You are on page 1of 3

Ang Asian Human Rights Commission o AHRC ay isang non government

organization (NGO) na may layuning itaas ang kamalayan ng mga


mamamayan, mga
gobyerno, at iba pang grupo tungkol sa kalagayan at kahalagahan ng mga
karapatang pantao. Nagbibigay tulong din ang NGO na ito sa pagkamit ng
kalayaan
at karapatang pantao sa mga partikular na lugar.
Ang Komisyon
sa Karapatang Pantao (Commission on Human Rights / CHR) ay isang komisyon
sa
Pilipinas na siyang nagtataguyod ng karapatang pantao sa harap ng isang
makapangyarihang pamahalaan. INaadbokasiya nito ang pantay na
pagtingin sa
karapatan ng bawat isa at ang hindi pagsobra o pag-abuso ng mga nasa
kapangyarihan, partikular na ng mga pulis at ng mga militar.
Ang Global Rights ay isa sa mga pang-internasyonal na NGO o
non-governmental organization ukol sa karapatang pantao. Ang adbokasiya
nito ay
ang pangalagaan at ipagtatanggol ang mga karapatan ng mga tao na
nababase sa
tinatawag na Human Rights Standard ng United Nations.

Kabilang na dito ang


pagbigay ng tulong at pagsasanay sa mga kasapi na gumawa ng anumang
paraan para
ipahayag ang mga pang-aabuso sa karapatang pangtao, pagtatanggol sa
mga
naaabuso sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pagpapayo at
tagapagtanggol sa
mga pagdinig sa korte at iba pa. Ang layunin ng Global Rights ay ang
pagbibigay
ng daan para sa mga mahihirap at mga marginalized groups, mga karapatan
ng mga
babae, patas na pananaw sa kasarian, at pagkakapantay-pantay ng lahi.

You might also like