You are on page 1of 1

Ano ang Kahulugan ng Pahayagan?

Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay naglalaman ng mga balita


o tala tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa lipunan. Nagbibigay din
ito ng mga impormasyon tulad ng mga patalastas. Ito ay karaniwang
iniimprinta araw-araw at ipinagbebenta sa murang halaga. Ito rin ay maaring
pangkalahatan o may pokus na interes. Ang iba pang terminolohiya para sa
salitang ito ay dyaryo at peryodiko.

Dalawang Uri ng Pahayagan

Broadsheet. Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang


nakaimprinta sa malaking papel at nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang
nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita sa loob ng bansa,
naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga kaganapan. Ang
target reader nito ay ang mga taong may mga kaya sa buhay.

Tabloid. Ito naman ay maituturing na impormal na uri ng pahayagan. Ito ay


mas maliit at mas maunti ang nilalaman kumpara sa broadsheet. Ang
pangunahing wika na ginagamit sa Tabloid ng Pilipinas ay Tagalog. Sa
dyaryong ito, maari kang makabasa ng mga salitang balbal.

You might also like