You are on page 1of 27

Kontemporaryong

Panitikan
POPULAR NA
BABASAHIN(Pahayagan,komiks,magasin )

● Komiks- isang grapikong babasahin na pinagsamang salita


at larawan na ginagamit upang ihatid ang isang kuwento at
pangyayari.
● Sa bansang hapon ito ay tinatawag na manga.
● Bandes dessinees ang tawag dito sa mga nagsasalita ng
wikang Pranses.
● Komiks sa Pilipinas mula sa salitang comics.
Katangian ng komiks

● Kuwadro o frame
● Caption
● illustration Guide
● Diyalogo o salitaan
Mga Balloon
Mga Manunulat
Antonio “Tony” Velasques
“Ama ng Tagalog Komiks”
Francisco V. Coching
Mars Revelo
“Hari ng Komiks sa Pilipinas”
Lauro Zarate “Larry" Alcala
Pahayagan
● Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay
naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga
kaganapan na nangyayari sa lipunan. Nagbibigay
din ito ng mga impormasyon tulad ng mga
patalastas. Ito ay karaniwang iniimprinta araw-
araw at ipinagbebenta sa murang halaga. Ito rin
ay maaring pangkalahatan o may pokus na
interes. Ang iba pang terminolohiya para sa
salitang ito ay dyaryo at peryodiko.
Dalawang Uri ng Pahayagan
● Broadsheet. Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan,
karaniwang nakaimprinta sa malaking papel at nakasulat sa Ingles na
wika. Malawak ang nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga
balita sa loob ng bansa, naglalaman din ang broadsheet ng mga
internasyonal na mga kaganapan. Ang target reader nito ay ang mga
taong may mga kaya sa buhay.

● Tabloid. Ito naman ay maituturing na impormal na uri ng pahayagan.


Ito ay mas maliit at mas kaunti ang nilalaman kumpara sa
broadsheet. Ang pangunahing wika na ginagamit sa Tabloid ng
Pilipinas ay Tagalog. Sa dyaryong ito, maari kang makabasa ng mga
salitang balbal.
Ano ang mga Bahagi ng Pahayagan?
● Mukha ng Pahayagan – Ito ang pinakaunang pahina ng
pahayagan. Naglalaman ito ng pangalan ng pahayagan at headline
ng mga balita. Makikita mo rin sa pahinang ito ang petsa kung
kailan nailimbag ang dyaryo.

● Balitang pandaigdig – Mababasa naman sa bahaging ito ang


mga kaganapan sa iba’t-ibang parte ng daigdig. Naglalaman din ito
ng mga balita na may kaugnayan sa labas ng ating planeta.

● Balitang Panlalawigan – Nakapaloob naman sa bahaging ito ang


mga kaganapan sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa.
● Editoryal o Pangulong Tudling – Ang pahinang ito ay naglalaman
ng matalinong kuro-kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa
isang napapahong isyu o paksa.
● Balitang Komersyo – Ang bahaging ito ng pahayagan ay
naglalaman ng mga ulat na may kaugnayan sa industriya,
kalakalan, at komersyo. Mababasa din dito ang kasalukuyang
estado ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.
● Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga
taong naghahanap ng trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin
mababasa ang mga patalastas tungkol sa mga bagay na
ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse, bahay at iba pang
ari-arian.
● Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga
anunsyo tungkol sa mga taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging
ito ang impormasyon ng mga namayapang tao, kung saan ito
nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing.

● Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na


naghahatid ng aliw sa mga mambabasa. Mababasa dito ang mga
balita tungkol sa mga kaganapan sa showbiz, mga tampok na
palabas sa pelikula at telebisyon, at iba pang maiuugnay sa sining.
Naglalaman din ito ng mga laro na nakakakuha ng interes ng mga
mambabasa, tulad ng sudoku at crossword puzzle. Dito rin
matatagpuan ang komiks at horoscope.

● Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga
artikulong may kaugnayan sa pamumuhay. Tulad
ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay
at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.

● Isport o Palakasan – Sa bahaging ito mababasa


ang iskedyul ng mga laro. Mababasa din sa
bahaging ito ang mga kaganapan at balita
tungkol sa iba’t-ibang isport sa loob at labas ng
bansa
Magasin
● Ang Magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng
araming aritikulo, kalimitang pinopondohan ng mga
paralastas. Ito ay nagbibiga ng impomasyon sa mga
mambabasa.
● Maaring maipamahagi ang mga magasin sa pamamagitan ng
koreo, pag bebenta sa mga tindahan ng pahayagan, aklat o
ibang mga nagbebenta, o sa pamamagitan ng libreng
pamamahagi sa piling lugar na pagkukuhanan.
● Hindi nawawala ang liwayway kung pag-uusapan ang
magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling
kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Naging paraan ito
Mga
Nangungunang
magasin sa Bansa
● FHM (FOR HIM MAGASINE) – Tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na
magiging instumento upang mapag-usapan nga
kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-
ibig at iba pa.
● Cosmopolitan – Magasing pagkababaihan. Ang mga
artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang
maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan,
kultura at aliwan.
● Good Housekeeping – Isang magasing para sa mga
abalang ina. Ang mga artikuong nakasulat dito ay
tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting maybahay.
● Yes! – Ang magasin ay tungkol sa balitang showbiz.
Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng
nakaw- atensyon na larawan at malalaman sa mga
pinakasikat ma artista sa bansa.
● Metro – Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari,
shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang
nilalaman ng metro.
● Candy – Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at
suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga kabataang
manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon nga mga
mambasa.
● Men’s Health – Magasin na nakakatulong sa kalalakihan tungkol sa
isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag- ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan ang nilalaman nito kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
● T3 – Isang magasin paralamang sa mga gadget. Ipinakikita rito
ang maga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at
kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at
gabay tungkol sa oag-aalaga ng mga gadget.
● Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o
nais magtayo ng negosyo

You might also like