You are on page 1of 4

LARAWANG SANAYSAY at LAKBAY SANAYSAY

(Filipino sa Piling-Larang-AKADEMIK)

LARAWANG SANAYSAY
Depinisyon:

Larawang sanaysay o “Pictorial Essay” sa Ingles ay isang uri ng akademikong sanaysay


na maituturing makabagong paraan ng pagsusulat ng isang sanaysay sapagkat ito’y gumagamit
ng tinipong mga larawan o piktyur na isinaayos sa kronolohikal o pagkasunod-sunod na
pangyayari upang ilahad sa manunulat at sa mambabasa kung ano ang paksa o
pangkalahatang konseptio ng sulating ito. Napapagaan nito ang komposisyon sapagkat
binibuhat ng larawan ang kabuuang ideya ng akda, at hindi na kinakailangang gumamit ng
makakatang salita, iba’t-ibang pang-uri at pandiwa sa paglalarawan ng ideya.

Gayundin, Ito’y isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga larawan na may


kaugnayan sa bawat isa. Umiikot sa isang tema o paksain na kinapapalooban ng opinyon o
saloobin ng isang manunulat. Maaari itong personal na paniniwala sa isang partikular na isyu,
usapin o paksa na mayroong repleksyon ng kultura, paniniwala, tradisyon, pulitika at iba pang
mga tema ng sulatin at binibigyang-diin ang mga ito. Maaari itong maging simple o malikhaing
pagsulat.

Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph shouldn’t be just a
picture, it should be a philosophy.” May katotohanan nganaman, ang litrato ay isang larawan sa
pisikal na anyo. Subalit, ito ay maykatumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng
mga natatagong kaisipan. Kaya naman, kahanga-hanga ang mahuhusay kumuha ng mga
larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay.

Katangian:

[1] Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng


larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa
ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.

[2] Gayumpaman, nakasalalay pa rin sa husay at pagiging maiikhain ng isang tao ang
paggamit ng mga larawan sa paggawa ng sanaysay dahil nakabatay rito kung paano
pag-uugnay-ugnayin ang mga larawan ayon sa kanyang mga naiisip na ideya. Ang mahalaga,
kailangang malinaw ang mensahe ng gagawing larawang-sanaysay.
Dalawang Sangkap sa Larawang Sanaysay:

1. TEKSTO
- Madalas na may “journalistic feel”
- Kailangan maikli lamang ang sanaysay para sa larawan, maaaring 1,000
hanggang 2,000 ang bumubuong salita at mayroong nilalamang
mapapakinabangang mensahe mula sa larawan.
- Nilalaman din ng mga teksto sa sanaysay ang deskripsyon o caption ng mga
larawan.

2. LARAWAN
- Ito ay kaiba sa picture story sapagkat ito ay may iisang ideya o isyung nais
matalakay
- Ang mga larawan ay inaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
at ang layunin nito ay magsalaysay o magkuwento.

Mga Elemento ng Larawang Sanaysay:

1. Sa kuwento, dapat makapagsalaysay ang piyesa kahit walang nakasulat na artikulo.


Hayaang magsalaysay o magbigay komentaryo ang mga larawan.
2. Ang mga uri ng larawan ay tumutukoy sa barayti ng mga larawan gaya ng wide
angle, close up at portrait na mahalagang mailahok sa isang piyesa.
3. Mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng mga larawan upang mabisa itong
makapagkuwento sa paraang kaakit-akit.
4. Mahalagang maglahok ng mga larawang nagtataglay ng impormasyon at ng
emosyon.
5. Ang paglalarawan o caption ay mahalaga upang masigurong maiintindihan ng
mambabasa ang kanilang tinutunghayan.

Barayti ng mga Larawan:

1. Ang pangunahing larawan (lead photo) - ay maihahalintulad sa mga unang


pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa mahalagang impormasyon na sino,
saan, kailan at bakit.
2. Ang eksena (scene) - ang pangalawang litratong naglalarawan ng eksena ng isang
larawang sanaysay.
3. Ang Larawan ng tao o pinapaksa (portrait) - Ipinapakita nito ang tauhan sa kwento.
4. Ang mga detalyeng larawan (detail photo) - ay nakatutok sa isang elemento gaya ng
gusali, tahanan, mukha, o mahalagang bagay. Gaya ng detalyeng larawan, pagkakataon
ng larawang close-up na tumuon sa ilang bagay.
5. Signature photo - ay ang larawang magbubuod sa sitwasyong masasalamin sa
larawang sanaysay.
6. Ang panghuling larawan (clincher photo) - ay ang huling larawan sa mga serye ng
mga litrato. Mahalagang piliin ang huling larawan na magbibigay sa mga mambabasa ng
emosyong nais mong iparating tulad ng pakiramdam ng pag- asa, inspirasyon, pagkilos
o paglahok, at kaligayahan.
Anggulo ng Kamera o Larawan:

1. Establishing / Long Shot o “scene- setting”- Mula sa malayo ay kinukunan ang buong
senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong
pelikula o dokumentaryo.
2. Medium Shot - Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang
taong nag-uusap.
3. Close-Up Shot - Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng
batang nagulat sa tunog ng kulog tuwing umuulan o dikaya’t sulat-kamay sa isang papel.
4. Extreme-Close Up - Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus
ay isang detalye lamang mula sa close-up. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa
mata lamang sa halip na sa buong mukha.
5. High Angle Shot - Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa itaas na bahagi tungo sa ilalim.
6. Low Angle Shot - Ito ang kabaliktaran ng High-angle na kung saa ang kamera ay nasa
bahaging ibaba o ilalim, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula naman sa ibabang
bahagi tungo sa itaas.
7. Birds-eye view - “Aerial shot”, na kung saan ang larawan ay nagmumula sa
pinakamataas na bahagi at ang tingin ay nakatungo sa pinakamababang bahagi.
Tinatawag din itong “drone shot” kung ang nagiging medyum ng paggkuha ng larawan
ay sa pamamagitan ng drone.

Mga hakbang sa pagsulat ng Larawang Sanaysay o Photo essay:

1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.


2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay
madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting
sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit na
dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na
salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at
pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang
larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
9. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay.

Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga bata,
kabataan, propesyonal, o masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga
larawang ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng mga caption.
Importanteng may kinalaman ang caption sa larawan ngunit ‘wag nang sabihin ang malinaw
nang nakikita sa larawan. Magkuwento. Sabihin kung ano ang nangyayari sa eksenang
inilarawan at gumamit ng wikang malinaw, simple, at naglalarawan din. Dito nagiging
kapansin-pansin ang isang caption.

Dapat isaalang-alang sa Paggawa ng isang Larawang sanaysay:

1. Kailangan ang mga larawang gagamitin o ginamit sa larawang sanaysay ay dapat


nakapupukaw ng atensyon ng mga mambabasa.
2. Kung nahihirapan sa pagbuo o pag-aayos ng mga pangyayari, mabuting sumulat muna
ng kuwento na nakabatay sa mga larawang nasa-iyo. Sa pamamagitan nito, nagiging
kohesib komposisyon.
3. Siguraduhing gumawa ng burador ng magiging kuwento ng larawang sanaysay at
irebisa ito.
4. Dapat tandaan, na ang isang larawang sanaysay ay Kronolohikal na pagkaka-ayos at
pagsasalaysay na nakabatay sa isang ideya, konsepto o napapanahong isyu.
Gayunpaman, DAPAT ang salaysay ay akma sa mga ipinakitang mga larawan.

You might also like