You are on page 1of 16

Si Malala Yousafzai at

ang Laban sa Edukason ng


Kababaihan sa Pakistan
BY: Joshua Emmanuel Semaña Lao
Sino si Malala
Yousafzai?
Si Malala Yousafzai, (ipinanganak noong Hulyo
12, 1997) sa Mangora, Swat Valley, sa hilagang
bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan.
Siya ay isang Pakistani na babaeng aktibista
sa edukasyon at ang 2014 Nobel Peace Prize
laureate. Ginawaran noong siya ay 17, siya ang
pinakabatang nagwagi ng Nobel Prize sa
mundo, at ang pangalawang Pakistani at ang
unang Pashtun na nakatanggap ng Nobel
Prize.
Sino si Malala
Yousafzai?
Siya ay kilala sa pagtataguyod ng karapatang
pantao, lalo na ang edukasyon ng mga
kababaihan at mga bata sa kanyang tinubuang
lupa, Swat, kung saan minsan pinagbawalan ng
Pakistani Taliban ang mga batang babae na
pumasok sa paaralan. Ang kanyang adbokasiya
ay lumago sa isang internasyonal na kilusan, at
ayon sa dating Punong Ministro na si Shahid
Khaqan Abbasi, siya ay naging "pinakakilalang
mamamayan" ng Pakistan.
Si Malala Yousafzai at ang kanyang Paglalaban
sa KARAPATAN ng mga babae sa Edukasyon
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan
ng bus patungong paaralan, nang siya ay
barilin sa ulo ng isang miyembro ng
Taliban noong ika-19 ng Oktubre 2012 dahil
sa kanyang paglaban at adbokasiya para
sa karapatan ng mga batang babae sa
edukasyon sa Pakistan. Kinondena hindi
lamang ng mga Muslim ang pagtatangka
sa buhay ni Malala.Bumuhos ang tulong
pinansyal upang agarang mabigyang lunas
ang pagbaril sa kanyang ulo.
Ano ang Taliban?
Ang Taliban ay isang kilusang politikal na nagmula sa
Afghanistan. Tinutuligsa ang Taliban sa konserbatibong pananaw
at pag-intindi nito sa Qur'an. Itinuturing ng Estado Unidos na
terorista ang grupong Taliban. Ilan sa mga akusasyong ibinabato
sa Taliban ay massacre, human trafficking, di-pantay na pagtrato
sa kababaihan, at suicide bombings.
Si Malala Yousafzai at ang kanyang Paglalaban sa
KARAPATAN ng mga babae sa Edukasyon
Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang Swat
Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang
mga patakarang nakabatay sa batas Sharia ng mga
Muslim. Kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng
dormitoryo at paaralan para sa mga babae, nasa
mahigit na 100 na paaralan ang kanilang sinunog sa
Pakisatan upang hindi na muli pang makabalik ang
mga babae sa pag-aral.
Si Malala Yousafzai at ang kanyang Paglalaban
sa KARAPATAN ng mga babae sa Edukasyon
Sa mga taong ito, isang batang babae pa
lamang si Malala na nangangarap na
makapag-aral. Nagsimula ang mga
pagpapahayag ni Malala ng kanyang mga
adbokasiya noong 2009. Lumawak ang
impluwensiya ni Malala dahil sa kaniyang
pagsusulat at mga panayam sa mga
pahayagan at telebisyon. Dahil dito,
nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay
ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging
hadlang upang ipagpatuloy niya ang paglaban
para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
Si Malala Yousafzai at ang kanyang Paglalaban sa
KARAPATAN ng mga babae sa Edukasyon
Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng
tunay na kalagayan ng edukasyong ng mga babae sa
Pakistan. Matapos niyang maoperahan, iba't ibang mga
pagkilala at pangaral ang kanyang natanggap ngunit
hindi niya kinalimutan ang mga kapwa niya babae hindi
lamang sa Pakistan, maging sa iba pang bahagi ng
daigdig. Itinatag niya noong 2013 ang Malala Fund, isang
organisasyong naglalayon na makapagbigay ng libre,
ligtas at de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon.
Si Malala Yousafzai at ang kanyang Paglalaban
sa KARAPATAN ng mga babae sa Edukasyon
Naglaan din ang pamahalaan ng
Pakistan ng malaking pondo para sa
edukasyon ng mga babae. Iginawad
din sa kanya ang Nobel Peace Prize
kasama ang aktibistang si Kailash
Satyarthai noong 2014.
Nakapagpatayo na rin siya ng
paaralan sa Lebanon para sa mga
batang babae na biktima ng
digmaang sibil sa Syria.
Si Malala Yousafzai at ang kanyang Paglalaban
sa KARAPATAN ng mga babae sa Edukasyon
Sa kasalukuyang, patuloy ang pagpapakilala ni Malala
sa tunay na kalagayan edukasyon ng mga batang
babae sa iba't ibang bahagi ng daigdig sa
pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga pinuno ng
iba't ibang bansa at pinuno ng mga organisasyong
sibil at non-government organization or NGOs gaya
ng UNited Nations at iba pa.
ALL I WANT IS AN
EDUCATION, AND I
AM AFRAID OF NO
ONE.
~Malala
Yousafzai
Pamprosesong mga Tanong
1. Sino si Malala Yousafzai?
Isang babaeng Pakistani ay isang aktibista
sa edukasyon. Kilala siya sa kanyang
trabaho upang mapabuti ang edukasyon ng
mga kababaihan at mga bata sa kanyang
sariling bansa sa Pakistan. Ang Taliban,
isang relihiyosong ekstremistang grupo sa
Pakistan, ay kilala na pumipigil sa mga
batang babae na pumasok sa paaralan,
ngunit ang batang babaeng ito ay lumaban
sa diskriminasyong ito, at ang kanyang
trabaho ay humantong sa kanyang
pagkakagawad ng Nobel Prize.
Pamprosesong mga Tanong
2. Ano ang kanyang ipinaglaban na
nagresulta sa pagbaril sa kanya ng
mgaTaliban?
Si Malala ay nabaril sapagkat
kanyang ipinaglalaban ang
karapatan ng mga batang babae
sa edukasyon.
Pamprosesong mga Tanong
3. Ano ang naging reaksiyon ng mga tao sa pag-
atake kay Malala?
Binaril sa ulo si Malala Yousafzai habang sakay
ng bus papuntang paaralan. Tinangka ng mga
miyembro ng Taliban na patayin siya dahil sa
kanyang pagsisikap na makapag-aral ang mga
babae sa kanyang bansa. Napakaswerte ni
Malala dahil maraming tao ang sumuporta sa
kanya, sa kanyang sariling bansa at mula sa
iba't ibang panig ng mundo.
Pamprosesong mga Tanong
4. Paano nakaapekto kay Malala ang
pagtatangka sa kaniyang buhay?
Hindi naging hadlang ang
pagbabanta nila sa buhay ni Malala
sapagkat patuloy niya pa rin
ipinaglaban ang kanyang adbokasiya
na karapatan ng mga babae na
makapag-aral sa Pakistan
Pamprosesong mga
5. Ikaw, bilang mamamayan, ano ang aral na
maari mong makuhaTanong
sa buhay ni Malala?
Sa tingin ko, ang buhay ni Malala ay
maaaring magbigay ng aral sa atin kung
gaano kahalaga ang ipaglaban ang ating
mga karapatan bilang estudyante at bilang
kababaihan. Kailangan nating tumayo at
ipakita na hindi lang tayo tatayo at
manonood sa mga maling nangyayari sa
ating paligid.

You might also like