You are on page 1of 14

Asignatura at Antas: ARALING PANLIPUNAN 10 Date: October 25-30, 2021

Paksa: “MIGRASYON” Week: 7


Lesson Description: Sa modyul na ito ay maipaliliwanag ang mga konsepto ng migrasyon sa loob at labas ng bansa
kasama rin ang mga epekto ng migrasyon sa lipunan, politika at ekonomiya.

Pamantayan sa Pagkatuto:
 Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu sa lipunan at sa daigdig.

Mga Layunin:
 Nauunawaan ang mga konsepto ng migrasyon sa loob at labas ng bansa;
 Naipaliliwanag ang mga epekto ng migrasyon sa lipunan, politika, at kabuhayan.

Sanggunian:
Aklat sa Araling Panlipunan,
(Mga Kontemporaneong Isyu)
Teresita P. Pedrajas, EdD
Walfredo P. Belen
Pahina 104-120

Mga Kagamitan: Laptop, PPT tungkol sa “Migrasyon”


Lesson Proper
DAY1
Konsepto ng Kontemporaryong Isyu
Engage/Explore Explain/Elaborate
Output 1: CONSTRUCTIVE
1. Panalangin RESPONSE
2. Pagbati
TUKLASIN
3. Pagtsek sa mga lumiban sa 1. Ano-anong mga salik ang nagtulak
klase sa mga Pilipino upang mangibang-
Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng bansa?
mga tao sa ibang lugar upang doon
Pagganyak: manirahan.
2.Ano-ano ang mga trabaho ng mga
migranteng Pilipino sa mga unang
Dalawang uri ng migrasyon ng mga
Magbigay ng mga salitang tao; bahagi ng migrasyon sa ibang bansa?
maiuugnay sa salitang
MIGRASYON; 3. Paano naaapektuhan ng
a.Panloob
migrasyon ang pamilyang Pilipino?
b.Panlabas
4. Ano-ano ang iba't ibang negatibo
at positibong epekto ng migrasyon sa
MIGRASYON lipunang Pilipino? Paano kaya
Panloob mababawasan ang mga negatibong
epekto nito?
-ang panloob na migrasyon ay ang
migrasyon sa loob lamang ng bansa;
Output 2: PAGGAWA NG
Pagsagot sa mga -maaaring magmula ang tao sa isang bayan, TIMELINE
katanungan: lalawigan, o rehiyon patungo sa iabng pook.
Panuto: Gumawa ng timeline na
nagpapakita ng maikling kasaysayan
Panlabas
Kung ikaw ay mabibigyan ng ng migrasyon sa Pilipinas.
pagkakataong makapanirahan sa
-ang migrasyong panlabas naman ang tawag
ibang bansa, pipiliin mo bang
kapag lumipat na ang mga tao sa ibang
umalis ng Pilipinas? Bakit?
bansa upang doon na manirahan o mamalagi Ito ay gagawin sa isang short
nang matagal na panahon. bondpaper. Sagutin ang mga tanong
Sa iyong palagay, bakit kaya may at i-upload ito sa google classroom at
mga Pilipinong ninanis na Migrante output tab ng inyong LMS account.
manirahan sa ibang bansa?
-ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar ,
at sila ay nauuri sa dalawa;
May epekto ba sa Pilipinas ang
pandarayuhan ng mga Pilipino sa
ibang bansa? Bakit?

MIGRASYON

https://quizizz.com/admin/quiz/
5eef80ec65efaf001ba2c17d/epekto-ng-migrasyon-
sa-pamilya

Migration is a mega- trend of this


century. All countries host a migrant
population, and all countries have citizens
abroad. Movements internally and across
borders will only increase in the years to
come as the world becomes increasingly
globalized.

-Mr. William Lacy Swing, Director General,


International Organization for Migration
(IOM, 2016)

Аng globalisasyon ay nagbukas ng


pinto para sa mga tao sa buong daigdig
upang hanapin ang mabuting buhay na
bunsod ng ekonomiya, lipunan, o kalayaang
politikal. Lumilipat din ng lugar ang mga tao
bunga ng pagbabago na lima. Sila ang mga
climate migrant o emigrant. Ang migrasyon
ay nagmula sa salitang Latin na migrationem
na nangangahulugan ng pagbabago ng
tirahan. Ito ang paglipat ng isang tao mula
sa isang bansa o komunidad papunta sa iba
dahil sa mahahalagang kadahilanan.

