You are on page 1of 1

Para sa tungkulin at katotohanan

pinoyweekly.org/2023/05/para-sa-tungkulin-at-katotohanan

by Pinoy Weekly

May 9, 2023

Nitong Mayo 3, ginunita ng mga mamamahayag at tagapagtaguyod ng kalayaaan sa pamamahayag at


pagpapahayag ang ika-30 taon ng World Press Freedom Day at sumumpa na hindi ititigil ang laban sa
malawakang disimpormasyon at pambabaluktot sa katotohanan ng mga nasa poder.

Nitong Mayo 3, ginunita ng mga mamamahayag at tagapagtaguyod ng kalayaaan sa pamamahayag at


pagpapahayag ang ika-30 taon ng World Press Freedom Day at sumumpa na hindi ititigil ang laban sa
malawakang disimpormasyon at pambabaluktot sa katotohanan ng mga nasa poder.

Sa panahon ng internet at social media, napakabilis na ng pagpapalaganap ng impormasyon at mabilis din ang
pagkalat ng maling impormasyon at kasinungalingan na nanliligaw sa atensiyon ng mamamayan.

Simula’t sapul, tungkulin na ng midya at mga mamamahayag ang magbigay ng tumpak at eksaktong balita’t
impormasyon sa publiko upang maging gabay sa wastong pagdedesisyon ng mamamayan sa pagpili ng
naaayong hakbang sa pagtugon sa mga panlipunang kalagayan.

Ang kalayaan sa pamamahayag, pagpapahayag at akses sa impormasyon, bagaman ginagarintiyang mga


karapatan sa buong daigdig, ay patuloy na inaatake at sinisiil ng mga reaksyunaryong estado, tiranikong lider at
pasistang puwersang nais linlangin ang mga mamamayan upang makapaghari nang walang kakaharaping
pananagutan sa kanilang pagmamalabis at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Sa Pilipinas, hinuhuli, kinukulong at pinapaslang ang mga mamamahayag dahil sa kanilang matapang na
pagbabalita sa korupsiyon sa pamahalaan, pagpapahirap sa mamamayan, at sa armadong paglaban sa
kanayunan.

Nariyan ang patuloy na banta sa buhay, kalayaan at seguridad ng mga mamamahayag, sa dominante,
alternatibo o community press man.

Pinipigilan ng pamahalaan ang midya sa pagbabalita nito. Kasama na rito ang hindi pagbibigay ng prangkisa sa
ABS-CBN at pag-block sa mga website ng alternatibong midya kagaya ng Pinoy Weekly at Bulatlat.

Patuloy din ang panawagan sa pagpapalaya sa mga mamamahayag na ikunulong tulad ni Frenchi Mae Cumpio
ng Eastern Vista, at ng katarungan para sa mga pinaslang tulad ni Percy Lapid.

Hindi rin natin malilimutan ang pinakamadugong insidente ng pagpaslang sa 32 alagad ng midya noong 2009
sa Ampatuan, Maguindanao na naglagay sa Pilipinas sa listahan ng isa sa mga bansang pinakadelikado para
sa mga mamamahayag.

Sa ganitong kalagayan, nararapat lamang na lumaban ang mga alagad ng midya, kasama ng mamamayan,
para igiit ang mga karapatan at kalayaang pilit ipinagkakait ng estado at mga ahente nito.

Hindi nais ng mga nasa poder na mamulat at lumaban ang mamamayan kaya’t gagawin nila ang lahat para
pigilan ang midya sa pagtupad sa tungkulin nito. Ngunit hindi tayo padadaig.

1/1

You might also like