You are on page 1of 21

Don't English Me, I'm Bleeding! -- Fliss.

WARNING: This story contains language that is not suitable for genius mind. Only a person with a great sense of humor can lasts this one! GOOD LUCK! >:D Eh ano kung hindi ako gaanong magaling sa English? Bakit ang pagsasalita lang ba ng English ang basehan nang pagiging matalino? Kung yun nga, edi ako na ang BOB O, kayo na ang matalino! Letche. Basta ako maganda at maganda ulit! Ganon talaga, wag kang mainggit sakin! Yun la ng ang maipagmamalaki ko eh! At least I m trying my very very best until I bleed just to spoke English! Oh diba ? Oo na, wrong gramming na naman ako! Masyado kayong mapuna! Ganyan naman kayong mga people of the Philippines. You re judging the book by its cover. Don t judge me , I m not a book, and you re not a judge! My English is limited edition only! Sabi nga nila sakin, sila daw yung dinudugo yung ilong kapag ako ang kausap nila sa Englishan! Oh diba? I m so great! Pero kapag yung mga matatalino na yung kumakausap sakin ng English, ang lagi kon g sinasagot sa kanila: DON T ENGLISH ME, I M BLEEDING. Sabay walk-out! Ako, si Felicity Domingo a.k.a FLISS! Isang dalagang maganda na nakatira sa I.S (Informal Settler), o squatters area para sa inyong mga judge (judgemental)! Chums note: Hello Loves! Yes, another HUMOR story. On-Going na naman! Comedy tal aga ang specialty ko! hahaha. Dahil sa masayahin akong tao at GUSTO KO HAPPY KAY O! Asahan nyo na ang sandamakmak na wrong grammar sa story na to. Hahaha. Salamat sa pagbabasa ng isa na naman sa mga kabaliwan ko! This is my 4th story. <3 :) GRAMMAR 1 Chin up. Stomach in. Chest out. SMILE. PAK! Ilang oras nang ganyan ang posisyon ni Fliss. Nangangalay na din yung panga nya kakangiti at nilalamig na din sya sa suot nyang pink strapless long gown na hind i nya alam kung kanino hiniram ng kanyang Mother dear. Nararamdaman na din nya n a konting kembot na lang, magkakapaltos na ang paa nya dahil sa kulay silver na heels na ipinahiram sa kanya ng kaibigang si Paula. Malapit na din malusaw ang m ake-up sa mukha nya dahil sa malamig na pawis nya. Kaloka, kelan pa naging malamig ang pawis? Todo tiis ganda sya ngayong gabi! Dah il mahirap kumita ng pera kaya naman pati byucon (beauty contest) eh pinatos na nya. Fiesta kasi sa pinakamamahal nilang baranggay Paraiso at may pa-contest. Search for Ms. Paraiso 2012, aba syempre sumali sya! Sayang ang prize; 5k din yun. Hind i naman kasi mayaman ang baranggay nila para magpapremyo ng milyones no. Sa mali it na covered court nga lang ginanap yung pacontest. And now for the Question and Answer portion, here is candidate number 5; Ms. Feli city Domingo. Sabi ni Host Sa wakas sya na. Syempre kung todo rampa naman sya papunta sa harapan. Kembot ku ng kembot! Habang yung mga kaibigan nya at kamag-anak, todo cheer naman sa kanya . Wohoo! Go Fliss! Sigaw noong mga friends nya. Panalo na yan! Sigaw noong mga tambay sa kanila. Go girl sigaw ni Paula Anak ko yan Aba at si mother dear todo cheer din. Go ate Fliss! Sigaw naman ng bunso nyang kapatid na si Charity. Katabi nito yung i sa pa nyang kapatid na si Harmony na tumango lang sa kanya at ngumiti. Naks, ang supportive naman nila! Tumahimik naman ang crowd (crowd talaga, para sosyal) noong nakapunta na sya sa harapan na katabi ni Host na wag na nating pangalanan dahil hindi naman importan te sa kwento. Good evening candidate number 5 bati ni Host at itinapat kay Fliss yung mic. Ngumiti sya at sumagot din. Hi! Good evening to all of you! binawi ulit ni Host yung mic at nagsalita.

So, what are you feeling right now? nakangiti pang tanong ni Host. Ito na ba yung question? Ang dali naman! sa isip isip ni Fliss. Itinapat ulit ni Host yung mic kay Fliss habang ang lahat ay naghihintay ng sago t ng ating bida. Huminga sya ng malalim, basta malalim wag na nating sukatin pa, ngumiti sya yung labas ang ngipin at saka sumagot ng bongang-bonga. I am so nervousing right now. As in! My hands is vibrating and my heart is faster ! Like you know, when your teacher make you reciting in math subject. The feelin g is mutual! And and I get so weak in the knees I can hardly speak. I lose all con trol and it knocks me right over my feet. I can t explain why your love makes me w eak --- by Jojo! sagot nya with matching pahawak hawak pa sa dibdib para kunyari feel na feel nya. Napakanta tuloy ako sa sobrang kaba! sabi ni Fliss sa sarili Nganga naman si Host. Sheeeet, napahanga ko ata sa English ko si Host kaya hindi na nakapagreact ng hus to. Proud na sabi ni Fliss sa sarili. Yung audience naman; laglag panga sabay nagpunas ng ilong. Pati sila napahanga D AW nya. Yung mga kamag-anak at kaibigan nya naman hahaha. Ibang klase ka talaga Fliss! Ikaw na! Go Fliss. Wohooo. Sigaw ng mga kaibi gan nya at todo palakpak pa. Walang duda, panalo na talaga yan! Sigaw ng mga tambay sa kanila. Buti na lang talaga maganda ka Girl! Sigaw ni Paula. Anak ko talaga yan! proud na sabi ni Mother dear. Go Ate! Kapatid mo pa rin ako kahit anong mangyari! Haha sigaw ni Charity, binatuk an naman sya ni Harmony na napapailing na lang sa tabi. Noong nakarecover na si Host Ahh I s-see. *iling sabay tsk* Anyway, here is your question Ay? Akala ko pa naman yun na yung question. Tinodo ko pa naman lahat ng baon kong English. Kaasar ha, nag-effort ako sa pag-sagot noon! pagmomonologue ni Fliss. What will you do if you could change the world? pang bigating tanong ni Host Tumahimik si Fliss, pati na din ang crowd. Noong nag-process na sa utak ni Fliss ang tanong, ngumiti sya at sumagot. Wow that is a wonderful question! Can you replay the question please? magalang na tanong nya. Napailing naman ulit sa kanya si Host at binasa ulit yung tanong. What will you do if you could change the world? at bumuntong hininga pa ito. Change the world? Babaguhin ko ang mundo? Paano ko naman gagawin yun? Baliw ba sy a? Sino bang gumawa ng tanong na yun? Tsk. Kung presidente nga ng Pilipinas hind i mabago ang sitwasyon naming mahihirap, ako pa kaya na 20 years nang nabubuhay na mahirap, babaguhin ang mundo? tanong ni Fliss sa sarili. At tulad ng karaniwang sinasabi nating mga Pinoy kapag hindi na natin alam ang g agawin, kahit nananahimik naman ang taong yun ay palagi pa rin nating dinadamay. Bahala na nga si Batman. Tumingin sya sa audience, saka kay Host at saka sumagot. Oh. Thank you very much for replaying the question. If I could change the world, I will be the sunshine in your universe. Baby if I could change the world --by E ric Clapton. Sagot ni Fliss. Ganyan ang ating bida, kahit anong ibato mong salita, phrases o tanong pa man ya n, kaya nyang idugtong sa kantang alam nya. Noong napansin nyang hindi nagreact ang crowd at waley ang sagot nya, mabilis syang nakabawi at sumagot ng bongga. Just joking! Peace! Seriousness, if I could change the world, I am going to turn around the poor and the rich. The rich is going to be poor and the poor is going to be rich. You know, so that the rich can experience what is the feeling of be ing poor. Because the feeling is not mutual! It s hard, you know? Try it! And of c ourse --- WORLD PEACE! Sagot nya at kumaway pa sa lahat with flying kiss. Ang mga nanonood naman kahit nagpupunas ng ilong eh todo palakpak pa rin sa kany a. Kahit sablay ang English nya, may ilan pa ring nakaintindi dahil sa word na P oor at Rich. Syempre naman, nakarelate ang mga taga I.S (informal settlers) Sheeeeeet, ang dami ko ng fans! Hindi na lang yung kamag-anak at mga kaibigan ko yung pumapalakpak sakin. Hahaha, ang galing galing ko talaga! I am so proud of m

yself! proud na proud nyang sabi sa sarili. Si Host, nganga na naman sa sagot nya. Oh, elibs na naman sakin to. Wa ma say eh! pangungumbinsi pa ni Fliss sa sarili. O-ok candidate number 5, thank you. sabi ni Host at sumenyas na bumalik na sya sa pwesto nya kanina. Edi syempre, sunod naman sya. Rampa ulit pabalik, kembot kung kembot ulit. After ng contest, sinalubong sya nina Paula, mga kapatid at ng kanyang Mother de ar sa backstage. Bitbit ang puting sobre, malapit ng malantang bulaklak, sash, at trophy habang p ababa sya ng hagdan. Si Paula ang unang lumapit sa kanya at sumalubong. Girl! Winner ka sa sagot mo ha! In fairview, ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng m ga muher na sumali! bati ni Paula sa kaibigan at kinuha yung malapit ng malantang bulaklak. [in fairview = in fairness | muher = babae] Tinignan lang sya ni Fliss at ngumuso. Dahil hindi buo ang isang wattpad character kapag hindi marunong mag-pout. Babae man o lalaki. Cute daw kasi, hindi lang alam ni Author kung saan banda. I-descr ibe na lang natin kesa sa emoticon. :3 Ok lang yan Girl, maganda ka pa rin kahit hindi ka nagwagi! Hinakot mo naman laha t ng special awards! dugtong pa ng supportive na kaibigan. Sayang ang 5k! malungkot na sabi ni Fliss, syempre nakanguso pa rin. Sige na nga, naka-pout na lang para sosyal. Anak ayos lang yun, may 3k ka namang nakuha eh. sagot ni Mother dear. Na itago nat in sa pangalang Trinidad Domingo. (In english Trinity Domingo, pero dahil hindi si la mayaman kaya Trinidad na lang.) Oo nga ate, saka napatawa mo naman kaming lahat. Ikaw ang nagpaganda ng gabi. Hah aha. sabi ni Charity. Ang bunso sa tatlong magkakapatid, at tulad ng pangalan nya , mapagbigay sya at masayahin tulad ng Ate Fliss nya. Wala na kasing maisip na k atangian si Author. 2nd year High school student sa isang public school. 15 year s old, at may ka-PBB teens. Sabit ka kasi sa question and answer. Pero ayos lang, panalo ka pa rin samin. sabi naman ni Harmony. Ang pangalawa sa magkakapatid, tulad din ng pangalan nya, tah imik at kalmado lang sya. Madalas napagkakamalang isnabera. 1st year college sa isang state university. 18 years old. At walang ka-PBB teens. Ayon na nga, talo nga ang ating bida. Sabi nga ni Paula, sya yung humakot ng mga special awards tulad ng Ms. Congenial ity na hindi nya alam ang meaning, basta alam nya sya ang nanalo dun. Ms. Photog enic, ayan alam nya yan. Picture picture yan eh, syempre keri nya yan ang dami b a naman nyang picture sa FB. Ms. Talent, kahit medyo sumablay sya sa ilang lines noong kanta, winner pa rin. Tig-1k yung prize doon, kaya naman may 3k syang nai uwi. Sayang kung nanalo sana sya edi may 8k sya! Thank you Paula for making me a beautiful person tonight ha. Saka salamat sa rake t. sabi nya sa side kick nya. Syempre kung si Batman may Robin, si Fliss may Paul a. Wala yun girl, ikaw pa. O sya, gogora na ako. Basta itetext kita kapag may alam u lit akong raket. Paalam nito sa kanya at nagbeso-beso sila. Lumapit din si Paula kay mother dear, bumeso at yumakap din Babush Tita! Ingat kayo, sige Charie at Hamy! Una na aketch, kelangan ko pa ng be auty rest. Girl, akin na lang tong flowers mo ha. Bagay sa outfit ko eh. Sabi nya at nag-pose pa bago rumampa palayo. Bye Paolo! mapang-asar na sigaw ni Fliss. Humarap naman sya ulit It s Paola! inirapan pa si Fliss bago naglakad na ulit. Paolo Castro sa umaga, Paola sa gabi. Ang taga bigay ng mga raket kay Fliss kapa g kailangan nya ng pera. Ang lalaking may pusong babae, na mas maarte pa kay Fli ss. Gabi na sila nakauwi ng bahay. Buti na lang at dinalhan sya ng tsinelas ni Chari ty, kung hindi kanina pa umiyak yung paa nya dahil sa mga paltos. O, kamusta? salubong ni Father bear. Ayun, talo. Sagot naman ni Fliss. Lagi naman eh. Hahaha. pang-asar na sagot ni Father bear.

