You are on page 1of 1

ano ang pahayagan?

Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng


balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring
pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

Dalawang uri ng pahayagan

Tabloid. Ito naman ay maituturing na impormal na uri ng pahayagan. Ito ay mas maliit at mas maunti ang
nilalaman kumpara sa broadsheet. Ang pangunahing wika na ginagamit sa Tabloid ng Pilipinas ay
Tagalog. Sa dyaryong ito, maari kang makabasa ng mga salitang balbal.

Broadsheet. Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang nakaimprinta sa malaking


papel at nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita
sa loob ng bansa, naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga kaganapan. Ang target
reader nito ay ang mga taong may mga kaya sa buhay.

You might also like