You are on page 1of 26

ANG MAGASIN

A ralin 2

ANG MAGASIN
Ang magasin ay peryodikong
publikasyon na naglalaman ng maraming
artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa.
kalimitang pinopondohan ng mga patalastas.

• Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa


mga mambabasa.
• Ito ay may sukat na mas malaki kaysa
aklat ngunit mas maliit kaysa pahayagan.
• Maaring ito ay naglalaman ng mga
larawan ng mga produkto na iniindorso ng
mga sikat na tao sa bansa.
Ang Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas
Lipang Kalabaw (1907) - Ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na
si Lope K. Santos. Ang Lipang Kalabaw ay tumatalakay sa mga isyu ng
politika, lipunan at kultura. Naging kontrobersyal ang magasing ito dahil
sa mga karikatura ng mga kilalang personalidad ng panahong iyon. Ayon
sa mga mananalaysay ng sining, ang mga karikaturang ito ay iginuhit ni
Jorhe Pineda. Tumigil ang operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa
mga reklamo ng mga opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa.
- Ito’y nailathala sa tatlong magkakaibang panahon:1907-1909, 1922-
1924, 1947-1948 dahil sa paulit-ulit na pagpapatigil dito. - Ilan sa mga
tinuligsa nitong pulitiko ay sina Gobernador Leonard Wood. - May mga
komiks din na nailathala dito bilang isang “page filler” na tumutuligsa
sa pamumuno ng mga Amerikano.
2. Telembang (1922-1924) -ay isang satirikong
lingguhang magasin na nasa sirkulasyon ng industriya
noong 1922 hanggang 1924. Ang pangunahing editor sa
magasing ito ay si Inigo Ed Regalado. - Ang magasing
ito ay naglalaman ng mga nakakatawang mga kwento
mga caricatures at mga cartoons. - Ayon sa mga
historyador ang mga cartoons sa magasing ito ay likha
nina Fernando Amorsolo at Jorge Pineda. - Ang
magsing ito ay naglalaman ng mga satirikong cartoons
na laban sa mga Amerikano at mga pederalista. -
Mayroong 111 isyu ang magsing ito.
3. Liwayway (1922) - Naunang nakilala bilang
“Photo News” ito’y naglalaman ng mga larawan,
balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at
nasusulat sa tatlong wika. - Hindi mawawala ang
Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa
Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento
at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging
paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga
Pilipino. - Inilunsad ni Ramon Roces ang mga
magasin na nasa katutubong wika. - Mayroon pa
ring magasing Liwayway hanggang sa kasalukuyan.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting
humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa
ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang
magasin mula sa ibang bansa. Dahil sa pagbabagong
nagaganap naghanap ang mga tao ng ibang uri nang mga
magasin na sasakto sa kanilang panlasa at mga hinanahanap.
At dahil sa mga ito umusbong ang industriya ng mga
makabagong magasin.
MGA
NANGUNGUNANG
MAGASIN SA
KASALUKUYAN
INIHANDA NG UNANG GRUPO:

OHMEL F. VILLASIS
RAYMOND VILLASIS
JOYLYN VALAQUIO
Mga tanog na
sasagutin/Ebalwasyon
Mga Tanong na Sasagutin/ Ebalwasyon:
I.A. PAGPIPILI
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa. kalimitang pinopondohan ng mga
patalastas.

a.Komiks
b.Magasin
c.Tabloid
d.Liwayway

2.Ang magasin ma ito ay pag-aari ng editor din nito na si Lope K. Santos. Ito ay tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan at kultura. Naging
kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga karikatura ng mga kilalang personalidad ng panahong iyon.

a.Telembang
b.Lipang Kalabaw
c.Liwayway
d.Wala sa nabanggit

3.Naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong
wika.

a.Telembang
b.Lipang Kalabaw
c.Liwayway
d.Wala sa nabanggit
4.Ang magasin na tungkol sa balitang showbiz.

a.Metro
b.Candy
c.Yes!
d.Lahat ay tama

5.Isang magasin para sa isang abalang ina.

a.Cosmopolitan
b.FHM
c.T3
d.Good Houskeeping
B. PAGTUTUKOY

Panuto: Tukuyin ang sagot


ng mga sumusunod na
tanong.
II.PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

1.Maghanap ng halimbawa ng mga uri ng magasin at


tukuyin ang kulturang popular na makikita dito.

2.Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng magasin sa


kasalukuyang panahon?

3.Gaano kahalaga ang magasin a kasalukuyan? Sa


palagay mo, ito ba ay kailangan pa ng tao?
MARAMING SALAMAT......!

You might also like