You are on page 1of 2

TALAMBUHAY NI MALALA

Si Malala Yousafzai, o mas kilala bilang Malala sa nakararami, ay isang batang babae na pinaglalaban ang mga
karapatan ng mga kababaihan lalong-lalo na ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay na pagtatamo ng
edukasyon. Siya ay ipinanganak noong July 12, 1997 sa siyudad ng Mingora, Pakistan. Isang tanyag at
napakagandang lugar ng Mingora noong kabataan ni Malala. Ngunit, lahat ng ito’y nagbago nang pinamahalaan
ito ng mga Taliban o isang grupo ng Islam na naglalayong palakasin ang control ng Islam sa mga bansa
kabilang na ang Pakistan.

Si Malala ay nag-aral sa Khushal Girls High School, paaralan na itinatag ng kaniyang amang si Ziauddin Yosafzai na isang
guro at aktibista. Ang kaniyang ama ang isa sa mga unang naghimok kay Malala na sumunod sa kaniyang landas. Matapos
pamahalaan ng mga Taliban ang kanilang lugar, mahigpit na mga batas na ang kanilang ipinatupad. Kasama sa mga ito ang
pambobomba ng kanilang lugar, pagwasak ng mga paaralang nakalaan sa mga babae at pagbawal sa mga kababaihan
magkaroon ng papel sa kanilang lipunan. Samakatuwid, naging mapanganib ang kanilang bayan kaya’t pinili ng pamilya ni
Malala na lumikas na lamang para sa kanilang kaligtasan. Sila rin naman’y bumalik nang nabawasan na ang mga tensyon at
panganib sa Mingora.
Pagkaraan ng kanilang pagbalik, sinama ng kaniyang ama si Malala sa isang local na kapisanan ng mga
mamamahayag upang magbigay siya ng kaniyang unang talumpati na inilathala sa buong Pakistan na
pinamagatang “How Dare the Taliban Take Away my Basic Right to Education? Ito ay isang protesta laban sa
pagsasara ng mga paaralan sa kanilang bayan.  

Pagkaraan ay lumapit ang BBC sa ama ni Malala, umaasang makahanap ng makakapaglathala kung paano ba
mabuhay sa ilalim ng mga Taliban. Gamit ang pangalang Gul Makai, isinalaysay ni Malala ang kanyang mga
karanasan, habang isinara ng Taliban ang mga paaralan para sa kababaihan sa kanilang lugar at pasabugin ang
higit sa isang daan nito.

Unang lumabas sa telebisyion si Malala noong Perbrero 2009. Dito’y siya ay kapanayam ng  isang Pakistani
journalist at host na si Hamid Mir. Taong 2009 din nang magkasundo sina Adam Ellick at Malala na gumawa
ng maikling dokyumentaryong pinamagatang “Class Dismissed” na naglalahad ng mga pangyayari sa Pakistan
hinggil sa pagsasara ng mga paaralan. Nasundan din ito ng pangalawang pelikula na pinamagatang “A School
Girl’s Odyssey”. Matapos noon, siya ay humingi ng tulong kay Richard Holbrooke na isang U.S. special envoy
ng Afghanistan at Pakistan, ukol sa pagprotekta sa edukasyon ng kababaihan sa Pakistan.

Dahil sa sunod sunod na paglabas niya sa telebisyon maging sa local man o internasyonal, naging malinaw na
sa lahat na siya ang batang blogger ng BBC at nakatanggap na siya ng marami at iba’t ibang paghanga sa
pagiging aktibista.

Oktubre 2011 nang iminungkahi siyang kandidato ni Desmond Tutu na isang human rights activist para sa
International Children’s Peace Prize. Matapos ang ilang buwan, pinarangalan siya na Pakistan’s first National
Youth Peace Price at di nagtagal naging National Malala Peace Prize.

Habang pauwi siya galing sa paaralan noong Oktubre 2012 ay nabaril si Malala sa ulo ng isang miyembro ng Taliban. Siya’y
pinalad na makaligtas at inilipad sa Englang upang dumaan sa isang operasyon. Ang kaganapang ito ay nabalita at naging sanhi
ng iba’t-ibang protesta sa buong mundo. Ito rin ang nagudyok sa pagpapatibay ng Right to Education Bill ng Pakistan at
paglalaan ng kanilang gobyerno ng pondo para sa edukasyon ng mga kabataan. Sa panahon din ito naitatag ang Malala Fund na
naglalayong suportahan ang edukasyon ng mga kababaihan sa buong mundo.
Nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral at pagiging aktibista sa Englang habang siya’y nagpapagaling. Matapos magpagaling, si
Malala ay muling lumabas sa publiko nuong July 2013, kanyang ika-16 na kaarawan. Dito’y nagsalita siya sa harap ng 500 na
tao sa United Nations sa New York. Sa taong iyon ay nakatanggap din siya ng iba’t-ibang mga parangal tulad ng United
Nations Human Rights Prize, pagiging isa sa mga maimpluensiyang tao sa mundo ayon sa TIME magazine at iba pa. Matapos
ay nailimbag din ang kanyang talambuhay na pinamagatang “I am Malala: The Girl Who Stood Up for Education And Was
Shot by the Taliban.”Nuong 2014, si Malala ay naging pinakabatang awardee ng Liberty Medal mula sa National Constitution
Center sa Philadelphia at ng kilalang Nobel Peace Prize.

Mga Kontribusyon ni Malala

Isa sya sa mga nagpausbong sa usapin tungkol sa edukasyon ng mga kabataan sa buong mundo.
Siya ang kauna-unahang nakatanggap ng Pakistan’s First National Youth Peace Prize.
Kilala siya bilang pinakabatang nanalo ng Nobel Peace Prize sa edad na labing anim na taong gulang.
Ang kanyang natanggap na pera na nagkakahalagang $1.1 milyon ay kanyang iniambag sa pagpapagawa ng mga sekondaryang
paaralan para sa mga babae sa Pakistan.
Gumawa siya ng petisyon na kilala bilang “Malala Petition” kung saan magkakaroon ng primaryang edukasyon ang mga
kabataan sa buong mundo.
Gumawa rin siya ng “Malala Fund” na magiging pondo sa pagkamit ng karapatan sa edukasyon.
Nagawa ni Malala na makumbinsi ang United Nations na bigyang diin ang Millennium Development Goal 2 na isinasaad na sa
pagdating ng taong 2015, ang mga kabataan sa buong mundo mapababae man o lalaki, ay makakakumpleto ng primarya sa pag-
aaral.
Bilang isang Muslim, ipinahayag niya na ang Islam ay hindi sang-ayon sa kung ano mang kaguluhan sa mundo. Isang paalala
ito na huwag nating isipin na kapag Muslim, sila na ang nagdudulot ng kaguluhan, sa halip, irespekto natin ang Islam at aralin
muna ng maigi bago magbigay ng masamang komento.
Pinakita niya na walang limitasyon sa edad upang tumayo at ipaglaban ang nararapat.

You might also like