Tawa pa tay. Tama yan! Asar na sagot naman nya saka pumasok sa loob ng bahay at umu po. Binibiro lang, di pa nasanay. Kumain na kayo? concern na tanong ni Father bear. Bakit tay, may makakain ba? singit ni Charity na umupo sa tabi ni Fliss. Wala nga eh. Hahaha. Sagot naman ni Father bear, natawa na lang sila sa sagot ng t atay nila. Kahit kelan talaga, hindi sya nauubusan ng pagtatawanan. Hay nako, Felimon. Lahat na lang dinadaan mo sa biro. Sita naman ni Mother dear ka y Father bear. Si Felimon Domingo, tricycle driver. Madalas inaatake ng rayuma k aya madalas ding walang kita. Oy hindi totoo yan ha. Sineryoso naman kita ahh. hirit pa ni Mang Felimon na nilapi tan ang asawa na kinikilig. Kala mo teenager! Ayon oh, pumipibibiteens. Hirit ni Charity. Kamusta naman tuhod mo tay? tanong ni Fliss habang inilalagay sa istante yung troph y at sash na nakuha nya. Ayun, nakirot pa rin sagot ni Father bear habang kinakalkal ang dala ng mag-iina n ya. Kahit anong halukay ube ang gawin mo dyan, wala kang mapapala dyan. Puro gamit la ng yan ng anak mo! saway naman ni Mother bear Nagbabakasakali lang na may naligaw kahit isang balut. Hirit pa ni Father bear Asa ka tay, mani nga na tig-lilimang piso wala eh. Balut pa kaya na kinse pesos na ! Pangmayaman na ang balut ngayon, hindi na affordable. Sagot ni Fliss na naghihi lamos na sa lababo. Naks, affordable spell nga? tanong ni Harmony na kanina pa tahimik na nakikinig sa usapan ng pamilya nya. Tinapos muna ni Fliss ang paghihilamos nya, syempre nag-uumpisa na syang mag-spe ll sa utak nya. Noong hindi sya sure sa tamang spelling, nagpunas na sya ng mukh a at saka sumagot Bigla akong inantok, napagod kasi ako eh Sagot naman ni Fliss habang humihikab at nag-unat pa, kaya naman tinawanan na lang sya ng pamilya nya. Bago tuluyang umakyat sa second floor ng bahay nila! Yes, hindi lang pangmayaman ang second floor, meron din sa I.S nyan, yun nga lang, pag-akyat ng hagdan, pin tuan kaagad ng kwarto, wala ng ekek pa! Nay oh iniabot ni Fliss yung 1,500 kay Mother dear. Syempre si Mother hindi na uma rte at tinanggap agad ang pera na pambayad ng water bill, electric bill, at bilb il joke lang yung huli. Salamat nak ha. ngumiti na lang si Fliss at lumapit kay Harmony. Hamy, oh at saka ibinigay ang 500 kay Harmony na pambayad sa kung anong tour, prog ram, projects at kung ano ano pang may kinalaman sa extra-curricular activities na wala namang kinalaman sa course na kinukuha nya. OO, mas magastos pa ang minor subjects kesa sa MAJOR subjects. Kaya ihanda nyo n a ang bulsa ng mga magulang nyo at i-brief nyo sila ng husto sa mga gagastusin n ila, kapag nag-college na kayo. Salamat te tumango lang si Fliss at ngumiti. Aakyat na sana sya para matulog noong humirit si Charity Ate, pano ko? Ganon-ganon na lang, pagkatapos kitang icheer ng todo? Nakangiting t anong ni Charity habang nakalahad ang kamay at naghihintay ng grasya. Kinuha nam an ni Fliss ang kamay ng kapatid at nakipag-shakehands. Super duper mega over thank you for your supportiveness, Chary! OA na sabi ni Flis s sabay bitaw sa kamay ng kapatid. Ok na ba? Napasalamatan na kita, pwede na akong matulog? sarkastikong tanong nya p a. Sabi ko nga e. Sige ate, goodnight! sagot ni Charity Kaya naman tuluyan ng umakyat si Fliss sa kwarto nilang magkakapatid; napalit ng damit at natulog na. chums note: I need help! Wala pa akong FINAL na katawang tao ni Fliss. Iniisip k o kasi kung si Alex Gonzaga, Sheena Halili o Jenica Garcia. Kung may suggestions kayo just tell me. Pinay po ahh mas ok kung comedian. Babaguhin ko din yung cov er kapag may final na Thai Actress kasi yung nasa cover. Dahil originally HS dapat si Fliss, eh since nagbago ang isip ko dahil ang pangit kung nag-aaral sya tapo s simpleng English lang eh sablay pa! xD

GRAMMAR 2 GRAMMAR 2 Nakahanda na ba ang mga tissue/panyo/laylayan ng damit? Kung OO, edi basa na! Nagmamadali si Fliss na kumilos dahil may job interview pa sya ngayong araw. Hin di naman bigating interview yun, sa isang school canteen sya magtratrabaho kung sakaling pumasa sya at magustuhan sya noong may-ari. Nangangailangan daw kasi ng kahera, chika sa kanya ni Paula. Skinny jeans at polo shirt na kulay sky blue plus flats shoes na black. Ganyan k asimple ang suot nya. Naghead band lang sya na kulay puti na walang kahit anong design, at saka nagmake-up ng simple lang; foundation at lipstick. Make-up na sa kanya yun dahil hindi naman sya marunong mag-make up. Si Paula lang naman ang n agmamake-up sa kanya. Bumaba na sya dala ang short brown envelope na may lamang resume, baranggay clea rance, cedula at voters ID. Pumunta kaagad sya sa kusina at ininom ang kape na n akalagay sa lamesa, kahit hindi nya alam kung sino ang may-ari noon. San ka pupunta? tanong sa kanya ni Aling Trinidad noong makita syang bihis na bihi s. Hindi nga pala nya nasabing may job interview sya. I have walk. Sagot nya habang inaayos ulit ang buhok sa harap ng salamin. San nga? Tanong ulit ng Nanay nya. Sanay na ang Nanay ni Fliss sa mali mali nyang English, kahit ang Tatay, dalawa nyang kapatid at si Paula naiintindihan ang English nya. Sa araw-araw ba naman n ilang marinig si Fliss na mag-english, ewan ko lang kung hindi pa sila masanay. Minsan talaga parang imbestigador si Inang mother sa isip-isip ni Fliss somewhere over the rainbow .I m going away Nay, bye. Sabi ni Fliss at mabilis na lumab as ng bahay nila. Ayaw nya pa kasing sabihin ang tungkol sa job interview dahil baka umasa lang yu ng Nanay nya tapos hindi sya matanggap. Sasabihin nya lang kapag sure na syang m ay trabaho na sya. Habang naglalakad si Fliss palabas ng looban nila, nadaanan nya ang tindahan kun g saan nakatambay madalas ang kanyang masugid na manliligaw na si Tres. Ang pamilya din ni Tres ang may-ari noong sari-sari store, kaya naman madaling n akakautang si Fliss. Good morning Fliss! nakangiting bati ni Tres. Ngumiti na lang ng alanganin si Flis s, hindi naman kasi nya type si Tres, lalo pa dahil asar sya sa dalawang babaeng kapatid nito na sina Una at Dos. Kelan mo ba ako sasagutin? tanong ni Tres Sasagutin ng good morning? Tomorrow! sagot ni Fliss at naglakad na, sinundan naman sya ni Tres. Eh bilang manliligaw? pangungulit ni Tres. When you graduating from college tuloy lang sya sa paglalakad. Medyo natagalan bago ma-gets ni Tres yung sinabi ni Fliss 1,2,3,4,5 seconds, bago sya nakasagot. Graduate na ako next year, ibig sabihin girlfriend na kita next year? lalong nagka roon ng pag-asa si Tres. When you graduating from college and when you have work. patuloy ni Fliss. Napa-isip naman si Tres. Sasagutin mo na ako kapag may trabaho na ako? paninigurado ng binata. When you graduating from college and you have work and you have house and lot wala ng ganang sagot ni Fliss. Sasagutin mo na ako? kulit ng binata. When you graduating from college and when you have work and you have house and lo t and have a c-- naputol ang pagsasalita ni Fliss dahil pinagpatuloy ni Tres ang sasabihin nya kapag may kotse na ako? tapos sasagutin mo na ako? naiinip na tanong ng binata Not yet already. sabi ni Fliss with matching wasiwas ng hintuturo nya signing no . Ano pang gagawin ko para sagutin mo ako? desperadong tanong ni Tres. Huminto na sa paglalakad si Fliss at hinarap ang binata. Nakukulitan na sya dito , pero hindi nya magawang magalit dahil magkababata silang dalawa.