Ayon sa United Nations, ang migrasyon


ay madalas na bunga ng udyok ng mas
malaking kita sa ibang bansa. At ang
Pilipinas ay halimbawa ng isang bansa kung
saan marami ang nagtutungo sa ibang bansa
dahil sa mas magandang oportunidad ng
trabaho. Sa datos ng Commission on
Filipinos Overseas (CFO) noong 2018, 10,94
na milyong migranteng Pilipino ang naitala
na matatagpuan un 900 bansa sa iba't ibang
panig ng mundo. Tinatayang 60,000 ang
lumalabas ng bansa taon-taon.

May tatlong uri ng mga migranteng


Pilipino;

a. Permanenteng migrante na
nakatira sa ibang bansa kasama ang
kanilang pamilya. Ang kanilang
paninirahan ay hindi nakabatay sa
kanilang trabaho o sa kontrata.

b. Pansamantalang migrante na
nagtatrabaho sa ibang bansa at
inaasahang babalik pagkatapos ng
kanilang kontrata, sila ay mas kilala
na OFW o yaong Overseas
Filipino Workers.

c. TNT o “tago ng tago”- migrante


na nasa ibang bansa na walang legal
na papeles o dokumento, sila ay
tinatawag na irregular at TNT o
"tago nang tago." Sila ang mga
nagtatrabaho sa ibang bansa nang
walang kaukulang permiso, tiyak na
tirahan, at kadalasan ay lagpas na sa
panahon na itinakda na maaaring
tumigil sa bansa. Ang mga
oportunidad sa ibang bansa at ang
kakulangan ng pangmatagalang pag-
unlad sa ekonomiya kasabay ng
pagdami ng populasyon ang
nagtulak sa mga mamamayang
makipagsapalaran sa ibang bansa
kahit na kung minsan ay
isinasakripisyo ang sarili.

Malaki ang naitutulong ng migranteng


Pilipino sa pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa. Ngunit , ang pag-unlad na ito ay may
negatibong epekto. Ang mga negatibong
epekto ay ramdam ng migrante mismo at ng
naiwang pamilya. Ang dumaraming bilang ng
mga naghahanap ng mas magandang
kinabukasan ay sinasamantala ng mga
oportunista. Kaya nagbibigay ang mga
ahensiya ng pamahalaang nangangasiwa sa
mga migranteng manggagawa ng mga
paalala sa mga nagnanais maging migrante
upang hindi sila mabiktima

MAIKLING KASAYSAYAN NG
MIGRASYON SA PILIPINAS

Ang migrasyon ay isang tugon ng mga


Pilipino sa kahirapang dinaranas.
Pangunahing layunin nito ang paghanap ng
mas magandang oportunidad sa ibang
bansa. Dahil nasakop ng ilang bansa ang
Pilipinas, partikular ng United States (US), ito
ang nagbigay-daan upang matikman ng mga
Pilipino ang pamumuhay sa ibang bansa.

Maaaring nagsimula ang mga unang


migrasyon patungo sa ibang bansa sa
Kalakalang Manila-Acapulco noong panahon
ng pananakop ng mga Espanyol sa pagitan
ng 1565 at 1810. Dahil sa kalakalan,
nakapagtrabaho ang mga Pilipino sa mga
barkong nagdala ng seda, rekado, at tsaa
mula sa China. Iniluwas ng mga
mangangalakal na Espanyol ang mga
produkto at dinala sa Espanya at iba pang
kolonya sa Latin America. Ngunit, ang
pagkakataon noong panahon ng
kolonisasyon ng US ang may malaking
epekto sa mga Pilipino hanggang sa
kasalukuyan. Nagsimula ang migrasyon ng
mga Pilipino sa US noong 1906 nang ang
unang pangkat ng mga manggagawang
Pilipino ay umalis upang magtrabaho sa
plantasyon ng tubo sa Hawaii. Nagbunga ito
ng sunod-sunod na migrasyon ng mga
Pilipino na karamihan ay nagmula sa
Hilagang Luzon.

