You are on page 1of 1

Araling Panlipunan

Peque, Samantha Nicole Kate P. 10 – Nebres Quarter 3

Diskriminasyon at Karahasan Ayon sa Kasarian

Gawain 3: Si Malala Yousafzai


1. Sino si Malala Yousafzai?
Si Malala Yousafzai o mas kilala sa pangalan na malala ay isang
tagapagtaguyod ng edukasyon sa Pakistan at pinakabatang Nobel Prize
laureate. Ipinanganak siya noong ika-12 ng Hulyo sa Mingora, Swat Valley, sa
hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan.
2. Ano ang kanyang ipinaglaban na nagresulta sa pagbaril sa kanya ng Taliban?
Pinaglalaban ang mga karapatan ng mga kababaihan lalong-lalo na ang
pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay na pagtatamo ng edukasyon. Binaril
siya dahil sa kaniyang paglaban at adbokasiyang para sa karapatan ng mga
batang babae sa edukasyon sa Pakistan.
3. Ano ang naging reaksyon ng mga tao sa pag-atake kay Malala?
Kinondena hindi lamang ng mga Muslim kundi lahat ng tao na nakakakilala sa
kaniya ang pagtatangka sa buhay ni Malala. Bumuhos rin ang tulong pinansiyal
upang agarang mabigyan lunas ang pagbaril sa kaniyang ulo.
4. Ikaw, bilang mamamayan, ano ang aral na maaari mong makuha sa buhay ni
Malala?
Ako bilang isang mag-aaral, ang makukuha ko na aral sa buhay ni malala ay
dapat natin ipaglaban ang mga karapatan natin at bilang isang babae, ipakita
natin na kaya rin nating mga kababaihan. Wag tayong tatayo lang at panunuurin
lamang ang mga maling nagaganap sa ating paligid

You might also like