You are on page 1of 2

Magasin

● ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kwento,


larawan, anunsyo at iba pa. Kalimitang pinopondohan ng mga palatastas. Ito ay
nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
● Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso ng
mga sikat na tao sa bansa.
● Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa pahayagan.
● Ito ay isang publikasyon na may regular na pagitan ang paglabas, kadalasan ay
lingguhan o buwanan.

Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas


Lipang Kalabaw (1907) > Tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan, at kultura.
Naging kontrobersyal ito dahil sa mga karikatura ng mga kilalang personalidad ng
panahong iyon. Ito ay pag-aari ni Lope K. Santos na syang editor din nito.

Telembang (1922 – 1924) > Ang magasing ito ay naglalaman ng mga satirikong
cartoons na laban sa mga Amerikano at mga pederalista. Ito ay naglalaman ng
mga nakakatuwang mga kwento, mga caricatures, at mga cartoons. Ang
pangunahing editor sa magasing ito ay si Inigo Ed Regalado.

Liwayway (1922) > Naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng
mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong
wika. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasing nasa katutubong wika.

Iba’t-ibang Uri ng Magasin sa Kasulukuyan


FHM (For Him Magazine) > Isa itong lifestyle magazine na pangkalalakihan.
Naglalaman ito ng mga larawan ng magagandang dilag at mga artikulo tungkol sa
buhay at pag-ibig.

Cosmopolitan > Isang magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito ay


nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura, at aliwan.
Good Housekeeping > Magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting maybahay.

Yes! > Magasin tungkol sa balitang showbiz. Anf nilalaman nito ay palaging bago,
puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa
mga pinakasikat na artista sa bansa.

Metro > Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping, at mga isyu
hinggil sa kagandahan ng metro.

Candy > Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay
gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.

Men’s Health > Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng


kalusugan. May mga artikulo tungkol sa pamamaraan ng ehersisyo, pagsusuri ng
pisikal at mental na kalusugan.

T3 > Magasin para lamang sa mga gadgets. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong
balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.

Entrepreneur > Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.

Mga Bahagi ng Magasin

You might also like