You are on page 1of 23

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

ARALING GRADE
PANLIPUNAN 10

4
LEARNING QUARTER

MODULE WEEK 5-6

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 1


MODYUL SA
ARALING PANLIPUNAN

KUWARTER 4
LINGGO 5-6

Development Team
Writers: Eva L. Quelnat Rizalyn B. Gerardo
Editors/Reviewers: Mercy Dora L. Pascual Gloria M. Hernandez

Michel B. Bagaoisan

Illustrator/Layout Artist: Wilmalyn U. Agudelo


Management Team: Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola
Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao
Imelda Fatima G. Hernaez

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 2


Most Essential Learning Competency:

• Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan


sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan

Mga Layunin:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pakikilahok sa pansibiko at
politikal bilang mamamayan.
2. Nasusuri ang mga epekto ng aktibong pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko sa kabuhayan at politika bilang mamamayan.
3. Nakagagawa ng slogan sa kahalagahan ng pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko at politikal bilang mamamayan sa lipunan.

__________________________________________________________________________________

Alamin
Ang mga mamamayan ang pinakamahalagang elemento ng estado at
ang bumubuo sa pamayanan. Subalit kung ang mga mamamayan ay may
iba’t ibang paniniwala at pampolitikang pananaw, hindi maiwasang
magkaroon ng malubhang isyu tungkol dito.

Sa linggong ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa papel ng mga


mamamayan para sa pagbabagong panlipunan dulot ng pakikibahagi sa mga
gawaing politika at pansibiko. Gamit ang modyul na ito, inaasahan na
mabibigyang linaw ang mga konsepto ng pagkamamamayan sa pagpapatibay
ng kabutihang panlahat. Ang modyul na ito ay naglalaman ng teksto at
gawain na naglalayong bigyan ka ng aral at kaliwanagan sa aralin. Inaasahan
rin na magagawa mo ang lahat ng mga gawain na iyong ilalagay sa Activity
Notebook/ Sagutang Papel samantalang ang lahat ng awtput ay ilagay sa
Long Bond Paper.

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa bagong aralin, subukin mong sagutin ang
panimulang pagsusulit upang iyong masukat kung hanggang saan ang kaalaman mo sa
aralin.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 3


Subukin

Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong:


Piliin ang titik ng pinakawastong sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, maliban sa:

A. Kawalan ng pangmatagalang liderato


B. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan
C. Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib
D. Paghihimasok ng estado

2. Ang samahang nagsasagawa ng __________ ay maituturing na isang


lipunang sibil.

A. malayuang pagbibisikleta
B. magmamasid sa mga ibon
C. pagtatanim ng mga puno
D. pagsisid sa mga bahura (coral reefs)

3. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang


matiyak na:

A. Ang lahat ay magiging masunurin


B. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
C. Bawat mamamayan ay may tungkling dapat gampanan
D. Walang magmamalabis sa lipunan

4. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang _______.

A. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan


B. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
C. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
D. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan

5. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating


lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng
karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang
salihan?

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 4


A. Funding-Agency NGOs
B. Grassroot Support Organizations
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organization

6. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can
do for you, ask what you can do for your country.” Ano ang nais ipaabot
ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy?

A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-


kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga
polisiya at proyekto ng pamahalaan
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay
makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at
pamantayan sa pagkamamamayan.

7. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?

A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi


tayo boboto
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan
tuwing eleksyon
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa
atin ng iba’t ibang kagamitan
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin
ay ipaglalaban ang karapatang pantao at kabutihang
panlahat

8. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga


mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?

A. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang


mga mamamayan sa mga nangyayari
B. Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga
mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga
mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong
panlipunan
D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal
ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan
sa bansa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 5


9. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa. Alin dito?

A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung
saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan
bago maghalalan

10. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring
maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa
pamahalaan.

A. Civil Society
B. Grassroots Organization
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organization
.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 6


Aralin

1 POLITIKAL NA PAKIKILAHOK

Balikan

Gawain 1: Intindihin Mo!

