You are on page 1of 8

Epekto ng Panonood ng Pornograpiya sa Pag-aaral ng mga Estudyante ng

Senior High School ng SPM Academy INC. :


Aksyon Plan Para sa Pagpapaunlad ng Akademikong Pagganap

Isang Pananaliksik na iniharap sa Lupon ng mga Guro sa Departamento ng


Senior High School sa Mataas na Paaralan ng Canduman, Lungsod ng Mandaue
ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang Filipino: Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik

Prandas, Queen Alexza B.


Punes, Honey Jane
Secuya, Doreen
Banate, Mariel
Velado, Dante
Boragay, John Christian
Balatayo, Aldred
Ranili, Mc James
Basarte, John Kenneth
KABANATA I

SULIRANIN AT ANG SANLIGANG PAG-AARAL


Rasyunale
Sa mabilis na pag-unlad ng makabagong teknolohiya ay naging masmagaan at
masmadali ang ating mga gawain. Nakakapagkomunikasyon tayo sa ating mga mahal
sa buhay na nasa malayonglugar. Nakakakuha tayo ng mga impormasyon sa
kasalukayang kalagayan ng ating bansa. Ngunit kasabay ng pag-unlad ng makabagong
teknolohiya ay siya ring paglaganap ng mga pornograpiya sa mga online networking
sites.Ang pornograpiya ay isang malalaswang imahe, bidyo at babasahin na laganap sa
internet. Itong mga pornograpiya na ito ay maaring makaepekto sa mga kabataan sa
negatibong paraan na maaring makakasira sa kanilang kinabukasan.
Ang mga manaliksik na siyang pumili sa paksang ito dahil ang pornograpiya ay
laganap na sa ating pamayanan. Ayon kay breakthelight, isang may-akda sa wordpress
ayon sa kanyang pananaliksik kada segundo, halos 28 000 libong tao sa mundo ang
nanonood ng porn o pornograpiya. Ang panonood nito ay may epekto, ito ay ang
pagiging adik sa panonood nito. Halibawa, ang panonood ng pornograpiya ng mga
estudyante ay naghahatid ng negatibong epekto at ito ang pagiging adik sa panonood
nito na naging dahilan ng pagbaba ng kanilang grado sa mga pagsusulit. Ang mga
mananaliksik ay pumili ng paksang ito sapagkat ang pornograpiya ay naging
mapanganib na lalong-lalo na sa mga estudyanteng Senior High School sa paaralan ng
SPM Academy. Ito rin ay ang isang malaking problema sa mga lalaking estudyante at
sa ilang estudyante na nag-aaral sa paaralan ng SPM Academy. Maraming mga-aaral
ang nagiging adik sa panonood ng pornograpiya, kahit sa anong paraan ay maraming
nakakakita nito. Ang mga lalaking mag-aaral ay hindi na nakokontrol ang panonood
nito, kahit na nasa klase sila ay nanonood parin sila ng pornograpiya. Sa ating
generasyon ngayon marami nang mga-aaral ang maraming alam tungkol sa "sex" dahil
sa pornograpiya. Ito rin ang nagiging dahilan para hindi sila pumapasok sa klase o di
kaya'y hindi sila makapasa.
Kaya ang mga mananaliksik ay naniniwala na wala talagang maidudulot na
magandang epekto ang panonood ng pornograpiya. Kahit na ang pornograpiya ay
naging mapanganib, kailangan malaman ng mga mag-aaral ng Senior High School sa
paaralan ng SPM Academy na marami rin itong masamang maidudulot ang mga epekto
nito at na ang panonood nito ay maiiwasan na.
Isinagawa ng mga mananaliksik itong pangangalap ng impormasyon para malaman
kung ano ang mga epekto ng panonod nito at para malaman kung paano ito maiwasan.
Lahat nang ninanais ng mga mananaliksik na malaman ay susubukan makalapan ng
impormasyon para ito ay masagutan.
Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa mga negatibong epekto ng panonood ng


pornogapiya ng mga estudyante ng SHS ng SPM Academy

Layunin

Ang higit na pinagtutuonan ng pansin ng mga mananaliksik ay ang mga epekto ng panonood
ng pornograpiya ng mga estudyante ng SHS sa SPM Academy. Ang mga layunin namin ay:

1. Malaman ang porsyento ng mag-aaral na mahilig manood ng pornograpiya.


2. Malaman ang mga dahilan ng madalas na panonood ng pornorapiya.
3. Malaman ang epekto ng panonood ng pornograpiya sa pag-aaral ng mga estudyanteng
Senior High School.
4. Malaman ang paraan kung paano ito maiiwasan ang pagpapanood ng pornograpiya.
5. Malaman ang mga hakbang upang masolusyonan ang madalas na panonood ng
pornograpiya ng mga kabataan.

