You are on page 1of 24

Kontemporaryong

Panitikan Tungo sa
Kultura at
Panitikang Popular
1. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod:
– Print midya
– Target readers
– Pahayagan

2. Ano ang kahalagahan ng pahayagan sa


pangaraw-araw na buhay?
PAHAYAGAN
• Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay
naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga kaganapan
na nangyayari sa lipunan.
• Nagbibigay din ito ng mga impormasyon tulad ng mga
patalastas. Ito ay karaniwang iniimprinta araw-araw at
ipinagbebenta sa murang halaga.
• Ito rin ay maaring pangkalahatan o may pokus na interes.
Ang iba pang terminolohiya para sa salitang ito ay dyaryo
at peryodiko.
PAHAYAGAN
BROADSHEET TABLOID
• Pormal na uri ng pahayagan, karaniwang • Impormal na uri ng pahayagan.
nakaimprinta sa malaking papel at
nakasulat sa Ingles na wika. • Ito ay mas maliit at mas maunti
ang nilalaman kumpara sa
• Malawak ang nasasaklaw ng sirkulasyon
nito. Bukod sa mga balita sa loob ng broadsheet.
bansa, naglalaman din ang broadsheet ng • Ang pangunahing wika na
mga internasyonal na mga kaganapan.
ginagamit sa Tabloid ng Pilipinas
• Ang target reader nito ay ang mga taong ay Tagalog.
may mga kaya sa buhay.
• Sa dyaryong ito, maari kang
makabasa ng mga salitang balbal.
BAHAGI NG
PAHAYAGAN
• Ito ang pinakaunang pahina
Mukha ng ng pahayagan. Naglalaman
Pahayagan ito ng pangalan ng
pahayagan at headline ng
mga balita.
• Makikita mo rin sa pahinang
ito ang petsa kung kailan
nailimbag ang dyaryo.
BAHAGI NG
PAHAYAGAN
• Mababasa naman sa
Balitang bahaging ito ang mga
Pandaigdig kaganapan sa iba’t-ibang
parte ng daigdig.
• Naglalaman din ito ng mga
balita na may kaugnayan sa
labas ng ating planeta.
BAHAGI NG
PAHAYAGAN
• Nakapaloob naman sa
Balitang bahaging ito ang mga
Panlalawigan kaganapan sa iba’t-ibang
lalawigan ng bansa.
BAHAGI NG
PAHAYAGAN
• Ang pahinang ito ay
Editoryal o naglalaman ng matalinong
Pangulong kuro-kuro ng patnugot o
mamamahayag tungkol sa
Tudling isang napapahong isyu o
paksa.
BAHAGI NG
PAHAYAGAN
• Ang bahaging ito ng pahayagan
Balitang ay naglalaman ng mga ulat na
Komersyo may kaugnayan sa industriya,
kalakalan, at komersyo.
• Mababasa din dito ang
kasalukuyang estado ng palitan
ng piso kontra sa pera ng ibang
bansa.
BAHAGI NG
PAHAYAGAN • Ang pahinang ito ay nakalaan
Anunsyo o para sa mga taong naghahanap ng
trabaho na maaaring pag-aplayan.
Klasipikado
• Dito rin mababasa ang mga
patalastas tungkol sa mga bagay
na ipinagbebenta o pinapaupahan
tulad ng kotse, bahay at iba pang
ari-arian.
BAHAGI NG
PAHAYAGAN • Ito ay parte ng pahayagan na
Obitwaryo naglalaman ng mga anunsyo
tungkol sa mga taong pumanaw
na.
• Mababasa sa bahaging ito ang
impormasyon ng mga
namayapang tao, kung saan ito
nakaburol, kailan at kung saan ito
ililibing.
BAHAGI NG
PAHAYAGAN
• Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita
na naghahatid ng aliw sa mga mambabasa.
Libangan • Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga
kaganapan sa showbiz, mga tampok na palabas
sa pelikula at telebisyon, at iba pang maiuugnay
sa sining.
• Naglalaman din ito ng mga laro na nakakakuha
ng interes ng mga mambabasa, tulad ng sudoku
at crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang
komiks at horoscope
BAHAGI NG
PAHAYAGAN
• Mababasa sa bahaging ito ang mga
Lifestyle artikulong may kaugnayan sa
pamumuhay. Tulad ng tahanan,
pagkain, paghahalaman,
paglalakbay at iba pang aspeto ng
buhay sa lipunan.
BAHAGI NG
PAHAYAGAN
• Sa bahaging ito mababasa ang
Isport o iskedyul ng mga laro. Mababasa
Palakasan din sa bahaging ito ang mga
kaganapan at balita tungkol sa
iba’t-ibang isport sa loob at labas
ng bansa.
Click icon to add picture

Ibat-ibang klase ng pahayagan


Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang
blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.

Tabloid: Isang Pagsusuri


William Rodriguez II

“Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito


nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum.”
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa
dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay
ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa.
Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas
sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo.May sariling hatak ang
nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at
radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto
pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang
blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.

Tabloid: Isang Pagsusuri


William Rodriguez II

Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng


diyaryo.
Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports,
literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsama-
sama na yata ang lahat sa
diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong
pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang
tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't
ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet
na ang target readers ay Class A at B.
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang
blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.

Tabloid: Isang Pagsusuri


William Rodriguez II

"Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin


ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong
'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa
itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng
magandang balita ay nasa masamang balita?

Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung


national daily
tabloid ang nagsi-circulate sa bansa.
Sagutin ang pamprosesong tanong mula sa
binasang akda. Sagutan ito sa sagutang papel.
 
a. Sa iyong pananaw, bakit higit na binabasa ng
mga tao ang tabloid kaysa sa broadsheet?
b. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya lalo na
ang internet, bakit marami pa rin ang
tumatangkilik at nagbabasa ng komiks at
pahayagan?
Pangkatang Gawain
Pumili at Gumawa ng
isang Babasahing
Popular
(Komiks, Pahayagan,
Magasin).
A. Paghambingin ang Tabloid at Broadsheet
 

B. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya lalo


na ang internet, bakit marami pa rin ang
tumatangkilik at nagbabasa ng tabloid at
broadsheet?
 
ANG BAWAT PANGKAT AY BUBUO
NG ISANG PAHAYAGAN GAMIT ANG
“MANILA PAPER”
• KINAKAILANGANG MABUO ANG
BAHAGI NG PAHAYAGAN.
• NAGLALAMAN ITO NG MGA
“LATEST” NA MGA USAPIN, ISYU O
MAGING MGA BALITA.

PANGKATANG GAWAIN
PAALALA: ANG BAWAT MAG-AARAL AY KAILANGANG MAKIISA SA
GAWAIN UPANG LUBOS NA MAPAGANDA ANG AWTPUT NA IPAPASA
• https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pahayagan
/
• https://www.slideshare.net/YiSeulBi/pahayagan-
68898925?qid=5fb00ff7-3cfd-4d1d-9c47-
ca368e5a8fec&v=&b=&from_search=4

Sanggunian

You might also like