You are on page 1of 25

Araling Panlipunan 10

Gawaing Pagkatuto (LAS)


Ikalawang Markahan- Ikapito-Ikawalong Linggo

Mga Dahilan at Epekto ng


Migrasyon

CHRISTINE LOIS P.
NAGANAG
Naghanda
Republic of the Philippines
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Cordillera Administrative Region
SANGAY NG MOUNTAIN PROVINCE

Inilathala ng
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG-SIPI


2021

Isinasaad sa Seksiyon 176 ng Batas Republika Blg. 8923:

“Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ng Pamahalaan ng


Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang material na ito ay binuo para sa implementasyon ng K-12 Curriculum sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management
and Development System (LRMDS). Maaaring paramihin ang kopya nito para sa layong
pang-edukasyon at pinahihintulutang iwasto, dagdagan o pagbutihin ang mga bahagi sa
kondisyong kikilalanin ang orihinal na kopya maging ang karapatang –ari. Walang bahagi ng
kagamitang ito ang maaring gamiting pagkakitaan.
ii
PAUNANG SALITA

Ang kagamitang pampagkatuto na ito ay para sa mga mag-aaral sa asignaturang


Kontemporaryong Isyu sa paksang “Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon” ay proyekto ng
Curriculum Implementation Division - Learning Resource Management and Development Unit,
Department of Education, Schools Division ng Mountain Province bilang pagpapatupad sa K
to 12 Curriculum.

Ang kagamitang pampagkatuto ay pag-aari ng Department of Education- CID, Schools


Division ng Mountain Province. Layunin ng modyul na ito na pagbutihin ang mga mag-aaral sa
pagkatuto sa pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu (Grade 10)

Petsa ng Pagkabuo Setyembre 29, 2021


Lokasyon ng mapagkunan Schools Division ng Mountain Province- LRMDS

Paracelis National High School, Paracelis District

Asignatura Araling Panlipunan

Grade Level Grade 10


Urin ng Kagamitan Gawaing Pampagkatuto (LAS)
Lengguwahe Filipino
Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at
implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung
pang-ekonomiya upang mapaunlad ang
kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa
pambansang kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring


papel sa mga isyung pang-ekonomiyang
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon


dulot ng globalisasyon.

Kwarter/Linggo Ikalawang Kwarter-Ikapito-Ikawalong Linggo


iii
PASASALAMAT

Taus-pusong pinasasalamatan ng may-akda ang lahat nang taong nanghikayat,


tumulong at nagbigay ng suhestiyon sa paggawa ng gawaing pampagkatuto (LAS) na ito para
sa Ikasampung Grado sa asignaturang Araling Panlipunan-Kontemporaryong Isyu (Grade 10).

FLORENCE B. EDDUBA
Principal I

PAMANAGUTAN NG DIVISION LRMDS:

NIKKI T. MACABEO ANDRES S. CUYASAN


Librarian II Project Development Officer II

HOWARD P. POKING JOCELYN P. SAMIDAN,EdD.


EPSVr-Araling Panlipunan EPSVr-LRMDS

KONSULTANTS:

KHAD M. LAYAG, Ed.D


Chief, Curriculum Implementation Division

VIRGINIA A. BATAN, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

SALLY B. ULLALIM, CESO V


Schools Division Superintendent
iv
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
Karapatang-ari……………………………………………………… ii

Paunang Salita……………………………………………………… iii

Pasasalamat ………………………………………………………... iv

Talaan ng mga Nilalaman………………………………………….. v

Kasanayang Pampagkatuto at Koda……………………………… 1

Panimula……………………………………………………………… 1

Panuto………………………………………………………………… 7

Mga Gawain………………………………………………………….. 8

Refleksiyon o Pangwakas………………………………………….. 10

Mga Sanggunian…………………………………………………….. 11
v
GAWAING PAGKATUTO
Dahilan at Epekto ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon
Pangalan: ________________________
Grade Level: ________________________
Petsa: ________________________

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

II. PANIMULA

PAKSA I : Migrasyon

Dalawang Uri ng Migrasyon

Panloob na Migrasyon Panlabas na Migrasyon


( internal migration) (international / External Migration)

● Ito ay ang migrasyon sa loob lamang ● Ito ay nagaganap kung ang isang
ng bansa. Maaaring magmula sa isang tao ay lumilipat ng ibang bansa
bayan, probinsiya o ibang rehiyon. upang doon maghanap-buhay o
● Karaniwang nagaganap ang ganitong manirahan.
uri ng migrasyon sa mga estudyanteng ● Dalawang mahalagang termino ang
gustong mag-aral sa ibang probinsiya isinasaalang-alang sa migrasyon,
o sa mga siyudad. ang flow at stockfigure.
● Hangad din ng ibang nandarayuhan na
makahanap ng hanap-buhay sa ibang
bayan o probinsiya.