Ang Pilipinas ay isang bansang


agrikultural at karamihan ng lupain ay pag-
aari ng mayayaman samantalang malaking
bilang ng mga magsasaka ay tagabungkal sa
lupain ng mayayaman. Maraming tao ang
sanay sa mahirap na gawaing nakabilad sa
araw at iba pang elemento ng kapaligiran.
Kasama rin sa kanilang paghihirap ang
hatian sa ani mula sa lupa. Pagkatapos ng
anihan, malaking bahagi ng produkto ang
napapasakamay ng may-ari ng lupa at
kakaunti lamang ang naiiwan sa kasamang
nagbungkal ng lupa. Ito ang nagtulak sa
mga Pilipino upang umalis at magtrabaho sa
ibang bansa. Mula 1906 hanggang 1934,
tinatayang 120,000 hanggang 150,000
migranteng Pilipino ang nagpunta sa US
kahit maraming Amerikano ang tutol sa
pagpunta ng mga Pilipino dahil apektado ang
kalakalan at trabaho ng mga tagaroon.
Naging kaagaw ng mga Amerikano ang mga
migranteng Pilipino sa mga trabaho sa US.

Karamihan sa mga migranteng Pilipino


sa Hawaii ay magsasaka. Ang ilan ay mga
pensionado o iskolar na tinustusan ng
pamahalaang Amerikano o ng mga programa
ng mga misyonaryo. Noong 1925 nagkaroon
ng maramihang migrasyon sa Hawaii, 11,621
magsasaka ang umalis sa bansa. Ang
matibay na pangangatawan ng mga Pilipino
ay tamang-tama sa pagsasaka kaya kinuha
silang mga manggagawa ng Hawaiian Sugar
Planters Association (HSPA). Dagdag pa na
madali ang paglipat noong panahong iyon ng
kolonisasyon dahil ang mga Pilipino ay
itinuring na mga mamamayan ng US.
Gumamit sila ng pasaporteng Amerikano at
malayang naglabas-pasok sa US. Kaya noong
1990, umabot bilang ng mga Pilipinong
nagtatrabaho sa Hawaii sa 62,052. Bumaba
lamang ang bilang noong panahon ng
depresyon sa US at ang ilan ay lumipat at
tumira sa ibang bahagi ng US na nasa West
Coast kagaya ng California, Washington, at
Alaska.

Nagbago lamang ang paglaki ng


migrasyon nang maipasa ang Tydings-
McDuffie Law noong 1994 dahil nagkaroon
ng limitasyon sa bilang ng mga Pilipinong
binigyan ng visa sa 50 kada taon. Ngunit
may bahagi ang batas na nagsasabing
maaari pa ring kumuha ang Hawaii ng mga
magsasaka at manggagawa kung kailangan
ng estado.

Hindi tuluyang napigilan ng Tydings-


McDuffie Law ng 1994 ang migrasyon ng
mga Pilipino sa US. Noong 1940 at 1950
maraming Pilipino ang napunta sa US bunga
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Maraming Pilipino ang naging asawa ng mga
sundalong Amerikano na umabot sa 5,000.
Naging daan din ang digmaan upang
magtrabaho ang 20,000 Pilipino sa US Navy
noong 1970. Ang mga sakada o
manggagawa sa plantasyon ng tubo sa
Bisaya ay nadagdag sa mga migranteng
Pilipinong nagtrabaho sa Hawaii. Ito rin ang
dahilan ng mga recruiter sa Hawaii upang
mapigilan ang strike ng International
Longshoremen and Workers Union (ILWU).
Ngunit sumama rin sa strike ang mga
manggagawang Pilipino.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig, nagbago ang uri ng mga
migranteng Pilipino. Marami sa kanila ang
may mataas na antas ng kasanayan at
edukasyon. Mayroon silang propesyon at
nakapagsasalita ng wikang Ingles ng mga
Amerikano. Karamihan sa kanila ay nagbalak
na mamalagi at manirahan sa US kaya noong
1990, ang populasyon ng mga migranteng
Pilipino ay umabot sa 1,450,512 at
karamihan ay nasa California at Hawaii.

Mas ginusto ng mga Pilipino ang US.


Noong 1960 at 1970 nagsimula na rin ang
migrasyon sa ibang bansa kasama ang
Canada, Australia, at mga bansa sa rehiyon
ng Gulf. Simula sa kalagitnaan ng 1960
hanggang sa huling bahagi ng dekada,
marami na rin ang nangibang-bansa sa
Indonesia, Vietnam, Thailand, at Guam na
nagtrabaho sa konstruksiyon.