Sa pagpapatuloy ng aralin, ating balikan ang iyong mga natutunan sa


nakaraang modyul. Natutunan mo ang konsepto tungkol sa Karapatan at
Tungkulin. Ngayon, subukin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pag-
unawa at pagsagot kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na mga
pahayag. Pagkatapos sagutin ang mga pamprosesong mga tanong.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 7


Pamprosesong Mga Tanong

1. Ano ang patungkulan ng mga pahayag?


2. Ano ang mga mensaheng iparating ng mga pahayag?
3. Bakit mahalaga para sa mga mamamayan ang bumoto at makilahok
sa patakaran ng pamahalaan?

Tuklasin
Gawain 2: Kabilang Ba?

Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na mga salita at isulat ang mga ito sa
iyong sagutang papel,pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong mga
tanong.

1. ATOSED
2. NAMAMAYAM
3. NOYSKELEK
4. SABAT
5. YALOPIS

Pamprosesong mga Tanong


1. Saan kaya nauugnay ang mga salita na inayos mo?
2. Magkaka-ugnay ba sa isa’t –isa ang mga salita?
3. Saan mo kadalasang nakikita ang mga salitang ito?

Suriin
Politikal na Pakikilahok
Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng
pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at
karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang batas. Ayon
sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987, ang mga maaaring makaboto

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 8


ay a.) mamamayan ng Pilipinas, b.) hindi diskwalipikado ayon sa
isinasaad ng batas, c.) 18 taon gulang pataas, at d.) tumira sa Pilipinas
nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bomoto nang
hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon. Sa pamamagitan
ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan
na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos. Ito ang
pagkakataon kung saan naipakikita ng mamamayan na siya ang
pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal, na siya
ring may kapangyarihan na alisin sila sa puwesto kung sa tingin nila
ay hindi ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang
tungkulin. Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang
nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.
Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto. Bawat isang
Pilipino ay mayroon lamang isang boto, mayaman man o mahirap.
Ngunit ang iisang botong ito ay lubhang makapangyarihan sapagkat
maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa
kabila nito ay may mga nagiging balakid sa pakikilahok ng mga tao sa
eleksiyon. Halimbawa, nababalitaan pa rin natin na mayroon tayong
mga kababayan na nagbebenta ng kanilang boto sa mga politiko
Noong halalan ng 2016 sinabi ng dating Commissioner ng
Commission on Elections na si Gregorio Lardizabal na naging talamak
pa rin ang insidente ng pamimili ng boto. Ito ay sa kabila ng
pagkakaroon ng automated election. Dahil dito, maaaring sa halip na
ang nakaupo sa pamahalaan ay mahuhusay at matitinong opisyal na
bumabalangkas at nagpapatupad ng mga programang may kinalaman
sa edukasyon, kalusugan at kabuhayan, maaaring ang maupo ay mga
opisyal na sarili lamang ang iniisip.
Ang pagboto bilang katangian ng isang mabuting mamamayan
para sa mga Pilipino. Kasama rin sa listahan ang wastong pagbabayad
ng buwis, laging pagsunod sa batas, pagsubaybay sa gawain ng
pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao. Kung ang survey na
ito ang pagbabatayan, mababatid na malaki ang pagtingin ng mga
Pilipino sa kahalagahan ng karapatang makaboto sa kabila ng
maraming balakid at mga suliranin. Ayon nga sa constitutionalistna si
Fr. Joaquin Bernas (1992), ang layunin ng pagboto ay hindi na ang
pagbibigay ng mandato sa mga opisyal para mamuno bagkus ay ang
pagbibigay ng kapangyarihan sa mga makapagpapaunlad sa estado at
malupig ang mga nagpapahirap sa bayan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 9


Pagyamanin

Gawain 3: Picture Analysis


Matapos mong malaman ang mga konsepto na may kinalaman
sa pakikilahok sa politika. Ngayon naman ay iyong pagyamanin ang iyong
natutunan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga larawan, pagkatapos ay
sagutin ang mga pamprosesong mga tanong.

