You are on page 1of 5

DIVISION OF GEN.

TRIAS CITY
Project ISuLAT – EsPAPEL in EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Pangalan: Linggo:
Baitang & Pangkat: Petsa:

SANAYANG PAPEL #2 PAKSA: LUMALAWAK NA

KONSEPTO NG PAGKAMAMAMAYAN

GABAY
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC): Naipaliliwanag ang kahalagahan
ng aktibong pagkamamayan.
Pagkatapos sagutan ang sanayang papel na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naipaliliwanag ang lumalawak na konsepto ng pagkamamamayan;
2. nakagagawa ng mga gawain o hakbangin na nagpapakita ng pagiging aktibong
mamamayan sa komunidad na kinabibilangan; at
3. napahahalagahan ang papel ng isang aktibong mamamayan sa lipunang Pilipino.

ENGGANYO

Lumalawak na Konsepto ng Pagkamamamayan

Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan.

Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa
lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao
para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay
nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng
kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat.
Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang
isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling
dapat gampanan, inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga
isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa
kalagayan nito.
Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, iginigiit ng isang
mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Kaniyang
gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga
kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin. Ang mamamayan ngayon ay hindi
tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkatwala namang monopolyo
ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang estado. Kung gayon, hindi niya
inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito
upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng
lipunan.
Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang
makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may
pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.
Sipi mula sa Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral 10 (pahina 359-360)

Page 1 of 5
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – EsPAPEL in EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ako Bilang Aktibong Mamamayan

Panuto: Ngayong tapos mo nang basahin ang teksto ay magbigay ka naman ng mga
katangian ng isang aktibong mamamayan gamit ang concept map sa ibaba. Isulat ang mga
sagot sa mismong concept map.

v
1. 4.

2. 5.

https://www.google.com/search?q=kid+thinking+clipart+
black+and+white&tbm=isch&ved=2ahUKEwin06eG9tLuA
hWFG6YKHZ2CB6UQ2-cCegQIABAA&oq=thinking+kid+black
3. +and+clipart&gs_lcp= 6.

TALAB

Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring

makatulong sa ating bansa. Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga simpleng
hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng pagiging simple
ng mga ito ay maaaring magbunga ang mga ito ng malawakang pagbabago sa ating
lipunan.

1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.

2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay nasmuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin
ang gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkodbayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.
Sanggunian: Lacson, Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country. Alay
Pinoy Publishing House

Page 2 of 5
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – EsPAPEL in EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: #ParaSaBayan

Panuto: Matapos basahin ang teksto ay sagutin naman ang mga katanungan sa ibaba.

1. Sa mga binanggit ni Alex Lacson na 12 gawaing maaaring makatulong sa bansa, alin

sa mga ito ang aktibo mong ginagawa?
_____________________________________________________________________________________

2. Maliban sa mga nabanggit sa itaas, anu-ano pa ang mga ginagawa mo sa iyong
komuninad na nakakatulong sa ating bansa at sa kapwa Filipino? (Gumamit ng ibang
papel kung kinakailangan para sa iyong mga sagot.)
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga usapin o isyu
ng ating komunidad o ng ating bansa?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

RUBDOB

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Advocacy Campaign

Panuto: Gumawa ng isang advocacy campaign nagpapakita ng iyong suporta o mga
hakbangin na maaaring makaimpluwensya sa kung paano natin hinaharap at nilalabanan
ang mga epekto ng Covid 19 sa buhay nating mga Filipino.

https://www.google.com/search?q=covid+19+philippines&rlz=1C1GGRV
_enPH873PH873&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjntqDWh9TuAhXTZ
t4KHRGjBT8Q_AUoAXoECDQQAw&biw=1536&bih=754#imgrc=vfQN1CAzh4oWmM

Page 3 of 5
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – EsPAPEL in EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

IRAL

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: My Pledge of Commitment

Panuto: Bilang mag-aaral, ang iyong aktibong pakikilahok sa mga usapin at gawain
sa ating komunidad ay malaki ang magiging epekto nito sa para sa ikabubuti ng ating kapwa
at ng ating bansa. Sa pagkakataong ito, ikaw ay gagawa ng isang Pledge of Commitment.
Gawin mong gabay ang halimbawa sa ibaba.

Pledge of Commitment

Bilang isang mabuting Pilipino/ mag-aaral, sisikapin kong isabuhay ang mga
natutunan ko sa araling ito sa pang-araw-araw sa pamamagitan ng __________________
______________________________________________________________________________________

__

Sanggunian:
Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral 10. Pahina 359-368.

Covid 19 Pandemic: Latest Situation in the Philippines. Retrieved from https://www.google.

com/search?q=covid+19+philippines&rlz=1C1GGRV_enPH873PH873&source= lnms&tbm
=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjntqDWh9TuAhXTZt4KHRGjBT8Q_AUoAXoECDQQAw&biw=

Lacson, Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country. Alay Pinoy
Publishing House

Thinking Student Clipart. Retrieved from https://www.google.com/search?q=kid+thinking

+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=2ahUKEwin06eG9tLuAhWFG6YKHZ2CB6UQ 2-

Page 4 of 5
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT – EsPAPEL in EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

TEACHER’S FEEDBACK
__________________________________________________________________________________

SELF-MONITORING
Pangalan: Linggo:
Baitang & Pangkat: Asignatura:

Para sa Mag-aaral (Tapusin ang mga pangungusap.)

Nahirapan akong unawain at gawin /
sagutan ang bahaging…

Nadaliaan akong unawain at gawin /

sgutan ang bahaging …

Kailangan ko pa ng tulong upang

lalong maunawaan ang ….

Para sa magulanG (Lagyan ng tsek ang inyong sagot.)

Nagawa ng aking anak ang mga pagsasanay
Ang aking anak ay …

nang siya lamang mag-isa, walang

Nasagutan ang lahat ng mga pagsasanay
tumulong

na may kaunting tulong sa pagsasabot Nasagutan ang ibang pagsasanay at ang

mula sa iba iba ay hindi

na marming hinininging tulong sa hindi nasagutan ang lahat ng pagsasanay

pagsasagot mula sa iba dahil masyadong mahirap

Page 5 of 5

You might also like