Haypotesis
Ang pornograpiya ay isa sa mga nagawa ng mga taong labis na na may pagnanasa sa “sex”.
Ito ay nagsisimula noong pag unlad ng makabagong teknolohiya. Ito ay naging isang suliranin
sa mga kabataan lalong-lalo na sa mga kalalakihan. Ito ay maaring magdudulot ng negatibong
epekto sa kanilang pag-aaral.

Batayang Konseptwal

PANOOD NG PORNOGRAPIYA

( SHS STUDENT )

DAHILAN

EPEKTO SOLUSYON

NEGATIBO

- Pagkakaroon ng mababang marka


- Maagang pagbubuntis RESULT
- Pagiging adik sa Sex
- Rape
- Pagbagsak
Pigyura 1. Batayang Konseptwal ng Pag-aaral
Ang dayagram na ito ay naglalarawan sa epekto ng panonood ng pornograpiya ng mga
estudyanteng senior high school sa pag-aaral. Ito ay nagnanais na matukoy ang mga dahilan sa
panonood ng mga estudyante ng pornograpiya, kung anon ang dahilan kung bakit nila nagawa
ang aksiyon na ito. Ito rin ay nagnanais na malaman ang mga epektong direktang makikita sa
kanilang pag-aaral mapanegatibo man. Ito rin ay nagnanais na malaman ang ma negatibong
naidudulot ng panonood ng pornograpiya ng mga estudyante. Ito ay nagnanais na makalapan
ng solusyon kung papaano maiiwasan at maitigil ang panonood ng mga Senior High School
istudent ng SPM. Batay sa resulta, ang mananaliksik ay magpapanukala ng mga ploisiya para
maiwasan ito nang tuluyan nang sa gayun uunlad ang akademikong pagganap ng mga
estudyante.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang panonood ng Pornograpiya ng mga mag-aaral


ay pwedeng magbigay suliranin sa kanilang pag-aaral at sa kanilang kinabukasan. Ang
edukasyon ang maituturing na pinakamahalagang kayamanan ng isang tao kung kaya't ang
hindi lubos na pagbibigay ng kaukulang atensyon at patnubay ng magulang ay maaaring
magbigay ng problema sa hinaharap.

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay tumutukoy sa mga magiging epekto ng


pornograpiya sa mga estudyante kapag sila ay nanonood nito. Nararapat lang na malaman ng
mga estudyante ang mga negatibo nito upang malaman at maiwasan na nila ang panonood
nito. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Sa Mga Estudyante. Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maiaambag upang malinawan ang
kaisipan ng mga mag-aaral tungkol sa Pornograpiya, at upang maiwasan ang mga masasamang
epekto na maidudulot nito sa kanilang pag-aaral.

Sa Mga Guro. Magsisilbing monitor ito na makatututlong ng malaki upang lalo pa nilang
pagbigyan- pansin at pigilan kung kinakailangan ng mga estudyante sa pagkahumaling sa
panood ng Pornograpiya.

Sa Mga Respondente.Para malaman nila kung mabuti ba ang kanilang panonood.

Mabigayan sila ng ideya na ang kanilang Gawain ay nakakasama sa kanila. Para rin

mabigyan sila ng impormasyon kung ano talaga ang pornograpiya.

Sa Mga Kabataan. Dapat malaman nila kung ano ang pornograpiya para hindi sila

maging ignorante. Habang sila ay lumalaki ay nagkakaroon sila ng tamang pag-iisip sa ganitong
gawain at mas malaman nila ang tama.

Sa Mga Magulang. Para mabigyan sila ng ideya na sa pagiging kabataan ay karaniwang


ginawa ng mga kabataan ngayon ay ang manood ng mga pornograpiya. Para makatulong sila
sa kanilang mga anak at para magabayan nila ang kanilang mga anak na hindi manood ng
pornograpiya at sinasabihan nila na bawal ito sa kabataan para hindi madaling mabuntis o
makabuntis.

Saklaw at Limitasyon

Ang paksang ito ay naglalahad at inaalam ang mga negatibong epekto ng pornograpiya sa
mga mag-aaral at paano ito nakakabuti o nakakaepekto sa kanilang pag-aaral. Ang pag-aaral
na ito ay nakikialam sa pag-iisip ng mga estudyante tungkol sa pornograpiya at tumutukoy sa
epekto ng panonood ng pornograpiya. Ang personal na impormasyon tungkol sa responde ay
mananatiling nakatago.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Nais ng mga mananaliksik na bigyang katuturan ang mga sumusunod na termino ayon sa
pagkayamot nito sa pananaliksik.

Pornograpiya - ay ang malalaswang panooring o babasahing tekswal

Pornograper-isang taong na siyang kumukuha ng mga malalaswang larawan o

bidyo na nakikipagtalik

Sexwal na pagnanasa- ay pagpilit ng mga hindi kanais-nais na pag-uugali ng tao

Softcore- tanging hubad na babae lang ang nakikita

Hardcore-nakikita na o pakikipagtalik

Cybercrime- ay isang tungkol sa kalaswaan

Epekto sa pag-aaral – ang kalabasan o kahihinatnan sa panonood ng pornograpiya

Dahilan sa panonood -ang rason kung bakit sila nanonood ng pornograpiya

Mga Senior High School na Estudyante -ang mga mag-aaral na nasa edad 16-18

taong gulang na kalimitang nanonood ng pornograpiya. Sila ay nasa ika labing-isang

grado at ikalabing-dalawang grado.