Pamprosesong mga tanong


1. Ano ang pinatutungkulan ng mga larawan?
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga larawan patungkol sa
pagboto?
3. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto?

Magaling! Ipagpatuloy ang pagsusuri sa aralin.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 10


Isaisip

Bago mo isabuhay ang mga natutunan mo sa modyul na ito, kailangang


mo munang pagtibayin ang iyong mga natutunan. Buuin ang talata sa ibaba.

Gawain 4: Buoin Mo Ako

Ang ________________ ay paraan ng pampolitikang pakikilahok na


nakasaad sa ______________________ sa Artikulo V ayon sa ____________ na ang
lahat ng ________________ Pilipino ay may karapatang bumoto, upang piliin
ang tamang _____________ na maupo sa pamahalaan, Lahat ng mamamayang
____________ ay pantay- pantay pagdating sa pagboto pag nasa tamang
___________, ipinanganak at naninirahan sa ____________.

Isagawa
Gawain 5: WRIITEN WORK
Creative Constructed Response Test Item

SITUATION(SITWASYON)
Isang malaking isyu na kinakaharap pa rin ngayon ng lipunan ay ang
pagtataguyod ng karapatan ng mga karaniwang tao sa lipunan. Hindi natin
maikakaila kahit sa panahon ngayon ay patuloy pa ring ginagamit ng mga
ilang nakaupo sa pamahalaan na gamitin ang kanilang posisyon na
pagtulong para sa mga mamamayan, at kung minsan ay hindi napunta o
naiabot sa mga taong mas nangangailangan ng tulong mula sa
pamahalaan dahil sa labis na pamumulitika.
QUESTION AND CREATIVE WRITTEN OUTPUT
Ang iyong pamilya ay medyo may kakulangan sa pangangailangan, dahil
sa pandemya ay naapektuhan ang kanilang hanapbuhay at dahil sila ay
hindi dating nanirahan sa iyong lugar, ngunit sa pandemya ay napilitan
silang nanatili sa iyong lugar dahil dito ay hindi sila nabigyan ng tulong

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 11


dahil sila ay dating nanirahan sa ibang lugar. Ano ang mga sagot mo sa
mga sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang maari mong gawin upang mapaniwala at mahikayat mo ang
iyong mga opisyal ng iyong lugar na bigyan rin ng tulong ang iyong
mga magulang?
2. Bakit kailangan ding abutan ng tulong ang iyong mga magulang ng
kaunting tulong mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga
opisyal ng iyong lugar?
3. Bakit mahalaga ang tamang pagpili ng uupong opisyal at magiging
mapanuring sa pagdating ng halalan?
SAMPLE PROMPTS/OUTLINE (BALANGKAS)
Pagkakasunod-sunod ng nilalaman ng sulatin.
1. Ang kahalagahan ng tamang pagpili ng opisyal na uupo sa
pmahalaan.
2. Dahilan ng tama at mapanagutang pagpili ng opisyal na uupo sa
pamahalaan.
3. Mga hakbang upang maisulong ang tamang pagpili ng tamang opiyal
na mamumuno sa pamayanan at pamahalaan.

Rubric sa Pagmamarka ng Written Output

Pamantayan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(4) (3) (2) (1)
Pagsasaayos Malinaw at Maayos ang Magulo ang Walang
maayos ang kabuuan ng ilang datos. kaayusan ang
paglalahad ng paglalahad. mga datos.
mga datos.
Kalidad ng Lahat ng mga May ilang Hindi Hindi tama o
Impormasyon impormasyon impormasyon maliwanag tiyak ang mga
ay maliwanag na hindi ang mga impormasyon.
at ayon sa kaugnay ng impormasyon.
paksa. paksa.
Paglalahad Malinaw at Malinaw ngunit Malabo at Walang
ng mga makatwiran hindi- hindi- ibinigay na
Reaksiyon ang lahat ng makatwiran ang makatwiran reaksiyon o
mga reaksiyon ilang mga ang reaksiyon opinion.
at opinion. opinion. o opinion.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 12


