You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN

FILIPINO 10
Hulyo 6, 2021

I. Layunin
Pamantayang Pangnilalaman
A. Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa
akdang pampanitikan batay sa layunin ng pagtalakay ng paksa: a)
makukuha ang mensahe, kaisipan, at damdaming nakapaloob sa akda b)
nahihimay-himay ang mahahalagang pangyayari sa loob ng akda; c)
nababatid ang nais iparating ng persona sa mga mambabasa.
B. Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang kasanayan sa masining na
pagsulat sa pamamagitan ng paglikha ng isang spoken poetry .

II. Paksang-Aralin
A. Spoken Poetry
B. Short-term Feeling
C. Kagamitan: video clip ng spoken poetry

III. Pamamaraan
A. Pangganyak
Ano ang unang salitang pumapasok sa isip mo kapag nakikita mo
ang larawang ito?

B. Paglalahad
Ipanood ang bidyo ng spoken poetry.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Naniniwala ba kayo sa ‘love at first sight’?

2. Dapat ba talagang madaliin ang pag-ibig? Ipaliwanag.

3. Anong damdamin ang nangibabaw sa akda?


4. Ano ang nais iparating sa atin ng persona sa akdang ating tinatalakay?

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo binibigyang pansin ang pag-ibig


kapag ito’y iyong naramdaman?

C. Paglalahat
Sa kabuuan ano ang mensaheng nais iparating sa atin ng akdang ito?

IV. Pagtataya
Sumulat ng sariling spoken poetry na may paksang ‘unang pag-ibig’.

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman – 10
Estilo- 5
Kasiningan – 5
20

V. Takdang-Aralin
Basahin at unawain ang susunod na paksang aralin. (Pahina117)

Inihanda ni:

ALDRIN M. OCAMPO
Teacher I

Binigyang-pansin ni:

ROBERTO A. CRSITOBAL
Principal III

Namasid nina:

MHARIKITH E. FABABIER ANASTACIA N. VICTORINO, Ed.


Master Teacher I EPS I, Filipino

You might also like