You are on page 1of 8

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan – Modyul 5:Migrasyon: Konsepto at Konteksto

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan
kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 10.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon

Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong aralin:


• Leksyon 1: Kasaysayan ng Migrasyon
• Leksyon 2: Perspektibo at Pananaw  Leksyon 3: Uri ng Migrasyon

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nauunawaan mo ang kahulugan at konsepto ng migrasyon;
2. Natatalakay ang iba’t ibang perspektibo ng migrasyon; at
3. Napahahalagahan ang mga sakripisyo ng mga migrante dulot ng globalisasyon.

Aralin 1 Migrasyon: Konsepto at Konteksto


Mahusay! Ako ay lubhang nasisiyahan sapagkat natapos mo ang ikaapat na bahagi ng modyul
2.Ngayon naman ay dumako tayo sa ika-limang paksa sa Ikalawang Markahan, ang migrasyon.
Ang migrasyon ay may malaking bahaging ginagampanan sa buhay ng mga Pilipino. Kung ako
ay iyong tatanungin ng paano at bakit ay hindi kita sasagutin sapagkat nais kong ikaw ang
makatuklas nito sa pamamagitan ng ating aralin. Handa ka na ba? Kung ang iyong sagot ay oo,
ikaw ay maaaring ng mag-umpisa ngunit kung hindi ang iyong sagot ay ipikit ang iyong mata at
humingi ng malalim upang maging handa ang iyong isipan sa talakayin.

Tuklasin

Larawang Suri.

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga nakalaang

katanungan ukol dito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang isang mahalagang salita ang ipinahihiwatig ng larawan?
2. Batay sa iyong pagmamasid, paano nakaaapekto ang migrasyon sa buhay ng isang pamilya?
3. Paano naman makatutulong ang migrasyon sa ekonomiya ng bansa?

1
Suriin
MIGRASYON
Ang salitang migrasyon ay mula sa salitang Latin “migr” nangangahulugang lumipat o
umalis. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng isang mamamayan mula sa
kanyang lugar papunta sa ibang destinasyon na maaaring panandalian o permanente.
BALANGKAS NG KASAYSAYAN NG MIGRASYON
A. Bago dumating ang mga mananakop (1525-1526) - Ang ating mga ninuno ay nagpapalipat-
lipat ng kanilang mga lugar na paninirahan sapagkat naghahanap sila ng lugar kung saan
matataba ang lupa na kanilang mapagtatamnan at sa kanilang pangangaso. Gayundin,
ninais nilang maging mapayapa at ligtas sa mga pananakop.

B. Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol o Kastila (1526-1898) - Ang mga Pilipino ay


sapilitang dinala sa Mexico upang maglingkod bilang aliping manggagawa sa mga mission
settlement tulad ng San Luis Obispo at Los Angeles. Habang ang ilan naman sapilitang
pinaglingkod sa mga sasakyang pangdagat bilang mga seaman. Ngunit may mga ilang
Pilipino na seaman na tumakas hanggang makarating sila sa Louisiana USA at doon
nanirahan na tinatawag na Filipino Village.

C. Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano (1898-1945) -


Matapos matalo ng mga Amerikano ang mga
Kastila sa ating bansa ay lumaganap ang kawalan ng
hanapbuhay sa bansa kayat nagdesisyon ang mga pamahalaang
kolonyal ng sistematikong pagluwas ng mga manggagawang
Pilipino papuntang Hawaii. Ang mga manggagawang Pilipino ay
pinagtrabaho sa mga plantasyon ng Olaa Plantation at Hawaiin
Sugar Planters Association. Ngunit sa panahon ng Great
Depression (1930) ay pinagtatanggal sa trabaho ang mga Pilipino at sapilitang pinauwi
upang mabawasan ang gastusin ng mga kompanya samantalang ang iba ay nagpunta sa
bahagi ng mainland US, sa California at sa Alaska upang doon ay maghanapbuhay.