Noong kalagitnaan ng 1980 nang hindi


lubhang matatag ang ekonomiya bago
bumagsak ang rehimeng Marcos, maraming
Pilipino ang piniling magtrabaho sa ibang
bansa lalong-lalo na sa Middle East.
Limampu't dalawang porsiyento ng mga
manggagawa noong 1984 hanggang 1991
ang nagtrabaho sa Middle East. Samantala,
sa taong 2015, batay sa datos ng
Commission on Filipinos Overseas, ang
populasyon ng mga migranteng Pilipino ay
umabot sa 89,615 sa Canada, 60,166 sa
Australia, 948,038 sa Saudi Arabia, at
777,894 sa United Arab Emirates. Sa
panahong ito, ang Pilipinas ay naging isa sa
sampung bansang pinanggagalingan ng mga
migranteng manggagawa.

DAHILAN AT IMPLIKASYON NG
MIGRASYON

Ang migrasyon ng mga Pilipino ay


bunga ng mga ginagawa ng pamahalaang
pagpapalakas ng empleo sa ibang bansa.

Maliban sa mga programa ng


pamahalaan at pagbuo ng ahensiyang
mangangalaga sa mga migrante, mayroon
pang ibang salik na nagbunsod sa pagdarni
ng mga migranteng Prlipino. Ang pinakatiyak
na dahilan ay ang kahirapan at
kakulangan ng oportunidad sa bansa
Kabilang din dito ang mabilis na pagdami ng
populasyon at ang distribusyon ng
populasyon lalong-lalo na sa mga
pamayanang urban kung saan nagsisiksikan
ang mga tao, walang trabaho, at mahina ang
serbisyo ng pamahalaan. Ito ang mga
nagtutulak sa mga Pilipinong mangibang-
bansa.

Panlipunan
Mahirap tayain ang epekto ng migrasyon
sa lipunan. Apektado nito ang mga
indibidwal at mga komunidad. Ang pamilya
ay pinahahalagahan lalong-lalo na ng mga
umaalis. Makikita ang epekto nito sa
pamilyang naiwan, sa ugnayan, at sa mag-
asawa Ang agarang epekto ng migra- yon ay
sa migrante mismo. Kail- ngan niyang
makibagay sa bagong kapaligiran at ito ay
depende sa mga batas at institusyon na
daratnan.

Ang mga limitasyon ang pangunahing


salik na magtatakda kung paano
makikibagay ang migrante sa mga kondisyon
ng trabaho at paano niya tingnan ang sarili
sa bansang iyon. Ang iba pang salik ay ang
tagal ng pamamalagi roon, ang kultura ng
bansa, at ang posibilidad ng dual citizenship.

Ang karaniwang karanasan ng mga


migrante ay may kaugnayan sa mga
kondisyon sa trabaho. Marami ang dumanas
ng mahirap na trabaho, hirap sa pakikibagay,
at diskriminasyon. Ang kaibahan ng kultura
ng dinatnang bansa ay may malaking epekto
sa karanasan ng mga migrante. Halimbawa,
ang mga Pilipinong migrante sa Middle East
ay mas nahirapan sa pakikibagay sa lipunan
kung ihahambing sa Europa kung saan may
mga institusyong sosyal (Vasquez, 1992)

Marami sa mga migrante ang nakaranas


ng kalungkutan at pangungulila dahil malayo
sa pamilya at mga minamahal. Ang
pakikipagkaibigan migrante ang tanging
suportang maaasahan kapag nasa ibang
bansa.

