Professional Documents
Culture Documents
Dll-Esp8 02272020
Dll-Esp8 02272020
Ang fraternity naman sa kabilang dako ay isang panlipunan o akademikong organisasyon o samahan na ginagamit
ang alpabetong Griyego na batayan sa kanilang mga pangalan. Ito ay isang pagkakapatiran (latin:frater na
nangangahulugang brother) na pinag-isa ng layuning mapalago ang aspetong intelektwal, pisikal at sosyal ng mga
kasapi. Malaya ang lahat ng mga kasapi nito na makilahok o makisama na hindi tinitingnan ang katayuan sa lipunan
patungo sa makabuluhang layunin. Ito ay binuo dahil sa maraming layunin, kasama rito ang edukasyon lalo na sa
mga pamantasan, kakayahan sa paggawa, etika, relihiyon, pulitika, pagtulong sa kapwa, o maging paggawa ng
krimen at marami pang iba. Palaging ginagabayan ang mga kasapi nito ng kahalagahan ng pagbibigayan ng
suporta sa isa’t isa. Mapapansin ang ilang mga pagkakaiba sa kanilang kahulugan at layunin ngunit
mapapansin na kapwa mayroong kapasidad ang fraternity at gang na makagawa ng masama sa kapwa at
makapagdulot sa kanila ng kapahamakan. Dahil sa kasalukuyan, ang mga kasapi ng fraternity at gang ay pabata
nang pabata, nagkakaroon na rin ng malaking pagbabago sa layunin, pamamaraan at gawain ng mga kasapi nito.
Ito ang mga pangunahing katangian ng mga gang: a. Itinuturong nangungunang dahilan sa pagdami ng karahasan
o krimen sa kasalukuyan, sa loob man o sa labas ng paaralan. b. Upang maging kasapi ng isang gang, isang
inisasyon ang kailangang maipasa. Ito ay kadalasang naglalaman ng mga marahas na gawain katulad ng
pananakit na pisikal, pananamantala o pagpatay. c. Ang pagiging kalahok ng isang gang ay maaaring magdulot ng
kapahamakan, maaaring maging dahilan ng pagkakakulong o kaya naman ay kamatayan.