You are on page 1of 36

HULAAN

MO!
LARAWANG
SANAYSAY
O
PICTORIAL ESSAY
Pagnilayan

•Nakapagselfie ka na ba gamit ang iyong kamera?


Ano ang idinudulot sa iyo ng gawaing ito?

•Bukod sa sarili, kaibigan, kamag-anak at kakilala


sino o ano pa ang nakunan mo na ng larawan?

•Ano ang silbi sa iyo ng pagkuha ng larawan?

•Kung ikaw ay gagawa ng isang photo essay, ano o


sino ang iyong magiging paksa at bakit?
Ayon kay Amit Kalantri, isang
nobelistang indian,

“A photograph
shouldn’t be just a
picture, it should be a
philosophy”
Ang larawan ay mahalagang kagamitan
para sa isang guro dahil ito ay madalas
niyang gamiting pantulong na kagamitan
sa pagtuturo upang mapadali ang
pagkatuto ng mag-aaral. Kaya naman,
hindi nakapagtatakang ang mga larawan
ay gamitin din bilang mga instrumento sa
mga gawaing pag sulat tulad ng photo
essay o larawang-sanaysay
Ang larawang-sanaysay na
tinatawag sa Ingles na pictorial
essay o kaya ay photo essay na
para sa iba ay mga tinipong
larawan na isinaayos nang may
wastong pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari upang maglahad
ng isang konsepto.
Kagaya ng iba pang uri ng sanaysay, gumagamit
ito ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay.
Maaaring gamitin mismo ang binuong larawan o
di kaya’y mga larawang may maikling teksto o
kapsyon. Ang mga imaheng ito ang nagbibigay-
kulay at kahulugan sa mga kaisipang nais
iparating ng teksto. Karaniwang umiikot lamang
ito sa isang paksa o tema kaya’t mahalagang ang
mga serye ng larawan ay magkakaugnay. Dapat
din itong pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang
nais ipahayag.
Ang larawang-sanaysay ay gaya rin ng
iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng
mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa
pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo
ang mga binuong larawan o dili kaya’y
mga larawang may maiikling teksto o
caption. Malaki ang naitutulong ng
larawang may teksto sapagkat
nakatutulong ang mga ito sa mga ideya
kaisipang ipinakikita ng larawan.
Ang pictorial essay ay:
•Koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang
maglahad ng pagkasunod- sunod ng pangyayari.
•Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga
larawan na may kaugnayan sa bawat isa.
•Umiikot sa isang tema o paksain na kinapapalooban ng
opinyon o saloobin ng isang manunulat.
•Maaaring serye ng imahen.
•Maaari itong personal na paniniwala sa isang partikular
na isyu, usapin o paksa na mayroong repleksyon ng
kultura, paniniwala, tradisyon, pulitika at iba pang mga
tema ng sulatin.
•Naglalarawan ng partikular na konsepto at
nagpapahayag ng damdamin.
•Gumagamit ng mga teknik sa pagsasalaysay
katulad ng iba pang uri ng sanaysay.
•Naiiba dahil larawan ang gamit sa
pagsasalaysay.
•Madalas personal at maaaring maging isang
epektibong paraan upang lumikha ngisang
personal na mensahe upang ibahagi sa iba.
•Maaari itong maging simple o malikhaing
pagsulat.
Layunin nitong:
o Magbigay ng kasiyahan o aliw
sa taong gumagawa ng
salaysay.
o Magbigay ng mahalagang
impormasyon.
o Malinang ang pagiging
malikhain.
Mga katangian:
•Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan
ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t hindi ito
kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang
makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng
magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito.

•May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan


kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga larawang may
ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang- diin.
Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng
pagsulat o paggawa ng larawang-sanaysay.

•Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay


ang mismong paggamit ng larawan sa pagsasalaysay.
Kalikasan ng Pictorial Essay:
• Ang mga larawan ang pangunahing nagkukwento
samantalang ang tekso ay maaaringsuporta lamang
• Ang isang deskripsyon ng larawan ng pictorial
essay ay hindi dapat lalagpas ng 60 nasalita.
• Simple lang dapat at hindi pupunuin ng mga
salita.
• Inaayos ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-
sunod o ayon sa damdaming gustongipahayag
• Malinaw ang pahayag sa unang tingin palang.
May pictorial essay na:
• Binubuo lamang ng mga
larawan.
• Binubuo ng mga larawang
may maikling teksto.
• Binubuo ng kalakhang teksto
at sinasamahan ng mga
larawan.
Dalawang Uri ng Piktoryal na Sanaysay
1. Kronolohikal - ito ay nagsasalaysay ng isang istorya
sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
2. Thematic - Nakapokus sa sentral na tema
halimbawa na lang ay kapaligiran, isyung
panlipunan o kaya ay tungkol sa pamilya.
Narito ang mga dapat mong isaalang-aiang sa pagsulat ng larawang-
sanaysay:

1.Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.


2.Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3.Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4.Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o
emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
5.Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang
larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga
larawan.
6.Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan.
Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
7.Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
8.Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon,
kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi
ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng
damdamin na isinasaad nito.
1.Ang kwento o ang istorya– Ang kwento ng
ginawa mong piktoryal na sanaysay ay
kayangmapag-isa kahit na walang mga
tekstong nakasulat para sumuporta rito.
2. A range of photo o saklaw ng larawan–
Nangangahulugan na kailangan magkaroon
ngbarayti ang mga kukuhain mong larawan.
3. Organisasyon ng mga larawan– Mahalaga ang
pagkakaayos ng mga larawan sa isangpiktoryal na
sanaysay nang sa gayon maipapahayag mo ng epektibo
ang nais mong iparating.
4. Impormasyon at emosyon – Dapat na may
impormasyon at emosyon ang larawan upang lubusan
mong mahikayat ang iyong mga mambabasa.
5. Kapsyon– Ito ang iyong pagkakataon upang ilarawan
ang nangyayari sa pamamagitan ng salita at dahil dito
mas makakasigurado ka na naintindihan ng mga
mambabasa ang iyongginawang piktoryal na sanaysay.
a.) The Lead Photo –
Maihahalintulad sa unang
dalawang pangungusap na
mababasa mo sa mga artikulo sa
pahayagan kinakailangan na
dapat sa bahaging ito pa lamang
makuhamo na ang atensyon o
interes ng mga titingin dito.
Sinasabi na ito ang
pinakamahirap nagawin sapagkat
kailangang maingat na piliin ang
larawan na nakabatay ayon sa
tema.
The Scene –Ang lugar at ang
paglalarawan sa lugar.
c.)The Portraits – Kinakailangan na
magkaroon ng kahit isang portrait nang sa
gayon mailabas o makapagpakita ng
masidhing emosyon sa mga mambabasa.
d.) The Detail Photos– Sa bahagi ito mahalaga
na ang kapsyon mo sa mga larawan
aykinakailangan impormatibo at kapupulutan
ng aral.
e.)The Close-up Photos – Ang larawan naman sa
bahaging ito ay “tightly cropped” at“simple shots” na
makapagpapakita ng ispesipikong element ng iyong
istorya. Muli, sabahagi ito mahalaga na ang kapsyon
mo sa mga larawan ay kinakailangan malinaw
atmaayos na naipahayag.
f.) The Signature Photo– Nagbubuod ng
buong sitwasyon.
g.) The Clincher Photo– Pinal na larawan, na
makapaglalabas ng emosyon ng iyong
mgamambabasa, na kung gusto mo bang ang
emosyon na maiwan sa kanila ay
pagigingmasaya, malungkot, pagkakaroon ng
pag-asa.
Dapat Tandaan!

• Siguraduhing pamilyar ka sa paksa.


• Alamin kung magiging interesado sa paksa
ang magbabasa nito.
• Kilalanin kung sino ang mambabasa.
• Malinaw ang patutunguhan ng photo essay.
• Idepende ang haba ng teksto sa paglalarawan.
• Kailangang may kaisahan ang mga larawan.
• Isaalang-alang ang consistency sa framing,
komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay.

You might also like