You are on page 1of 1

Araling Panlipunan 5

Quarter 3 Week 4

Pangalan: _______________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:  Iguhit sa may patlang ang masayang mukha 


( ) kung tama ang isinasaad ng pahayag at malungkot na mukha ( ) kung hindi.

________1. Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang unang palapag nito sa
bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na kahoy. 
__________2. May pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino noon.
__________3. Sa pananamit ang naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang tsinelas at sapatos.
__________4. Madaling natutunan ng mga Filipino ang pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika tulad ng pluta,
biyolin, harpa, at piano na dala ng mga Espanyol sapagkat kahalintulad ito ng mga instrumentong katutubo sa kanila.
__________5. Bago pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay marunong ng gumamit ang mga Filipino ng
kutsara at tinidor at kutsilyo  sa pagkain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Panuto: Piliin ang mga bagay, produkto na dinalang pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol na hanggang
kasalukuyan ay di pa rin nawawala. Bilugan ang sagot.

Bistek       panyeta       sapatos         baro’t saya               patintero

pasko      Mother’s Day     kasal     hotdog    T-Shirt     bahay na bato

Santacruzan    Madjong    pancit      siomai       ramen      empanada

You might also like