Aralin
PAKIKILAHOK PANSIBIKO
2

Suriin
Paglahok sa Civil Society

Ang civil society ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga


kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental
Organizations/People’s Organizations. Hindi naman bahagi nito ang tahanan,
mga negosyo, mga partido politikal, at mga armadong grupo na
nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan. Nilalayon ng civil society na
maging kabahagi sa pagpapabago ng mga polisiya at maggiit ng accountability
(kapanagutan) at transparency(katapatan) mula sa estado (Silliman, 1998).
Ito ay isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado. Katulad ng nabanggit,
ang mga samahan na tinatawag na Non-Governmental Organizations (NGOs)
at People’s Organizations (POs) ay mahalagang bahagi ng civil society,
mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng mamamayan dahil ito ang
magiging katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa
ikauunlad ng bayan.
Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga bumubuo sa civil
society. Ito ay binubuo ng mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga
voluntary organization. Ang huli ay nahahati sa dalawang kategorya: ang mga
grassroots organizations o people’s organizations (POs); at ang mga grassroot
support organizations o non-governmental organizations (NGOs). Ang mga POs
ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito. Dito
nahahanay ang mga sectoral group ng kababaihan, kabataan, magsasaka,
mangingisda, at mga cause-oriented group. Sa kabilang banda, ang mga NGOs
ay naglalayong suportahan ang mga programa ng mga people’s organization.
Magkaiba man ang layunin ng dalawang uri ng samahan, nagkapareho
naman ang mga ito sa mga gawain tulad ng pagsusulong ng mga adbokasiya,
pagsasagawa ng mga kampaniya at lobbying, at pakikilahok sa mgawain sa
lipunan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 13


Sa Pilipinas, tinatayang noong dekada 1960 nagsimulang mabuo ang
mga NGO sa kasalukuyan nitong anyo (Constantino-David, 1998). Ang mga
NGO na nabuo sa panahong ito at sa sumunod na dekada ay naglalayong
tuligsain ang mga hindi makataong patakaran ng pamahalaan at tulungan
ang mamamayan na tugunan ang mga suliranin ng mamamayan at sa
pananaw na ang pamahalaan ay isa sa mga dahilan ng paghihirap nila. Ang
layunin nito ay bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang
kaunlaran sa mga bayan, lungsod, o lalawigan. Hindi dapat bumaba sa 25%
ng mga miyembro ng local development council ang manggagaling sa mga NGO
at PO. Dahil sa mga probisyong ito, binigyan ng pagkakataon ang mga
mamamayan na makibahagi sa mga pagbuo at pagpapatupad ng mga
programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga NGO at PO. Isa itong
patunay na hindi lamang nalilimitahan sa pagboto ang maaaring gawin ng
mamamayan para pagbutihin ang kalagayan ng bansa.

Tungkulin ng NGO at PO:

Maraming iba’t ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas at bawat isa
ay may kani-kaniyang tungkulin sa bayan. (Putzel, 1998).

• TANGOs (Traditional NGOs) – nagsasagawa ng mga proyekto para sa


mahihirap
• FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs) – nagbibigay ng tulong pinansiyal
sa mga people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan
• DJANGOs (Development, justice, and advocacy NGOs) – Nagbibigay
suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at
medikal na mga serbisyo
• PACO (Professional, academic, and civic organizations) – binubuo ng
mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya
• GRIPO (Government-run and inititated POs) – mga POs na binuo ng
pamahalaan
• GUAPO (Genuine, autonomous POs) – ito ay mga POs na itinayo mula sa
inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan

May tatlong mahahalagang tungkulin ang mga NGO at PO sa Pilipinas


sa kasalukuyan. Kabilang dito ang mga sumusunod.

1. Ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang


kabuhayan ng mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan ng
pamahalaan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 14


2. Nagsasagawa ang mga NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik
tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang magising
ang kamalayan ng mamamayan.
3. Malaki ang papel ng mga samahang ito sa direktang pakikipag-
ugnayan sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang hinaing
ng kanilang sektor at mga naiisip na programa at batas na
naglalayong mapagbuti ang kalagayan ng mamamayan.

