You are on page 1of 3

St. Jude College Dasmarinas Cavite Inc.

Carlos Trinidad Avenue, Salitran IV City of Dasmarinas Cavite


School of Nursing

FIL 2 Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (W 12:00 PM – 3:00 PM)


Professor: Dr. Verocel
SON 3
Name: BON, Danica F. Date: Feb. 22, 2023
Year & Section: BSN 2-5 Term: Prelim

Assignment
Mga Babasahing Binabasa
1. Broadsheet
Ang broadsheet o malaking dyaryo ay prayoridad na basahin dahil ito ay
nakatutulong upang panatilihing mulat ang bawat Pilipino patungkol sa iba’t ibang
impormasyon na maaaring makaapekto sa kanilang pamumuhay tulad ng pagdating
ng bagyo, pagtaas ng mga bilihin, at marami pang iba. Ito rin ay nagbibigay aliw sa
pamamagitan ng mga larong nakapaloob dito. Ito ay mahalaga rin lalo na sa mga
inibidwal na walang kakayahang makabili ng telebisyon o telepono upang
sumubaybay sa pambansang mga balita. Dalawang halimbawa nito ay ang
Philippine Daily Inquirer at Philippine Star. Ang Philippine Daily Inquirer na mas
kilala bilang Inquirer, ay isa sa mga pinakakilalang pahayagan sa Pilipinas. Sa
pamamagitan ng araw-araw na publikasyon ng pahayagan, ito ay nagbibigay ng
makabuluhang balita para sa bawat Pilipino. Sakop nito ang mga paksa tulad ng
lokal na balita, isports, libangan, teknolohiya, negosyo, at pang-internasyonal na
mga balita. Anh The Philippine Star naman ay isang pahayagan sa Pilipinas na may
bersiyong nakalimbag at digital. Ito rin ay nagbibigay ng makabuluhang balita
patungkol sa mga pangyayari sa ating bansa. Ito rin ay nagbibigay ng totoong
importmasyonat nagsisilbing libangan ng mga Pilipino.

2. Tabloid (maliit na dyaryo)


Ang tabloid ay prayoridad na basahin dahil bukod sa mas abot kaya at maliit
ang sukat nito kumpara sa broadsheet, naglalaman rin ito ng mahalagang
impormasyon na nakalathala sa lenggwaheng tagalog, upang madaling
maintindihan ng mga magbabasa. Ito rin ay nagbibigay-diin sa mga paksa tulad ng
mga kahindik-hindik na kwento ng mga krimen, astrolohiya, tsismis, at telebisyon.
Halimbawa ng tabloid ay ang Bandera at Tempo. Ang bandera ay tabloid na
inililimbag ng Inquirer Publications, Inc. araw-araw sa buong bansa. Bukod sa patas
at walang kinikilingang balita, hitik din ito sa mga balitang sports at showbiz na patok
sa mapiling panlasa ng masa. Hindi rin ito pahuhuli sa pagbibigay ng buenas mula
sa gabay ng kapalaran, at mga payo para sa mga mananaya ng lotto at mga
karerista. Ang Tempo ay isang uri ng tabloid na nakalathala sa lenggwaheng ingles
at tagalog. Ito rin ay nagbibigay impormasyon patungkol sa mga nagbabagang lokal
St. Jude College Dasmarinas Cavite Inc.
Carlos Trinidad Avenue, Salitran IV City of Dasmarinas Cavite
School of Nursing

na balita, isports, libangan, teknolohiya, negosyo, at pang-internasyonal na mga


balita.

3. Aklat
Ang aklat o libro ay mga pinagsama-samang mga salita o impormasyon na
inilimbag sa papel. Ito ay kinapapalooban din ng mga larawan upang suportahan o
higit na maipaliwanag ang mga impormasyong nais nitong ipahatid. Ito ay
prayoridad na basahin dahil malaking tulong ito sa pagpapalawak ng ating kaalaman
at imahinasyon. Sa pagbabasa ng aklat, tayo ay maraming matututunan na maaari
nating ma-iaplay sa ating buhay. Dalawang halimbawa ng aklat ay diksyonaryo at
almanac. Ang diksyonaryo ay isang aklat ng mga nakatalang mga salita ng isang
partikular na wika na ang ayos ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng titik ng abakada
o alpabeto. Ito ay nakatutulong sa pagpapalawak ng bokabularyo at nagsisilbing
gabay sa wastong paggamit ng salita. Ang almanac ay isa ring uri ng aklat na
nagsisilbi isang instrumento para sa mga pagsisiyasat sa dokumentaryo, para sa
pagtuturo at pag-aaral sa maraming mga lugar. Ito ay isang tala ng kaalaman ng
sangkatauhan sa porma ng mga sulatin na buod na may impormasyon mula sa iba`t
ibang mga sangay ng kaalamang iyon.
4. Magasin
Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng
maraming artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay maaaring
prayoridad na basahin dahil ang iba’t ibang uri ng magasin ay nagbibigay ng
impormasyon sa mga mambabasa patungkol sa kung papaano mapangangalagaan
ng wasto ang kalusugan ng bawat indibidwal, paano magkaroon ng magandang
negosyo, paano maging magaling sa larangan ng pagluluto, at marami pang iba.
Dalawang halimbawa ng magasin ay lipang kalabaw (1907) at telembang (1922-
1924). Ang telembang ay tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan, at kultura
habang ang lipang kalabaw ay naglalaman ng mga nakakatawang mga kwento ng
mga ‘caricature’ at ‘cartoons’.
5. Brochure
Ang brochure ay isang instrumento para sa promosyon at publisidad upang
iparating sa publiko ang mga kampanya, promosyon, produkto o serbisyo na inaalok
ng isang tiyak na kumpanya. Ito ay prayoridad na basahin lalo na sa mga indibidwal
na mahilig mamili ng mga produkto dahil ito ay nagbibigay ng maikli ngunit
kumpletong impormasyon patungkol sa isang bagay kung saan interesado ang
isang indibidwal. Ang isang brochure ay madali ring basahin dahil naglalaman ito ng
mga grapiko, tulad ng mga disenyo, larawan at infographics na makulay upang
mapukaw ang atensyon ng mga nagbabasa. Dalawang halimbawa ng brochure ay
manibela (flyer) at diptych. Ang manibela ay isang uri ng maikling brochure, na
St. Jude College Dasmarinas Cavite Inc.
Carlos Trinidad Avenue, Salitran IV City of Dasmarinas Cavite
School of Nursing

hindi hihigit sa kalahati ng isang pahina, kung saan ito nai-advertise, na-promose at
naiulat sa isang tiyak na produkto o serbisyo. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng pangunahing impormasyon upang ang potensyal na kliyente ay
maaaring bumili o ma-access ang produkto o serbisyo na inaalok. Ang diptych
naman ay isang brochure na binubuo ng isang pahina, nakalimbag sa harap at sa
likuran, at nakatiklop sa kalahati, tulad ng isang notebook. Ginagamit ito upang
makipag-usap sa isang mas detalyadong paraan kaysa sa flyer, ngunit mas madali
kaysa sa brochure, pangunahing impormasyon tungkol sa isang produkto, serbisyo,
kumpanya o kaganapan.

You might also like