You are on page 1of 1

Gampaning Pangkasarian sa Pilipinas noong Panahon ng Hapon

Dumating ang mga Hapones sa Pilipinas noong Disyembre 8, 1941 sa panahon ng ikalawang digmaang
pandaigdig. Nilusob ng mga hapon ang Pilipinas dahil sa isa ito sa mga sakop ng mga Amerikano na kung
saan binomba ng mga hapon at sinalanta ang mga eroplanong pandigma sa Clark Airbase sa Pampanga.

1. Kababaihan

 Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi na ng mga kalalakihan sa pakikipaglaban sa mga


dayuhang Hapon.
 Nagdala rin ng takot ang panahong ito sa kababaihan dahil may ilang kababaihan ang naabuso.
 Sila ay tinatawag na "comfort women" or sex slave na kung saan sila ay pinagsasamantalahan ng
mga dayuhang hapon.
 Ang mga babae sa panahong ito, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng gawaing
bahay.
 Parte ng gampanin ng babae sa panahon ng Hapones ay ang pag-iwan ng kanilang mga tahanan
upang magtrabaho o makilahok sa giyera.
 Maraming taon na ang lumipas bago tumugon ang Ministry of Foreign Affairs ng Japan upang
tuluyan nang masugpo ang sexual slavery sa bansa. Noong una, ayaw aminin ng pamahalaang
Hapon ang gawaing ito, hanggang sa maglakas-loob si Maria Rosa Henson na ihayag ang kanyang
karanasan noong 1992.

2. Kalalakihan

 Ang mga kalalakihan naman ay naging katuwang at "puppet" ng pamahalan ng mga Hapon at ang
iba namang kalalakihan ay nakipaglaban sa mga Hapon.

3. Pagkakatulad

 Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong ikalawang digmaang pandaigdig.
 Sila ay sumali sa HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon o The Nation’s Army Against
the Japanese Soldiers sa Wikang Ingles).

You might also like