You are on page 1of 17

Pagsulat ng Photo Essay

sa
Piling Larangan

Group 6
ANO NGA BA ANG
PHOTO ESSAY?
Ano nga ba ang Photo Essay?

Ang Photo Essay ay koleksiyon ng mga larawang


maingat na inayos upang maglahad ng pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular
na konepto, at mag pahayag ng damdamin. Hindi
limitado ang paksa ng photo essay. Maaaring ito ay
serye ng mga imahen sa mataong bangketa, magulong
konsiyerto, o tahimik at payapang bukirin. Maaarng ito
ay tungkol sa isang tao o mga kakaibang pangyayari.
Ano nga ba ang Photo Essay?

Ang Photo Essay ay katulad ng iba pang uri ng


sanaysay na gumagamit ng mga teknikal sa pagsalaysay.
Ang kaibahan lamang ay ang paggamit ng mga larawan
sa pagsalaysay. May mga photo essay na binubuo
lamang ng mga larawan. Ang iba naman ay binubuo ng
mga larawang may maiikleng teksto. May mga
nagsasabing photo essay ang isang sulatin kung ang
kalakhan nito ay teksto at sasamahan lamang ng ilang
larawan.
PAGNILAYAN

1.) Naka selfie ka na ba gamit ang iyong kamera? Ano ang


idinudulot sa iyo ng gawaing ito?
2.) Bukod sa sarili, Kaibigan, kamag anak, at kakilala, sino o ano
pa ang nakunan mo na larawan.
3.) Ano ang silbi sa iyo ng pagkuha ng larawan?
4.) Kung ikaw ay gagawa ng isang photo essay, ano ang iyong
magiging paksa at bakit?
PAGNILAYAN

1.) Naka selfie ka na ba gamit ang iyong kamera? Ano ang


idinudulot sa iyo ng gawaing ito?
2.) Bukod sa sarili, Kaibigan, kamag anak, at kakilala, sino o ano
pa ang nakunan mo na larawan.
3.) Ano ang silbi sa iyo ng pagkuha ng larawan?
4.) Kung ikaw ay gagawa ng isang photo essay, ano ang iyong
magiging paksa at bakit?
MGA HALIMBAWA NG PHOTO ESSAY
Mga Tandaan sa Pagbuo ng Photo Essay
1.) Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes.
2.) Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang photo essay.
3.) Hanapin ang “tunay na kuwento.” Matapos ang pananaliksik,
maaari munang matukoy ang anggulo na gusto mong dalhin ang
iyong kuwento kahit na ang bawat ideya ng kuwento ay pareho.
Ang pangunahing mga dahilan ng bawat
larawan ay nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at
natatanging
kuwento.
.
Mga Tandaan sa Pagbuo ng Photo Essay

4.) Ang kuwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.


Pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang iyong sanaysay larawan sa
madla ay ang mga damdamin nakapaloob sa kuwento at gamitin ito sa mga
larawan.
5.) Pagpasyahan ang mga kukunang larawan. Magsimula sa paglikha ng isang
listahan ng mga kuha para sa kuwento. Ang bawat “shot” ay tulad ng isang
pangungusap sa isang kuwento sa isang talata. Maaari kang magsimula sa 10
“shots.” Ang bawat “shot” ay dapat bigyang-diin ang iba’t ibang mga
konsepto o emosyon na maaaring pinagtagpi kasama ng iba pang mga
larawan.
KALIKASAN NG PHOTO ESSAY

1.) Ang mensahe ng photo essay ay pangunahing


makikita sa serye ng mga larawan.
2.) Gumagamit lamang ng mga salita kung may mga
detalyeng mahirap ipahayg kung larawan lamang
ang gagamitin.
3.) Kung kronolohikal din ang ayos ng mga larawan.
May iba lamang inaayos ang mga larawan ayon sa
damdaming maaaring pukawin nito.
KALIKASAN NG PHOTO ESSAY
4.) May iba namang inaayos ang mga larawan ayon sa damdaming
maaaring pukawin nito
5.) Ang larawang nagtataglay ng pinakamataas na emosyon ay
karaniwang inilalagay sa gitna o sa bandang hulihan.
6.) Kadalasan ang pag aayos ng mga larawan ay nakabatay sa kung
paano nauugnay ang isang larawan sa isa pa. Na kung saan sa
unang basa o tingin, kailangang malinaw na kung ano ang
mensahe ng photo essay.
Ilan sa mga gumagawa ng Photo Essay

• Author
• Photographer
• Estudyante
Mga katangian ng Photo Essay

• Malinaw na paksa
• Pokus
• Orihinalidad
• Lohikal
• Kawilihan
• Komposisyon
Pagbuo ng Photo Essay
• Sa pagbuo nito, siguraduhing pamilyar sa piniling paksa.
• Kailangang alamin din kung magiging interesado ba sa paksa o mambabasa o
titingin nito. Kung tungkol ito, halimbawa, sa reunion ng inyong pamilya, o
dokumentasyon ng isang sporting event, hanapan mo ito ng ibang anggulo. Ipakita
kung ano ang bago. Tandaan, ang mga larawan ang tuon ng sanaysay kaya
kailangan ng masuring pagpaplano.
• Mahalaga ding kilalanin kung sino ang mambabasa. Intensiyon mo bang ipabasa o
ipakita ito sa iyong kaklase, sa iyong guro, o mas malawak na publiko?
Siguraduhing ma-access ng mambabasa ang ginawang materyal. Kung ang target,
halimbawa, ay mga kaklase, mainam nila ang kanilang mga sarili sa piniling paksa.
Maaaring hindi magtagumay ang photo essay kung gagamit ng abstraksyon sa
presentasyon ng mga larawan
Pagbuo ng Photo Essay

• Kailangang malinaw sa kung ano ang nais patunguhan ng photo essay. Bakit ka
gagawa nito? Ano ang iyong layunin? Gamitin ang mga larawan upang matamo ang
layunin ng proyekto. Kung ang layunin ay suportahan ang isang adbokasiya o
hikayatin ang mamababasa na kumilos, kailangang masalamin ito ng mga piniling
larawan.
• Kung ipagpalagay na makatayo nang walang suportang teksto ang mga larawan,
hindi na kailangang pang magsulat ng maikling paglalalarawah o ipagpaliwanag. Sa
pagkakataong ito, isulat ang kasaysayan o background ng bawat larawan at ng iba
pang mahahalagang impormasyong hindi karaniwang makukuha sa pagtingin
lamang sa mga larawan. Gamitin ang pagsulat ng teksto upang malinawan ang
mambabasa.
Pagbuo ng Photo Essay

• Kailangan ding may kaisahan ang mga larawan sa


photo essay. Isaalang-alang ang consistency sa
framing, kumposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay
maliban na lamang kung may nais na idiing ideya o
damdamin. Halimbawa, mas matingkad ang kulay at
matindi ang kontrast ng ilang larawan kompara sa iba
dahil nais na iparamdam ang pagbabago ng tono.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!!

You might also like