You are on page 1of 6

MAGASIN - Isang babasahin na naglalaman ng mga artikulo at ads ng mga

negosyong may kinalaman sa industriyang nakapaloob sa paksa. Ang isa sa


pinakasikat na magasin sa Pilipnas ay ang Liwayway na sinimulang ilathala noong
Nobyembre 18, 1922. Ilan sa mga halimbawa ng mga kilalang ads ng softdrinks at
shampoo ang larawan sa ibaba. Narito ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik ng
mga Pilipino:
A. YES! – Tungkol sa showbiz ang
balitang ito. Ang nilalaman ay palaging
bago, puno ng mga nakaw-atensyon na
larawan at malalaman na detalye tungkol
sa buhay ng mga pinakasikat na artista
sa bansa.
B. FHM (For Him Magazine) – Ang magasin na ito ay
para sa mga kalalakihan upang pag-usapan ang tungkol
sa pag-ibig, buhay at iba pa nang walang pag-
aalinlangan. Target nito ang mga mambabasang nasa
tamang gulang sapagkat ang ibang bahagi ng babasahin
ay sensitibo.
C.COSMOPOLITAN – Magasing
pangkababaihan. Ang mga artikulo nito ay nag-
sisilbing gabay patungkol sa kagandahan,
kalusugan, aliwan at iba pang mainit na isyu na
pupukaw sa atensyon ng kababaihan.
D. GOOD HOUSEKEEPING – Isang
magasin na para sa mga abalang ina.
Laman nito ang mga artikulong magsisilbing
gabay upang matugunan ang mga gawain at
responsibilidad upang maging mabuting
maybahay.
E. METRO – Tampok dito ang mga
nangungunang “style” ng damit, shopping at iba
pang may kinalaman sa pagpapaganda ng sarili.
Isa itong fashion at lifestyle magasin na
kinawiwilihan ng kadalagahan.

You might also like