1
Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng international migration ay mahalagang maunawaan
ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba ng flow
at stockfigures.

Flow Stock
● Ang flow ay tumutukoy sa dami o ● Bilang ng nandayuhan na
bilang ng mga nandarayuhang naninirahan o nananatili sa
pumapasok sa isang bansa sa bansang nilipatan.
isang takdang panahon na ● Ito rin ay nakatutulong na masuri
kadalasan ay kada taon. ang matagalang epekto ng
● Ito rin ay maaaring tawaging migrasyon sa pagdami ng
entries, inflow, o immigration. populasyon.
● Mahalagang maunawaan ang
flow upang makita at masuri ang
mobility ng pandarayuhan.
● Kasama din dito ang bilang ng
mga taong umaalis o lumalabas
ng bansa na madalas tukuyin
bilang emigration, departures, or
outflows.

PAKSA II : Mga Dahilan o Sanhi ng Migrasyon

1. Push – Factor na Dahilan = ito ang mga negatibong salik na nagtutulak sa mga tao para
mandayuhan .
A. Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan.
Walang sinoman ang nagnanais na
tumira sa isang magulong lugar na
maaaring magdulot ng panganib sa kanya.
maraming mga tao ang napipilitang lumipat
ng lugar dahil sa mga hindi magagandang
nangyayari sa kanilang lugar na
pinagmulan.

2
B. Paglayo o pag-iwas sa kalamidad
Hindi maikakaila na ang Pilipinas ay
daanan ng mga bagyo at iba pang
kalamidad. Sa mga panahong ito,
nangyayari ang paglikas sa mga taong
nasasalanta ng kalamidad. Naiiwan ang
kanilang bagay at ari-arian, maging ang
mga alagang hayop.

C. Pagnanais na makaahon sa kahirapan


Ang kahirapan ay isa sa mga problemang
kinakaharap ng maraming Pilipino. Ito ay tumu-
tukoy sa kondisyon ng tao kung saan mayroon
siyang kakulangan sa mga pangunahing panga-
ngailangan tulad ng pagkain, tubig, tirahan, damit
at iba pa. At isa sa mga paraan upang makaahon
sa kahirapan ay ang pakikipagsapalaran sa ibang
lugar o bansa.

2. Pull – Factor na Dahilan = ito ang mga positibong salik na humihikayat sa tao na
mandayuhan sa ibang lugar.
A. Pumunta sa pinapangarap na lugar o bansa
Maraming Pilipino ang nangangarap na
manirahan sa mga kalunsuran gaya ng metro manila.
Ito ay talaga namang pangarap ng marami sa mga
taga probinsiya.
Samantala, marami rin sa ating mga
kababayan ang nangangarap na pumunta sa
bansang
nais marating o yaong tinatawag na “dream country”.

3
B. Magandang oportunidad gaya ng trabaho at mas mataas na kita
Isang katotohanan na mas marami ang
traba-hong naghihintay sa mga mas maunlad na
lugar o
bansa kaysa sa mga mahihirap at papaunlad pa
lamang na mga bansa. Ito ang tinitignang dahilan
kung bakit umaalis ng lugar ang ilan nating mga
kababayan.
Ang kawalan ng trabaho at oportunidad ay
nagdudulot ng pag-alis ng ilan nating kababayan na
makipagsapalaran sa ibang bansa.

Top 10 Destinations/Countries of Overseas Filipinos (2013)

Rank Countries Filipino Migrants

1 USA 3,535,676

2 Saudi Arabia 1,028,802

3 UAE 822,410

4 Malaysia 793,580

5 Canada 721,578
6 Australia 397,982

7 Italy 271,946

8 United Kingdom 218,126

9 Qatar 204,550

10 Singapore 203,243

*Source 2014 CFO Conpendium of Statistics*

C. Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang


bansa
Sinasabing nagkalat ang mga Pilipino saanman sa mundo. Maraming
Pilipino ang matagal nang naninirahan sa ibang
bansa. Dahil dito, nagnanais din silang makuha
ang
kanilang mga kamag-anak lalong-lalo na ang
kanilang mga anak upang manirahan doon.