When the dog is flying. Seryoso at simpleng sagot nya. kapag nakakalipad na ang aso? Imposible naman yun nanlulumong sagot ng binata Corrected by! It s mission impossible Tres. I m going away. Sabi ni Fliss sabay tapik sa balikat ni Tres at iniwan ang binata na nanlulumong pinagmasdan ang likod ng papalayong si Fliss. Nakarating si Fliss ng buhay sa school. Namangha naman sya sa mga nag-gagandahan g kotseng nakaparada. Pati na din sa mga sosyal na damit ng mga estudyante doon. Bigla tuloy syang napatingin sa suot nya. Nahiya naman ako sa suot ko, kumpara sa mga suot ng mga tao dito, yung suot ko pa mbahay lang nila hmmp, di bale na, maganda naman ako. pagche-cheer ni Fliss sa sari li. Hindi sya sigurado kung tama ba yung school na pinuntahan nya kaya naman tinext nya si Paola. to: Paolagirl Oy girl, tama ba yung address ng school na ibinigay mo? Bakit ganito? Puro sosya l ang tao dito. Habang nag-hihintay ng reply ng kaibigan, pinagmasdan ni Fliss ang mga estudyant eng labas pasok sa school. Narinig nya pa ang ilan na englishan ng englishan, ma y iba na nagtataglish pa at yung iba naman tahimik lang na naglalakad. *beep* Agad naman nyang tinignan at binasa ang reply ni Paola. from: Polagirl 09123456789 is requesting you to Pasaload 5php. Reply yes or no before midnight. Ay anak ng tokwa naman oh, nasagot yung tanong ko! At sakin pa talaga nanghingi n g load? Baklang to inis na sabi ni Fliss habang kinakausap yung cellphone nya. Miss, are you ok? Sinong kausap mo? epal noong isang lalaking napadaan at narinig ang sinabi ni Fliss. Kunot noo syang tinignan ni Fliss. emeged, ang gwapo naman ni kuya. Eee. Sabi ng malanding isip ni Fliss Automatic naman na nawala ang kunot sa noo nya at napalitan ng pa-cute na ngiti. Miss, ok ka lang ba? Nagsasalita ka dyan mag-isa sabi ulit ni kuyang gwapo. Maarteng hinawi ni Fliss ang buhok sa gilid ng kanang pisngi at itinuck sa kanan g tenga nya kahit nakaheadband naman sya at saka maarteng nagsalita. I m talking myself. Sabi pa nya at biglang naging mahinhin with matching pasway sway pa na parang batang dinaig pa ang electric fan kung makaikot ang katawan. baka naman, I m talking to myself? pagtatama noong lalaki na nainis dahil sa maling grammar ni Fliss. to lang naman yung kulang, pinapansin pa. Buti na lang gwapo ka. sabi nya sa sarili . Corrected by! nakangiti pa ring sabi ni Fliss. Naweweirduhan na yung lalaki at parang nagsisisi kung bakit pa nya kina-usap si Fliss. Sigurado kang ok ka lang? paninigurado noong lalaki It s alright, I m ok, I think God can explain . kinanta pa ni Fliss ang sagot nya. O .k you re weird. Naiiling na sabi noong lalaki at iniwan na si Fliss na nakangiti pa r in at sinundan ng tingin yung lalaki. Hindi lang tingin, dahil sumunod nya hanggang gate, saktong papasok na sya noong hinarang sya noong school guard. ID mo? poker face na tanong ni manong guard. Wala sa loob na inilabas ni Fliss ang voter s ID nya saka ibinigay kay manong guar d habang nakatingin pa din sa lalaking sinusundan nya. Nagpapatawa ka ba? Voter s ID to, asan yung school ID mo. poker face pa rin na tanong ni manong guard. Doon lang natauhan si Fliss at sinagot ang guard I m not joke. That is what I own. sabi pa nya. Napakamot naman ng ulo ang kawawang si manong guard, hindi nya kasi maintindihan ang sinabi ni Fliss. Kaya naman tinuro na lang ni manong guard ang isang malaki ng sign sa guard table nya gamit ang batuta at saka binasa ng malakas kay Fliss. No ID, No entry poker face pa ring sabi ni manong guard. What is your handing, manong? tanong ni Fliss habang nakaturo sa voters ID na haw

ak ni manong guard. Na-gets naman ni manong guard yung sinabi ni Fliss dahil sa pagturo sa ID na hawak nya. ID simpleng sagot ni manong guard You see the look in your eyes, that is ID so I can enter the gate. At derederetsyo na sanang papasok si Fliss kaya lang hinarang ulit sya. Hindi ka nga pwedeng pumasok, hindi ka naman estudyante dito eh. Sita na naman ni manong guard na konti na lang ay papatak na ang dugo sa ilong dahil sa babaeng k akaiba kung mag-english. Napatingin pa si Fliss sa nilakaran noong gwapong lalaking sinusundan nya kaya l ang sa kasamaang palad hindi na nya matanaw ang lalaki. Kaya naman naiinis nyang hinarap si manong guard. What is the problem of the you, manong? Can t you see, can t you see, are you blind? I have ID so I can enter the gate. Stop harassing me! I just wanting to entering the gate, why you no understanding my situation? Is you have no heart? How coul d you sabi nya at OA na nagdrama sa harap ng gate, paanong OA? Naglupasay? Hindi naman. Nakalagay ang dalawa nyang kamay sa dibdib nya na parang akala mo nasaktan ng to do, with matching papikit pikit para piliting magkaluha at biglang lumapit kay m anong guard, inilagay ang kamay sa magkabilang balikat nito at saka mahinang niy ugyog. GANYAN LANG NAMAN KA-OA. Shock naman si manong guard sa ginawa nya, napahinto din ang ilang naglalakad pa pasok sa loob ng school. Lahat nakatuon ang atensyon sa babaeng nagsalita at OA na nagdradrama sa harapan ng kawawang si manong guard. Ilang segundo pa ang lumipas noong biglang nagpalakpakan ang mga estudyante at u sisero sa nasaksihan nila sabay tawa ng malakas. WOW, just wow The best ka Ate! HAHAHA Ikaw na HAHAHAHA Panalo ka. HAHAHA My humor is now activated. Ha-ha-ha sabi noong nerd student, ibinaba pa nya ang ma kapal nyang libro at saka pumalakpak. Napatingin si Fliss sa paligid nya, imbis na mahiya sa ginawa nya . Thank you so much for the claps claps and laughing. For the support and everythin g, I am so happiness like you all the feeling is very mutual. Muah, muah, muah pagp apasalamat nya at nagawa pang mag-bow, nakangiti syang nag-flying kiss at saka k umaway ng pang byucon. Bago pa nya tuluyang makalimutan, hinila nya si manong guard sa tabi nya at itin aas ang kaliwang kamay saka sila nag-bow. Wala namang nagawa si manong guard kun g hindi ang matuwa na lang din sa kanyang biglaang pagsikat. Kung kanina eh naka-poker face lang si manong, ibahin nyo ngayon dahil all smile sya labas pa ang ngipin na may absent na isa sa taas. Naputol ang kasiyahan nila noong tumunog ang school bell, kaya naman dali daling nagsialisan ang mga estudyante na nagpunta sa kanilang mga klase. Sinabi na din ni Fliss kay manong guard ang totoong sadya nya sa school na yun e xcept sa gwapong sinusundan nya na hindi na nya nakita. True enough, nangangaila ngan nga talaga ng kahera sa CAFETERIA tinama kasi sya ni manong guard noong sab ihin nyang canteen. Cafeteria daw dahil sosyal doon. Ang ending? Pinapasok na sya ni manong guard at itinuro kung nasaan ang CAFETERI A. Friends na rin sila ni manong guard. Natawa ako sa mga comment sa first chapter, bumaha ng dugo ang comment box dahil unang kabanata pa lang ang dami ng nahawa kay Fliss. Maraming salamat sa pagmam ahal sa kanya. Mat cameo role si Fliss sa first chapter ng Avah Forever Maldita, mababasa nyo doon kung paano nya sagutin ang FOREVER maldita na si Avah Chen. < 3chums GRAMMAR 3 GRAMMAR 3 Namiss nyo ba si Fliss? xD

Kinakabahan si Fliss na pumasok sa loob ng CAFETERIA. Alanganin pa syang ngumiti noong napunta ang atensyon sa kanya ng mga nagtratrabaho doon. Feeling tuloy ny a ang ganda-ganda nya dahil huminto pa ang mga ito sa mga ginagawa nila para lan g panoorin ang paglalakad nya. Kung gaano naman kabilib sa kagandahan nya ang ating bida ay syang kawalan naman ng bilib nito sa sarili na matatanggap sya sa trabaho bilang kahera, mahina pa naman sya sa Math. Sana may calcalator sila. Yan ang pa-ulit-ulit na sinasabi ni Fliss sa sarili nya hanggang sa makarating sya sa counter at kaharap na ang isang babae na kahera d in. Ano yun? tanong noong kahera. Hmm have you know where is the wanted cashier here in your cafeteria? kunot noo na t anong ni Fliss. Nagulat naman yung babaeng kausap nya at hindi alam ang isasagot sa ating bida. Ibinuka nito ang bibig at isinarado ulit. Parang na-istatwa na ang kahera kaya n aman kinabahan si Fliss. Hala Miss, ok ka lang? natatarantang sabi ni Fliss. Parang milagro namang natauhan ulit ang kahera at napatingin kay Fliss. Ok na. Ano nga ulit ang kailangan mo? tanong ulit noong babae. Sasagot na sana si Fliss noong biglang itinaas noong babae ang palad nya. HEP! HEP! biglang sabi noong babae. Nagulat naman si Fliss at itinaas ang dalawang kamay sa ere. HOORAY? naguguluhang sagot ni Fliss. Yun lang kasi ang alam nyang isasagot sa sinabi noong babae. Napanood nya kasi y un dati sa isang programa sa TV. Napatapik na lang sa noo ang kawawang kahera na hindi na alam ang gagawin sa ati ng bida. Ibinababa na lang ni Fliss ang kamay nya. Kahit sya naguguluhan dahil h indi nya alam kung anong gustong mangyari noong babae sa harapan nya. Miss, tagalog na lang isagot mo. Please? sabi noong babae. Sa wakas nagets na din ni Fliss ang gustong iparating sa kanya ng kawawang babae. May problema ba sa English ko? pagtataka pa ni Fliss. Anyway highway by the way, mag-aapply ako bilang kahera. San ba dito yun? tanong n i Fliss. Ahhhh. Ikaw pala yung hinihintay ni Madam Rosa! Nakikita mo ba yung pinto na yun sa dulo? sinundan naman ni Fliss ng tingin ang itinuro noong babae. May pintuan n ga sa dulo ng cafeteria. Doon ako pupunta? tanong ni Fliss. Hindi! Sa likod noon. Sige, good luck ha. sabi pa noong babae. Salamat ha, ano palang pangalan mo? tanong ni Fliss bago umalis. Bubble. Nakangiting sagot nito. Sige, salamat ulit ha! at saka umalis si Fliss papunta sa may pinto sa dulo kailanga n nya kasing daanan yun para makapunta sa likod. Kinakabahan si Fliss na kumatok sa may pinto. Nakakahiya naman kung sa bintana s ya kakatok, kaya sa pinto na lang. Lagyan natin ng sound effect kahit hindi nyo maririnig. *tok tok tok Come in! sagot mula sa loob. Sosyal, english! puna ni Fliss. Binuksan muna nya ang pintuan at saka pumasok. Na kangiti pa syang naglalakad papunta sa kinaroroonan ng medyo hindi na kabataan n a bouncing baby girl! sya na ata si Madam Rosa! pang-huhula ni Fliss. Good *sumilip muna sa wall clock* morning po bati ni Fliss. Alas onse na pala, hin di nya namalayan ang oras. Napasarap ata ang kwentuhan nila ni Manong Guard kani na. Please take a sit nakangiting sabi ni bouncing baby girl. Sumunod naman si Fliss at umupo sa may upuan na malapit sa table nito. I m Felicity Domingo ho, from the beautiful place of Baranggay Paraiso, I want to a pply in your cafeteria as a cashier, cause my friend tell me, you needed me! kina kabahang sabi ni Fliss. Hindi naman napigilang matawa ni Madam Rosa sa maling English ng kausap.

