You are on page 1of 2

IPAGTANGGOL ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG

Sa oras na kailangan ng mga tao ang katotohanan, nararapat lamang na protektahan at


huwag pagbantaan ang mga tagapaghatid ng impormasyon para sa taumbayan. Subalit,
nakababagabag na isipin na sa kalagitnaan ng pangkalusugan at pang-ekonomiyang krisis, ay
kabi-kabila ang pag-atake sa Kalayaan ng mga mamamahayag.

Una ay ang pagpatay sa prangkisa ng pinakamalaking TV Station sa bansa na ABS-


CBN bunsod ng inihaing cease-and-desist order (CDO) na inisyu ng National
Telecommunications Commission (NTC). Kung saan, mariin akong kumukondina sa hakbang na
ito ng ating pasistang pamahalaan dahil nangangahulugan ito ng pagkitil sa karapatan sa
malayang pamamahayag at pagsupil sa karapatan ng mamamayan na makaalam ng tamang
imporamasyon lalong lalo na sa umiiral na pandemya.

Sunod ay ang pagpapaaresto sa tanyag na dyornalist at CEO ng Rappler na si


Maria Ressa sa kasong cyberlibel na kilala bilang tumutuligsa sa walang habas na pagpatay ng
pamahalaang Duterte sa mga pinaghihinalaang gumagamit, nagtutulak o nagbebenta ng droga.
Agad namang sinundan ang bangungot na ito sa pagpapasabatas ng Anti-Terrorism Law na
naglalayong arestuhin ang sinumang mapaghinalaang terorista nang walang inihahaing warrant
of arrest.

Hindi pa rito nagtatapos ang kalbaryo ng mga mamamahayag na Pilipino, sapagkat


kamakailan lamang ay napasama ang Pilipinas sa pinakamaraming kinitil na dyornalist sa
taong 2020 na nasa ikatlong puwesto sa buong mundo itoy base sa datos na inilathala ng
Asian Journal noorng nakaraang taon.

Patunay lamang ang mga ito na ang gustong mangyare ng rehimeng Duterte ay supilin
ang demokratikong karapatan ng mga mamamahayag at ipilipit ang bibig ng mga mamamahayag
na nagsisiwalat ng kabulukan ng sistemang umiiral sa ating lipunan. At Kitilin ang progresibo at
malayang adhikain ng mga mamamahayag na mag-ulat at mag-mulat.
Gayunpaman, sa pagbabanta na manahimik, patuloy lamang ang pagiging matatag sa
paggamit ng boses laban sa kawalan ng katarungan. Isa itong panawagan na manumbalik ang
gobyerno na maging makabayan at makatao lalo na sa panahon ng pandemiya.Kaya ang sigaw
ng bawat mamamahayag, ipagtanggol ang kanilang malayang pamamahayag!

Sanggunian:

Ventanilla, B. V. (2021, February 23). Onslaught Against the Free Press. Retrieved April 18,

2021, from https://canvas.instructure.com/courses/2515846/assignments/20598003

You might also like