1. Mga anak-

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F
%2Fverafiles.org%2Farticles%2Fofw-guide-how-make-every-
remittance-
count&psig=AOvVaw2O7tu7TlnNrIA0Xoki_K_n&ust=163462514
7764000&source=images&cd=vfe&ved=0CAgQjRxqFwoTCMjk7a
is0_MCFQAAAAAdAAAAABAO

Ang epekto ng migrasyon sa mga


naiwang anak ay magkakaiba depende sa
kung sinong magulang ang umalis. Sa isang
pag-aaral na ginawa sa 709 na mag-aaral
mula sa 24 na pampublikong paaralan at 15
pribadong paaralan sa Metro Manila at mga
kalapit na probinsiya ng Bulacan, Quezon, at
Rizal, kapag parehong magulang ang umalis
upang magtrabaho sa ibang bansa ang
negatibong epekto ay hindi masyadong
malala dahil ang mga bata ay nagiging
bahagi na ng mas malaking pamilya o
extended family at nakasasanayan na ang
paraan ng pamumuhay ng malaking pamilya.
Subalit, kapag ang ina lunang umalis, mas
ramdam ng mga bata ang epekto. Ipinakikita
sa pag-aaral na ang mga anak na iniwan ng
inang nangibang bansa ay nahihirapan Band
sa pakikisalamuha dahil sila ay malungkot,
tuliro, madaling magalit, at natatakot.

Ipinakikita rin ng pag-aaral na may


kaugnayan ang grado ng mga bata na may
magulang na nasa ibang bansa. Malamang
na mas mababa ang grado kung ihahambing
sa mga batang kasama ng parehong
magulang. Ang pagkawala ng magulang ay
nagbubunga rin ng pagkasangkot sa mga
problema ng disiplina sa paaralan.

2. Pamilya-

https://intermountainhealthcare.org/-/media/images/modules/blog/posts/
2016/06/building-family-relationships-my-heart-challenge.jpg?
la=en&mw=450&hash=29BF0819BBBACBC6211C8D77BC7B578F52DBB110

Ang epekto sa pamilya ay makikita kapag


ang naiwan upang mangalaga sa pamilya ay
nalimitahan sosyalisasyon. Nangyayari ito
kapag ang naiwang puno ng pamilya ang
gumagawa ng sariling desisyon sa tahanan.

Ang oras para sa pamilya ay nakakabawas


sa oras ng pakikihalubilo s aibang tao.
Gayundin, kapag bumalik na ang umalis na
magulang at gagampanin niyang muli ang
dating papel sa pamilya, maaaring apektado
ang ugnayan lalong-lalo kung nasanay na sa
paggawa ng desisyon o pangangasiwa ang
asawa o anak na naiwan.

3. Pamumuhay
Pangkomunidad-

https://www.rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-
Sibika-1/Supp%20Sibika%202%20Additional.pdf

May epekto ang migrasyon sa


pamumuhay ng komunidad lalong-lalo na sa
mga pamayanang rural. Ang mga migrante
na nagtagumpay sa ibang bansa at bumalik
ay tinitingnan bilang impormal na lider
lalong-lalo na kung may mga kontribusyon
siya sa mga programa at gawain ng
komunidad. Maraming halimbawa nito sa
Ilocos Norte sa mga lugar na taniman ng
bawang, palay, at mais kung saan ang pag-
unlad ay tinataya sa pamamagitan ng mga
bahay na may dalawa o tatlong palapag na
ipinatayo ng migrante.

Politikal

https://www.shutterstock.com/image-vector/crowd-
people-demonstrating-silhouette-oratory-art-766421959

Sinasabing mabuti ang epekto ng


migrasyon sa politika sa bansang tulad ng
May benepisyo ito sa mga mamamayan sa
aspektong politikal. Nagbu- nga ang
migrasyon ng institusyonalisasyon ng mga
Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Nagtatag ang pamahalaan ng ahensiya na
nagpadali sa pagkalap ng mga
manggagawang Pilipino at bumuo ng sistema
sa pagkilala at pagtaya sa mga pribadong
ahensiyang mangangasiwa at magpapadali
ng migrasyon ng mga Pilipino.

Ang migrasyon ay dahilan din ng


pagpapadala ng tulong ng mga bansa kung
saan nagtatrabaho ang maraming Pilipino.

Mula sa mga bansang liberal at


demokratiko, nakuha ng mga Pilipino ang
mabubuting gawi at pamamaraan, dinadala
sa Pilipinas at naipapasa sa mga kapamilya.
Ang mga padalang pera ay nagpapalawak sa
oportunidad ng pamilyang maging malaya
mula sa pangungutang.