hahahahaha totoo pala ang sabi ni Paolo sakin, palabiro ka. sabi ni Madam Rosa. Naguluhan naman si Fliss. Seryoso sya sa sinabi nya, at hindi sya nagpapatawa. Ahmm, Madam, I m not joke po but if you laugh, I laugh too. So everybody happy! Hah ahaha. Sabi pa ni Fliss at nag-fake laugh with matching hampas pa ng kamay sa ta ble. So Felicity Fliss is my nickname. Biglang sabi naman ni Fliss. Ahh, ok. Fliss, can I have your resume? tanong ni bouncing baby girl. Agad naman kinuha ni Fliss ang resume nya sa kanyang brown envelope at ibinigay kay bouncing baby girl. Ako si Madam Rosa, ako ang may-ari ng cafeteria dito sa school na to. Pamangkin ko si Paolo at nasabi na nya sakin na nangangailangan ka nga ng trabaho kaya naman nirekomenda ka nya sa akin. Itong gagawin nating interview ay for formality lan g ha. Kaya wag kang kabahan. Nakangiting sabi ni Madam Rosa at tinignan ang resum e ni Fliss. Tumango at ngumiti na lang si Fliss. Hindi pa rin kasi mawala ang kaba sa dibdib nya. Hindi nya din akalain na Tita pala ng best friend nyaang magiging amo nya kung sakaling matanggap sya. Wala naman kasing sinabi ang kaibigan nya tungkol d oon. Tell me something about yourself, Fliss biglang sabi ni Madam Rosa. I m Felicity Domingo a.k.a Fliss. I live in Baranggay Paraiso. I m 20 years old. I ha ve sisters, mother and father. My hobbies is singing. I only study until 2nd yea r high school, because my sisters is also studying so that I is stop studying an d we don t have money. I joining singing contest and beauty contest to have money, and I also model-model sometime. I am super duper hardworking, I can do anythin g, if you want me to jump, I jump but not in the building because I die! Madam, honesty is the best policy so I will say that me is not very good in math subjec t. Did you have a calcalator? You know, the one you make pindot pindot. Sabi pa n i Fliss habang at idenescribe pa ang calcalator kay Madam Rosa. Ahh, oo naman. Meron kaming calcutator. Natatawa pang sagot ni Madam Rosa. Don t worry Fliss, hindi ko naman kailangan ng sobrang galing sa math, ang kailanga n ko ay isang tao na mapagkakatiwalaan lalo na pagdating sa pera. Pahabol pa ni M adam Rosa. You can trust me Madam. I m not good in math but I m not robbing your cafeteria! I pr omise to be a good girl! tinaas pa ni Fliss ang kanang kamay nya para pangatawana n ang promise nya. Good! Siguradong magiging masaya ang cafeteria. Pwede ka nang mag-umpisa bukas. A las otso ng umaga hanggang ala sais ng hapon bukas ang cafeteria. Kaya dapat bag o mag-alas otso nandito ka na. paalala ni Madam Rosa. Nanlaki naman ang mga mata ni Fliss. Tanggap na po ako? gulat na tanong ni Fliss. Wag kayong magtaka, nag-tatagalog si Fliss kapag nagugulat. Weird no? Ganon tala ga, hindi sya katulad ng karamihan sa ating mga Pilipino na kapag galit kung mak apag-english kahit mali ang grammar, wagas! At hindi din sya OA mag-english kapa g excited o nagugulat. Hindi yung tipong Oh my god! Omg! Waaaaah! Really? Normal na lengwahe ni Fliss ang wrong gramming. Tanggapin nyo na lang. Oo, halika. Ipapakilala kita kay Bubble, sya ang mag-tre-train sayo. Tumayo si Mad am Rosa sa pagkaka-upo at lumabas ng office nya. Sumunod naman si Fliss sa kanya . Good morning po Madam bati ni Bubble, noong makita si Madam Rosa. Nginitian naman nya si Fliss na ngumiti din sa kanya. At nag-ngitian sila forever. Bubble, sya si Fliss, simula bukas dito na sya mag-tratrabaho bilang kahera. Sya yung kapalit ni Tina. Fliss, sya naman si Bubble, ngayon, ipapakita nya sayo kun g ano yung mga ginagawa nya at yung pasikot sikot dito sa cafeteria, para hindi ka na mangapa bukas. Pakilala naman ni Madam sa dalawa. And again, nagngitian lang ang dalawa, pero may kasama ng tango. O pano, maiwan ko muna kayo, may aasikasuhin pa ako sa loob. Paalam ni Madam. Sa pangatlong pagkakataon, ngumiti lang ang dalawa at tumango sa papalayong si M adam. Nako, salamat naman at may makakasama na ulit ako dito. Wag kang mag-alala, madal

i lang naman yung gagawin mo eh. Ang kailangan lang dito, mahaba ang pasensya mo lalo na sa mga maarteng estudyante dito, pero yung iba mababait naman. Saka dap at bibilangin mo lang ng mabuti yung isinusukli mo para hindi ka ma-short. Sabi n i Bubble kay Fliss habang pinupunasan ang ibabaw ng counter. Sasagot pa sana si Fliss pero nag-salita ulit si Bubble. Kapag ganitong oras wala pang masyadong estudyante dito kaya linis linis lang ang gagawin mo. Kapag nakita mong malinis naman, mag-linis ka pa din, kasi nakakahi ya naman kay Madam kung maaabutan nya tayong nakatambay lang. 9am, 12pm at 4pm y un yung mga oras na madaming tao dito kasi break na ng mga estudyante. Patuloy pa nito habang nag-wawalis. Ahh ok. So bitin na sagot ni Fliss. Ito pa pala, wag mong kalimutang bumati sa mga professors dito lalo na sa Dean. K a-close ni Madam yung mga yun. Wag mo ding kakalimutang ngumiti, kasi ayaw ni Ma dam ang nakasimangot, malas daw kasi sa negosyo. Dagdag pa ni Bubble habang nag-m a-mop. Hindi na tinangka pa ni Fliss na mag-salita. May tanong ka pa ba? nakangiting tanong ni Fatima na tumigil na sa paglilinis at t umayo sa harapan ni Fliss. You love speaking no? puna ni Fliss. Ay hindi naman. Makwento lang talaga ako, pero hindi naman ako madaldal. Nga pala , ilang taon ka na ba? tanong ni Bubble. 20. How a-- tipid na sagot ni Fliss. bout you? patuloy na tanong ni Fliss sa utak nya dahil naunahan na naman syang mag -salita ni Bubble. Ahh, magkasing edad lang pala tayo. Kwento ka naman, kanina pa ako nag-kwekwento eh sabi pa ni Bubble, napagod ata kakasalita. Nag-hintay pa ng ilang segundo si Fliss bago mag-salita. Baka kasi may sasabihin pa si Bubble eh maputol na naman yung sasabihin nya. Noong hindi nagsasalita si Bubble, nag-salita na si Fliss. I don t know what to story eh. I m not noisy, so my classmates in elementary don t writ ing my name on the noisy list when the teacher is away. Kwento ni Fliss. Napakamot naman ng ulo si Bubble. Bakit ang hilig mong mag-english? Eh mali naman yung grammar mo? pagtataka ni Bubb le. Ngumiti naman sya. Just like your reasoning for being noisy. Nakangiting sagot nya. Hindi naman na-ge ts ni Bubble kaya ang tanging nasagot nya lang ay HUH? Sabi mo kanina, makwento ka lang pero hindi ka madaldal. Ako naman, nag-eenglish kahit mali pero hindi ako bobo. Nakangiting sagot nya. Napanganga naman si Bubble sa sagot ni Fliss. Sorry ha. biglang sabi ni Bubble sabay hawak pa sa kamay ni Fliss. Why you sorry? nagtatakang tanong nya. Eh kasi akala ko kaya ka nga-eenglish ng mali kasi bobo ka sa English matapat na s agot ni Bubble. Natawa na lang si Fliss. Bakit ang pagsasalita lang ba ng English ang basehan ng pagiging matalino? Kung y un nga, edi bobo nga ako. natatawa na lang na sagot ni Fliss. uyy, hindi no. Alam mo, nakakatuwa ka. Ang saya mong kasama, sigurado na hindi ma giging boring dito simula bukas, kasi nandito ka na. Saka, masanay ka na sa pagi ging makwento ko ha. natutuwang sabi ni Bubble. Ikaw din, sana masanay ka sa pag-eenglish ko kahit mali. Kapag nag-tagal, ma-gege ts mo din naman yung mga sinasabi ko eh. Pero ngayon, sige, mag-tatagalog muna a ko. sabi ni Fliss at hinampas pa si Bubble sa braso. Pagkatapos i-tour ni Bubble sa cafeteria at ipaalam sa kanya ang mga basic ay na g-paalam na sya dito pati na din kay Madam Rosa. Nakangiti syang naglalakad papu nta sa may gate. matutuwa si mother dear kapag nalaman nyang may work na ako! At humanda sakin si Paolagirl, hindi nya sinabi sakin na Tita nya pala si Madam! pag-mo-monologue ni Fliss.

