You are on page 1of 20

Larawang

Sanaysay
Alam mo ba...
Ayon kay Amat Kalantri, isang nobelistang Indian, "A
photograph shouldn't be just a picture, it should be a
philosophy". May katotohanan nga naman, ang litrato ay
isang larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may
katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng
mga natatagong kaisipan.
Alam mo ba...
Ang larawang-sanaysay ay tinatawag sa Ingles na
pictorial essay o kaya ay photo essay na para sa iba ay
mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang
maglahad mg isang konsepto.
Mga Dapat Tandaan
sa Pagbuo ng Larawang
Sanaysay
Tandaan...
●Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes.
●Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang larawang-
sanaysay.
●Hanapin ang 'tunay na kwento'. Matapos ang pananaliksik,
maaari mo nang matukoy ang anggulo na gusto mong dalhin
ng iyong kwento kahit na ang bawat ideya ng kwento ay
pareho, ang pangunahing dahilan ng bawat larawan ay
nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging
kwento.
Tandaan...
●Ang kwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng
mambabasa. Pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang
iyong piktoryal na sanaysay sa madla ay ang mga damdamin
nakapaloob sa kwento at gamitin ito sa mga larawan.
●Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga
larawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan
kaysa sa mga salita.
Tandaan...
●Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari
gamit ang larawan mabuting sumulat muna ng kwento at
ibatay rito ang mga larawan.
●Palaging tandaan na ang larawang sanaysay ay
nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya at
isang panig ng isyu.
Tandaan...
●Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing,
komposisyon, kulay at pag-iilaw, kung minsan mas matingkad
ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kumpara sa
iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
Mga Bahagi ng
Sanaysay
1. PANIMULA/INTRODUKSYON

Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o


pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring ipahayag nang
tuwiran o di-tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga
ay mabigyang panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na
pupukaw sa interes ng mga mambabasa.
2. KATAWAN

Katulad ng maikling kwento, sa bahaging ito ay binibigyang


halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari. Ang
katawan ng sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng
salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan.
3. KONKLUSYON
Sa pagtatapos ng isang sanaysay, dapat mag-iwan ng isang
kakintalan sa mga mambabasa. Dito na mailalabas ng
manunulat ang punto at kahalagahan ng isinalaysay niyang
pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito. Dito na rin niya
masasabi kung ano ang ambag ng kanyang naisulat sa
pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.
ISAGAWA:Larawan ko, Unawain mo!
1/4
Panuto:Pumili ng isa sa mga larawan at
magbigay ng maikling kabuuang kaisipan
o caption mula sa napili.
1
2
3
Pagsusulit (1/4)
TAMA O MALI

1. Ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng isang ideya, kronolohikal ng kwento at isang


panig ng isang isyu.
2. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga larawan. Higit na dapat
mangingibabaw ang salita kaysa sa mga larawan.
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
5. Sa pagpili ng paksa, hindi nagiging sagabal kapag ito ay taliwas sa interes.
6. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang mga larawan,mabuting sumulat ka
muna ng kwento at ibatay rito ang mga larawan.
7. Ang nilalaman ng larawang-salaysay ay binibigyang halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari.
8. Ang pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang iyong piktoryal na sanaysay sa madla ay ang mga
damdaming nakapaloob sa kwento at gamitin ito sa mga larawan.
9. Isinasalaysay at inilalarawam ng manunulat kung paano mapauunlad ang kanyang kalakasan at kung
paano niya naman napagtatagumpayan ang kanyang mga kahinaan.
10. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilangkarawan kumpara sa iba dahil
sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
Performance Task:
Bumuo ng larawang-sanaysay hinggil sa mga Gawain
o routine niyo sa bahay ngayong kayo’y nasa
Alternative Distance Modality o ADM
(A4 bond paper)
PAMANTAYAN
Batayan sa pagmamarka Kaukulang
puntos

Ang larawan ay dapat na orihinal na pagmamay- 15


ari
Angkop ang pagpili ng larawan sa nais iparating 25
na mensahe ng larawang-sanaysay
Malinaw at angkop ang paglalagay ng mga 30
caption sa larawan
Malikhain at nakapupukaw ng imahinasyon ang 20
kabuuan ng larawang-sanaysay
Naipasa sa takdang araw 10

You might also like