You are on page 1of 1

1.

Kapanahunan/Napapanahon (Immediacy or Timeliness)--Kailangan ang pagyayari'y


kagaganap o katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita kung ang pangyayari ay matagal nang
naganap ngunit ngayon lamang nabunyag o natuklasan.
2. Kalapitan (Nearness or Proximity)--Higit na kinagigiliwan ng mga mambabasa ang mga
pangyayari sa kanilang paligid kaysa sa mga pangyayaring nagaganap sa malalayong pook . Ang kalapitan
ay maaring tumukoy rin sa kalagayang heograpiya (geographical nearness), kaangkan (kinship),
kapakanan (interest), atbp.
3. Katanyagan (Prominence)--Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag, ito ay nakaaakit at
nakatatawag-pansin. Maaaring ito'y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider ng purok, mgataong kilala
o dakila o tanyag sa lipunan. Maaari ring paksain ang isang matulaing pook.
4. Tunggalian (Conflict or Struggle)--Ano mang pangyayaring naglalarawan ng paglalaban,
pagpapaligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante. Ito'y maaaring pagtutunggali ng katawng
pisikal at mental; tao laban sa kapwa tao; tao laban sa hayop; tao laban sa kalikasan; tao laban sa kanyang
sarili.
5. Kahulugan o Kalabasan (Significance or Consequence)--Kung ang isang pangyayari o bagay ay
may ibubungang kabutihan o kasamaan ay nakatatawag-pansin, ano ang kahulugan o kalalabasan kung
ang Komunismo ay ating tatangkilikin?
6. Di-karaniwan, Pambihira (Oddity, Unusualness)--Mga bagay na pambihirang mangyari gaya
ng isang tao na napabalitang nagdadalantao, o ng isang taong patay na nabuhay at nang nakita niyang
nasa loob siya ng ataol, siya'y namatay uli dahil sa takot.
7. Pagbabago (Change)--Ano mag pagbabago, maging sa pag-unlad o sa pagsama ay nakatatawagpansin.
8. Pamukaw-Damdamin o Kawilihan (Human Interest)--Ito'y umaantig ng damdamin at
kaukulang reaksyon ng mambabasa upang siya ay paiyakin, patawanin, pagalitan, pahangain, atbp.
9. Romansa at Pakikipagsapalaran (Romance and Adventure)--Ang romansa ay hindi nauukol
sa pag-iibigan lamang. Isang halimbawa nito ay ang romansa ni Hemingway at ng karagatan; mga
astronauts at ng kalawakan.
10. Hayop (Animals)--Magandang paksa sa balita ang mga hayop na may katalinuhan.
11. Pangalan (Names)--Kung marami ang mga pangalang nakalathala na nasasangkot sa balita,
dumarami rin ang mga mambabasa.
12. Drama (Drama)--Ang daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay nagsisiganap ng dula ng tunay na
buhay. Ang misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya ay nagbibigay ng kulay sa isang kuwento.
13. Kasarian (Sex)--Ito'y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa, pagaasawa, paghihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawann rin ang mga kasarian, halimbawa kung ang isang
babae ang pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal na pangulo ng isang bansa ay babae gaya ni Gloria
M. Arroyo.
14. Pag-unlad o Pagsulong (Progress or Advancement)--Magandang paksa ng mga ito sa balita.
15. Mga Bilang (Numbers)--Marami ang mahilig magbasa ng mga estatistiks tulad ng ulat sa
pananalapi, kinalabasan ng eleksyon, panalong numero sa sweepstakes, vital statistics ng dalaga, atbp.

You might also like