4
D. Pag-aaral sa ibang bansa
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan
upang
mabago ang takbo ng buhay at lipunan tungo sa
pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
may mga pagkakataon na ang isang mag-aaral
ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral
sa ibang lugar o bansa sa pamamagitan ng
scholarship program. Dito ay higit na nalilinang
ang mga angking talento ng isang mag-aaral
sapagkat naibibigay ang tama at dekalidad na
edukasyon sa kanya.

PAKSA III: Mga Epekto ng Migrasyon

Bilang isang isyung pang-ekonomiko, maraming mga epekto ang migrasyon. Ito
ay ang mga sumusunod.
1. Pagbabago ng Populasyon
Ang pagdagsa ng mga manggagawa sa mga
lungsod o bayan ay nagdaragdag ng kumpetisyon sa
trabaho, matitirhan, mapapasukang paaralan, at iba pa.
Nagbubunga rin ng overcrowding at heavy traffic sa mga
kalsada.
Ang pagkakaroon ng malaking populasyon ay
nagbubunga ng kakapusan sa mga likas na yaman,
serbisyo, at amenities. Pinalalawak ng migrasyon ang mga
squatter area sa mga lungsod na nakapagdaragdag sa
mga suliranin tulad ng polusyon, krimen, at iba pa.
Maraming migrante o dayuhan ang hindi
kwalipikado sa trabaho at kulang din sa pangunahing
kaalaman at kasanayan sa buhay. Ang mga ganito ay
nagiging pabigat lamang sa lokal na pamayanang
nilipatan.

2. Pagtaas ng Kaso ng Paglabag sa Karapatang-pantao


Ayon sa International Organization for Migration,

umaabot sa milyun-milyong migrante ang walang


kaukulang papeles taun-taon. Ang mga migranteng ito ay
nahaharap

5
sa mapanganib na paglalakbay, pang-aabuso ng mga
illegal na recruiter at smuggler, mahirap na kondisyon ng
pamumuhay at kawalan ng suporta pagtapak nila sa ibang
bansa.

Ang isa sa malaking pagbabago sa migrasyon


nitong nakaraang 50 taon ay ang pagdami ng
kababaihang migrante. Higit na madalas na naaabuso ang
mga babaeng manggagawa kaysa sa mga lalaki.
Karamihan sa mga kababaihang migrante ay napipilitang
magtiis sa mga trabahong mababa ang sahod at hindi
ipinagtatanggol ng batas, kabilang na ang pagiging
kasambahay o domestic worker.

3. Negatibong Implikasyon sa Pamilya at Pamayanan


Ang pangingibang-bansa ng mga OFW ay may

epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa


kanilang mga anak. Nangungulila ang mga anak at naiiwan
sa pangangalaga ng ibang kaanak. Ang pagkakaroon ng
matibay na ugnayan ng extended family o mga kaanak ay
nakatutulong upang masiguro ang mabuting pagpapalaki
sa kabataan kahit na malayo ang kanilang mga magulang.

Sa kulturang Pilipino, ang ama ang nakasanayan


na punong tagapag-hanap buhay samantalang ang ina
ang siyang tagapangalaga ng asawa at mga anak. Subalit
nagbabago na ang papel na kanilang ginagampanan sa
mag-anak sa gitna ng isyu ng migrasyon.

Sa kasalukuyang panahon ay mapapansin natin na


mas maraming ina ang nangingibang bansa bilang
domestic helper at ang ama ang naiiwan na mag-aalaga
sa mga anak at gagawa sa mga gawaing bahay.
Tinatawag itong househusband.

4. Pag-unlad ng Ekonomiya
Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagbabago

ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang kanilang mga


remittances o ipinapadalang pera sa kanilang pamilya ay
nagsisilbing capital para sa negosyo. Napakarami na ring
mga OFW ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa
kahirapan at nakapagpatapos sa kanilang mga anak sap
ag-aaral.
6

5. Brain Drain
Isa pang epekto ng migrasyon ay ang tinatawag na

“brain drain” kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas


ang mga eksperto sa iba’t-ibang larangan ay mas pinili
nilang mangibang bansa dahil sa mas magandang
oportunidad na naghihintay sa kanila. Dahil dito, hindi na
sila nakatutulong o nakapagsisilbi sa sariling bayan. Sa
isang papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas, kailangan ng
mga eksperto at manggagawang may sapat na kasanayan
at kaalaman upang maisulong ang ekonomiya. Ang
pangingibang bansa ng mga ekspertong ito ay nagdudulot
ng mga suliraning pang-ekonomiya gaya ng pagbaba sa
bilang ng mga kwalipikadong aplikante at manggagawa.
Sa kabilang banda, ang brain drain ay nakatutulong sa
bansang nilipatan sapagkat nadaragdagan ng mga
mahuhusay na manggagawa na nakatutulong sa higit pang
pag-unlad ng kanilang ekonomiya.

