Professional Documents
Culture Documents
Ap 10 Q3 Gawain 10
Ap 10 Q3 Gawain 10
TCHAMBULI Ang mga kababaihan ng Chambri ay may Ang gampanin naman ng mga
malaking at mahalagang gampanin sa kalalakihan ng Chambri ay salungat sa
komunidad ng Chambri dahil sila ang mga kababaihan dahil sila naman ang
naghahanapbuhay para sa pamilya kaya nananatili sa bahay at nag aasikaso sa
sila ang mas may kapangyarihan kaysa pamilya
sa mga lalaki. Ang pangunahing
kabuhayan sa Chambri ay ang
pangingisda, samakatuwid, ang mga
kababaihan ang nangingisda para sa
kanilang pamilya at sila rin ang
pangunahing tagatustos ng pagkain sa
komunidad, Sila ay mas dominante
kaysa sa mga lalaki, gayunpaman, hindi
apektado ang pagpapasakop ng mga
babae sa mga lalaki sa Chambri. Kahit na
ang mga kababaihan ang mayroong
kapangyarihan at impluwensya sa
lipunan ay sila pa rin ay nagpapasakop
sa kanilang mga asawang lalaki.
PAMPROSESONG TANONG:
1. Bakit kaya nagkakaiba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong pangkulturang pangkat nabanggit ni Margaret Mead?
Maaaring nagkakaiba ang mga gampanin ng mga lalake at babae sa mga tribo sa Papua New Guinea dahil sa kanilang
lokasyon at kawalan ng organisadong paraan ng pakikipag-usap sa pagitan ng mga tribo nito. Bukod dito ay malaking salik din ang
kultura at tradisyon sa pagkakaiba ng kanilang mga gampanin.
Dahil sa kakulangan ng komunikasyon sa isa't isa at teknolohiya, maaaring ang bawat tribo ay nagkaroon ng kani-
kaniyang mga pamamaraan sa pamumuhay labas sa impluwensiya ng ibang tribo na nakapaligid.
2. Sa iyong palagay, ano ang mas matimbang na salik sa paghubog ng personalidad at pag-uugali ng tao, ang kapaligiran o pisikal na
kaanyuan?
Sa aking palagay, mas matimbang na salik ang ating kapaligiran sapagkat bilang tao at likha ng diyos, tayo ay
nakikipagkapwa at nakikisalamuha sa iba't ibang uri ng tao at ang mga taong nakakasalamuha natin ang may higit na impluwensya
sa ating paghubog ng personalidad kaysa sa ating pisikal na kaayuan.