Sa pagkakapasa ng Batas Tydings - McDuffie (1934), panandaliang napigilan ang dami ng


mga nandarayuhan sapagkat nagpatuloy ang pagiging migrante ng mga Pilipino matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang digmaan ay naging daan upang maraming Pilipino ang
mag-asawa ng mga Amerikanong sundalo, mga manggagawa na nagnais maghanap-buhay
sa Amerika at nagnais doon na manirahan.

Nagpatuloy ang krisis ng kapitalismo hanggang sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig


(1935–1949).Ang agawan at paligsahan ng mga malalaking kapitalistang bansa sa
pandaigdigang pamilihan ay nagbunsod upang bumaba ang halaga ng lakas paggawa at hilaw
na sangkap sa merkado.
D. Panahon ng Republika ng Pilipinas (1960- Kasalukuyan)
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mas maraming Pilipino ang naghangad na
mangibang-bansa.
• 1960-1970. Karaniwan sa mga nandarayuhan ay kabilang sa
mga propesyonal at nakakapagsasalita ng wikang Ingles.
Ninais nilang permanenteng manirahan sa Canada, Australia at
mga bansa sa rehiyong Gulf.
• 1980. Sa panahon na malapit ng bumagsak ang rehimeng Marcos,
muli na naman lumakas ang pwersa ng migrasyon sa Pilipinas.
Maraming Pilipino ang naghangad maghanap-buhay sa Middle
East.

2
• 1982. Itinayo ni Pangulong Marcos ang Philippine Overseas Employment Adminsitration
(POEA) upang may mangasiwa sa mga migranteng mamamayan ng bansa.
• 1986-1992. Sa panahon ng rehimeng Aquino, ang Labor Export Program (LEP) ay tinawag na
5–Year Economic Recovery Program na ibig sabihin ay muling pagbangon mula sa pagkalugi
dulot ng panahon ng diktadura. Tinawag ang mga nandarayuhan
bilang mga bagong bayani. Sa panahon ding ito, naging
pangunahing kita ng bansa ang mga remittances mula sa mga
OFW kayat inayos at itinataas ang mga ligal na bayarin sa mga
paliparan tulad ng travel tax, double taxation scheme bukod dito ay
nagkaroon din ng Mandatory Insurance and Repatriation Bond
(MIRB). Itinayo rin ang Overseas Worker Welfare Administration
(OWWA) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Labor and
Employment (DOLE). Ngunit ang mga membership fee at mga
bayarin ng mga migrante ay hindi napakinabangan sa panahon ng
Gulf War sapagkat hindi ito ginamit upang ilikas ang mga
nandarayuhan. Isa pang isyu sa rehimeng ito, ayon sa tala ng POEA, sa rehimeng Aquino,
umabot ng 2.25 milyong katao ang naghanapbuhay sa ibang bansa.

• 1992-1998. Sa panahon ni Pangulong Ramos, ang kanyang Philippine 2000 o Medium Term
Philippine Development ay ipinatupad ang General Agreement on Tariff and Trade-World
Trade Organization (GATT-WTO) at Asia Pacific Economic Council (APEC). Nagtuloy-tuloy ang
mga programa para sa nandarayuhan at mga nagnanais mangibang bansa tulad ng
Kabuhayan 2000, ang pagkakaroon ng mga pagsasanay tulad ng kompyuter, pagpapatakbo
ng mga maliliit na negosyo at iba pa. At ang Magna Carta for Overseas Filipino Workers
(1995) para sa mga migranteng naabuso.

• 2003. Nakipagkasundo sa pamamagitan ng bilateral agreement ang Pilipinas sa mga bansang


Iran (1975), Cyrpus (1984), Liberia (1985), Bangladesh (1989), Vietnam (1992), Norway (1999),
Netherlands (2000) at Brunei (2003).
Sa kasalukuyan, marami pa ring Pilipino ang naghahangad na mangibang- bansa upang
makahanap ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya at sa kanilang sarili.

