You are on page 1of 3

 

I. LAYUNIN:

Sa katapusan ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang makapagtatamo ng 80% pagkatoto sa


mga sumusunod:

1.      Matukoy ang pinagmumulan ng pambansang kita at bagay na pinagkakagastusan dito;

2.      Maipaliliwanag kung paano mababatid ang kabuuang produksiyon ng bansa;

3.      Makompyut ang GNP sa iba’t ibang pamamaraan; at

4.      Matukoy ang mga limitasyon sa pagsukat ng GNP.

II. Paksa:

Aralin 36 – PAMBANSANG KITA

III. Pamamaraan:

A.   Balitaan

B.   Balik-aral

Ano ang pagkakaiba ng mga sumusunod:

-GNP at GDP

-Potential at Actual GNP

-Nominal at Real GNP

C.   Pagganyak

D.   Paglinang ng Aralin

@ Unang Bahagi

1.      Balikan ang talakayan tungkol sa paggamit ng salapi bilang kabayaran ng dalawang sektor sa
Paikot na Daloy ng Produkto at Serbisyo. Saan nanggagaling ang kita ng bawat sektor?

2.      Ano ang mapapansin sa halaga ng pagkunsumo ng bawat sektor sa ganitong sitwasyon? May
kaugnayan ba ito sa kitang natatamo?

3.      Ihalintulad ito sa pagbatid ng kabuuang kita ng bansa. Sa paanong paraan masusukat ang
pambansang kita?

4.      Talakayin ang iba’t ibang paraan sa pagsukat ng GNP.

5.      Tukuyin ang mga element na bahagi sa pagkokompyut ng GNP sa iba’t ibang paraan.

6.      Bakit sinasabing hindi lubusan o tiyak ang mga nakukuhang GNP o GDP? Ano ang mga salik
na nakaapekto dito?

7.      Pag-usapan ang tungkol sa Undergound Economy.

@ Ikalwang Bahagi

-        Pagsasanay sa pagkokompyut

E.    Pagpapahalaga

Bakit mahalaga na humingi tayo ng resibo sa bawat pagbili natin ng produkto at serbisyo?

F.    Paglalahat

Ilahad kung paano sinusukat ang GNP sa tatlong pamamaraan.

G.   Ebalwasyon

       I.          Tama o Mali.

1. Ang kabuuan ng GNP ay magkakapareho kahit na anong paraan ang gagamitin sa pagsukat nito.
(Tama)

2. Ang GNP ay sapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. (Mali)

3. Negatibo ang lumalabas na NFIFA kapag mas mataas ang kita ng mga Pilipino sa labas ng bansa
kaysa sa kita ng mga dayuhan sa loob n gating bansa. (Tama)

4. Ang positibong NFIFA ay may positibong epekto sa ekonomiya. (Mali)

5. Ang kita ng entrepreneur ay bahagi ng gastusin ng kompanya. (Tama)

II. Tukuyin ang mga sumusunod:

1. Tumutukoy sa  labis o kulang sa pagsukat ng GNP. (Statistical Discrepancy)

2. Di-tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto at serbisyo na nilikha matapos ibawas ang
anumang subsidi na ibinibigay ng pamahalaan. (Indirect Business Taxes)

3. Sa pagsukat ng GNP sa paraang ito, kailangan munang alamin ang GDP at saka idadagdag ang
NFIFA. (Industrial Origin Approach)

4. Isang instrument sa pagsukat ng GNP sa paraang pagsasama-sama ng lahat ng gastos ng bawat


sektor ng ekonomiya. (Final Expenditure)

5. Ito ang tinatawag na depresasyong pondo na inilalaan para sa pagbili ng bagong makinarya o gusali
kung ang mga ito ay unti-unti ng naluluma o nasisira. (Capital Consumption Allowances)

IV. Kasunduan:

1. Ano ang ugnayan meron ang kita sa pagkunsumo at pag-iimpok?

2. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod:


a)      Consumption Function

b)      Savings Function

c)      Marginal Propensity to Consume

d)      Average Propensity to Consume

e)      Marginal Propensity to Save

f)       Average Propensity to Save

You might also like