You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

CAPIZ STATE UNIVERSITY


Burias Campus
Burias, Mambusao, Capiz

Kulturang Popular (114)

Taga-ulat: Dr. Rogelio C. Flores


Jr.
Joshua S. Florentino
Rex L. Valaquio
Genmar G. Patricio
April Rose Labto

Komiks, Hugot, Memes


KOMIKS
Ang komiks ay isang anyong sining o pamamahayag na
gumagamit ng mga larawan at mga teksto upang ikuwento ang isang
kwento o magbigay-kahulugan sa isang ideya. Ito ay isang popular na
medium para sa entertainment, edukasyon, at pagsusuri. Sa komiks,
ang mga karakter ay karaniwang nilalagyan ng mga speech bubble o
mga caption upang ipahayag ang kanilang mga saloobin at mga
dialogo. Kasama ang mga visual na elemento tulad ng mga panel at
mga imahe, nagbibigay ito ng buhay sa kwento at nagpapahayag ng
mga mensahe o kahulugan sa maraming iba't ibang paraan.

Mga Bahagi ng Komiks

 Kuwadro (Frame)
Ang paghahati-hati ng mga larawan sa bawat pahina ng
komiks. Isang obligasyon ng manunulat ang pag- iisip ng mga
posibleng eksena sa susulatin.
 Kapsiyon(Caption)
Ito ang pagsasalaysay ng manunulat. Dito inilalagay ang mga
detalyeng hindi mababanggit sa diyalogo. Ang mahirap dito ay ang
limitasyon na isa hanggang dalawang pangungusap na payak lamang
ang dapat gamitin.
 Diyalogo
Ito ang mga pahayag na binibigkas ng mga tauhan. Tulad ng kapsiyon, kailangang maikli ang mga ito at
tiyak. Hindi kasi maipagkakasya lalo na sa maliit na kuwadro ang larawan, kapsiyon, at diyalogo.

Mga Uri ng Diyalogo

- Ito ay ginagamit sa karaniwang usapan.

- Ito ay ginagamit sa usaping pabulong (broken line).

- Ito ay ginagamit sa usaping pasigaw.


Republic of the Philippines

CAPIZ STATE UNIVERSITY


Burias Campus
Burias, Mambusao, Capiz

- Ito ay ginagamit kapa ang diyalogo ay sarili lamang ng tao.


Ibang Tawag sa Komiks sa ibang Kultura

Manga
Manga ay Japanese comic books. Ang Manga ay kadalasang ginagawa sa
mga cartoon ng Hapon o Anime. Ang sining sa Manga ay may napaka tiyak na
hitsura dito at kadalasang tinutukoy bilang "Manga Style,"

Bandes Dessinées
Ang Bandes Dessinées, pinaikling mga BD at tinutukoy din bilang
Franco-Belgian na komiks, ay mga komiks na karaniwang orihinal na nasa
wikang Pranses at nilikha para sa mga mambabasa sa France at Belgium. Ang
mga bansang ito ay may mahabang tradisyon sa komiks na hiwalay sa komiks sa
wikang Ingles

Mga Halimbawa at Popular na Komiks sa Pilipinas

PUGAD BABOY ni Pol Medina Jr.


Ang Pugad baboy ni Apolonio "Pol" Medina Jr. ay isa sa mga kilalang
comicstrip sa Pilipinas na unang lumabas sa Philippine Daily Inquirer noong
ika- 18 ng Mayo taong 1988. Sa Pugad Baboy One makikita na ang ilan sa
usapin ng mga karakter ang buhay ng mga OFW sa Saudi, mga buhay ng
empleyado, buhay ng katulong at iba pang mga tipikal na bagay na nangyayari
sa buhay ng mga Pilipino kung saan makakarelate ang mga mambabasa.

