Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap.
GAWAIN 1
1. Mahilig kumamot sa ulo si Jose kapag hindi niya alam ang
isasagot o sasabihin. Ang pariralang may salungguhit ay halimbawa ng _______________. A. gawi C. kilos B. karakter D. pananaw
2. Ang bunsong anak ni Mang Fidel ay mabait at mahinhin. Ang
pariralang may salungguhit ay halimbawa ng _______________. A. gawi C. kilos B. karakter D. pananaw
3. Mapanlait sa kapwa si Aling Bebang dahil siya ay nabibilang sa
mataas na antas ng lipunan. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng _______________. A. gawi C. kilos B. karakter D. pananaw
4. Naninirahan sa dulo ng Barangay Matahimik ang pamilya nina
Mang Nelson at Aling Nelia. Ang salitang barangay ay nagmula sa lumang bangkang Malay na tinatawag na _______________. A. balangay C. batangay B. balanghay D. batanghay
5. Kahit saang lugar magpunta si Lorna, lagi siyang nagse-selfie. Ang
salitang selfie ay nagmula sa pagkuha ng litrato ng _______________. A. kaibigan C. kapatid B. kalaro D. sarili
6. Maraming naiinis kay Juanito dahil mahilig siyang mag-fotobam.
Ang fotobam ay mula sa salitang _______________. A. fhotobambi C. photobomber B. fotobhomb D. photobombom
7. Si Sultan Barabas ay namatay at inilibing sa hardin ng kaniyang
kaharian. Sa paglipas ng taon, may tumubong puno sa kaniyang libingan. Ang bunga nito ay mapait ngunit nang mahinog ay matamis. Ito ay hango mula sa akdang _______________. A. Alamat ng Pinya B. Alamat ng Mangga C. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas
8. Pagkaraan ng ilang araw, magaling na si Aling Rosa at hinanap
niya ang kaniyang anak. Sa kaniyang paghahanap ay napansin niya ang isang halamang may bungang maraming tila mata. Inalagaan niya itong mabuti. Ito ay hango mula sa akdang _______________. A. Alamat ng Pinya B. Alamat ng Mangga C. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas
9. Ang COVID-19 ay isang uri ng virus na nagmula sa China. Ang
sintomas nito ay pananakit ng lalamunan patungo sa puso at sa katawan. Karaniwang mga hayop ang tinatamaan ng virus na ito. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _______________ na pangyayari. A. makatotohanan C. walang katotohanan B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan
10. Ayon sa DOH, may panibagong variant ang COVID-19 na
kumakalat sa ating mundo. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _______________ na pangyayari. A. makatotohanan B. walang katotohanan C. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan
GAWAIN 2 SUBUKIN
1. Ito ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at ang
pagbabago ng kahulugan at anyo nito.
A. etimolohiya B. mitolohiya C. sikolohiya D.analohiya
2. Ito ay isang morpema na ikinakabit sa salitang-ugat upang
makabuo ng isang bagong salita o anyo ng salita.
A. panlapi B. parirala C. ponema D. salitang-ugat
3. Ito ay ang labanan sa pagitan ng dalawang magkaibang pwersa.
A. suliranin B. simula C. kakalasan D.t unggalian
4. Ito ay ang tunggaliang nagaganap sa isipan ng tao.
A. tao vs tao B. tao vs kalikasan C. tao vs sarili D. tao vs
lipunan
5. Ano ang panlaping ginamit sa salitang “magdinuguan”?
A.mag-, -in-, -an B. mag-, -in- C.mag-, -an D. mag-, -dugo-
6. Sa anong wika nagmula ang salitang kumbento?
A. Kastila B. Ingles C.Tsino D.Tagalog
7. Ang salitang karaoke ay hiram natin mula sa wikang___________.
A. Kastila B. Ingles C.Hapones D.Tagalog
8. Nagmula ang salitang tansan sa wikang __________.
A. Kastila B. Ingles C. Hapones D.Tagalog
9. Ano ang salitang-ugat ng salitang tumawid?
A. tuwid B. tawid C. tumaw D. tumawid
10. Ito ang tawag sa uri ng panlapi na inilalagay sa unahan, gitna at
hulihan ng salita.
A. unlapi B. kabilaan C. gitlapi D. laguhan
11. Ang salitang ningas-kugon ay napapabilang sa ____________.
A. hiram na salita B. pagsasama ng mga salita C. morpolohikal na
pinagmulan D. onomatopoeia
12. Ang salitang pambabae ay nagmula sa __________.
A. hiram na salita B. pagsasama ng mga salita C. morpolohikal na
pinagmulan D.onomatopeia
13. Ang salitang dakpin ay nabuo sa pamamagitan ng __________.
A. hiram na salita B. pagsasama ng mga salita C. morpolohikal na
pinagmulan D. onomatopoeia
14. Ang salitang katol ay halimbawa ng ___________.
A. hiram na salita B. pagsasama ng mga salita C. morpolohikal na
pinagmulan D. onomatopoeia
15. Ang palabas na “Maalaala Mo Kaya” (MMK) ng ABS-CBN ay
halimbawa ng __________. A. Dula B. Programang Panradyo C. Sanaysay D. Programang Pantelebisyon
Panuto: Ayusin ang mga titik upang makabuo ng isang salita na
siyang tinutukoy ng ibinigay na kahulugan. 1. ______________ - ito ay isang mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa. (AKIW)
2. ______________ - tinatawag ding tanlap (tanaw + diglap).
(ONYSTELEBI)
3. ______________ - internasyunal na wika. (LEINGS)
4. ______________ - ideyang taglay ng akda (ANISIPAK)
5. ______________ - makaagham na pag-aaral ng mga morpema o