Mababang marka-pagkakaroon ng 75 pababa na grado

Panonood ng bidyo-ito ay isang kilos na isinasagawa ng mga Senior High School istudent na
nanonood ng malalasawang bidyo o imahe online

Internet- ay ang makabagong teknolohiya na ang pangunahing gamit ay

pangkomunikasyon na siya ring pinagsimulang ng mga pornograpiya o di kaya’y

pinagkukunan ng mga pornograpiya ng mga Senior High School

Sex-tumutukoy sa dagat o katagang sekswal o pagtatalik

Stress-isang pakiramdam ng depresyon


KABANATA II
METODO NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng iba’t-ibang paraan sa pakikipagtalastasan ng kung
kalian itatakda ang pananaliksik, sino ang sasagot sa mga pananaliksik at ang mga kagamitang
gagamitin sa pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga epekto ng panonood ng pornograpiya sa
pag-aaral ng mga estudyante sa SHS sa SPM Academy at kung paano ito
masosolusyonan at maiiwasan. Ito ay bigyang pokus ang negatibong epekto ng
panonood ng pornograpiya sa pag-aaral.
Respondente
Ang mga respondente sa pag aaral na ito ay mga piling mag aaral sa SPM
Academy sa Tipolo, Mandaue City na nanonood ng pornograpiya.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang ginawa naming pananaliksik ay para makalikum ng iba’t-ibang kasagotan sa
aming ginawang mga katanungan. Sa pamamagitan ng paggawa nito, pinasagotan
namin ito sa mga mag-aaral ng Senior High School ng SPM. Ang mga tanong ay tungkol
sa mga epekto ng panonood ng pornograpiya sa sa pag-aara ng SHS sa Paaralang ng
SPM Academy, Tipolo Lungsod ng Mandaue.
Tritment ng mga Datos
Sa mga pagsusuri ng pahayag ng paksa, maipapaliwanag na karamihan o halos
lahat ng estudyanteng SHS ay nakapanood na ng pornograpiya. Sa paggawa ng
pananaliksik kami ay gumamit ng istatistika. Ang formula na ginamit sa pagpapahalaga
ng mga nalikon na datos ay paraan sa pagkuha ng porsyento. Ito ay
P = F/N kung saan ang
N-kabuuang bilang ng respondente na sumagot sa talatanungan
F-kabuuang respondente na sumagot sa particular na tanong
P-porsyento ng respondent na sumagot sa tanong
KABANATA III
PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito, dito inilalahad ang pagsusuri at interpretasyon ng mga nakalap
na mga datos
PAGSUSURI
Ang pornograpiya ay ang akto ng paghihiwalay ng aktuwal o simulate na sekswal na
pag-uugali mula sa pagpapalagayang-loob ng mag-asawa upang ipakita ang mga ito sa
mga ikatlong partido. Nilalabag nito ang kalinisang-puri sa pamamagitan ng pagbaluktot
sa gawaing pag-aasawa, na personal na pag-aalay ng mag-asawa sa isa’t isa. Pinababa
nito ang dignidad ng mga kalahok nito (mga aktor, nagbebenta, at pangkalahatang
madla) sa pamamagitan ng paggawa sa bawat isa sa kanila na isang bagay ng
mababang kasiyahan at labag sa batas na tubo para sa iba. Ang bawat kalahok ay
nahuhulog sa ilusyon ng isang mundo ng pantasya.
Profile ng mga Respondents
Sa pag-aaral na ito, kasama dito ang mga ilang profile variables ng mga
respondents para magamit ang mga nakalap na impormasyon sa pag-
aaral. Dito kumakatawan ang mga resulta sa mga sumusunod na table.

Talahanayan Blg 1. Kasarian

Kasarian Bilang Porsyento


Lalaki 8 32
Babae 17 68
Kabuuhan 25 100%

1.1 Edad. Pinapakita dito ang katangian ng mga respondents in terms sa edad nila.
Table 2
Distribyusyon ng mga edad sa mga Respondents

EDAD FREQUENCY PORSIYENTO


16 8 32 %
17 9 36%
18 8 32%
Kabuuhan 25 100%

Sa mga indikasyon dito, sa lahat ng 25 respondents, mga edad na 16 at 18


ang may magkaparehas na Frequency, 8 – 9% na tumataglay sa kabubuan ng
25 respondents na pumapantay din sa 50%. Nagpapatunay na sa mga edad 16
hanggang 18 ang mga kadalasang edad ng mga manonood ng porno, dito
kumakatawan na maraming-marami ang bilang ng manonood o mga kabataan.

You might also like