You are on page 1of 26

MODYUL 1

POPULAR
NA
BABASAHIN
(Kontemporaryong Panitikan tungo sa
Kultura at Panitikang Popular)
Kilala mo ba ang mga sumusunod
na tauhan?
KOMIKS
Mula sa Ingles na comics, ang
komiks ay isang grapikong midyum
na ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento.
Ito ay ibinibilang ding isang makulay at
popular na babasahing ang layunin ay
magbigay-aliw sa mga mambabasa,
magturo ng iba’t ibang kaalaman at
magsulong ng kulturang Pilipino.
Kadalasang naglalaman ang komiks ng
kaunting dayalogo sapagkat binubuo nito ng
isa o higit pang mga larawan, na maaring
maglarawan o magbigaykahulugan sa teksto
upang higit na mapukaw ang atensiyon ng
mga mambabasa.
KASAYSAYAN
NG KOMIKS
Mauugat ang pagguhit ng komiks noong
1885, nang iguhit ni Jose Rizal sa anyong
kartun ang tanyag na pabulang “Ang
Pagong at ang Matsing” sa album ni Paz
Pardo de Tavera na nililigawan pa noon ni
Juan Luna sa Paris.
Inihudyat naman ang pagiging industriya ng
komiks nang likhain at ilathala ni Tony
Velasquez ang nakatatawang buhay ni Kenkoy
noong 1929. Naging bahagi ito ng lingguhang
magasing Liwayway na naisalin din sa iba
pang mga rehiyonal na magasin.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, nagsimulang maging
pangunahing babasahing Filipino ang
komiks na hinalaw sa comic book ng
mga Amerikano.
Nailathala ang Halakhak Komiks noong
1946, ang kaunaha-unahang lingguhang
serye ng komiks na nailimbag sa
Pilipinas.
Sinundan ito ng Pilipino Komiks,
Hiwaga Komiks, Espesyal Komiks at
Tagalog Klasiks ng Ace Publications sa
pamamahala ni Tony Velasquez. at
sinundan pa ng ibang publikasyon.
Noong mga dekada 1970-1980, umabot sa
tatlong milyon kada linggo ang nailalathala
at malaki ang ambag sa pagpapalaganap ng
pambansang wika at pagbasa para sa mas
nakararaming mamamayang walang
kakayahang bumili ng mga libro.
Subalit, nanghina ito sa pagbubukas ng
dekada ‘90 dahil nagsawa diumano ang
mambabasa sa hindi nagbabago bukod sa
sumasamang uri ng kuwento’t guhit, ang
palatandaan ng sobrang komersiyalisasyon.
MGA BAHAGI
NG KOMIKS
• PAMAGAT
pamagat ng komiks,
pangalan ng komiks.

• KUWADRO
Naglalaman ng isang tagpo
sa kuwento (frame).
• LOBO NG USAPAN
Pinagsusulatan ng usapan ng mga
tauhan
• LARAWAN/GUHIT
Mga guhit ng tauhan na
binibigyan ng kuwento.
• KAHON NG SALAYSAY
Pinagsusulatan ng
maikling salaysay.
GAWAIN:
Gamit ang komik strip na may apat na
tauhan, lagyan ito ng angkop na salitaan
kung paano makaiiwas sa COVID-19.
Gayahin o gumawa sa sagutang papel.

You might also like