 URI NG MIGRASYON
1. Panloob na Migrasyon (internal migration) – ang migrasyon sa loob lamang ng bansa.
Maaaring magmula sa isang bayan, probinsya o ibang rehiyon.
- Karaniwang nagaganap ang ganitong uri ng migrasyon sa mga estudyanteng naglalakas
loob na mag–aral sa ibang probinsya o sa syudad ng Metro Manila.
- Hangad din ng ibang nandarayuhan na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bayan o
probinsya.
2. Panlabas na migrasyon (international migration) – nagaganap kung ang isang tao ay
lumilipat ng ibang bansa upang doon maghanapbuhay o manirahan.

Dalawang mahalagang termino na isinasaalang –alang sa migrasyon:


a. Flow – bilang o dami ng mga nandarayuhang pumapasok sa
bansa sa loob ng takdang panahon na karaniwan ay isang taon.
Ito rin ay maaaring tawaging entries, inflow o immigration.
Mahalagang maunawaan ang flow upang makita at masuri ang
mobility ng pandarayuhan.
b. Stocks – bilang ng nandarayuhan na naninirahan sa bansang
nilipatan. Ito ay nakatutulong na masuri ang matagalang epekto
ng migrasyon sa pagdami ng populasyon.

3
PERSPEKTIBO AT PANANAW
1. Globalisasyon ng mga migrasyon
Maraming mga Pilipino ang naghahangad na makahanap ng magandang kinabukasan
para sa kanilang pamilya, isang paraan na nakikita ng mga Pilipino ay subukang mangibang
bansa.

Ilan sa mga lugar o probinsya na pinagmumulan ng mga migranteng Pilipino ay ang


sumusunod:
• NCR • MIMAROPA • Northern Mindanao
• CAR • Bicol • Davao
• Ilocos • Western Visayas • SOCCSKSARGEN
• Cagayan Valley • Central Visayas • ARMM
• Central Luzon • Eastern Visayas • CARAGA
• CALABARZON • Zamboanga Peninsula
Ayon sa sarbey ng Philippine Statistics Authority (2018) ang mga bansang destinasyon ng mga
Overseas Filipino Workers (OFW) ay nanatiling Saudi Arabia (96.2%), Hongkong (6.3%),
Kuwait (5.7%), Taiwan (5.5%) at Qatar (5.2%).

- Ang Middle East ang pangunahing rehiyon na maraming OFW.

- Maraming mga batang OFW ay nagmumula sa Zamboanga Peninsula.

2. Mabilis na paglaki ng migrasyon

Patuloy ang pagtaas ng antas o dami ng mga nandarayuhan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Malaki ang epekto ng mga batas at polisiya na ipinatutupad ng mga bansa. Katulad ng bansang
Japan at Korea na nagbukas ng kanilang pintuan para sa mga kababayan nating Pilipino
maging ito ay isang turista o manggagawa.

3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon

Maraming uri ng migrasyon ang nararanasan ng mga bansa sa usaping ito.

URI NG NANDARAYUHAN O MIGRANTE

Migrante - tawag sa mga taong lumilipat ng lugar

1. Permanent Migrants (permanenteng pandarayuhan) - Ito ang pandarayuhang hangad na


manirahan sa bansang kanyang nilipatan.

2. Irregular Migrants - mga nandarayuhang nagtungo sa ibang bansa na hindi


dokumentado,walang permit para magtrabaho o overstaying sa bansang pinuntahan.

3. Temporary Migrants - mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso


at papeles upang doon magtrabaho o manirahan sa takdang panahon.

Ngunit may iba pang itinuturing na uri ng migrante tulad ng

a. forced migrants - mga mamamayan na lumipat ng lugar dulot ng sigalot, problema sa


kapaligiran, problemang politikal, mga sakuna at iba pang dahilan . Karaniwang
tinatawag na refugees o asylum.

b. family reunification migrants – mula sa isang miyembro ng pamilya ng isang OFW na


nandarayuhan upang doon na sila permanenteng manirahan.

4
c. return migrants – mga nandarayuhan na bumalik sa bansa o lugar na kanyang
pinagmulan.