6. Integration at Multiculturalism
Sa pagdagsa ng mga migrante sa ibang
bansa, ang destinasyon o tumatanggap na bansa
ay nahaharap sa hamon ng integrasyon
(integration) at multiculturalism. Ilan sa mauunlad
na bansa sa Europa na madalas pinupuntahan ng
mga migranteng Pilipino ay mayroong polisiya ukol
dito. Halimbawa sa Italy, mayroon silang “batas sa
seguridad” o legge sulla sicurezza. Layunin nito
ang magkaroon ng maayos na integrasyon ng mga
dayuhan sa Italy at magandang relasyon ng mga
Italyano at mga dayuhan dito.
Mula sap ag-aaral ng Oxford University, ang
multiculturalism ay isang doktrinang naniniwala na
ang iba’t-ibang kultura ay maaaring
magsama-sama nang payapa at pantay-pantay sa
isang lugar o bansa.
III. PANUTO:
Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. Obserbahan ang
katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain. Iwasang marumihan ang papel at
tiyaking maayos ang pagkakasulat sa mga sagot upang madaling basahin.

IV. PAMAMARAAN:

Gawain I: Epekto o Dahilan

Unawaing mabuti ang bawat pahayag at lagyan ng tsek (/) sa tapat ng

salitang dahilan kung dahilan o sanhi ng migrasyon ang tinutukoy nito at tapat

naman ng epekto kung ito ay epekto ng migrasyon. Umpisahan mo na!

Konsepto Dahilan Epekto


1. Pag-aaral sa Ibang Bansa

2. Pagbabago ng Populasyon

3. Pag-unlad ng Ekonomiya

4. Upang Makaahon mula sa Kahirapan

5. Brain Drain

6. Integration at Multiculturalism

7. Push-factor na dahilan

8. Pagpunta sa dream country

9. Pag-iwas sa kaguluhang nangyayari

10. Paglabag sa karapatang pantao

Gawain II: Krosword : Punan ang bawat kahon ng tamang titik upang lumabas ang hinihinging
konsepto.
Pababa (down)

1. Isang doktrina na naniniwalang ang iba’t-ibang kultura ay maaaring magkakaunawaan.


2. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.
3. Ibang katawagan sa pag-alis o paglabas ng bansa.
4. Negatibong salik na nagtutulak sa mga tao para mandayuhan.

Pahalang (cross)

5. Tumutukoy sa bilang ng nandayuhan na naninirahan sa bansang nilipatan.


6. Ito ay nagaganap kapag ang mga eksperto ay nagpupunta sa ibang lugar upang doon
magtrabaho.
7. Migrasyon sa loob lamang ng bansa.
4 Migrasyon sa labas ng bansa.
9 Perang ipinapadala ng mga OFW dito sa Pilipinas.
10 Dami ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa.

1.
M
2.
M
6.
B

7.
I

3.
D
5.
S

4.
P

9.
R
10
.F

Gawain III: SURI-REALIDAD

Ilan sa inyong kamag-anak ay nangingibang-bansa upang maghanap-buhay.


Kapanayamin sila gamit ang kasunod na mga gabay na tanong. Kung ikaw naman
mismo ay may magulang na nasa ibang bansa, maaari mo ring sagutan ang mga gabay
na tanong.

1. Saang bansa naghahanapbuhay ang iyong mga magulang o kaanak?


______________________________________.
2. Kailan sila nagsimulang mangibang-bansa at ano ang nagtulak sa desisyon nilang ito?
_________________________________________________________________________
3. Nang sila o isa sa kanila ay umalis, sino na ang nag-alaga at gumabay sa inyong
magkakapatid?
_________________________________________________________________________

9
4. Mahirap bang mamuhay kung ang mga magulang o isa sa kanila ay nagtatrabaho
sa ibang bansa? ___________________________________________________

Maglahad ng karanasan na magpapatunay rito.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang papipiliin, mas gugustuhin mo bang sa loob ng bansa na lamang
maghanapbuhay ang iyong mga magulang sa kabila ng hirap na maaari ninyong
maranasan? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
6. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa sa ibang
bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
7. Nakabuti ba ang pangingibang-bayan ng iyong mga magulang o kaanak? Ipaliwanag ang
sagot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
V: PANGWAKAS/REFLECTION:

SANGGUNIAN
13

You might also like