Gawain 6: May Pagkakatulad, May Pagkakaiba


Gamit ang Venn Diagram isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
organisasyong PO at NGO.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Pamprosesong mga Tanong.


1. May pagkakaiba / pagkakatulad ba ang dalawang oraganisasyon?
2. Mahalaga ba ang tungkulin ng PO at NGO sa mga nakaligtaang gawin
ng pamahalaan para sa mga mamamayan?
3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang mga ito na kabilang sa Civil Society?

Magaling! Ipagpatuloy mo ang pagsusuri sa aralin.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 15


Pagyamanin

Matapos mong malaman ang mga konsepto na may kinalaman sa


pakikilahok. Ngayon naman ay iyong pagyamanin ang iyong natutunan.

Gawain 7. Tukoy Salita


Suriing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong
samahan o organisasyon ang inilalarawan.
__________1. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok
sa mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos at mga boluntaryong
organisasyon.
__________2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng
mga miyembro nito
__________3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa
ng mga grassroots organization.
__________4. Ipinakikita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na
ginagampanan ng mga NGO at PO.
__________5. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal
__________6. Ito ang nagbibigay suporta sa mga komunidad sa
pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at medikal na mga serbisyo
__________7. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor
ng akademiya.
__________8. Ito ang tawag sa mga PO na binuo ng pamahalaan.
__________9. Ang layunin ng konsehong ito ay bumuo ng isang plano para
makamit ang kaunlaran ng mga lokal na pamahalaan.
__________10. Dito kabilang ang mga sectoral group na POs para tumulong
sa mga nangangailangan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 16


Isaisip

Bago mo isabuhay ang mga natutunan mo sa modyul na ito, kailangang


mo munang pagtibayin ang mga natutunan mo. Buoin ang mga pangungusap
sa ibaba.

Gawain 8: Buoin Mo Ako


Kumpletuhin ang mga pangungusap.

Ang Civil society ay tumutukoy sa


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
Layunin ng Civil Society ang
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ang PO ay naglalayon na
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________. Samantalang ang NGO ay naglalayon
na________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________.
Ang pagsuporta sa mga programa at adhikain ng Civil Society ay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Binabati kita sa maayos na pagbuo sa mga pangungusap!

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 17


Gawain 9. Performance Task
Slogan ng Pagiging Patas

SITUATION:
Hindi lingid sa kaalaman natin na lahat tayong mamayan ay
naapektuhan ng pandemya at hindi rin lingid, na ang ilan sa mga nasa
pwesto ng pamahalaan ay nag hindi patas kung minsan sa mga ayuda na
dapat ay para lahat sa mga mamamayan, hindi rin naibibigay lahat ng
tulong mula sa national budget. Ngunit dahil sa kanilang mga political
agenda ang ilan ay pinalalabas na sa kanila mismo galing ang mga tulong
nagmumula ang mga ito. Bilang isang responsableng mag-aaral at
mamamayan, lahat tayo ay may kani-kanilang gampanin upang
mawakasan ang hindi magandang nangyayari sa lipunan. Lahat tayo ay
may magagawa upang maging patas ang at may pagmamalasakit sa isat
isa bilang pakikilahok pansibiko. Isa na rito ang pagpapahayag ng ating
pakikialam para maging patas na maipatupad ang pagtulong sa iba na
nakaligtaang gawin ng pamahalaan.

GOAL:
Maipahayag ang pagmalasakit at pagtulong sa iba na
nangangailangan ng kalinga na di naisagawa ng pamahalaan.

ROLE:
Responsableng Mamamayan

PRODUCT:
Slogan na nagpapakita ng pagkaresponsable at pagiging patas sa lahat
sa lipunan.

Para sa Online Learning: Maaaring gumamit ng Computer Applications


sa paglalapat ng slogan.

Para sa Modular Learning: Sa isang medium-sized bond paper, ilagay ang


slogan at lapatan ng malikhaing disenyo na angkop sa tema ng slogan.

