You are on page 1of 2

 Taong 1947

Matapos ang pagriritiro sa Liwayway, itinatag ni Tony Velasquez (ama ng industriya ng


komiks) Ang Ace publication. Ditto nailathala ang mga sumusunod:

o 1947-Nailathala ang Pilipino Komiks


o 1949- Nailathala ang Tagalog Komiks
o 1950- Nailathala ang Hiwaga Komiks
o 1952- Nailathala ang Espesyal Komiks
o 1960- Nailathala ang Educational Classic Komiks

 Taong 1962

Nagsara ang Ace Publications ngunit itinatag ni Velasquez ang Graphic Arts
Service Inc. (GASI) na naglathala ng mga kilalang Komiks Books tulad ng Pinao Klasiks,
Holiday Komiks, Teen WeeklyKomiks at Pioneer Komiks.

Noong kalagitnahan ng dekada’50 nagsimula ang pinakamalaking industriya ng


komiks sa Pilipinas at noon kinilala ang komiks bilang “Pambangsang Babasahin” ng mga
Pilipino. Ang ating Tagalog Komiks noon ay karaniwang tumtalakay sa Aswang, Kapre,
Nuno sa Punso, Tikbalang, at iba pang supernatural na nagmula sa ating mga poklor.

 Taong 1970 “Ginintuang Panahon ng Komiks”

Sa panahong ito umabot sa 500 pamagat ng mga komiks ang nailathala.


Dumami din ang mga killing taong manlilikha sa larangan ng mga komiks. Kinilala at
ginamit ang komiks sa pag-iindurso ng mga produkto. Maging sa pulitika nagamit din ng
mga tatakbong kandidato sa eleksiyonang mga komiks bilang panghihikayat sa masa.

 Taong 1986 “Komiks bilang Pambansang Babasahin”

Ayon sa isang sarbey na isinagaw, lumabas na tinangkilik ng mga Pilipino noon


ang komiks dahil sa umano’y madali itong maunawaan.

 Ang Pagbagsak ng Komiks

Taong 1990 ng magsimulang humina at bumagsak ang komiks. Ang pagkahilig


ng mga Pilipino sa komiks ay napalitan ng mga video games, Karaoke, text
mesagingf at iba pang mga electronic mediana mapaglilibangan. Dahil dito ang
mga gumagawa ng komiks ay bumaba ang kita.
Mga Dulot ng Komiks sa Pag-aaral

 Nagbibigay aliw sa mga mambabasa.


 Mas mabilis na maunawaan ng mambabas ang kahulugan ng mga mensahesa
pamamagitan ng mga imahekaya’t ito ay nakapagbibigay aral sa mga mambabasa.
 Mas napapalawak ang imahenasyon ng mambabasa at nadadala siya sa emosyon ng
karakter sa istoryang binabasa.
 Nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga mambabasa dahil sa magagandang kwento na dulot
nito at magagandang larawan.

You might also like