You are on page 1of 2

31.

Ito ay dahilan at nagtatakda ng pagkunsumo ng isang mamimili:


a.personal na katangian at mga salik na dulot ng kulturang Pilipino b. pangungutang
c. pagsunod sa kagustuhan d. lahat ng nabanggit
32. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng billboards ng mga negosyante upang ipaanunsyo ang kanilang mga produkto?
a.Upang ipamalas ang makabagong teknolohiya sa pag-aanunsyo
b.Upang maipabatid na ang pag-aanunsyo ang pinakamabisang paraan ng pangangalakal
c.Upang akitin ang mga konsyumer na tangkilikin ang kanilang produkto
d.Upang ipakilala ang mga artistang nag iindorso ng kanilang mga produkto
33.Bakit umuupa ng mga artista ang kompanya para mag-indorso ng kanilang mga produkto?
a. Sapagkat pinag-uusapang palagi ng tao ang buhay ng mga artista
b. Sapagkat magaling magpakilala ng produkto ang mga artista
c. Sapagkat ginagaya at binibili ng mga konsyumer ang mga ginagawa at ginagamit ng mga artista
d.Sapakat mamahalin ang mga produktong ginagamit ng mga artista
34. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting epekto sa pag aanunsyo ng isang produkto?
a. Bumili ng tamang gamut sa murang halaga at may kalidad
b. Bumili ng shampoo dahil sa maganda ang buhok ng model
c. Bumili ang isang binate ng bulaklak para sa kanyang kasintahan dahil sa okasyon
d. Bumili ayon sa kagustuhan lamang
35. Bilang isang consumer, paano mo ipagtanggol ang iyong karapatan sa mga illegal na gawain sa pamilihan?
a.pabayaan na lamang ang mga impormal na sektor
b.maging pakialamero sa lahat ng bagay sa pamilihan
c. kung may nakikitang illegal na gawain,isumbong agad sa ahensyang naatasan sa pangangalaga sa mamimili
d.huwag pakialaman dahil sila ay namumuhay lang
36.Bakit mahalagang maging responsable sa pamimili at pagdedesisyon ang isang mamimili?
a.dahil ito ay isang tungkulin ng isang mamimili
b.dahil ito ay nakakatulong para maging marunong na mamimili
c.upang ang mamimili ay kumukunsumo ng mga bagay na ayon sa kanyang pangangailangan lamang at
nagagamit ito ng tama.
d.lahat ng nabanggit
37. Kung sa pamilihan may nakikita kang mga illegal na gawain ano ang dapat mong gawin?
a.pabayaan na lamang b.maging pakialamero sa lahat ng bagay sa pamilihan
c. kung may nakikitang illegal na gawain,isumbong agad sa ahensyang naatasan sa pangangalaga sa mamimili
d.huwag pakialaman dahil sila ay namumuhay lang
38. Bakit mahalagang maging responsible sa pamimili at pagdedesisyon ang isang mamimili?
a.dahil ito ay isang tungkulin ng isang mamimili
b. dahil ito ay nakakatulong para maging marunong na mamimili
c.upang ang mamimili ay kumukunsumo ng mga bagay na ayon sa kanyang pangangailangan lamang at
nagagamit ito ng tama.
d.lahat ng nabanggit
39. Bakit kinakailangan ang alokasyon sa mga pinagkukunang-yaman?
a. dahil ito ay ang paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan ng tao
b.dahil ito ay hindi pagbabaka- sakali, kinakailangan nito ang malinaw na layunin ng paggamit ng pinagkukunang-
yaman
c. upang hindi ito humantong sa pagkaubos ng mga limitadong pinagkukunang-yaman
d. lahat ng nabanggit
40.May kaugnayan ba nag suliraning kakapusan sa pamamaraan ng alokasyon?
a. Oo,dahil hangarin nito na hindi humantong sa pagkaubos ng mga limitadong pinagkukunang-yaman
b. hindi, magkaiba ang alokasyon at kakapusan
c.hindi,dahil ang alokasyon ay paraan ng paglalaan sa yaman
d. Oo,dahil ang kakapusan at alokasyon ay pareho lamang
41. Ang produksyon ay nangangahulugang:
a.proseso ng pagpapalit anyo ng mga input upang makalikha ng mga output
b. paggawa ng mga de-lata na karne
c.pagbuo ng mga toothpaste at shampoo d.pagtitinda ng mga produkto sa pamilihan
42. Sa produksyon, ano ang tinatawag na mga output?
a. mga natindang produkto b. mga kailangan sa produkto
c. mga nalikhang produkto d. mga kita sa produkto
43. Aling salik ng produksyon ang ginagamit muli upang makabuo pa ng isang produkto?
a.Lupa b.Kapital c.Entreprenyur d.Lakas-paggawa
44. Anong salik ng produksyon ang itinuring na pinakamahalaga?
a.Lupa b.Kapital c.Entreprenyur d.Lakas-paggawa

45. Ang produksiyon ay nagaganap sa mga bahay-kalakal. Ang namumuno sa isang bahay-kalakal ay ang entreprenyur o
negosyante. Anong mahalagang papel ang kanilang ginagampanan dito?
a.Nangangapital ng negosyo b.Pinuno o lider ng lahat ng manggagawa
c.Taga-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
d.Pinapadala sa ibang bansa upang umaksyon sa problema ng mga manggagawa
46. Anu-ano ang mga anyo o antas ng produksyon bago ito malikhang produktong pangkunsumo?
a. primary,intemediate,final end b.pag-aani, paglilikha,pagtitinda
c. pagtatanim,pag-aani,pagtitinda d. wala sa nabanggit
47. Ang tinawag na final end sa anyo ng produksyon ay ang mga:
a. capital b.input c. huli o tapos na produkto d.commodity
48. Ano ang tinatawag na sole proprietorship?
a.pinamamahalaan ito ng isang tao o isang nag-mamay-ari
b.pinamamahalaan ito ng mahigit sa isang tao
c.pinamamahalaan ito ng isang samahan
d. wala sa nabanggit
49. Bakit tinawag na pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo ang korporasyon?
a. dahil pinamamahalaan ito ng isang tao o isang nag-mamay-ari
b.dahil may mga legal na tauhan ito na hiwalay sa sa katauhan ng mga nagmamay-ari,kumukontrol at
nagpapatakbo ng korporasyon
c. dahil pinamamahalaan ito ng isang samahan
d.pag-aari ito ng pribadong sector
50. Bakit mahalaga ang papel na ginampanan ng entreprenyur sa ekonomiya at sa produksyon?
a. dahil sila ang mga indibidwal na nagsasaayos ng ng negosyo
b. dahil sila ang nangangasiwa ng negosyo
c.dahil sila ang nakikipagsapalaran sa negosyo
d. lahat ng nabanggit

TO GOD BE THE GLORY

You might also like