You are on page 1of 21

FILIPINO:

Ang Balagtasan at mga


Elemento nito.
Unit 2 Aralin 1- Baitang 8
Guro: Bb. Syvel Gean Nailes
Feelings Check -In
Isaisip Natin:
Ang balagtasan ay isang uri ng patulang pagtatalo
tungkol sa isang paksa. Karaniwan itong ginaganap sa
ibabaw ng tanghalan. Ang mga makata o mambibigkas
na nagsisiganap ay natatagisan ng mga katwiran sa
matulain at masining na pamamaraan. Tinatawag na
Balagtasan ang unang patulang pagtatalo na ginanap sa
bulwagan ng Instuto de Mujeres noong Abril 6. 1924
bilang parangal kay Francisco Balagtas na siyang
kinikilalang “Ama ng Panulaang Tagalog”.
Isaisip Natin:
Ang balagtasan ay binubuo ng dalawang panig.
Ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay hindi-
sang-ayon sa paksang pinagtatalunan. Sa
pagtatalo ng dalawang panig ay may isang
namamagitan sa kanila na kung tawagin ay
lakandiwa . Hangarin ng bawat panig na
mapaniwa ang katalo at ang mga tagapakinig sa
kanyang pangangatwirang inilalahad.
Sa pagpapatuloy….
Samakatwid, dapat gumamit ang mga salitang tiyak
at malinaw upang ang kanilang mga pangangatwiran
ay ganap na maunawaan. Dapat din silang magbigay
ng mga patunay na makatotohanan kaya’t nararapat
lang na ang bawat panig ay may sapat na kaalaman
sa paksang pinagtatalunan upang maging handa sa
pagtugon sa anumang pagkuha ng kaalaman tungkol
sa paksang pinagtatalunan.
Alamin natin : Ang mga Elemento ng
Balagtasan
Ang mga elemento ng balagtasan ay ang sumusunod:
TAUHAN (Character)
PINAGKAUGALIAN(Hobbit)
PAKSA/ISYUNG PAGTATALUNAN
(Topic/Current issues)
MENSAHE/ MAHALAGANG KAISIPAN
(Message/ Important Idea
A. Mga tauhan ng Balagtasan
LAKANDIWA – Ito ang makatang namamagitan sa
dalawang panig na nagtatagisan ng mga katwiran
sa matulain at masining na pamamaraan. Ang
lakandiwa ang kalimitang nagsisimula ng
balagtasan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa
mga pangkat na magtatalo at gayundin sa
paglalahad sa madla ng paksang pagtatalunan.
Mambabalagtas
Mga makata o mambabalagtas ang tawag sa panig
nagtatalo sa balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon at
ang isa naman ay sa panig ng di sang-ayon sa paksang
pinagtatalunan. Hangarin ng bawat panig na mapaniwala
ang katalo at ang mga tagapakinig sa kanyang
pangangatwirang inilalahad. Samakatuwid, dapat gumamit
ang mga mambabalagtas ng mga salitang tiyak at malinaw
upang ang kanilang mga pangangatwiran ay ganap na
maunawaan.
Mambabalagtas
Dapat din silang magbigay ng mga patunay na makatotohanan
kaya’t nararapat na ang bawat panig ay may sapat na
kaalaman sa paksang pinagtatalunan upang maging handa sa
pagtugon sa ano mang pag-uusisa ng kalaban tungkol sa
paksang pinagtalunan. Ang balagtasan ay may dalawang panig
na nagtatalo at gang bawat panig ay maaring gampanan ng
isa, dalawa , o tatlong kalahok na mambabalagtas o makata,
depende sa kagustuhan at pagkakasunduan ng mga
naghahanda ng balagtasan.
Pagpapatuloy…..
May kani-kaniyang oras ng pagtindig ang bawat
panig kaya may unang tindig sa panig ng sang-ayon
at di sang-ayon may ikalaw , ikatlo at ikaapat
depend kung gaano kahaba ang balagtasan.
Narito ang mga katangian dapat taglayin ng isang
mambabalagtas:
1. Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla
Pagpapatuloy…..
Narito ang mga katangian dapat taglayin ng isang
mambabalagtas:
1. Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla
2. May Magandang kaasalan sa pakikipagtalo,
hindi pikon
3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa kanyang
katalo, sa lakandiwa at sa mga nakikinig.
Mga manonood (Audience/Viewer)-ito ay ang mga
tagapakinig na minsa’y sila ring nagbibigay ng hatol sa
mga narinig na paglalahad ng mga katwiran ng
magkakabilang panig.
B. Pinagkaugalian/Hobbit
Gaya rin ng tula, taglay din ng balagtasan ang
mga katangian ng tulang Pilipino:
TUGMA
SUKAT
INDAYOG (Pagbigay ng kariktan o Gives
Beauty)
C. PAKSANG PAGTATALUNAN
Ito ang pinakatema o isyung pagatatalunan ng
mga mambabalagtas. Kalimitang ito ay mga
napapanahong isyung nagdudulot ng malaking
katanungan sa mga mamamayan. Kinakailangang
ang tema ng balagtasan ay maging tiyak upang sa
gayon ay malimitahan ang sakop at lawak ng
paksang pagtatalunan.
C. PAKSANG PAGTATALUNAN
Ang kalimitang paksain o isyung piangtatalunan
sa balagtasan ay mga paksang may kinalaman sa
politika, ekonomiya, kultura, pag-ibig , kalikasan,
Lipunan , edukasyon at maging karaniwang bagay.
 Paksang mayroon napupulutan ng aral sa huling
pagsasalita.
D. Mensahe o Mahalagang kaisipan
Isa pa sa mahalagang elemento ng balagtasan ay
ang paghahatid nito ng malinaw na mensahe sa
mga nakikinig. Ang balagtasan ay di lamang isang
uri ng libangan kundi ito ay mainawa ding paraan
upang maipabatid sa madla ang mga
napapanahong isyund dapat pag-isipan ng mga
mamayan.
Handa na ba sa Gawain?

SIMULAN NATIN!
By Group:

Bawat Grupo ay maghahanap ng


-
panlipunang isyu tungkol sa mga paksang
may kinalaman sa politika, ekonomiya,
kultura, pag-ibig , kalikasan, Lipunan ,
edukasyon at maging karaniwang bagay.
Ngayon pag isipan ang mga positibo at
negatibo na napapaloob sa paksa.
Handa na ba sa Pagsusulit?

SIMULAN NATIN!
Panuto: Sagutin sa pahina 189-190 sa
inyong aklat! (B at C)
Panapos na panalangin
Maraming salamat po.
Sa mga aral na inyong itinuro,
Sa pamamagitan ng aming guro,
Na matiyagang nagbibigay-karunungan
Sa mga utak naming mangmang.
Gabayan mo kaming muli bukas
At iyong dagdagan
Ang mga aral na ito,
Kasama ng mga pagkakataon
At mga biyaya ng panahon,
Upang maiguhit namin nang mainam
Ang aming mga kinabukasan.

Nawa’y lahat ng aming hinihiling sa ngalan


ng dakilang ama panginoon
Amen.

You might also like