You are on page 1of 13

MGA PAHAYAGANG

FILIPINO
Gaya nang Balita, Hataw Tabloid, at Pinoy Weekly

Report ni: Clarence Marollano


• Ang Pilipinas ngayon ay isang bansa na hindi nagbabasa ng
pahayagan.

• Halos isa lang sa bawat 10 Filipino ang nagbabasa ng pahayagan araw


araw, ayon sa 2013 Functional Literacy, Education and Mass Media
Survey (FLEMMS) ng Philippine Statistics Authority. Ang mga magazine
ay bahagyang mas popular, na may 30.7 porsiyentong nagbabasa
kahit na minsan isang linggo.
• Ang mga pahayagan sa Pilipinas ay dalawang klase: maliit at mas
murang tabloid ay kadalasang Pilipino at naglalaman ng mas
maraming balita tungkol sa krimen and istorya tungkol sa
entertainment. Ang broadsheet, sa kabilang dako, ay mas malaki at
doble ang presyo ng tabloid. Lahat ng broadsheet ay Ingles, ang ilan
may kasamang seksyon sa negosyo at lifestyle bukod sa balita, tampok
na mga istorya at palakasan. Ang ilang broadsheet ay may mga
kaparehang tabloid, tulad ng Philippine Daily Inquirer at Bandera, at
Philippine Star at Pilipino Star Ngayon.
• Mas mabili at mas popular ang mga tabloid kaysa mga broadsheet. Sa
katunayan, tatlong broadsheet lang ang kabilang sa nangungunang 10
na pinakabinabasang mga pahayagan, ayon sa isang Nielsen survey.
Dagdag sa 10 ay tatlo pang pahayagan. Ang dalawa ay nakatutok sa
negosyo na mga pahayagan na mga broadsheet din: BusinessMirror at
BusinessWorld. Ang pangatlo ay pang-rehiyon na diyaro, ang Sun.Star
na iniimprenta sa anim na pangunahing lungsod sa Pilipinas.
• Wala gaanong konsentrasyon sa merkado ng babasahin; ang apat na
pinakamalaking kumpanya ay may pinagsama-samang mambabasa na
21.5 porsiyento, lahat sila ay nasa parehong liga, nakaaabot ng tig-5
porsiyentong mambabasa.

• Karamihan ng pahayagan ay may masugid na mambabasa sa kanilang


bersyon online. Ang bersyon online ng tatlong broadsheet na nasa
nangungunang 10 babasahin —Inquirer, Star at Manila Bulletin—ay
ang pinakalaging binibisita na mga website sa Pilipinas.
• Ang media ng mga babasahin ang pangkaraniwang iniuugnay sa mga
pamilya na nangingibabaw sa kumpanya. Ang Inquirer Holdings ay
pag-aari ng pamilya Rufino-Prieto samantalang ang pamilya Belmonte
ay may Star Group. Ang pamilya Yap ang may-ari ng Manila Bulletin
Publishing Corporation. Ang pamilya Macasaet ang may hawak ng
Monica Publishing Corporation at Sison's Publishing Corporation
naman ay sa pamilya Sison.
HALIMBAWA NG MGA PAHAYAGANG
FILIPINO
• Balita - Ang balita ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa
labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga
mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag,
pagsasahihimpawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa
maramihang mambabasa, nakikinig o nanonood.

• Ang mga mamamahayag ay may ganitong kasabihan: kapag ang tao ay nakagat
ng aso, hindi ito balita; ngunit kapag ang aso nakagat ng tao, ito ay balita.
• Sa ibang pakahulugan, ang balita ay isang pangyayaring hindi pangkaraniwan.
Ito ay maaaring tungkol sa mga pangyayaring naganap o nagaganap na bago sa
pandinig ng madla.
• Kahalagahan ng Balita

1. Nagpapayaman ito ng talasalitaan.


2. Nagbibigay ito ng dagdag na karunungan.
3. Nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa paligid.
4. Nagpapabatid ito sa takbo ng panahon at kalagayan.
5. Nagpapatalas ito ng kakayahang mangatwiran batay sa mga tiyak na
kaalaman.
• Hataw Tabloid - Nagsimula ang Hataw! D'yaryo ng Bayan noong 2004
bilang lingguhang pahayagan sa tabloid size sa ilalim ng pangalan ng
"Bulakan Star". Noong 2005, sinimulan nito ang pangkalahatang pang-
araw-araw na pangkalahatang sirkulasyon nito at binago ang pangalan
sa Hataw! D'yaryo ng Bayan.
• Pinoy Weekly - Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na
naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong
mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka,
kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa
internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin,
gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues. Noong nakaraang mga
taon, nagkaroon rin ng Pinoy Weekly Japan Edition, Pinoy Weekly
Israel Edition, Pinoy Weekly Taiwan at Pinoy Weekly Mindanao
• Ang Pinoy Weekly ay inilalathala ng PinoyMedia Center, Inc., isang organisasyong
nonprofit na naglalayong idemokratisa ang praktika ng pamamahayag sa bansa.

• Sa mahigit isang dekada ng paglalathala nito ng pahayagan para sa


mardyinalisadong mga sektor ng lipunang Pilipino, maraming beses nang kinilala
ang Pinoy Weekly ng iba’t ibang institusyong pangmidya at patimpalakan.
Kabilang dito ang Jaime V. Ongpin Awards for Excellence in Journalism at Gawad
Agong. Minsan nang kinilala ito ng Center for Media Freedom and Responsibility,
sa Nobyembre 2006 isyu into sa Philippine Journalism Review: “If other tabloids
are known for their sensationalized stories on crime and sex or splashy
entertainment and sports pages, Pinoy Weekly comes across as a serious paper
with analyses on issues affecting citizens, especially the marginalized.”
• Kasalukuyang pinatatakbo ito ng isang editorial team ng batang mga
mamamahayag. May malaking lupon ng correspondents sa iba’t ibang
bahagi ng bansa at mundo ang Pinoy Weekly, at gayundin ng mga
kolumnista at contributor na manunulat at artista.
SOURCES
• https://philippines.mom-rsf.org/fil/media/print/
• http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/balita.html
• http://pinoyweekly.org/new/about-pinoy-weekly/
• https://www.hatawtabloid.com/about-us/

You might also like