Ekonomiko

https://bayanusa.org/wp-content/uploads/2015/06/
CASER-Booklet-Tagalog-PDF-Copy-Version.pdf

Mas maraming tao ang may trabaho


dahil sa migrasyon at ito ay nakatutulong sa
bansa. Sa pagdami ng mga migrante, mas
lalaki ang kita ng bansa at mas malaki rin
ang matitipid. Sa pagtaas ng reserbang
dolyar at iba pang salapi, mas maraming
puhunang magagamit na kapital para
magtatag ng industriya at lalong mas
maraming magkakatrabaho.

Kapag lumaki ang perang galing sa ibang


bansa, mahihigitan ang papalabas na dolyar
at may perang magagamit ng mga
mamumuhunan. Magbubunga naman ito ng
mas maraming produkto at mas maraming
makabibili ng produkto.

DAY 2
MGA ISYU NG MIGRASYON NG MGA PILIPINO
Engage/Explore Explain/Elaborate Output 3

1. Panalangin MGA ISYU NG MIGRASYON NG Panuto:Magbigay ng limang (5)


2. Pagbati MGA PILIPINO mabuti at di-mabuting epekto ng
3. Pagtsek sa mga lumiban sa migrasyon.
Maraming isyu ang hinaharap ng mga
klase
migrante magmula sa pagproseso ng
4. Balik aral: Ano ang migrasyon? kanilang mga papeles hanggang sa
panahong sila ay bumalik. Isa sa karaniwang
hamon ay ang mga ilegal na recruitment at
placement agency. Kasama pa rito ang
Mabuting epekto Di Mabuting
PAGGANYAK: tinatawag na "kabit system" kung saan
epekto:
ang indibidwal o isang ahensiyang walang
lisensiya ay sumasama sa isang may
"Jumbled Letters" lisensiya at bumibiktima ng mga aplikante. 1. 1.
2. 2.
Panuto: Isaayos ang bawat letra Ang isa pang isyu ay ang kalungkutang 3. 3.
upang makabuo ng mga salita at pinakamahirap para sa mga migrante. 4. 4.
ipahayag ang iyong kaisipan 5. 5.
Isa pa rin ang hamon ng pakikibagay sa
tungkol sa mga salitang iyong
kultura at kung minsan ay "culture shock."
nabuo. Marami sa mga migrante, lalong-lalo na ang
mga nasa Middle East ang nakararanas ng
1.ERCULTU KCOHS culture shock dahil sa kaibahan ng pagtrato
2.TIKAB YSSEMT at pagtingin sa mga lalaki at babae sa
Output 4:
3.GRMIATEN nasabing rehiyon. Doon hindi masyadong A.Profile ng mga Migrante
4.RFLIOPE malaya ang mga babae at kakaunti ang
kanilang mga karapatan kung ihahambing sa Panuto: Sa talahanayan sa ibaba,
Pilipinas. Bahagi rin ng problema ang mga ilahad at ipaliwanag ang larawan o
abusong pisikal at seksuwal, at di makataong
News Clip profile ng migranteng Pilipino.
pagtratong naranasan sa mga bansa sa
Gitnang Silangan.
Pinagmulan Edad Antas ng
Panuto: Panuorin ang news clip
Edukasyon
ukol sa mga problema ng mga Hamon din sa mga migrante ang krisis
OFW, Serbisyong Totoo: Dating na dala ng digmaan. Kulang ang pondo ng
OFW na biktima ng Human pamahalaan na kailangan upang maiuwi ang
mga migrante sa mga bansang may
Trafficking, Muling nakabangon,
digmaan. Kaya natatagalan bago sila maiuwi
(3:03) at nasusuong sila sa panganib.

Link: Kapag bumalik naman sila sa bansa, wala


https://www.youtube.com/watc na silang trabaho. Kulang ang
h?v=HKBaZBArlLQ oportunidad dito sa bansa. Marami sa
kanila ang hindi nakaipon habang sila ay
naroon kaya hindi makapagsimula ng
Gabay na tanong: negosyo. Kaya bumabalik uli sa ibang bansa B. Paglalarawan.
kahit matanda na. Panuto: Gumuhit ng simbolong
Ano ang iyong reaksyon tungkol naglalarawan ng implikasyon ng
Ang mga hamon ay maaaring mabawasan
sa news clip? kung may kaalaman ang migrante ukol sa
migrasyon sa lipunang Pilipino.
karapatan ng mga migranteng manggagawa Pagkatapos, ipaliwanag ang simbolo.
sa ilalim ng United Nations Declaration of
Human Rights.

