hong Kong, subukan mo lang
mamatay. Kamahal ng pagpapalibing. Suwerte nga lang si Mare (itago na lamang-, natin sa pangalang
Mare) sa napasukan niya. Sa kanyang trabaho, mas angat ang Pilipino dahil mas bihasa ito sa pagsusulat
sa Ingles. Kaya wala kang maririnig sa kanya na inaapi siya ng amo. Pero, sa kabilang banda, ang hirap ng
isang OFW ay hindi parating nagmumula sa kamay ng isang malupit na amo.

"Mabait ang boss ko, pero mahirap pa rin lalo na at sanay kang ginigising ng Nanay mo tuwing
umaga at pinaghahanda ka ng almusal. Dito sa Hong Kong, bahala ka sa buhay mo! Matuto kang
magbitbit at maglaba sa Laundromat. Noong una kong Disyembre rito, grabe ang lamig! Lahat ng tao ay
nakafur coat...itsurang mag-protesta ang mga animal rights activists!

Nami-miss niya siyempre ang kanyang mga kaibigan at kaanak. "Oo naman! Gaya nga ng sinabi
ko, iwan mo sa Pilipinas ang mga kinasanayan mo. Sanay akong nakikita araw-araw ang kabarkada ko,
ang pakiki-telebabad sa kung sinu-sino. Sa ibang bansa, kita mo naman, pinagtitiyagaan ko ang
pakikipag-e-mail at pakikipag-chat sa ICQ sa inyo. Iba talaga ang nakikita at nararamdaman mo nang
aktuwal ang tao," wika ni Mare.

Tanong ko, "Mare, ang pagpunta mo ba sa ibang bansa ay talaga bang dala lang ng matinding
pangangailangan?" Tiningnan niya ako na para bang galing ako sa ibang planeta.

Hindi lahat ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa ay may tinatakasang karalitaan sa Pilipinas at
inaahon ang pamilya sa kahirapan. Hindi lahat ng OFW ay nasa ganitong sitwasyon dahil sa paghihirap.
Wala akong panlalait sa mga taong nasa ganitong kalagayan. Katunayan nga ay bilib ako sa kanila dahil
sa kanilang tapang para harapin ang isang bagay na napakadayuhan.

Sa kasalukuyan wala siyang balak na bumalik sa Pilipinas. Masaya siya sa Hong Kong at sa mga
oportunidad na dumarating sa kanya. Kapag maluwag ang iskedyul ay nakakadayo siya sa Shentzen sa
Tsina o sa Macau o 'di kaya'y pumupuslit siya.

May babalikan pa kaya siya sa Pilipinas? Gaya nung una, binigyan ako ni Mare ng tinging na
parang nagsasabing "Oo, naman. 'no?

10. Mga Hayop. Ang mga pangyayaring di karaniwan sa mga hayop ay mahalagang mailathala sa pahayagan.
Bukod sa ito'y nakapagbibigay ng imformasyon ay nakalilibang pa sa maraming mambabasa. Halimbawa, ibong martines
na nauutusang pumitas ng hinog na bayabas, asong nauutusang bumili sa tindahan, kalabaw na nauutusang lumundag
sa bakod na alambreng may tinik, o kaya ay nauutusang lumuhod, o humiga; inahing manok na nakakapangitlog na ng
365 sa isang taon, dagang nauutusan ng isang bilanggo, at iba pa.

Halimbawa:
Ito ang ahas na may dalawang ulo at may
habang 35-sentimetro ang nadiskubre ng
magsasakang si Zhang Peiwu sa kanyang
bukid sa lalawigan ng Shanxi kamakailan.
(AP)

11. Pangalan. Sinasabing habang dumarami ang mga pangalang nakalathala sa pahayagan, lalong dumarami ang
bilang ng mambabasa. Ito ang dahilan kung kaya nag-uunahan ang mga reporter sa pagkuha ng talaan ng mga nakapasa
sa ano mang pagsusulit na ibinibigay ng Komisyon ng Servisyo Sibil at Board of Examiners, gayon din ang talaan ng mga
pumapasa sa entrance examination ng mga tanyag na paaralan, dalubhasaan at pamantasan.

Halimbawa:

230 Pilipino, pinauwi mula sa Lebano

1. Abrigo, Milagros 115. Matienzo, Shirley

2. Bucay, Lilibeth 116. Malimo, Mary Grace

3. Acosta, Marilou 117. Melchor, Elenor

4. Adan, Francia 118. Montenegro, Hilda

5. Agarpao, Lagrimas 119. Ong Shirley

(Phil. Daily Inquirer, July 27, 2006)

12. Mga Nomero. Gaya ng pagsasama ng maraming pangalan, kailangan ding maipakita sa mga pahayagan,
pampaaralan man o pang-araw-araw, ang mga bagong estadistikang mahalaga, gayon din ang bagay na nahihinggil sa
"kahulugan at hiwaga ng numero." Kung panahon ng halalan, lalong napakahalaga ang tungkuling ginagampanan ng
bilang o numero sa mga pahayagan, gayon din ang numerong may kaugnayan sa naging resulta ng palaro, Lotto,
Sweepstake, Bingo, at iba pa.