Patingin-tingin pa si Fliss sa paligid ng School habang naglalakad, nagbabakasak ali kasi sya na makikita nya pa yung lalaking naka-usap nya sa may harapan ng ga te kanina at sinundan pa nya. Bigla na lang syang napangiti noong naalala nya yung itsura noong lalaki. Maputi , matangkad, katamtaman lang ang katawan hindi yung matcho na may abs o puro mask els. Sakto lang, hindi mataba, hindi din mapayat. Kulay brown ang mata kapag med yo nasinagan ng araw, may eye bags pero hindi kalakihan, sakto rin lang. Tandang tanda nya din yung suot noong lalaki. Naka-itim na polo at gray na pantalon. Na ka-rubber shoes na kulay puti at nakabag pack na kulay light pink. hayy, makikita ko kaya ulit sya? hoping na sabi ni Fliss sa sarili. Kanina nagsasalita ka mag-isa, ngayon naman, nakangiti ka na parang tanga. Sigura do kang ok ka lang? Nagulat naman sya sa biglang nagsalita. Dahil sa busy sya sa pagtingin sa paligi d at pag-alala sa lalaking naka-usap nya kanina, hindi nya namalayan na nasa har apan nya na pala ang lalaking pinag-nanasaan nya. Hmmm Heyo? malanding sabi ni Fliss na hindi matanggal ang malanding ngiti sa mga lab i nya. Kunot noo naman syang tinignan noong lalaki. Sa kabilang gate yung exit. Entrance to Miss. Sabi noong lalaki. Hindi naman na-gets ni Fliss ang sinasabi noong gwapong nilalang na nasa harapan nya. Kaya naman nag-snap ng finger yung lalaki para makuha ang atensyon ni Flis s. Yesh? maarte pang tanong ni Fliss Sabi ko, doon *turo sa exit gate* yung exit gate. Hindi dito. Ulit ng lalaki. Sinundan naman ni Fliss ang tinuro ng lalaki. Doon lang nya naunawaan ang ibig n itong sabihin. At ngayon nya lang napansin na nakabara sya sa daanan ng entrance gate, kung saan madami na ang naka-pila para pumasok. Napangiwi na lang si Fliss at saka nag-peace sign. Sorry! Wrong gate. Hehehehe agad na sabi ni Fliss at saka nag-punta sa may exit ga te. bibingo na ba ako kay Crush? 2 times na akong napapahiya sa kanya. pag-aalala ni F liss. Bago sya maka-layo sa may exit gate ay napansin nya ang isang estudyante na sini sigawan yung lady guard. So now you re making me look like a layer?! So AMALAYER! So you re telling me amalaye r? Amalayer? Amalayer? Answer me, amalayer? Sa lakas kasi ng boses noong babae, hindi nakakapag-taka na madami ang makapansi n sa kanya. Hindi naman alam ni Fliss ang buong nangyari kaya naman pinabayaan n a lang nya at hindi na sya naki-chismis pa. Tutal hindi naman sya yayaman kung m akikigulo pa sya doon. Kung ano man ang ikinagalit o pinag-talunan nila, sila la ng ang totoong nakaka-alam noon. Ang alam nya lang, parang kantang nakaka-LSS (last song syndrome) ang AMALAYER! Oo hanggang dito, trending si amalayer. :) GRAMMAR 4 GRAMMAR 4 Masayang umuwi si Fliss mula sa pinag-apply-an nyang trabaho. Hindi mawala sa mu kha nya ang ngiti sa mga labi nya. Medyo kinikilig pa nga sya at ni-ro-role play na sa utak nya kung paano nya sasabihin ang good news sa mga magulang nya. *Mother bear, I has work!* Ay masyadong deretsyo, wala man lang pakaba effect. *Mother bear, guess what s going on with me* Teka, parang ang pangit. Baka akalain ni Nanay nasisiraan na ako. Kung ano-ano na ang naiisip ni Fliss habang naglalakad papasok sa looban nila, n apatigil lang ang pag-iisip nya dahil sa isang nakakairitang boses ng babae. Hay nako, may baliw na naglalakad. Sabi noong babae. Napahinto naman si Fliss sa paglalakad at tumingin-tingin sa paligid. Kinabahan kasi sya dahil baka mamaya kung ano ang gawin sa kanya ng baliw, mahirap na, hin di pa nga sya nakakapag-umpisa sa trabaho eh. Teka, ako lang ang nag-lalakad dito ahh. napakunot ang noo ni Fliss. Grabe, talagang naghanap pa sya ng ibang baliw, eh sya lang naman yun. sabi pa noo

ng isang boses na nakakairita. Napalingon si Fliss sa dalawang babaeng nag-uusap at nag-tatawanan na nakaupo sa may bangkong kahoy sa tapat ng tindahan. Me is you re talking about? tanong ni Fliss sabay turo sa sarili. Ano ba yan, mag-e-english na lang mali pa! Nakakainis talaga yung mga taong kung makapag-english akala mo kung sinong magaling, eh mali naman yung grammar. Sabay tawa noong isang babae. Napabuntong hininga na lang si Fliss. Hindi nya talaga alam kung anong problema ng dalawang mag-kapatid na to sa kanya. Sina Una at Dos, ang kambal na kapatid ng manliligaw nyang si Tres. Nag-umpisa lang naman syang pag-initan ng kambal noon g nag-umpisang manligaw ang kuya nila sa kanya. Lumapit sya sa kambal nang nakangiti. At least I m trying my very best just to spoke English. pagmamalaki pa nya. Pasensya na, hindi ako nakakaintindi ng maling english. mapang-asar pa na sabi ni Una. Madali lang malaman ang pag-kakaiba ng kambal. Si Una medyo chubby at si Dos nam an ay petite. Oh great! I know to understanding you re language and my language, so that means. I am much more brainy. Masayang sabi nya. Pwede ba, tigilan mo yang pag-e-english mong mali-mali naman. Nakaka-awa ka. sabi pa ni Dos. Why? Because you can t understanding my English? So what peklat? nang-iinis na sagot nya. Hah. Bahala kayong ma-nosebleed sa English ko. Mga ingiterang froglet! sabi ng mal ditang isip ni Fliss. Bobo ka na nga, ang yabang mo pa! sagot pa ni Una. Nagpantig ang tenga ni Fliss sa narinig nya, kaya naman hindi na sya nakapagtimp i pa. Me? Bobo? And you genius? Where? In your dreams? mapang-asar na sagot ni Fliss. Pagtawanan mo na si Fliss dahil sa mali-mali nyang pag-e-english pero wag na wag mo syang tatawaging bobo. Hoy, kumpara naman sayo. Mas matalino kami. Nakagraduate kami ng highschool at ng ayon college na kami. Sino satin ang bobo? pagmamalaki pa ni Dos. Oo hindi ako nakapag-tapos ng highschool, hanggang 2nd year lang ako. Mali-mali a kong mag-english, mahina din ako sa math. Eh ano ngayon? Bobo na agad? Bakit, la hat ba ng pinag-aralan nyo sa eskwelahan, nagagamit nyo sa totoong buhay? Baka n ga kung ano lang ang laman ng libro yun lang din ang alam nyo. Ang bobo ay yung mga taong nagpapanggap na matalino. Mahabang litanya ni Fliss. Hingal na hingal si Fliss dahil sa inis na nararamdaman nya at bigla nyang pagla labas ng inis. At least kami nag-aaral, sure na kapag naka-graduate kami may matino kaming traba ho. Pag-mamayabang ba ni Una. Wala pala kayo sakin eh, ako walang pinag-aralan pero may trabaho! Saka, hindi ha lata na may pinag-aralan kayo. Mapang-asar na ngumiti si Fliss saka tinalikuran a ng kambal na inis na inis. Narinig pa ni Fliss na sumigaw si Dos na magbayad na kayo ng utang nyo! Kapal ng muka nyo! Napailing na lang sya. Hindi nya talaga maintindihan ang kambal kung bakit ang init ng dugo sa kanya. M as bata ang mga to sa kanya ng dalawang taon, si Harmony ang ka-edad ng kambal. K ung tutuusin, maganda naman ang kambal, nakakaluwag-luwag sa buhay, at nag-aaral ng kolehiyo, pero hindi nya talaga ma-gets kung bakit sya ang pinag-iinitan ng kambal. Naabutan ni Fliss ang nanay nya na nakaupo sa may silya habang pinapagalitan ang bunsong kapatid na si Charity na naka-upo sa may sofa malapit sa pinto. Naka-un iform pa ito at mukang kaka-uwi lang din. Nako Charie! Umayos kang bata ka ahh! Eh kung nakita ka ng tatay mo ha? talak ni A ling Trinidad. Nag-mano si Fliss sa Nanay nya kahit busy ito sa pagtalak, na any moment ay aata kihin ng high blood. Tahimik syang umupo sa may sofa katabi ng kawawang si Chari e.

Eh hindi naman ho ako nakita eh sagot pa ni Charie. Sumasagot pa eh Panenermon ulit ni Aling Trinidad. What s happenings? tanong ni Fliss. Agad naman syang tinignan ni Charie Happenings talaga teh? tanong pa nito. Marami eh. What is the problems? tanong na lang ni Fliss sa kapatid. Sanay na si Fliss sa bunso dahil madami talaga itong tinatagong kakulitan, kaya hindi na bago sa kanya ang eksena na naabutan nya. Likas naman kasi na makulit s i Charie, sumasagot ng pabiro pero kung seseryosohin mo, maiinis ka lang. yang kapatid mo, nakita ko sa may kanto may ka-holding hands. Ke bata-bata pa, kum ekerengkeng na! Nayayamot na sabi ng nanay nila. Tumingin si Fliss sa kapatid na parang nagtatanong kung totoo ba yun, tumango na man si Charie at nag-peace sign pa. Napabuntong hininga na lang sya. O, magka-holding hands lang pala eh. Nay, magalit kayo kung nakita nyong nakikipa g-sex sa kanto. --Aray! binato sya ng tsinelas ng Nanay nya at tinamaan sya sa ma y binti. Masamang tumingin si Fliss kay Charie na nagpipigil ng tawa at saka nya kinurot sa tagiliran. Aray Ate! reklamo ni Charie. Eh bakit ka ba naman kasi nakikipag-holding hands ka sa may kanto? Pwede naman ka sing sa kabilang kanto. Sabi pa nya habang hawak ang buhok ni Charie at niyuyugyo g ito. Ouch Nay! Binato ulit sya ng tsinelas ng Nanay nya. Kaya napatanggal ang kamay nya sa pagkakahawak sa buhok ng kapatid, na tumatawa pa. Yan, yan, dyan ka magaling. Puro ka kalokohan. Kunsintidor na kapatid! Kapag yang kapatid mo nabuntis ng maaga, humanda ka sakin. Bakit ako ang humanda? Bakit ako ba yung nakipag-sex? sagot ni Fliss habang hinihi mas ang binti nyang tinamaan ng tsinelas. Oy si Nanay naghahanap ng ibabato kay ate. Pang-aasar pa ni Charity. Naibato na kasi ni Aling Trinidad ang pares ng tsinelas nya. Ito naman si Nanay, hindi na mabiro! Saka Nay ang OA mo lang. Holding hands lang buntis na? Yan! Kakapanood nyo yan ng mga fantaserye, nanaginip lang yung bida p ag-gising buntis na. sabi pa ni Fliss. Saka masama bang ma-inlove? sabi pa ni Charie. Napatingin naman sa kanya si Fliss. In love agad? OA ka din Charie, mana ka kay Nanay! sabi pa ni Fliss. Susme! Ang dami-dami nga dyan highschool pa lang buntis na. O anong nangyari? Hin di na nakapagtapos ng pag-aaral. Maagang naging mga magulang. Kayo kasing mga ka bataan kayo, masyado kayong mapusok. Crush nyo lang ngayon, bukas mahal nyo na. Ano ba namang klase yan? Hindi nyo pagbutihin ang pag-aaral nyo. panenermon pa ng Nanay nila. Nay, kasama sa pagiging bata yun. sagot pa ni Charie. Alin? Ang unahin ang landi kesa sa pag-aaral? Umayos ka Charity ha. naiiritang sab i ni Aling Trinidad. Hindi naman ako lumalandi eh. Normal lang naman ma-inlove diba? mahinang tanong ni Charie. Napabuntong hininga si Aling Trinidad, mahinahong syang pumagitnan sa sofa sa ta bi ng dalawang dalaga. Umusog naman si Fliss para maka-upo ng maayos ang Nanay n ya. Hinaplos pa ni Aling Trinidad ang buhok ng Charity na kanina pa nakayuko. Oo, normal lang ang magmahal. Pero ang akalain na pagmamahal ang isang simpleng p ag-hanga hindi yun normal. Kinse anyos ka lang, sinasabi mo lang na pag-ibig yang nararamdaman mo dahil kinikilig ka kapag kasama sya. Sige nga Nay, paano mo masasabi na nagmamahal ka na? paghahamon na tanong ni Fliss . Natawa naman ang Nanay nya sa tanong nya. Kapag hindi ka na kinikilig, pero gusto mo pa rin syang makasama. Natatawang sagot ni Aling Trinidad. Ang labo mo Nay, syempre kaya nga mahal mo yung tao kasi napapakilig ka nya. Ano ba namang klaseng pagmamahal yung walang kilig kahit konti? naguguluhang tanong n i Fliss. Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa dami ng beses ka nyang pinakilig. Kundi s a dami ng beses nyang pina-init ang ulo mo at ilang beses kayong nag-away pero w