CAPTAIN BARBELL ni Mars Ravelo


Si C.B. ang pangunahing karakter sa komiks na ito, siya ay may
katangiang katulad ng mga Amerikanong superhero na sina Superman, Captain
Marvel, at Thor ngunit binatay ni Ravelo ang kuwento ng kanyang pinagmulan
kay Captain America. Una siyang lumabas sa Pinoy Komiks number 5 noong
Mayo 23, 1963. Katulad ni Darna, mayroon din siyangibang katauhan sa
pangalang Tenteng,isang payatin, mahina at hikaing tao naang tanging pangarap
ay magingmalakas at maskulado.
Nang inilunsad ang Captain Barbell ito'y naging tanyag sa mga Pilipino
At naging epektibo ang komiks na ito dahil ipinalabasna rin ito sa telebisyon.
Gayunpaman, mas lalong sumikat angkomiks na ito nang mailunsad sa
telebisyon at inaabangan ngmga bata at matatanda dahil sa dala nitong mga aral.

JOAQUIN BORDADO ni Carlo J. Caparas


Ito ang isang serye ng komiks na ginawa ni Caparas noong kahulihan ng
dekada sitenta. Matapos ang komiks may pelikulang ginawa para dito at ang
gumanap na bida ay si Ramon Revilla Sr. Ito rin ay naging isang TV series ng
GMA noong 2008 sa pagbibida ni Robin Padilla. Si Joaquin ay may mga tattoos
na di pangkaraniwang bagay na tumutulong sa kanya para puksain ang mga
masasama.
DYESEBEL ni Mars Ravelo
Si Dyesebel ay isang karakter sa komiks mula sa Pilipinas na halaw sa
sirena ng mitolohiya. Unang nilikha ang karakter ni Mars Ravelo at ginuhit ni
Elpidio Torres. Nagawa din ang Dyesebel bilang karakter sa pelikulang Pilipino
at gayun din sa telebisyon. Baha-bahagi itong nilathala sa Pilipino Komiks
noong 1952 hanggang 1953, at naisapelikula sa parehong taon na ito'y natapos sa
komiks. Lumaganap ang kasikatan ng komiks na ito taong 1952-1953. Dito
aymasasabing talagang tinangkilik dahil sa taon ring iyon ay siyangnagawan ng
palabas sa telebisyon at sinehan. Wala ring duda ang pagkilala ng mga kabataan
sa kwentong ito dahilang mga bata ay madalas nagiging laro ang
"sireserenahan".

ALBUM NG KABALBALAN NI KENKOY Mula kay Tony Velasquez


Ito ang kauna-unahang aklat-komiks na inilimbag sa Pilipinas noong
1934, mula sa mga tinipong serye ng Liwayway mula 1929-1934 na nilikha ni
Tony Velasquez at muling inilathala noong 2004 bilang paggunita sa ika-75
guning-taon ng kapanganakan ni Kenkoy. Sinasabing si Kenkoy ay isang Pop
Icon, siya ang nakakainis na nakakatawang bersyon nating mga Pilipino noong
panahon ng mga Amerikano. Si Kenkoy din ang salamin ng ating pagiging In
pagdating sa konsepto ng kasuotan. Samantalang sa naging tagapag guhit nito
nasi Tony Velazquez, siya ang inspirasyon ng Filipino Komiks noon hanggang
sa ngayon.

HUGOT
Ang mga hugot lines ay mga modernong tayutay. Ito ay mga
pangungusap o mga pangungusap na nabuo mula sa paghinuha ng mga
sariling karanasan na kalimitang tungkol sa romansa o pag-ibig. Ang
"hugot" ay isang kontemporaryong ekspresyon o pagpapahayag ng
nararamdaman gamit ang retorika sa paghahambing/paghahalintulad.
Kalimitan ito'y balbal (slang) o pang-aliw sa mga diskurso. Kalimitan
ang paksa ay tao, bagay, pangyayari atbp. na siyang paghahambingan
ng karanasan.
Ngayon, ginagamit ang salitang "hugot" sa pang-araw-araw na
pananalita bilang isang pandiwang nangangahulugang ang isang tao ay
mayroong malalim na pinanghuhugutan o pinagkukuhaan ng emosyon tungkol sa kanyang sinasabi. Ang
salitang "hugot" ay naging parte na rin ng kwentuhang Pilipino. Kadalasan nang maririnig ang pagsambit ng
"Hugot!" matapos ang isang kwento. Tinatawag ding "love lines" o "love quotes". Mga linya ng pag-ibig na
nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy, o minsa'y nakakainis. Karaniwang nagmula sa mga linya ng ilang tauhan
sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso't isipan ng mga manonood.