AUDIENCE:
Mga mamamayan

STANDARDS:
Ang islogan ay dapat nakahihikayat(persuasive), malinaw, nababasa,
at malinis. Kinakailangang maihayag ang layunin ng pagkalinga sa iba at
makapagbigay aral sa tao.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 18


Rubric sa Pagmamarka sa Slogan
Pamatanyan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Nagsisimula
(4) (3) (2) (1)
Pagkamalik- Napakahusay Mahusay at Di-gaanong Magulo ang
hain at maganda ang maganda at slogan.
napakaganda slogan. mahusay ang
ng slogan. slogan.
Nilalaman/ Buong husay Mahusay na Di-gaanong Kulang na
Mensahe na naipapakita sa mahusay na kulang sa
naipapakita sa slogan ang naipakita sa damdamin ang
slogan ang gustong slogan ang ipinakita sa
mensahe na ipabatid. gustong slogan.
gustong ipabatid.
ipabatid.
Kalinisan Napakalinis at Malinis at Di gaanong Marumi at
napakaayos ng maayos ang malinis at magulo ang
pagkakagawa. pagkakagawa. maayos ang pagkakagawa.
pagkakagawa.

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong: Piliin


ang titik ng pinakawastong sagot.

1. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang


matiyak na:
A. Ang lahat ay magiging masunurin.
B. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.
C. Bawat mamamayan ay may tungkling dapat gampanan.
D. Walang magmamalabis sa lipunan

2. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:


A. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.
B. Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.
C. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
D. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 19


3. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil,
maliban sa:

A. Kawalan ng pangmatagalang liderato.


B. Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
C. Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
D. Paghihimasok ng estado.

4. Ang samahang nagsasagawa ng __________ ay maituturing na


isang lipunang sibil.

A. malayuang pagbibisikleta
B. magmamasid sa mga ibon
C. pagtatanim ng mga puno
D. pagsisid sa mga bahura ( coral reefs)

5. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa


ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang
magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod
ang nararapat niyang salihan?

A. Funding-Agency NGOs
B. Grassroot Support Organizations
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organization

6. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country


can do for you, ask what you can do for your country.” Ano ang
nais ipaabot ng pahayag niPangulong John F. Kennedy?

A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-


kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga
polisiya at proyekto ng pamahalaan
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay
makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at
pamantayan sa pagkamamamayan.

7. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?

A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi


tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan
tuwing eleksyon.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 20


C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin
ng iba’t ibang kagamitan.
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay
ipaglalaban angkarapatang pantao at kabutihang panlahat.

8. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga


mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?

A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang


mga mamamayan sa mga nangyayari
B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga
mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga
mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong
panlipunan
D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng
pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa
bansa.

9. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa


Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa. Alin dito?

A. Mamamayan ng Pilipinas
B. Nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. Labing-walong taong gulang pataas
D. Nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung
saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan
bago maghalalan

10. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan


maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang
pangangailangan sa pamahalaan.

A. Civil Society
B. Grassroots Organization
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organization

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 21


Susi sa Pagwawasto
10. A 10. C
9. C 9. D
8. B 8. C
7. C 7. B
6. D 6. A
5. D 5. D
4. C 4. A
3. C 3. C
2. D 2. D
1. C 1. C
Subukin Tayahin

Mga Sanggunian
Abejo, Raymund Arthur, et. al. (2017); Mga Kontemporaryong Isyu,
Advance Reading Copy; Vibal Publishing House. Quezon City.

Antonio, Eleanor, et. al. (2017); Kayamanan, Mga Kontemporaryong


Isyu; Rex Bookstore. Quezon City.

Araling Panlipunan 10, Learner’s Module

Department of Education, Araling Panlipunan, Most Essential Learning


Competencies.

Francisco, Paul Micah, et. al. (2015); Mga Kontemporaryong Isyu, The
Library Publishing House. Quezon City.

Jose, Mary Dorothy, et. al. (2017); Mga Kontemporaryong Isyu; Vibal
Publishing House. Quezon City.

Sarenas, Diana Lyn R. (2017); Mga Kontemporaneong Isyu: Sibs


Publishing House Inc. Quezon City

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 22


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 10 23

You might also like