ala pa rin sa inyo ang gustong makipag-hiwalay. Kapag nagmahal kayo, buong pagka tao nya ang dapat nyong mahalin, hindi kung ano lang ang gusto nyo sa kanya. Naka ngiting sagot ng Nanay nila Nasa kalagitnaan sila nang pag-momoment noong biglang dumating si Mang Felimon, at napatingin sa kanilang mag-iina na nakakunot ang noo. Ano na namang kadramahan yan, Trining? tanong pa nito. Wala, sinasabi ko lang sa mga anak mo na wag silang mag-aasawa ng maaga. Para hin di agad makunsume sa magiging asawa nila. Ang hirap kaya magkaroon ng asawa ng m aaga. Sagot naman ni Aling Trinidad at saka tumayo at pumunta sa kusina. Anong problema noong Nanay nyo? Hindi naman nag-asawa ng maaga yun ahh. sabi pa ni Mang Felimon. Bakit tay, ilang taon ba si Nanay noong nagpakasal kayo? Tanong ni Charie. 29. Ewan ko sa Nanay nyo, kung ano-ano sinasabi sa inyo. Naka-drugs ba yun? pabiro ng tanong ni Mang Felimon sa mga anak. Hoy Felimon, narinig ko yun! sigaw pa ni Aling Trinidad. Tay, kinikilig ka pa ba kay Nanay? natatawang tanong ni Fliss. Sinong kikiligin sa boses ng Nanay nyo? bulong nito, nagtawanan naman silang mag-a ama sa sinagot ng tatay nila. Narinig ko ulit yun! sabi pa ni Aling Trinidad. Buti hindi nyo hinihiwalayan si Nanay kahit na lagi kayong sinisigawan. Sabi pa ni Fliss. Ang tawag dun, pagtyatyaga. Sagot pa ni Mang Felimon at saka ulit tumawa. Eh tay, mahal mo pa ba si Nanay? tanong ni Charie. Nasa harapan nyo ba ako ngayon, kung hindi? Kahit ganyan yang Nanay nyo, ganyan n a talaga yan. Hahahaha. Natatawa pang sagot ni Mang Felimon. Napangiti na lang si Fliss. Lahat ng ni-role play nya sa utak nya, nawala na dah il sa pag-uusap nilang mag-iina. Hindi talaga ako regular na nag-uupdate. Kung kelan ko lang maisipan. :P GRAMMAR 5 GRAMMAR 5 6:00 a.m Maaga gumising si Fliss dahil ngayon ang unang araw nya sa trabaho. Bago kasi ma g alas otso kailangan nasa cafeteria na sya. Dahan dahan nyang inayos ang kama n ya para hindi magising si Charie hapon pa kasi ang pasok nito kaya naman mamaya pa rin ito gigising. Kinuha nya ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto nila at napakuno t ang noo nya noong mapansing wala sa tabi ni Charie si Hamy. Bumaba na lang sya ng tahimik. Naabutan nya sa kusina na nagkakape ang Nanay nya, mga ganitong oras kasi naka-a lis na ang Tatay nya para mamasada ng tricycle. Bat ang aga mo ata? tanong sa kanya ni Aling Trining saka humigop ng kape. Nay did Hamy went home tonight? tanong nya. Napakunot naman ang noo ng Nanay nya dahil hindi kaagad nito na-gets ang sinabi ng anak. Ahh. Hindi. Nag-paalam sakin noong isang araw gagawa daw sya ng thesis ba yun? Ka ya dun natulog sa kaklase nya. Mamaya pa uuwi. sabi ni Aling Trining. Thesis? Ano ba yun? Tsk. Tanong ni Fliss sa sarili. Hindi nya kasi naranasan yun. Ahh. I see the look in your eyes! Nay, I has work na. pagbabalita nya habang nag-t itimpla ng kape. Napalingon naman sa kanya ang Nanay nya. Alam ko, tinext sakin ni Paola. Hinihintay ko lang na ikaw ang mag-sabi sa akin. s agot naman ni Aling Trining. Si Paola talaga! Nawala na yung element of surprises! Tsk. Nay, do you have cash? I will pay you someday. Nahihiyang sabi ni Fliss. Pamasahe na lang kasi ang natira sa kanya ngayon at paniguradong kakapusin sya d ahil may mga kailangan pa syang ipasang requirements. Mag-rerenew pa sya ng NBI clearance at dahil pagkain ang hahawakan nya kailangan pa nyang kumuha ng health certificate.

Tinext kasi sya ni Madam Rosa kagabi para ipapaalala yung mga requirements na ka ilangan pa nyang ipasa. Ngayon kasi, ipapakita lang sa kanya yung mga ginagawa d oon. Mabuti na lang talaga at mabait ang magiging amo nya dahil pinagbigyan syan g makapagtrabaho kahit di pa kumpleto ang requirements nya. Meron pa, may 500 pang natira dun sa binigay mo sakin noon. Sagot ni Aling Trining . Can I borrow? Nakapikit na tanong ni Fliss. Kunin mo na lang sa tukador ko mamaya. Maligo ka na. Ipag-priprito na lang kita n g itlog para di ka na bumili ng tanghalian mo. utos ng Nanay nya. Thanks Nay. Sagot nya saka naligo. 6:45 a.m Paalis na si Fliss ng bahay noong saktong dumating naman ang kapatid nyang si Ha rmony. Babatiin sana ni Fliss ang kapatid noong nag-dere-deretsyo ito sa loob ng bahay nila at hindi sya pinansin. Oh nandyan ka na pati ang Nanay nila ay napatigil sa sasabihin dahil umakyat na ng kwarto si Harmony. What s the problem of her? tanong ni Fliss. Baka pagod lang. Lumakad ka na. sabi na lang ni Aling Trinidad. Hindi na lang pinansin ni Fliss ang inasal ng kapatid kaya naman nagkibit balika t na lang sya at umalis ng bahay nila. Habang naglalakad, nag-dadasal sya na sana kahit ngayong umaga lang na to ay hind i nya makita si Tres. Mahihirapan na naman kasi syang bastedin ang binata kahit araw-araw na nyang ginagawa iyon. Malapit na sya sa may tindahan nina Tres kaya naman binilisan nya ang lakad nya at yumuko pa sya para matakpan ng mahaba nyang buhok ang mukha nya. Pero masyado ng matalas ang mata ni Tres pagdating sa kanya kaya agad sya nitong tinawag. Hi Felicity! bati pa ng binata. Bahagyang bumagal ang paglalakad ni Fliss para ngitian ang binata. Hi. Mahinang bati ni Fliss. Kinilig naman si Tres kaya napangiti - labas ang ngipin. Buti na lang at bagong toothbrush. Kung hindi bawas pogi points sya. Aga natin ngayon ahh. pag-uumpisa ni Tres ng topic at sinabayan pa sa paglalakad s i Fliss. Syempre, crush nya ang ating bida kaya kailangan pahabain ang usapan kahit wala naman dapat pag-usapan. Mga style eh! Somewhere down the road. Naiilang na sagot ni Fliss. Oy, alam ko din yang kantang yan. Favorite mo din yun? Pareho pala tayo. Tuwang-tu wa namang sabi ni Tres. Huminga ng malalim si Fliss basta malalim saka nagsalita. Tristan. Sabi ni Fliss, tumigil pa sya sa paglalakad kaya naman napatigil din si T res. Bakit? tanong ni Tres. Time first! sabay harang ni Fliss sa kanang palad nya sakto sa muka ni ni Tres mga 1 inch na lang ang pagitan ng palad nya sa muka ng binata. Game over, I m late. Babye! mabilis na paalam ni Fliss at naglakad din ng mabilis. At sa pangalawang pagkakataon, naiwan na namang nakatanga si Tres. Tristan Angeles, ang binatang umiibig ng wagas sa kababata nyang si Fliss ay nafriend zoned na naman mga kaibigan! Ano dre? Sukuan mo na kasi si Fliss! pang-aasar ng mga tambay sa tindahan nila at nagtawanan pa. Oo, mag-aala syete pa lang ng umaga may tambay na. Sisipag no? Dinedma na lang ng binata ang kantyawan ng mga tambay at nagbantay na ulit ng ti nadahan nila. Napansin naman sya ni Una kaya sinermonan na naman sya. Ang dami-dami namang babae dyan, pinagpipilitan mo yung sarili mo sa babaeng di k a naman gusto. Naiinis na sabi ni Una. Lalo tuloy nadagdagan ang pagkainis ni Una kay Fliss dahil sa pang-babasted na n aman nito sa Kuya nya. Iba kasi sya. tipid na sagot ni Tres. Bukod sa mali-mali ang English nya, ano pang pinagkaiba nya? tanong pa ni Una. Hin di talaga mawala ang inis sa tono ng boses nya.

Madami pa. tipid ulit na sagot ng binata. Kapag talaga ibang tao ang kausap nya nagiging man of few words lang sya. Pero k apag kay Fliss, nagiging madaldal sya. Napa-tsk na lang si Una at iniwan ang Kuya nya. Hindi nya talaga maintindihan ku ng bakit si Fliss pa ang nagustuhan ng Kuya nya. Lunes ngayon kaya naman mahirap ang sumakay lalo na kung ganitong oras. Pasukan din kasi sa mga trabaho at eskwelahan kaya tyagaan talaga sa paghihintay ng masa sakyan. Ipinatong ni Fliss ang kanang palad nya sa ibabaw ng noo nya para matakpan ang s inag ng araw, para mabasa nya ang sign board sa jeep. Paparahin nya, iba ang sasakay. Kanina pa ganyan ang eksena nya. May mga dumadaan naman at humihintong FX sa harapan nya pero hindi nya pinapansi n. Nanghihinayang kasi sya sa pamasahe nya, kahit sabihin pang limang piso o sam pu lang ang diperensya, napakalaking pera na ang mawawala sa kanya. Hindi din naman sya rich kid para magpasosyal pa. Sanay naman syang makipagsiksi kan sa jeep at madikitan ng pawis ng iba. Napapakunot na ang noo nya dahil sa inip at inis. Malaki kasi ang posibilidad na malate sya dahil sa wala syang masakyan. Maya-maya lang may humintong itim na kotse sa harapan nya. Hindi tinted ang bint ana kaya natanaw nya ang nasa loob. Pinakatitigan pa nya para makasigurado sya. Sya nga. Yung lalaking nakita nya sa school. Agad nawala ang pagkainis nya noong masilayan na naman ang muka ng binata. Hala? Sinusundo nya ba ako? tanong ni Fliss sa sarili. Napalingon naman ang lalaki sa may gawing kanan kaya nakita nya din si Fliss at nagtagpo ang kanilang mga mata. Napakunot ang noo nya at inaalala kung saan nya nakita ang dalaga. Pamilyar kasi ang muka nito. Ngumiti naman si Fliss sa kanya at nag-wave pa. Dun nya lang naalala kung san nya nakita ang dalaga kaya tinanguan nya ito at ib inalik ang tingin sa kalsada. Noong makita na naka-green na ang ilaw sa traffic lights ay pinaandar na nito ang kotse nya. Oo, iniwan si Fliss na nakangiti na parang tanga habang nakatingin sa itim na ko tse na papalayo. Asyumera ka Fliss! inis na sabi ni Fliss sa sarili. Disappointed ang lola nyo na sumakay sa jeep habang nagda-day dream na isinakay sya sa itim na kotse ng crush nya at sinagip sa mahabang paghihintay ng jeep sa kasagsagan ng rush hour. Sabihin nyo kung naguguluhan kayo sa Third Person s POV ha. Papaguluhin ko pa. hah aha. chums <3 GRAMMAR 6 GRAMMAR 6 Nakarating ng buhay si Fliss sa School. This time, hindi na sya sinita ni Manong Guard dahil close na sila. Hindi na rin sya tinangka pang kausapin nito dahil b aka mauwi na naman sa madrama at nakakadugong eksena ang pag-uusap nila. Kaya na man binigyan na lamang sya nito ng isang pang Mr. Poging ngiti minus the pogi si gn. Saktong alas otso sya sa nakarating sa School kaya naman lakad-takbo ang ginawa nya papunta sa Cafeteria. Hawak ng kanang kamay nya ang strap ng shoulder bag ny a habang sinusuklay naman ng kaliwang kamay nya ang mahaba nyang buhok na ginulo ng hangin noong nagbyabyahe sya. Sana hindi ako pagalitan. Parang isang mantra na paulit-ulit na sinasabi ni Fliss sa sarili habang naglalakad. Nag-cross fingers pa sya para mas effective. Sumilip muna sya at nakita nya si Bubbles na busy sa pagbibilang ng pera. Good morning. Nag-aalangang bati nya. Hi Fliss! sagot ni Bubbles at patuloy pa rin sa pagbibilang ng pera. Sorry, I m late comers promise there is no next time. sabi pa nya. Ano ka ba, ayos lang no. Tali mo na yang buhok mo, maglagay ka na din ng hair net . Para makapag-umpisa na tayo. Sabi ni Bubbles na agad naman sinunod ni Fliss.

