You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN

FILIPINO 10
Hulyo 6, 2021

I. Layunin
Pamantayang Pangnilalaman
A. Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa
akdang pampanitikan batay sa layunin ng pagtalakay ng paksa: a)
makukuha ang mensahe, kaisipan, at damdaming nakapaloob sa akda b)
nahihimay-himay ang mahahalagang pangyayari sa loob ng akda; c)
nababatid ang nais iparating ng persona sa mga mambabasa.
B. Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang kasanayan sa masining na
pagsulat sa pamamagitan ng paglikha ng isang spoken poetry .

II. Paksang-Aralin
A. Spoken Poetry
B. Teacher’s Enemy No. 1
C. Kagamitan: video clip ng spoken poetry

III. Pamamaraan
A. Pangganyak
PANGARAP KONG MAGING…?
Sa iyong palagay, naniniwala ka ba sa tadhana? Anong pangarap
mong maging? Paano mo ito maisasakatuparan?

B. Paglalahad
Ipanood ang bidyo ng spoken poetry.
https://m.facebook.com/story.php?
story_fbid=1450504611682589&id=100001691919322

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Tungkol saan ang spoken poetry na inyong napakinggan?
2. Anong damdamin ang nangibabaw sa akda?

3. Ano ang nais iparating sa atin ng akdang ating tinatalakay?

4. Maituturing bang kapalaran ang kinahinatnan ng persona sa akda?


Patunayan.
5. Bilang isang mag-aaral, paano ninyo pinahahalagahan ang inyong
mga guro?

C. Paglalahat
Sa kabuuan ano ang mensaheng nais iparating sa atin ng akdang ito?

IV. Pagtataya
Sumulat ng sariling spoken poetry tungkol sa inyong mga pangarap.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman – 10
Estilo- 5
Kasiningan – 5
20

V. Takdang-Aralin
Basahin at unawain ang akdang Short-term Feeling.

Inihanda ni:

ALDRIN M. OCAMPO
Teacher I

Binigyang-pansin ni:

ROBERTO A. CRSITOBAL
Principal III

Namasid nina:

MHARIKITH E. FABABIER ANASTACIA N. VICTORINO, Ed.


Master Teacher I EPS I, Filipino

You might also like