You are on page 1of 2

Aralin 5 – ONE-ACT PLAY

 Dulang ang istruktura ay binubuo ng isang yugto lamang (Casanova, 1984)

 anyo ng dulang pantanghalan na walang intermisyon sa gitna ng pagtatanghal, dahil iisa


lamang ang yugto nito

 Maikli at madali itong itanghal.

 Hindi nangangailangan ng malaking gastos sa produksiyon dahil sa iilan lamang ang artista,
kagamitan, at iba pang kailangan sa palabas.

 Kadalasan, umaabot lamang ng dalawa hanggang apat ang mga tauhan.

 Ang tagpuan ay kadalasang isa lang.

 Mayroong kaisahan ng panahon at espasyo ang (tradisyonal na) dulang may isang yugto. Ibig
sabihin, sa pagbukas at pagsara ng ilaw ng tanghalan, iyon lamang ang panahon at tagpuan na
nasasakop ng buong dula.

Aralin 6 – KOMIKS STRIP


Ang komiks istrip ay kuwento sa paraang pa-komiks.Taglay nito ang mga larawan at dayalogo ng Iba’t ibang Uri ng Komiks
mga tauhang kalahok sa kwento. Ginagamit din ito sa pagbubuod ng mahahabang salaysayin at sa Alternative Comic Books – karaniwang naglalahad ng istorya base sa realidad.
pagbibigay-diin sa mahahalagang detalye ng isang kwento.
Horror – mga istorya ng katatakutan
Pagsulat ng Komik strip
Manga - ito ay mga komiks na nanggaling sa Japan
Ang sumusunod ay ilang praktikal na panukala sa nagsisimulang sumulat ng komik istrip:
Aksyon (Action) - ito ay naglalahad ng mga istorya ng mga “superhero”
1. Pagpasyahan ang paksang nais isalaysay at ang genre ng komiks na nais isulat gaya ng
katatakutan, pantasya, komedya, drama, o aksiyon. Romance/adult – ang komiks na ito ay naglalahad ng istorya ng pag-ibig.

2. Lumikha ng mga karakter at pag-aralan ang personalidad ng mga ito. Science fiction/fantasy – ang komiks na ito ay karaniwang naglalaman ng mga bagay mula sa
imahinasyon
3. Magplano ng matalinong suliranin at solusyon sa kuwentong nais buuin.
4. Ilatag ang daloy ng mga pangyayari batay sa napagpasyahang bilang ng kuwadro/panel ng
pagkukuwento at naitakdang suliranin ng komiks.
5. Lumikha ng mga diyalogo at iguhit ang mga tauhan batay sa ipinahahayag ng mga speech
bubble.
6. Sumulat ng malikhaing pamagat na interesanteng makapupukaw sa atensiyon ng mambabasa.
Bahagi ng Komik
ARALIN 7 - EDITORYAL KARTUN peryodismo o pamamahayag. Kung nais ng isang kartunistang tumuligsa sa kanyang editoryal
kartun, ito ay dapat na para sa kapakanan ng publiko at may sapat na batayan.
May apat na pangunahing bahagi ang Pahinang Opinyon: mga kolum, liham sa editor, at ang
bibigyang pansin muna sa ating aralin ngayon na editoryal, at editoryal kartun.
Ang editoryal ay ang opinyon, posisyon, at paninindigan ng isang partikular na dyaryo o magasin
kaugnay ng isang napapanahong panlipunan at pampolitikang isyu. Karaniwan itong
nakapuwesto sa kaliwang bahagi ng kaliwang pahina at karaniwan ding malaki ang titik o font
nito para mas angat sa iba pang sulatin sa pahinang opinyon.
Ang editoryal kartun ay katulad ng editoryal pagdating sa isyu o konsern bagama’t malaya rin
ang kartunista kung ano sa mga napapanahong isyu ang gusto nyang pagtuunang pansin.
Karaniwan itong matatagpuan sa itaas ng gitnang bahagi ng pahina habang nasa kaliwa nito ang
editoryal, minsan naman ay matatagpuan ito sa mismong taas ng editoryal.

Mga sangkap ng editoryal kartun


1. Isyu/konsern – may malinaw, malakas, at tiyak na opinyon/posisyon/paninindigan kaugnay
nito ang diyaryo/kartunista. Nagpapahayag ito ng kanyang pagpabor o pagkontra sa isang isyung
tinalakay. Ang tipo ng isyu o konsern ay depende sa klase ng diyaryo, kung ito man ay
pampaaralan, pangmanggagawa, pansimbahan, at iba pa.
2. Drowing – ito mismo ang biswal na representasyon ng opinyon, posisyon at paninindigan. Sa
karaniwan ay estilong karikatura ito (ginagawang eksahirado ang katangian personahe o bagay
upang mas maging kapansinpansin) upang mas makuha ang atensyon ng mga mambabasa.
Karaniwan ding gumagamit ng mga simbolo (tao, bagay, hayop) halimbawa, kalapating may
nakaipit na sangang may dahon sa tuka na sumisimbolo sa kapayapaan. Ang kartunista ay
karaniwang pumipirma sa kanyang editoryal kartun na matatagpuan sa ibabang kanang sulok ng
kuwadro o frame.
3. Salita/teksto – kaunting kaunti lamang ang paggamit ng salita/teksto dahil ang pokus ng
editoryal kartun ay sa drowing. Ginagamit lamang ang salita sa pagtukoy sa tao, lugar o bagay.
Ginagamit rin ang salita kung ang tao o grupo ng mga tao ay may sasabihin sa larawan.
Halimbawa, ang mga taong nagwewelga. Sinusulatan ang kanilang karatula ng salita na
nagpapahayag ng kanilang ipinaglalaban.
4. Etika ng peryodismo – Ang konstitusyon ng Pilipinas ay nagkakaloob ng karapatan sa
pamamahayag o press freedom ngunit bawat karapatan at kalayaan ay may kaakibat ng
paninindigan. Sa likod ng pagpuna t pagtuligsa, dakilang layunin ng editoryal kartun ang maitama
ang mga kamalian at mabigyang-solusyon ang mga problemang may kinalaman sa publiko kaya

nararapat lamang na may sapat na batayan ang pagtuligsa lalo na kung ito ay napapanahon. Sa
kabuuan, sinomang gagawa ng isang editoryal kartun ay dapat na may gabay ng etika ng

You might also like