International Convention on the Protection


of the Rights of all Migrant Workers and
Members of their Families

1. Migrant workers and members of


Ipaliwanag ang simbolo:
their families shall be free to leave
any State, including their State of
origin. This right shall not be subject ______________________________
to any restrictions public order, ______________________________
public health or morals or the rights ______________________________
and freedoms of others, except ______________________________
those that are provided by lare, are ______________________________
necessary to protect national
security, and are consistent with the
other rights recognized in the
Ito ay gagawin sa isang short
present part of the Convention.
bondpaper. Sagutin ang mga tanong
at i-upload ito sa Google Classroom
2. Migrant workers and members of
at output tab ng inyong LMS account.
their families shall have the right at
any time to enter and remain in their
State of origin.

3. The right to life of migrant workers


and members of their families shall
be protected by lare.

4. No migrant worker or member of his


or her family shall be subjected to
torture or to cruel, inhuman or
degrading treatment or punishment.

5. No migrant worker or member of his


or her family shall be held in slavery
or servitude.

6. No migrant worker or member of his


or her family shall be required to
perform forced or compulsory labor.

7. Migrant workers and members of


their families shall have the right to
freedom of thought conscience and
religion.

8. Migrant workers and members of


their families shall have the right to
hold opinions without interference.

9. Migrant workers and members of


their families shall have the right to
freedom of expression.

10. No migrant worker or member of his


or her family shall be subjected to
arbitrary or unlawful interference
with his or her privacy, family, home,
correspondence or other
communications, or to unlawful
attacks on his or her honor and
reputation. Each migrant worker and
member of his or her family shall
have the right to the protection of
the law against such interference or
attacks.

11. No migrant worker or member of his


or her family shall be arbitrarily
deprived of property, whether owned
individually or in association with
others.
12. Migrant workers and members of
their families shall have the right to
liberty and security of person.

13. Migrant workers and members of


their families shall have the right to
equality with nationals of the State
concerned before the courts and
tribunals. In the determination of
any criminal charge against them or
of their rights and obligations in a
suit of law.

14. No migrant worker or member of his


or her family shall be imprisoned
merely on the ground of failure to
fulfill a contractual obligation.

15. 1Every migrant worker and every


member of his or her family shall
have the right to recognition
everywhere as a person before the
law.

16. Migrant workers and members of


their families shall have the right to
receive any medical care that is
urgently required for the
preservation of their life or the
avoidance of irreparable harm to
their health on the basis of equality
of treatment with nationals of the
State concerned. Such emergency
medical care shall not be refused
them by reason of any irregularity
with regard to stay or employment.

17. Everyone has the right to freedom of


peaceful assembly, association, and
the right to join a trade union.

18. 18. Everyone has the right to rest


and leisure, including reasonable
limitation of working hours and
periodic holidays with pay.

19. Each child of a migrant worker shall


have the basic right of access to
education on the basis of equality of
treatment with nationals of the State
concerned.

20. Everyone has the right freely to


participate in the cultural life of the
community, to enjoy the arts and to
share in scientific advancement and
its benefits.

MGA PAALALA SA MGA MIGRANTENG


PILIPINO

Ang mga hamon sa migranteng Pilipino


ay nagsisimula sa planong magtrabaho sa
ibang bansa. Kaya mahalagang malaman
niya kung paano protektahan ang sarili mula
sa simula hanggang sa pagbalik niya sa
bansa.

Gumawa ang Philippine Overseas


Employment Administration (POEA) ng mga
paalala upang maging mapanuri at makapag-
ingat ang mga gustong magtrabaho sa ibang
bansa.

POEA's 10 Don'ts for Filipino


Migrants

1.Do not apply at recruitment agencies not


licensed by POEA.

2.Do not deal with licensed agencies without


job orders.

3. Do not deal with any person who is not an


authorized representative of a licensed
agency.

4.Do not transact business outside the


registered address of the agency. If
recruitment is conducted in the province,
check if the agency has a provincial
recruitment authority.

5.Do not pay more than the allowed


placement fee. It should be equivalent to
one month salary, exclusive of
documentation, and processing costs.

6 .Do not pay any placement fee unless you


have a valid employment contract and an
official receipt.