Halimbawa:

a. Ipinakikita ng ginawa kamakailang sarbey sa suweldo ng Asiaweek na may sapat na katwirang sabihin na ang
ating mga Universidad, kasama na ang ipinagmamalaki nating Universidad ng Pilipinas, ay hindi kompetitiv sa
buong daigdig.

Narito ang kasalukuyang average na buwanang suweldo (batay sa halaga ng dolyar sa Marso 15, 2000)
ng mga profesor sa mga Universidad ng estado:

1. Hongkong $16,287 4. Singapore $4,921

2. Japan $6,983 5. Australia $4,751

3. South Korea $5,511‘ 6. Taiwan $3,297


7. Thailand $662 9-10. India, Philippines $367

8. China $453 11. Indonesia $88.

13. Sex. Ang mga pangyayaring nahihinggil sa sex ay paksang kinawiwilihang malaman ng mga tao sa
isang pamayanan mula pa noong unang panahon. Kaya't anumang pangyayaring nahihinggil dito ay parang apoy
kung lumaganap sa buong pamayanan kahit na sa bibig lamang ng mga mamamayan nagpapalipat-lipat.
Hanggang sa kasalukuyang bagong panahon, ito pa rin ang mahalagang pabalita. Ayon sa Handbook of
Journalism ni Castro:

...Walang batas na nagbabawal sa mga editor ng mga pahayagan na maglagay ng puwang para sa sex sa
paniniwalang ito ay naiibigan ng mambabasa. Ang mga divorsyo, alingasngas sa familya at krimen sa sex ay
nagiging lehitimong balita pagsapit o kahit na di pa sumasapit ng hukuman, subalit ang ganito'y bihirang
bigyang-halagang tulad ng inaasahang bigyang-diin sa mga balita."

Ang mga pangyayaring kinapapalooban ng ganitong katangian, anuman ang gawing paghadlang, ay lalabas at
lalabas pa rin ng bakuran, wika nga. At sapagka't ito naman ay sadyang nakatitimo ng damdamin ng mambabasa, kung
kaya ipinalalagay na lalong mainam na makasama na ito sa mga balitang hindi lamang pampahayagan kundi maging
panradyo at pantelevisyon. Gayon pa man, ipinaaalaala lamang na kailangang huwag naman 'tong lubusang bigyang-
diin. Kailangang isulat ito nang buong ingat, kung sa palagay ay maaaring makapinsala sa kapwa, hanggat maaari'y
huwag munang isama ang mga pangalan ng mga kasangkot, gayon din ng kanilang mga larawan.

Halimbawa:

a. Kung bakit nagalit si Judy Ann kay Mark Anthony

Ayon sa Funfare DPA, ang dalawa ay may nakatakdang "love scene" kung saan hahalikan nang
bahagya ni Anthony si Judy Ann sa labi (isang kunwang halik). Ngunit ang ginawa ni Anthony ay inilabas
ang dub ng kanyang dila, kaya nagalit si Judy Ann.

b. Teng at Boris nag-aaway dahil kay Leah

Magtatapos ang Captain Barbell sa linggong ito sa pag-aaway nina Teng (Richard Gutierrez) at
Boris (J. C.de Vera) dahil kay Leah (Rhian Ramos). Titindi pa ang conflict dahil kay Teng at di kay Boris
kumampi si Levi at pinukpok pa nito ng kahoy sa ulo; Muli ring magbabanggaan sina Captain Barbell at
Vaporo (Jay Aquitania) nang tangayin ng huli si Kit Camille Prats) at dalhin sa lighthouse. Gusto siyang
dakpin ni Captain Barbell at nang di magawa'y hinipan niya ito hanggang maging yelo.

14. Mga paksang nakakalibang. Sadyang kailangan ng mga mambabasa, bukod sa mga paksang nakapagbibigay
ng mahahalagang imformasyon, ang mga paksang nakakalibang, mga paksang nakapagbibigay-aliw sa kaisipan. Ito ang
dahilan kung bakit ang mga pahayagan sa bagong panahon ay nagsasama ng mga paunang balitang maaaring
makapagbigay-aliw sa mambabasa.

Halimbawa:

a. Magtatanghal si Martin sa Clark Field

Matapos na matagumpay na pagtatanghal sa maraming bayan at lungsod sa buong Pilipinas,


nakatakda naman ngayong magtanghal ang Hari ng Konsiyerto si Martin Nievera sa Expo Pilipino, Clark
Field, Pampanga sa Sabado, Marco 18, ika-7 n.g. (The Star, Marco 16, 2000)
Nagsasama gayon din ng mga seksiyong panlibangan, e.g. Fashion & Beauty, at kauri. Kabilang sa
mga nalalathala rito ang mga nahihinggil sa palatuntunang panradyo, palatuntunang pang-Cable;
palatuntunang pantelevisyon, mga lalabas na stage show, mga palabas sa sine, isports, e.g. resulta at
iskedyul ng basketbol, tennis, karera at Jai-alai, gayon din ng mga pagpapaganda ng katawan, ng
pananamit, ng tahanan, pati na ng mga komiks, palaisipan, at iba pa.

You might also like