Dalawang klase ng migrasyon ayon sa uri ng hanapbuhay

a. land-based–uri ng hanapbuhay na nakabase sa lupa tulad ng kasambahay,


manggagawa sa pabrika at iba pa.

b. sea-based–mga hanapbuhay na nakabase sa tubig tulad ng seaman, cruise ship crews


at iba pang empleyado ng mga barko at iba pang sasakyang pandagat.
4. Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal
- Isa sa dahilan ng migrasyon ay dulot ng usaping politikal na lubhang nakaapekto sa
mamamayan. Isang pangyayari sa kasaysayan ay noong naganap ang Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at sa kasalukuyan naman ay ang alitan sa pagitan Estados Unidos
at Iran noong Enero 2005 hinggil sa presyo ng langis .

5. Paglaganap ng migration transition


- Ang mga bansang karaniwang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay isa na ring lugar
na pinupuntahan ng mga nandarayuhan at mga refugees. Ilan sa bansang ito ay South
Korea, Spain, Domican Republic, Turkey at marami pang iba.

6. Peminisasyon ng migrasyon
- Sa ating bansa, karaniwan ang kalalakihan ang nagpupunta sa ibang lugar, probinsya o
ibang bansa upang maghanap ng trabaho para sa kanyang pamilya ngunit sa paglipas ng
panahon, unti-unting nagbubukas ng pinto para sa migrasyon ang mga kababaihan.

- Kapag ang ama ang nangibang bansa, hindi gaanong apektado ang pamilya sapagkat
nariyan ang ina na siyang gagabay para sa kanilang mga anak. Mas tanggap natin na ang
breadwinner ay ang lalaki o ama na siyang haligi ng tahanan. Ngunit kapag ang babae
ang siyang lumayo upang buhayin ang pamilya, mas malaki ang pagbabago sa pamilya:
maaaring kumuha ng kasambahay upang makatulong ng ama sa pag-aayos ng bahay o
kaya naman ay ihabilin sa mga lolo at lola ang mga anak na siyang magiging katuwang ni
tatay mag-aasikaso sa mga anak at sa kabahayan. Ang ama ng tahanan ay nagiging
“househusband” sa terminong Pilipino.

MGA BANSA NA PINUPUNTAHAN NG MGA BABAENG OFW


HANAPBUHAY BANSA
kasambahay Saudi Arabia, Hongkong, Kuwait,
(domestic helper) Singapore, Italy, United Arab Emirates,
Brunei Darussalam, Bahrain, Malaysia
entertainer Japan
nurse/medical aid assistant United Kingdom
factory workers Taiwan
Sanggunian: State of the Philippine Population Report 4 (2002)

- Itinuturing na ang pagdami ng mga babaeng OFW ay nagsimula noong 2004. Karaniwang
ang mga babae ay nakahahanap ng trabaho bilang clerk, sales agent at laborer.

Mahusay ang ipinamalas mong pagtitiyaga upang matapos ang nilalaman ng aralin.Ang
susunod na pahina ay makikita mo ang mga gawain at pagsusulit na inihanda upang subukin
kung iyong naunawaan lubos ang ating aralin.

5
Handa ka na ba? Simulan mo na ang mga pagsasanay. Huwag kalimutang basahing
mabuti ang panuto sa bawat pagsasanay.

Pagyamanin
Venn Diagram
A. Panuto: Paghambingin ang pangunahing uri ng migrante. Sumulat lamang ng tatlong
pangungusap sa bawat bilog. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel

TEMPORARY PERMANENT
MIGRANTS MIGRANTS

IRREGULAR
MIGRANTS

ISAISIP…BAKIT AT PAANO NGA BA?


PANUTO: Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang 2 hanggang 3 pangungusap batay sa mga
sumusunod na tanong sa ibaba.

1. Ipaliwanag ang kaibahan ng panloob at panlabas na uri ng migrasyon.

2. Sa iyong pananaw, dapat bang palawakin ang konsepto ng perminisasyon sa pandarayuhan. Bakit?

3. Bilang kabataan, ninanais mo bang maghanapbuhay din sa ibang bansa? Ipaliwanag ang iyong tugon.

6
7

You might also like