You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII (Eastern Visayas)
Baybay National High School
S,Y 2023 – 2024

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO
Ika- 20 ng Nobyembre, 2023 (Lunes)

I. Layunin

Naibibigay ang opinion at katwiran tungkol sa paksa ng balagatasan (F8PB-11c-b-24)

KBI: Napapahalagahan ng pagtangkilik ng sariling panitikan katulad ng


balagtasan.

GAD: Likas sa mga tao ang pagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa mga
naririnig na mga ideya.

II. Paksa: Balagtasan

III. Kagamitan:
A. Sanggunian
Pinagyamang Pluma 8 Ikalawang Edisyon.Page 185 - 189

B. Kagamitan
Powerpoint Presentation, laptop, at TV,

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Paalala
 Pagbati
 Pagtsek ng mga lumiban sa klase
1. Pagsasanay
Panuto: Sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Pumili ng sagot sa kahon.

Tugma sukat talinghaga


larawang-diwa kariktan simbolo

1. Elemento ng tula na kung saan dito ginagawan ng pagkakapareho ang bawat dulo ng
mga panghuling salita sa taludtud.
2. Elemento ng tula kung saan pinapalayo nito ang paggamit ng mga pangkaraniwang
salita.
3. Ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan
sa isipan ng mambabasa.
4. Ito ay ang elemento ng tula kung saan binibilang ng pantig sa bawat taludtud ng
saknong.
5. Ang elemento ng tula kung saan pinipili ng tagapagsulat ang mga salitang nais
gamitin. Gumagamit ng larawang-diwa, tayutay o talinghaga na nagpapatingkad sa
katangian ng isang tula.
6. Salitang mayroon kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.

2. Balik-Aral at/ o Panimula


 Ano-ano ang mga elemento ng tula?

B. Pagganyak
 Manunuod ng isang video ng isang balagtsan.

C. Gawain
Panuto: Ipangkat ang klase sa dalawa. Bawat pangkat ay magbibigay ng sarilingopinyon at

katwiran tungkol sa kabutihang hatid ng talino o sipag. Pagkatapos ay ilalahad ang mga

katwiran sa harap sa pamamagitan ng balagtasan.

Ang talino, ay pangangatwiranan ng pangkat A at sipag, ay pangangatwiranan ng

pangkat B.Gawin ang paghahanda sa loob lamang ng 10 minuto.


RUBRIKS NG BALAGTASAN

PAMANTAYAN Mahusay 30 pts Masmahusay 40 pts Pinakamahusay 50


pts
Paksa/kaisipan Walang mainiam na May napahayag na 2 Lubhang malinaw
kaisipang ipinahayag o 3 na kaisipan ang kasipang
tungkol sa paksa tungkol sa paksa naipahayag tungkol
sa paksa.
Pangangatwiran Walang sapat na Walang gaanong May sapat na
katibayan ng iniharap na katibayan ang
pangangatwiran katibayan ng paglalahad ng
pangangatwiran katwiran
Pagpapahayag o Mahina at hindi Mahina ang Maayos ang
paraan ng maunawaan ang pagpapahayag pagpapahayag na
pagsasalita sinabi ngunit may pang- may pang-akit sa
akit sa nakikinig mga nakikinig.

D. Pagsusuri
1. Paano binigkas ang balagtasan?
2. Ano ang palatandaan na ang pagtatanghal ay isang balagtasan?
3. Ano ang damdamin na naghahari sa naganap na balagtsan?

E. Pagtatalakay/Paghahalaw

MGA ELEMENTO NG BALAGTASAN


Ang elemento ng balagtasan ay kinakailangang malinang na husto upang higit ito na
mapahalagahan ng mga mambabasa o manonood.

Mga elemento:
 Tauhan
 pinagkaugalian
 Paksa/Isyung Pagtatalunan
 Mensahe/Mahalagang kaisipan

A. Mga Tauhan ng Balagtasan


Lakandiwa – ang makatang pumapagitna sa dalawang nagtatagisan ng mga katwiran sa
matulain at masining na paraan.
Mambabalagtas – mga makata. Ang dalawang panig na nagtatalo sa balagtasan. Kailangang
gumamit ng mga salitang tiyak at malinaw. Nagbibigay patunay na makatotohanan.
Nararapat na ang bawat panig ay may sapat na kaalaman sa paksang pinangangatwiranan.

Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mambabalagtas:


1. Marunong at sana’y tumindig sa harap ng madla.
2. May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon.
3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa kanyang katalo, sa lakandiwa, at sa mga nakikinig.

Mga manonood
Ang mga manonood o tagapakinig ay maaring sila ang nagbibigay hatol sa mga
naririnig na mga katwiran mula sa dalawang panig.

B. Pinagkaugalian
 Taglay din ng balagtasan ang katangian ng tulang Pilipino.
 Tugma,sukat, at indayog.

C. Paksang Pagtatalunan
Ang pinakatema o isyung pinagtatalunan nga mga mambabalagtas. Kadalasang isyu
ay nagdudulot ng malaking katanungan sa mga mamamayan.
Halimbawa ng mga isyung pinagtatalunan ay may kinalaman sa politika, ekonimya,
kultura, pag-ibig, kalikasan, lipunan, edukasyon,

Halimbawa ng mga paksa:


Paksang may kinalaman sa politika: “Sino Ba ang Higit na Nakakatulong sa pag-unlad ng
Bansa – Mamamayan o Pamahalaan?”
Paksang may kinalaman sa kultura: “Dapat ba o hindi Dapat Uliranin ang mga katangiang
Pilipino?”
Paksang may kinalaman sa ekonomiya/Kultura: “Dapat Ba o Hindi Dapat Magtrabaho sa
ibang Bansa ang mga Kababaihan?”

D. Mensahe o Mahalagang Kaisipan


Mahalagang elemento ng balagtasan ang paghahatid ng malinaw na mensahe sa mga
nakikinig.Hindi lamang ito isang uri ng libangan kundi ito ay paraan upang maipabatid sa
madla ang mga napapanahong isyung dapat pag-usapan at dapat pagisipan ng mga mamayan.
Mahalagang tungkulin ang ginagampanan ang galaw, kumpas, at ekspresyon ng mukha sa
pagpaparating ng damdaming nais ipadama ng mambibigkas sa kanyang mga tagapakinig.

F. Paglalapat
 Bakit kailangang pahalagahan ang pagtangkilik ng sariling sulating panitikan katulad
ng balagtasa?
 Ano ang ambag nito sa buhay mo bilang isang mag-aaral?
 Paano mo mapapalawak ang kaalaman tungkol sa mga sulating pampanitikan?

G. Paglalapat
 Ano – ano ang mga elemento ng balagtasan?
 Sino-sino ang mga tauhan sa balagtasan?

H. Pagtataya
Panuto: Basahin ang palitan ng katwiran ng dalawang makata at pagkatapos ay
bumuo ng sariling makabuluhang tanong tungkol dito.

Rica: Ang kagandahan ang higit na mahalaga sa mundo


Aanhin mo ang talino kung wala ka naman nito
Kagandahan ang tinutukoy ko
Sapagkat dahil dito nakukuha ko ang aking gusto

Nikki: Sadyang ang kitid ng utak mo


Wala kang mararating kung ganda lang ang panlaban mo
Lahat alam yata ito
Sa lahat ng bagay, gamit ay talino

A. magbigay ng katwiran o opinyon batay sa pinagtalunan nina Rica at Nikki.

B. Bumuo ng isang tanong

I. Kasunduan

Assignment #2
Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag upang mabuo ang inaasam
na karunungan.
V. Mga Tala

Gumamela Rose Lily Waling-waling

Pastel ____________

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha


ng 80% pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remedial?
C. Nakatulong ba ang remedial?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


nagpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo
ang nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan/nasolosyunan sa tulong ng
aking punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared By: Approved by

CHRISTAL VILLACURA LIONG VERGITA M. IBANEZ

Teacher I MT-II

You might also like