Kontemporaryong Halimbawa Ng Hugot


MEMES
Sikat, ang isang uri ng nilalaman na kumakalat sa mga social
network ay kilala bilang isang meme, na binubuo ng sinadya na pagsasama
ng mga elemento (halimbawa, isang imahe at isang teksto) sa parehong
makabuluhang yunit, na nagreresulta sa representasyon ng isang ideya,
konsepto, opinyon o sitwasyon. Karaniwan silang tinatawag na partikular
mga meme sa internet.
Ang mga meme ay nakakuha ng malaking halaga bilang isang
pagpapakita ng kultura, dahil hindi lamang sila ang sumasakop sa isang
papel sa digital na lipunan bilang isang uri ng libangan, ngunit nakikipag-
usap din sa mga halayga at opinion matrices. Pinapayagan nila,
samakatuwid, na magparehistro o makuha ang lakas-ideya na lumilipat sa
sama-samang imahinasyon. Bagaman ang pinakatanyag na anyo ng meme
ay ang imaheng may kaakibat na teksto, ang mga na-edit na video o audio
file ay kwalipikado rin bilang mga meme.

Ang Papel Na Ginagampanan Ng Mga Meme


 Sa antas ng elementarya, ang mga meme ay may pagpapaandar ng paglilipat ng isang mensahe. Maaari
itong maging isang opinyon, isang konsepto o isang ideya. Hindi karaniwan para sa mga meme na lumipat
sa katatawanan at / o kabalintunaan.
 Sa anumang kaso, ang memes ay isang pagpapahayag ng mga halagang nagkakalat sa lipunan at
nakikipagkumpitensya upang maging isang hegemonic. Ang tagumpay nito, gayunpaman, ay nakasalalay
sa tatanggap na nagbabahagi ng parehong mga sanggunian sa kultura bilang nagpadala ng mensahe.
 Sa ibang antas, maraming mga meme ang nakikipagtulungan sa propaganda ng mga nakatakip na tao o mga
produkto. Sa kadahilanang ito, ang mekanismo ng pag-viral sa mga meme ay madalas na nauugnay sa mga
kampanya sa marketing ng viral na, nang hindi direkta, posisyon ng isang numero o produkto sa merkado,
ginagawa itong isang makikilalang sanggunian bago o pagkatapos ng opisyal na paglulunsad.

Pinagmulan At Ibolusyon Ng Meme


Inilalagay ng ilan ang background ng meme sa sikat na animated na video na
"Dancing Baby", "Baby Cha-Cha" o "the Oogachacka Baby", na malawakang kumalat
sa pamamagitan ng mundo Wide Web at mula sa email sa ikalawang kalahati ng
dekada 1990, hanggang sa puntong lumitaw ito sa pinakapanood na serye sa TV.
Ang mga meme ay nakakuha ng malaking halaga bilang isang pagpapakita ng
kultura, dahil hindi lamang sila ang sumasakop sa isang papel sa digital na lipunan
bilang isang uri ng libangan, ngunit nakikipag-usap din sa mga halayga at opinion
matrices. Pinapayagan nila, samakatuwid, na magparehistro o makuha ang lakas-ideya
na lumilipat sa sama-samang imahinasyon. Bagaman ang pinakatanyag na anyo ng
meme ay ang imaheng may kaakibat na teksto, ang mga na-edit na video o audio file ay
kwalipikado rin bilang mga meme.