Napatigil pa sya sa pagtatali at kinalabit si Bubbles. Hmmm, friend, I don t have no hairnet. Sabi nya dito. Ahh, may extra pa ako kunin mo na lang sa bulsa ng bag ko. Sagot ni Bubbles at iti nuro ang bag nya. Ilang oras na din ang nakalipas at nakakaramdam na ng pagkangalay sa pagkakatayo si Fliss. Medyo nage-gets ba din ni Fliss ang mga naituro ni Bubbles sa kanya a t buti na lang talaga at mabilis syang magmemorya. Mapupuno na din ang tickler n ya sa paglilista ng presyo ng mga paninda. Ano friend? Keri pa ba? Tanong sa kanya ni Bubbles. Keribels lang friend, it hurts only because of standing. Sagot nya Hindi kasi talaga pwedeng umupo e, kung hindi pa break time. Paliwanag naman ni Bu bbles. Isang tuna sandwich at orange juice nga. Sabi noong lalaki. Agad naman tinignan ni Bubbles yung bagong dating na binatang customer. Yun lang po Sir? tanong pa ni Bubbles. Tumango lang naman ang lalaki bilang sagot. Aasikasuhin na sana ni Bubbles ang order ng customer noong mapansin nyang nakatu lala si Fliss. Sinundan nya ng tingin kung ano man ang tinitignan ni Fliss at li him na lamang syang napangiti noong mapansing nakatingin ang katrabaho sa lalaki ng kasalukuyang nasa counter. Baka malusaw yan Friend. Bulong ni Bubbles at saka maingat na inayos ang order ng binata. Natauhan naman bigla si Fliss. Ngayon nya lang napagtanto na napatagal na pala a ng pagtitig nya sa binata. Kaya naman agad syang umayos ng tayo at natatarantang naghanap bigla ng gagawin. Napansin naman ng binata si Fliss na parang hindi magkandatuto sa mga gagawin. Miss ok ka lang? kunot noong tanong nya dito. Natigilan si Fliss sa narinig nya at agad napatingin sa binata. Pinipigilan nya ang sarili nyang mapangiti kaya bahagya nyang kinagat ang ibabang labi nya. Hmmm I-I m still alive but I m barely breathing. Pigil hiningang sagot ni nya. Nagulat kasi sya sa tanong ng binata. At hindi nya din alam kung bakit parang um urong ang dila nya at wala syang maisagot sa simpleng tanong ng binata. Aminado naman syang crush nya ito dahil hindi maipagkakailang gwapo ito. Hindi naman kasi sya naiiba sa mga ordinaryong babae na na-attract sa mga lalaki ng sa tingin nya ay gwapo. Isa na nga ang binata doon. You look familiar. Sambit bigla ng binata at sumingkit pa ang mata habang tinitign an si Fliss. Nawi-weirduhan man sa isinagot sa kanya ni Fliss kanina ay nagawa p a din nyang sabihin ang ang laman ng isip nya. Bigla kasing may naalala ang binata dahil sa sinagot ni Fliss. Isa na namang lin ya mula sa lyrics ng isang kanta, katulad nang naka-usap nyang weirdong babae sa labas ng School nila noong nakaraan. No. We are not family. Mabilis na sagot ni Fliss na narinig pala ni Bubbles. Hindi naman napigilan ni Bubbles ang humagalpak sa tawa noong marinig ang isinag ot ng kaibigan nya. Tulad ni Bubbles ay napatawa din ng malakas ang binata sanhi para makakuha sila ng atensyon. Agad namang humingi ng pasensya si Bubbles at ang binata sa mga tao sa cafeteria habang nagtatakang nagpapalit-palit ang tingin ni Fliss sa dalawang taong malap it sa kanya. Why you laugh? pagtatakang tanong nya sa kaibigan. Sorry Friend, ikaw naman kasi komedyante ka. Ang sabi nya, pamilyar ka daw. Pwede ng nakita ka na nya somewhere pero di nya lang gaanong maalala. Gets mo? mahinang paliwanag ni Bubbles sa kaibigan. Napabuka na lang ang bibig ni Fliss pero walang lumabas na boses. Para syang nat uyuan ng lalamunan. Agad syang yumuko dahil sa naramdamang hiya noong mapagtanto nya ang maling naisagot sa binata. Ang tanga-tanga mo talaga Felicidad! sabi ni Fliss sa sarili at pasimpleng pinukpo k ng bahagya ang ulo. Ikaw nga yung babaeng weird. Biglang sabi ng binata sabay tawa. Ramdam na ramdam na ni Fliss ang pag-iinit ng muka nya sa sobrang pagkapahiya. W ala syang masabi at ayaw na lang nyang magsalita sa takot na baka may masabi na naman syang hindi tama. Hindi nya din alam kung dapat ba syang matuwa dahil kina

kausap sya ngayon ng crush nya o mainis dahil sa pang-aalaska nito. Alam mo Miss, nakakatuwa ka. Nawala BV ko sayo. natatawa pa ring sabi ng binata at kinuha na ang pagkain nya. Napaangat ang ulo ni Fliss dahil sa narinig. Nakita na nyang naglalakad papalaba s ng cafeteria ang binata. Napangiti sya, nawala ang hiya at inis na naradaman n ya dahil sa sinabi ng binata na nakaktuwa sya. Habang pinagmamasdan ang binata ay kinalabit nya si Bubble. Friend? Ano yung BV? tanong nya ng nakatingin pa rin sa binata at nakangiti. Bad Vibes. Parang bad mood ganon. Kibit balikat na sagot ni Bubbles na abala sa pa gkwekwenta ng sales nya. Lumingon ka please. tahimik na panalangin ni Fliss. Ilang sandali lang ay sinagot ang taimtim nyang dasal at nakangiting lumingon an g binata sa kanya bago tuluyang lumabas ng cafeteria. Noong mga oras nay un ay gusto nyang tumili ng sobrang lakas dahil sa kilig na n araramdaman nya. Pero dahil hindi nya magawa ang bagay na yun kaya naman hinampa s-hampas na lang nya ang katabing si Bubbles at niyugyog pa ng bahagya saka impi t na tumili. Aray ko naman Friend! reklamo ni Bubbles. Do you see it? He smiles at me. kilig na kilig na sabi ni Fliss. Mas lalo pa ngang lumawak ang ngiti nya noong saktong nag-play sa background ang version ni Kris Laurence na When I see you smile . Lakas lang maka-close up ng mga ngiti nya. Bet mo yun no? tanong ni Bubbles. Slight? malanding sagot ni Fliss. Do you knows him? dugtong pa nya. Nicole. Sagot ni Bubbles. Nicole? Who? naguguluhang tanong ni Fliss. Edi yung bet mo! sagot ni Bubbles. Napanganga at natigilan naman si Fliss. Nabigla sya sa sinabi ng kaibigan. Paran g biglang naglaho ang nararamdaman nyang kilig at napalitan ng kirot. Ayaw nya sanang itanong sa kaibigan pero kailangan nyang malaman ang kasagutan. Para malaman na nya habang maaga pa kung dapat nab a syang mag-move on at itigil ang pagka-crush sa binata. Si-Sirena sya? lakas loob na tanong ni Fliss. Tumingin sa kanya ng seryoso di Bubbles at saka sya tinapik sa balikat. Pumikit sya ng mariin at itinikom ang bibig. Niyakap naman sya ng kaibigan. Masa kit man sa dibdib nya pero kailangan nyang tanggapin. Hindi pa man nag-uumpisa a ng pag-iibigan nila ay kailangan na nyang wakasan. Kailangan na nyang mag-move o n agad-agad! Dahil ang kanyang hinahangaan ay isa pa lang nagtatagong dyosa. Hi, sobrang sabaw talaga ako sa story ni Fliss. Nablanko sa utak ko e. Thank you sa mga nagbabasa pa rin nito. GRAMMAR 7 GRAMMAR 7 Habang magkayakap ang magkaibigan ay hindi mapigilang mapatawa ng malakas ni Bub bles na pinagtaka naman ni Fliss. Kumalas sa pagkakayakap si Fliss habang kunotnoong nakatingin sa kaibigang hawak pa ang tyan habang tumatawa. Why you laugh? naguguluhang tanong ni Fliss sa kaibigan. Ikaw kasi, kung maka-react ka para kang namatayan. Tawang-tawa pa ding sabi ni Bub bles. It hurts you know. Sabi pa nya na humawak pa sa dibdib nya. Bakit naman? Tanong ng kaibigan nya. He is she. Nanlulumong sabi nya. Natawa naman ulit si Bubbles. Naka-register ka ba sa unlitawa? naiinis nya pang tanong. Kanina pa kasi tawa nag tawa si Bubbles at hindi nya maintindihan kung anong pin agtatawanan nito o kung bakit ito tumatawa. Sorry na, natatawa lang kasi talaga ako sayo. sabi pa ni Bubbles. Huminga ito ng m

