You are on page 1of 5

MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

KOMPOSISYONG POPULAR

a. Naipaliliwanag ang paraan ng pagsulat ng isang komposisyong popular.


b. Naiisa-isa ang mga iba’t ibang uri ng komposisyong popular.
c. Nakasusulat ng iba’t iabng komposisyong popular ayon sa uri nito.

Malaking bahagi ng takbo ng lipunan ang nakaiimpluwensiya sa pagsusulat ng iba’t ibang


akda. Dito kumukuha ang mga manunulat ng mga elemento na maaaring ilahad, ikuwento, at
bigyang buhay.
Kasabay ng pagbabago ng ating panahon, mahalagang natutukoy ng mga manunulat ang
dulog, at paraan na maaari nilang gamitin na makasasabay sa interes ng lipunan, at akma sa
kasalukuyang panahon.
URI NG KOMPOSISYONG POPULAR:
1. Islogan
2. Patalastas
3. Awit
4. Komiks
5. Telebisyon at Radyo

1
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

1. ISLOGAN
Isang linyang nagtataguyod ng aral, o paalala. Bukod dito, pangunahing layunin ng
islogan ang maging madaling maunawaan, at matandaan ang mga mensahe nais ipahayag sa
madla.
Gamit na gamit ang uring ito sa mga estasyon ng telebisyon, radyo, tag line ng mga
kompanya, iba’t ibang produkto, o pagtataguyod ng isang ideolohiya.

Uri ng slogan Gamit Halimbawa


1. Brand and Product Pagtataguyod ng Jollibee: Bida ang Saya
slogans pagkakakilanlan ng isang
kompanya, at produkto.
2. Political slogans Magbuod, at mag-udyok ng Ang tao, ang bayan, ngayon
paninindigan sa usaping politikal. ay lumalaban!

3. Safety slogans Upang itaguyod ang paalala sa Safety first


kaligtasan, at usaping
pangkalusugan.
4. Inspirational slogans Layuning magbigay ng Kung hindi ikaw, sino?
motibasyon sa mambabasa. Kung hindi ngayon, kailan?
5. Educational slogans Pagbibigay-diin sa DepEd: Edukasyon para sa
pilosopiyang pinanghahawakan lahat.
ng isang
institusyong nagtataguyod ng
edukasyon.

2. PATALASTAS
Ang patalastas, o mga advertisements, ay karaniwang matatagpuan sa iba't ibang
mga medium tulad ng pahayagan, magasin, radyo, telebisyon, at iba pa. Layunin nitong
magbigay impormasyon, direksyon, at manghikayat sa mga mamimili o target audience.
Maaaring ito ay tungkol sa mga produkto o serbisyong inaalok, o maaaring patungkol sa
mga adhikain o paniniwala. Ang mga pahayag na pangmadla ay sumasagot sa mga
tanong na "ano," "kailan," "sino," "saan," "bakit," at "paano."

2
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

HALIMBAWA:

3. AWIT

Ang awit ay isang anyong pampanitikan na may kasamang musika. Karaniwang may
tono at sukat ito, at likas sa mga Pilipino ang pagkahilig sa pag-awit. Ang mga awitin ay
karaniwang tumatalakay sa mga damdamin, pangarap, kultura, at pananaw ng tao. Ang
tempo ng mga awitin ay maaaring mabilis, masaya, at malaya.

Ang awit ay may malalim na kahalagahan sa kultura at identidad ng mga tao, at ito ay
nagpapahayag ng mga damdamin at kwento ng lipunan. Ang mga uri ng awit na nabanggit ay
nagpapakita ng pag-usbong at pag-angkop ng musika sa iba't-ibang aspeto ng buhay at
sining.

a. Adaptasyon - Ito ay ang pagpapalit ng liriko o mga salita sa isang awit na mayroon nang
itinakdang himig o tunog. Karaniwang ginagawa ito upang makabuo ng mga kanta na may
kakaibang mensahe o tema sa orihinal na musika.
ORIHINAL ADAPTASYON

 Uhaw ng Dilaw  Oh Wow! Ni Michael V


https://www.youtube.com/watch?v=rWF4 https://www.youtube.com/watch?v=y5a99
2VRvsLg yODuP4

3
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

b. Revival - Ito ay ang muling pag-awit o pagsasalaysay ng isang lumang awit na maaaring
hindi kilala o matagal na. Ang revival ay isang paraan ng pagpapahalaga sa tradisyonal na
musika, at pagbibigay-buhay sa mga lumang kanta.
ORIHINAL REVIVAL

https://www.youtube.com/watch?v=1flU https://www.youtube.com/watch?v=hI3T
p08PZkA _D8TCUk

c. Rap - Ang rap ay isang uri ng awit na kung saan ang mga salita ay binibigkas nang
maayos at mabilis, karaniwang may kasamang ritmo o beat. Nagmula ang kultura ng rap sa
mga black american bilang midyum kanilang paggigiit sa kanilang karapatan. Ang rap ay
kilala sa paggamit ng mga balbal na salita, bagaman hindi lamang dapat dito umiikot ang
pagkakakilanlan sa kultura ng rap, at madalas itong ginagamit sa pagnanais na magpahayag
ng mga opinyon o kwento.

RAP LINK
KRS-One - Sound of da Police https://www.youtube.com/watch?v=9ZrAYxWP
N6c
Halalan ni Francis M https://www.youtube.com/watch?v=z8hFNSC6
5AM
Upuan ni Gloc 9 https://www.youtube.com/watch?v=yvWVfYwp
MD0

4. KOMIKS
Isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang kwento o salaysay. Karaniwang binubuo ito ng maliit na serye ng aklat na
naglalaman ng mga kuwentong nakaguhit.Ito ay isang uri ng sining na nagbibigay-buhay sa
mga karakter, mga lugar, at mga pangyayari sa pamamagitan ng visual na representasyon.
Narito ang mga pangunahing katangian ng komiks:
4
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

 Grapikong midyum: Ginagamit ang mga guhit at larawan upang ilahad ang kuwento
o kwento.

 Paglalarawan o paghahambing: Ang komiks ay maaaring gamitin upang maglarawan


o maghambing ng mga pangyayari, karakter, o ideya.

 Minsan ay walang salita: May mga komiks na naglalaman ng kaunti o walang salita,
kung saan ang kwento ay naipapahayag lamang sa pamamagitan ng mga larawan.

 Ang komiks ay isang anyo ng sining na may mga iba't-ibang genre, tulad ng kagila-
gilalas, romantiko, horror, at marami pang iba.

 Rebista o aklat: Ang mga komiks ay maaaring mailathala sa mga rebista o aklat na
naglalaman ng serye ng mga kwento o comics strips na may mga pagsusunod-sunod.

Bernales, Rolando.et.al.(2009).Retorika:Ang Sining ng Pagpapahayag.Malabon City:Mutya


Publishing House Inc.
Buensuceso, Teresita S.et.al.(2005). Retorika (Filipino 3: Para sa antas tersarya).Manila:UST
Publishing House

You might also like