7. Do not be enticed by ads or brochures


requiring you to reply to a Post Office (PO.)
Box, and to enclose payment for processing
of papers

8.Do not deal with training centers and travel


agencies, which promise Overseas
employment.

9. Do not accept a tourist visa. 10. Do not


deal with fixers.

MGA PROGRAMA AT SERBISYO


PARA SA MGA MIGRANTENG
MANGGAGAWANG PILIPINO

Ang Overseas Workers Welfare


Administration (OWWA) ay isang opisina ng
pamahalaan na namamahala sa proteksiyon
at pangangalaga sa mga miyembro.

Nasa ibaba ang iba't ibang programa at


serbisyong may layuning tulungan ang mga
miyembrong makamit ang kanilang layunin
at potensiyal.

1. Disability and Dismemberment


Benefit

Nagbibigay sa miyembro ng benepisyong


hanggang PHP 100,000 para sa aksidenteng
nangyari habang nagtatrabaho sa ibang
bansa.

2.Death Benefit

Ang mga kapamilya ng isang aktibong


miyembro ng OWWA na namatay dahil sa
natural na kadahilanan ay binibigyan ng PHP
100,000; PHP 200,000 naman kung dahil sa
aksidente. Ang mga namatayan naman ay
tatanggap ng PHP 20,000 para sa paglilibing.

3. Predeparture Education
Program

Ang programa ay nagbibigay ng


oryentasyon sa Pilipinong migrante kung
paano makibagay sa kultura ng bansang
pupuntahan.

4. Comprehensive Predeparture
Education Program (CPDED)-

Ito ay programa para sa mga


kasambahay na migrante. Nagbibigay ito ng
oryentasyon at pagsasanay sa wika, kultura,
at ibang aspektong makatutulong sa
migrante upang makibagay sa bagong
kapaligiran at kultura.

5. Seafarer's Upgrading Program


(SUP)

Nagbibigay ang programa ng panibagong


pagsasanay ukol sa mga bagong kasanayan,
kaalaman, at gawain ng mga naglalayag o
seafarer. Nagbibigay rin ito ng PHP 7,000 na
tulong sa pagsasanay.

6. Education for Development


Scholarship Program

Ito ay programa ng scholarship para sa


mga benepisyado o anak na magtatapos ng
4 o 5 taong kurso sa kolehiyo. ibinibigay

7. OFW Dependent Scholarship Program


(OFWDSP) Ito ay scholarship na sa mga
anak o dependent ng isang aktibong
miyembro ng OWWA. Nagbibigay ito ng PHP
20,000 na allowance bawat taon.

8. Educational Livelihood Assistance


Program (ELAP)

Ito ay programa ng scholarship para sa


anak o dependent ng isang migranteng
aktibong miyembro ng OWWA kapag siya ay
namatay. Isang anak ang benepisyado at
tatanggap ng allowance. Elementarya High
School College PHP 5,000 PHP 8,000 PHP
10,000

9. Repatriation Assistance
Program

Ito ay programang tutulong sa migrante


upang makauwi pabalik sa Pilipinas dahil sa
di maayos na kalusugan.

10. Reintegration Program


Magbibigay ang programang ito ng
oportunidad para sa migranteng umuwi na.
Kabilang dito ang Balik Pinas! Balik
Hanapbuhay na tutulong sa pagsisimula muli
sa komunidad.

MGA GABAY NA TANONG

1. Paano maiiwasan ng migranteng


Pilipinong mabiktima ng mga ilegal na
gawain?

2. Sa iyong palagay, sapat ba ang mga


programa ng pamahalaan upang protektahan
ang mga migranteng Pilipino?

3. Ano-anong mga programa ng OWWA ang


makatutulong sa pamilya ng namatay na
miyembro?

4. Ano ang mapapansin mo sa mga


programa ng OWWA?

5. Sa iyong palagay, bakit mahalagang


maging miyembro ng OWWA?

6. Paano makatutulong ang mga programa


at serbisyo ng OWWA sa mga migrante na
magdesisyong bumalik na matapos
magtrabaho sa ibang bansa?

Sanggunian: Aklat sa Araling Panlipunan,


(Mga Kontemporaneong Isyu)
Teresita P. Pedrajas, EdD
Walfredo P. Belen
Pahina 104-120

You might also like