alalim at saka nag-salita ulit. Nicole ang pangalan nung bet mo. sabi pa nito. I know. He is she. Ulit na naman ni Fliss. Nicole lang ang pangalan, bakla agad? Kaloka naman friend. Sabi pa ni Bubbles. Nawi-weirduhan kasi si Fliss dahil pambabae ang pangalan nito. Pero kung sa baga y, si Toni Gonzaga nga panglalaki ang pangalan pero babae naman. Kaya lang hindi k asi karaniwang ang mga lalaking may pangalangang pambabae. So he is not she? paninigurado ni Fliss. Muli na naman syang nabubuhayan ng pag-asa. Isang tango o oo lang ang kailangan ny a mula kay Bubbles para tuluyan na syang sumaya. Para namang nag-slow motion ang buong paligid noong unti-unting i-angat ni Bubbl es ang ulo nya at ibinaba ito. Nanlaki naman ang mata ni Fliss. Straight? paninigurado pa ni Fliss. Yun ang hindi ko alam. sabi bigla ni Bubbles kaya naman agad syang tinulak ni Flis s. Aray ko naman friend! reklamo nya. Fix yourself, friend ha. inis na sabi ni Fliss. Ito naman. Ang alam ko lang kasi friend, Nicole ang pangalan nya. Hindi naman kam i super close para malaman ko kung straight ba sya o hindi. Wala din naman akong nakikitang jowabels na kasama yan. Minsan bumibili yan dito kasama mga kaklase nyang lalaki. Ewan ko lang kung isa doon ay jowa nya. pagchi-chismis ni Bubbles. Palihim naman na sumang-ayon si Fliss sa sinabi ng kaibigan nya. May tama nga na man ito dahil hindi naman close si Bubbles kay Nicole. What you think of him? She or he? pangungulit ni Fliss. Kailangan kasi nyang malaman kung may pag-asa pa ba sya o wala na talaga. Naisip tuloy ni Fliss na kung ang best friend nyang si Paola ang kasama nya ay m alamang isang tingin pa lang nito kay Nicole alam na nya kung may chance na kabila ng sa federation o wala. Ang lakas pa naman ng gay radar ni Paola. Bigla nya tul oy namiss ang kaibigan. Nag-isip naman si Bubbles. He. Sagot nito makalipas ang ilang minuto. Yes! mahinang sabi ni Fliss. At muli mga kaibigan, ang ating bida ay nagkaroon ulit ng pag-asa at umasa na ma papansin ulit sya ng crush nyang si Nicole. Kahit na may konting pag-aalinlangan sa isip nya na baka nga may chance ang binata ay hindi na lang nya pinansin. Cr ush lang naman kasi nya ito at hindi naman nya ito papakasalan agad-agad. Kumbaga, keribels na kung he or she ito ang importante gwapo! Tapos ang usapan. Mag-gagabi na din noong umuwi si Fliss sa bahay nila. Karaniwang eksena sa dadaa nan nya eh ang mga tambay sa kanto. Mga lalaking ginagawang tubig ang alak at wa la pang saplot na pangitaas, nakapabilog sa isang lamesita. Ginawang pulutan ang tawanan at kwentuhan. Gabi na pero meron pa ring umpukan ng mga babae malapit s a tindahan at nagchichismisan habang ang iba ay kalong pa ang mga anak nilang hi ndi pa ata naghahapunan. At ang matinding kalbaryo ni Fliss sa pag-uwi ay ang muli nyang pagdaan sa tapat ng tindahan nina Tres. Lunes ngayon, may pasok ito sa School at umaasa si Fliss na sana ay wala pa sa bahay nila ang binata para hindi sya mahirapang umiwas di to kapag kinausap na naman sya. Dalawang bahay na lang ay madadaanan na nya ang tindahan nina Tres. Hinanda nya ang sarili nya, nilagay ang buhok sa gilid para matakpan ang mukha nya. Bibilisa n na sana nya ang lakad nya noong biglang may humawak sa siko nya. Ay kabayo! gulat na sigaw ni Fliss saka lumingon sa likod nya. Sorry Fliss, nagulat ba kita? nakangiti at pakamot-kamot pa sa batok na sabi ni Tr es. Naka-uniform pa ito. Itim na slacks at putting polo na nakabukas ang tatlong but ones kaya kita ang puting sandong suot nito sa loob. Sukbit nito sa isang balika t ang itim na bag pack. Sumigaw ako diba? Syempre nagulat ako. sagot naman ni Fliss. Hatid na kita sa inyo. Ayos lang ba? nahihiyang tanong ni Tres. Mapapalayo ka lang. sagot naman ni Fliss. Limang bahay pa kasi ang layo ng bahay nila Fliss sa bahay nina Tres.

Ok lang, ikaw naman makakasama ko. nakangiti pang sabi ni Tres. Hindi naman napigilan ni Fliss ang mapangiti sa sinabi ni Tres. Babae din naman si Fliss, marupok. Mabilis bumigay at tinatablan din naman ng kilig. Sige. Mahinang sabi ni Fliss. Yes! mahinang sabi ni Tres na narinig naman ni Fliss kaya natawa sya. First time kitang napatawa magmula noong ligawan kita. Biglang sabi ni Tres na ikina gulat ni Fliss. Napatungo naman si Fliss sa sinabi ng kababata saka sila nag-umpisa maglakad. Magmula kasi noong manligaw sa kanya ito ay unti-unti na nya rin itong nilayuan. Hindi na katulad dati na tatambay pa sya sa tindahan nila Tres bago umuwi para makipagkwentuhan. Tatawa sya sa mga korning joke ni Tres at ganon din si Tres sa kanya. Pero lahat ng yun, nagbago noong nagtapat si Tres sa kanya na higit pa sa kaibig an ang turing ng binata sa kanya at nag-umpisa na nga itong manligaw. Hindi naman kasi sa ayaw nya sa binata, kaya lang hindi pa sya handa na suklian ang pagmamahal nito sa kanya lalo na t sya lang ang inaasahan ng mga magulang nya sa bahay. Kumbaga, sa dami pa nyang bayarin at gastusin na iniisip eh hindi nya alam kung makakayanan nyang isabay ang love life nya. Kaya nga hanggang crush li fe lang muna sya. Mabait si Tres kung tutuusin nga ay boto dito ang mga magulang at kapatid nya. S ya lang talaga ang may problema. Wala pa syang nagiging boyfriend dahil nga ang nasa utak nya lagi ay kailangan muna nyang makatulong sa pamilya nya. Sawa na ka si syang sa hirap ng buhay nila. Nasa may pintuan si Mang Felimon nagmumuni-muni habang himas ang tyan. Nakasando ito na may butas pa ang laylayan at short na maong na kupas. Nagmano agad si Fliss sa Tatay nya. Magandang gabi po. Bati din ni Tres sa matanda. Tumango lang ito sa kanya at tumin gin sa anak. Bumaling naman ng tingin si Fliss kay Tres at saka tipid na ngumiti. Salamat. sabi nito. Wala yun. ngumiti si Tres sa kanya bago tumingin kay Mang Felimon. Una na po ako. paalam nito. Ingat ka. sabi ni Mang Felimon. Noong makalayo na si Tres ay pumasok na si Fliss sa loob ng bahay nila at sinund an sya ng Tatay nya. Akala ko ba basted na si Tres? usisa ng Ama. Anong meron kay Kuya Tres Tay? tanong agad ni Charity na naka-upo sa sofa at gumag awa ng assignment. Wala, mag-aral ka na lang dyan. Sabi naman ng Tatay nya. Nagmano naman si Fliss sa Nanay nya na busy sa panonood ng teleserye. Oo nga po. Sagot ni Fliss. Eh bakit may pahatid hatid? tanong ulit ng Tatay nya. Sinong naghatid? paguusisa na din ng Nanay nya noong nag-commercial. Si Tres, hinatid ang anak mo. pagkwekwento ng Tatay nya. O? Kayo na ba anak? excited na tanong ng Nanay nya. Hindi ho. Pagtanggi ni Fliss. Sus, kunyari ka pa Ate, gusto mo din naman si Kuya Tres. Panggagatong ni Charie. Mag-aral ka na lang dyan Charity. Saway naman ng Nanay nila. Bakit ayaw mo pa kasing sagutin Ate? biglang sabat ni Hamy na tahimik na nagsusula t. Napalingon naman sa kanya si Fliss at saka kunot noo itong tinignan. Oy, what s your problem early morning? Dineadma mo kami! sabi agad ni Fliss. Wala akong tulog kanina. Antok na antok na ako, badtrip pa ako kasi yung mga prof . ko, ang aarte, ang mahal mahal ng paprint tapos irereject lang. pangkwekwento n ya. Ahh akala ko naman kung ano na. Tiis tiis lang, konting kembot na lang gragraduate ka na naman. sabi ni Fliss. Napangiti naman si Fliss dahil parang nakalimutan na ng pamilya nya ang pag-usis a sa kanya tungkol kay Tres. Nakahinga sya ng maluwag. What s our ulam for tonight? tanong pa nya.

Tignan mo sa ref. utos ng Tatay nya. Wala naman ho tayong ref. nagtatakang sabi ni Fliss. Edi wala tayong ulam. Simpleng sagot ng Tatay nya at saka tumawa. Seryoso tay? Wala? nanlulumong tanong nya. Gutom na gutom pa naman sya galing sa trabaho. Biro lang nak. Charie, maghain ka na. utos ng Tatay nya. Tay nag-aaral pa ako. Diba sabi nyo mag-aral na lang ako? pamimilosopo nito. Charie! pasigaw na tawag ni Hamy. Ito na nga kikilos na. pakamot kamot sa ulong sbi nito. Mas takot kasi ito kay Harmony kesa sa panganay nilang si Fliss. Seryoso kasi it o hindi katulad ng Ate Fliss nya na kalog at kunsintidor. Tay pabukas. Sabi ni Charie at iniabot sa Tatay nya ang lata ng sardinas. Tumayo naman sa pagkaka-upo si Mang Felimon. Nagpunta sa kusina. Kinuha ang kuts ilyo at saka binuksan ang lata ng sardinas. Wala kasi silang abrelata. Isinunod na hiniwa ang dalawang kalamansi at saka piniga sa sardinas na nasa mangkok. Presto. May ulam na sila. Papatulog na sila noong gumana na naman ang kadaldalan ni Charie. Ate, bakit ba hindi mo pa sinasagot si Kuya Tres? tanong nito kay Fliss. Napabuntong hininga na lang sya. Ito na naman ang topic. Botong-boto kasi sila k ay Tres. I m not yet prepared. Sagot nito. Ok naman si Kuya Tres ah. Yun nga lang may kambal na hadlang sa tadhana. Sabi pa n i Charie. I m so busy right now. No time for love love love. Sagot naman ni Fliss. Di ka ba naaawa kay Kuya Tres, mag-iisang taon na atang nanliligaw sayo yun e. sab i pa ni Charie. It s complicated. Sabi pa ni Fliss. Magsasalita pa sana si Charity noong sinaway sya ni Harmony. Alam mo Charie, mag-aral ka na lang. sabi pa nito. Aral puro na lang aral. Kapag bunso laging ganon. Nag-aaral naman ako ahh. reklamo pa nito. Weh? Sabi nga ni Nanay nakita ka nyang may kaholding hands sa may kanto e. sabi pa ni Hamy. Kaholding hands lang naman e. apela pa nito at saka ngumuso. Aral muna bago landi. Matulog ka na. sabi pa ni Hamy at nagtalukbong ng kumot. Palibhasa walang nanliligaw sayo. bulong pa ni Charie. Busy ako. sagot naman nito. Love love love. Huling hirit naman ni Fliss sa mga kapatid nya bago tuluyang matul og. *****

You might also like