You are on page 1of 3

Host: Wika ang tanging paraan upang maipahayag ang damdamin at saloobin.

Filipino ang
pambansang wika ng Pilipinas at ang Wikang nagbubuklod sa mga mamamayan nito. Malaki
ang naging gampanin ng Filipino sa ating kasaysayan. Subalit ngayong araw, tunghayan natin
kung ano ang naging papel ng wikang ito sa buhay ng ating manunulat. Ito ang ating kwentong
pinamagatang Filipinang Banyaga.

(Bubuklatin ang sulat)

Dear Ma Papel,

Ako si Florencia, parehong Pilipino ang aking magulang subalit hindi ako maalam sa wikang
Filipino. Ang unang salitang nabigkas ko ay nasa wikang Ingles. Ayon sa aking mga magulang,
mga english videos daw ang madalas na pinapapanood sa akin nung ako'y sanggol pa lamang.
Kung kaya't namulat ako sa wikang ito at tila naging banyaga sa wikang Filipino.

(Insert scene ng batang nahihirapan turuan ng Filipino)

Teacher: Nasa ika-apat na baitang ka na Flor, pero hindi mo parin mabigkas ng maayos ang
pangungusap na ito. Ulitin mo.

Flor: Tinatayang humigit 7,100 ang wikang sinasalita sa buong mundo.(bigkasin nang
nahihirapan at slang)

(Ring ang bell)

Teacher: Sa ngayon, iyan na muna. Kailangan kong makausap ang mga magulang mo bukas,
Flor. Hindi pupwedeng ganito. Okay, class dismissed.

(Malulungkot si Flor at walang gana na magliligpit ng gamit)


VO: Hirap na hirap akong bigkasin ang mga tagalog na salita. Kung hindi nauutal ay pilipit ang
aking dila. Umabot na nga sa puntong pinatawag na ang aking mga magulang.
(Mga magulang at teacher pupwesto para sa pag-uusap.)

VO: Hanggang sa nakatungtong ako sa highschool, wala paring malaking pagbabago. Kahit
papaano ay nakakaunawa ako ng mga salita, subalit hindi ko ito mabigkas nang matatas. Sa
pagtungtong ko sa sekondarya ay may napansin ako, hindi lang pala ako.

(Nasa klase)

Teacher: Para sa selebrasyon ng Buwan ng ating Wika, sumulat kayo ng talata may 500 na
salita tungkol sa kahalagahan ng Wikang Filipino. Bukas na bukas din ay inyong ipasa. Iyon,
lamang at maaari na kayong umuwi.

(Mga studyante ay magliligpit ng gamit at si Flor at makikinig sa usapan ng mga kaklase)


Student 1: Hays. Katamad niyan. Ang hirap mag-isip ng tagalog na essay ay.

Student 2: Sa true! Mas madali pa kung English yan e.

Student 3: Kaya nga e, mas madami pa masusulat. Pwede kaya taglish?

Student 2: Of course not. Filipino subject nga eh. Mindset ba mindset.

VO: Hindi lang ako nag-iisa. Marami ring kabataan tulad ko ang nahihirapan. Napansin kong sa
paglipas ng panahon, tila mas lalo yatang nawawalan ng interes ang mga kabataan sa wika ng
ating bayan. Sa kabilang banda, hindi ko pa rin nakikita ang kahalagahan ng kaalaman sa
wikang ito.

Dumaan ang bakasyon subalit may trabaho ang aking mga magulang sa labas ng bansa. Kung
kaya't ako ay pinauwi sa probinsya ng aking lolo upang siya at makasama.

(Maglolo na naglalakad sa parke sa di mataong lugar)


Lolo: You know what, apo? Our native language is our culture. Sinasalamin nito ang ating lahi.
Maybe for now, you can't find any significant reason to study it beside passing your Filipino
subjects.

Flor: Maybe you are right, Lolo. I just need to find inspirations.

Lolo: You know, you can look at our national heroes as your inspiration. You should read books
about the history of our Pambansang Wika. (Uubuhin at medyo mahihirapan huminga)

Flor: I think I should get you something to drink, Lolo. Wait for me here, I'll buy something.
(Aalis)

(Si lolo uubuhin ulit at mahihirapan huminga at mahihimatay sa init eme. Tapos makakabalik si
Flor makikita niya. Nagpapanic siya, may dumaan na isang lalaki na bisaya)

Flor: Manong(slang), please help me. Please ask for help. Please, my grandfather is
unconscious.

Kuya: (in bisaya) Anong sabi mo ineng, hindi kita maintindihan.

Flor: Tulong, my Lolo, himatay(slang at pautal utal na nagpapanic)

VO: Nang mga sandaling iyon, dahil napangunahan ng kaba ay namental block ako. Nahirapan
akong makipagusap sa lalaki. Unang-una ay dahil hindi niya nauunawaan ang Ingles at hindi ko
rin nauunawaan ng wika niya.
Mabuti na lamang ay may nakakita at lumapit na marunong magsalita ng Ingles. Kung kaya't
nadala sa ospital ang aking lolo. Naagapan ang kaniyang heatstroke.

Host: Nang sandaling ito Ma Papel, natauhan ako. Parang kanina lang ay pinag-uusapan namin
ang inspirasyon at mukhang ito na nga yata iyon. Itinatak ko ito sa isip bilang leksyon at dito
humuhugot upang mapag-aralan ang wika ng bayan. Sa aral na ito ay marami akong natutunan.
Nang makatungtong sa kolehiyo, masasabi kong kaya ko nang natutunan ko na ang Wikang
Filipino.

(Nasa klase)

Teacher: Mahusay. Ngayon, ano naman ang masasabi niyo sa wikang Filipino? Gaano nga ba
ito kahalaga? Dapat bang kahit nasa kolehiyo na ay pag-aralan pa rin ito? O dapat na itong
tanggalin.

Student: (Insert sagot)

Teacher: Tama, Ginoong ----. Sige, Florencia.

Flor: (insert sagot)

Teacher: Napakahusay.

Host: Nakakatuwang isipin na ang dating Englisherang bata na hirap na hirap sa wikang Filipino
ay nakikipagtagisan na sa wikang ito. (Insert ending lines na impactful)

You might also like