You are on page 1of 17

Aralin 2 - Panitikan

Balagtasan
• Ito ay uri ng pagtatalo ng dalawang
magkaibang panig ukol sa isang paksa.
• Ito ay isang uri ng patimpalak o paligsahan
ng talino sa pagtula kung saan ay isa sa
mga tanyag at kinikilalang tradisyunal na
anyo ng panitikang Filipino.
Balagtasan
• Ito ay hango sa pangalan ni Francisco
Balagtas.
• Ito ay unang nagsimula sa Pilipinas noong
Abril 6, 1924 bilang pag-alaala kay
Balagtas.
• Ito ay nagpapakita ng kagitingan sa tula at
kadalasang naglalaman ng mga paksa
tungkol sa lipunan, kultura, politika at iba pa.
Elemento ng Balagtasan

• Tauhan
• Pinagkaugalian
• Paksa/Isyung Pagtatalunan
• Mensahe/Mahalagang Kaisipan
A. Mga Tauhan ng Balagtasan
1. Lakandiwa
- Ito ang makatang namamagitan sa dalawang
panig na nagtatagisan ng mga katwiran sa
matulain at masining na pamamaraan.
- Siya ang kalimitang nagsisimula ng balagtasan
sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga
pangkat na magtatalo at gayundin sa paglalahad
sa madla ng paksang pagtatalunan.
A. Mga Tauhan ng Balagtasan
2. Mambabalagtas
- Kilala rin sa tawag na makata.
- Ito ang tawag sa panig ng nagtatalo sa
balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon
at ang isa naman ay sa panig ng di sang-
ayon sa paksang pinagtatalunan.
A. Mga Tauhan ng Balagtasan
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng
Mambabalgtas
1. Marunong at sanay tumindig sa harap ng
madla
2. May Magandang kaasalan sa pakikipagtalo,
hindi pikon
3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa
kanyang katalo, sa lakandiwa , at sa mga
nakikinig
A. Mga Tauhan ng Balagtasan
3. Mga Manonood
- Sila ang mga tagapakinig na minsa’y sila
ring nagbibigay ng hatol sa mga narinig na
paglalahad ng mga katwiran ng magkabilang
panig.
B. Pinagkaugalian
- Ang balagtasan ay nagtataglay ng mga
katangian ng tulang Pilipino: tugma, sukat at
indayog.
1. Tugma
– Ang tawag sa pag-iisang tunog ng mga
huling pantig sa salita ng bawat taludtod ng
balagtasan.
B. Pinagkaugalian
2. Sukat
– Ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat
taludtod.
3. Indayog
– Ang sining ng pagbigkas na siyang
nagbibigay-kariktan sa balagtasan na siyang
umaakit sa mga tagapakinig.
C. Paksang Pagtatalunan
- Ito ang pinakatema o isyung pagtatalunan ng
mga mambabalagtas.
- Kalimitang ito ay napapanahong isyung
nagdudulot ng malalaking katanungan sa mga
mamamayan.
- Kinakailangang ang tema ng balagtasan ay
maging tiyak upang sa gayon ay malimitahan
ang sakop at lawak ng paksang pagtatalunan.
C. Paksang Pagtatalunan
Mga Kalimitang Paksain o Isyung
Pinagtatalunan sa Balagtasan
➢ Politika - Lipunan
➢ Ekonomiya - Edukasyon
➢ Kultura - Karaniwang bagay
➢ Pag-ibig
➢ Kalikasan
C. Paksang Pagtatalunan
Halimbawa:

Paksang may kinalaman sa politika


- “Sino Ba ang Higit na Nakatutulong sa Pag-
unlad ng Bansa – Mamamayan o
Pamahalaan?”
C. Paksang Pagtatalunan
Halimbawa:

Paksang may kinalaman sa kultura


- “Dapat ba o Di dapat Uliranin ang mga
Katangiang Pilipino?”
C. Paksang Pagtatalunan
Halimbawa:

Paksang may kinalaman sa


ekonomiya/kultura
- “Dapat ba o Hindi Dapat Magtrabaho sa
Ibang Bansa ang mga Kababaihan?”
D. Mensahe o Mahalagang Kaisipan

- Isa rin sa mahalagang elemento ng


balagtasan ay ang paghahatid nito ng
malinaw na mensahe sa mga nakikinig.
D. Mensahe o Mahalagang Kaisipan
Upang malinaw na maihatid ang mensaheng
nais iwan sa nakikinig o manonood, may
mahalagang tungkulin ang:
- galaw
- kumpas
- eskpresyon ng mukha sa pagpaparating ng
damdaming nais ipadama

You might also like