Mga Uri Ng Meme Sa Internet


Ayon sa Format
Mga meme na larawan:
Ang ganitong uri ng mga meme ay gumagamit ng pagsasama ng mga imahe at teksto. Ang ugnayan sa
pagitan ng lahat ng mga elementong ito ay bumubuo ng isang bagong kahulugan.
Memes sa text:
Sila ang mga gumagamit lamang ng teksto. Maraming beses na sila ay isang screenshot na kinuha mula
sa isang application tulad ng Twitter.
Mga memes na video:
Ang mga ito ay mga meme na gumagamit ng mga na-edit na video, alinman sa visual na pagkakasunud-
sunod o may pagpapakilala ng isang bagong pag-dub.

Ayon sa Tema
Mga memes ng lipunan:
Hinahangad nilang lumikha ng kamalayan sa paligid ng mga problemang panlipunan. Maaari silang
mag-refer sa pampulitika, pang-ekonomiya, relihiyon, atbp.
Nakakatawang meme:
Gumagamit sila ng katatawanan bilang isang uri ng libangan. Kadalasan ay gumagamit sila ng
kabalintunaan. Maraming mga beses din sila ay isang sasakyan para sa paghahatid ng mga opinyon.

PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong.


Pagpipilian

1. Ito ay isang anyong sining o pamamahayag na gumagamit ng mga larawan at mga teksto upang ikuwento ang
isang kwento o magbigay-kahulugan sa isang ideya.
a. Hugot
b. Monika
c. Diyalogo
d. Memes

2. Ito ay mga modernong tayutay at isang kontemporaryong eskpresyon o pagpapahayag ng nararamdaman


gamit ang retorika sa paghahambing/paghahalintulad.
a. Hugot lines
b. Memes
c. Komiks
d. Ibolusyon

3. Ito rin ay binubuo ng sinadya na pagsasama ng mga elemento o (ng isang imahe at isang teksto) sa parehong
makabuluhang yunit, na nagreresulta sa representasyon ng isang ideya, konsepto, opinyon o sitwasyon.
a. Komiks
b. Hugot lines
c. Meme na larawan
d. Memes

4. Ito ay bahagi ng komiks na kung saan dito ay inilalagay ang mga detalyeng hindi mababanggit sa diyalogo.
a. Kapsiyon (caption)
b. Kuwadro/frame
c. Diyalogo
d. Manga Style

5. Ito rin ay bahagi ng komiks, na kung saan ito ang mga pahayag na binibigkas ng mga tauhan.
a. Kuwadro/frame
b. Balbal
c. Diyalogo
d. Kapsiyon (caption)

6. Io ay pinaikling mga BD at tinutukoy din bilang Franco-Belgian na Komiks. Ano Ito?


a. Manga Style
b. Bandes Dessinèes
c. The Oogachaka
d. Wala sa nabanggit

7. Ito ay salita na naging parte na rin ng kwentuhang pilipino.


a. Kontemporaryo
b. Balbal
c. Hugot
d. Modernong tayutay

8. Ito ay uri ng meme sa internet na ayon sa format kung saan dito ay gumagamit ng pagsasama ng mga imahe
at teksto.
a. Mga meme na larawan
b. Mga memes na video
c. Mga memes ng lipunan
d. Memes sa text

9. Ang mga ito ay mga meme na gumagamit ng mga na-edit na video at may pagpapakilala ng isang bagong
pang-dub.
a. Memes sa text
b. Mga memes ng lipunan
c. Mga memes na video
d. Nakakatawang meme

10. Gumagamit sila ng katatawanan bilang isang uri ng libangan. Ano Ito?
a. Mga memes ng lipunan
b. Nakakatawang meme
c. Mga meme na larawan
d. Mga memes na video

Pagtutukoy

11 - 15
- Ibigay ang mga uri ng memes sa internet.
16 - 18
- Ibigay ang tatlong bahagi ng komiks.
19 - 20
- Magbigay ng isang halimbawa ng hugot.

You might also like