You are on page 1of 5

ISYU: MGA NAKAGAWIANG KILOS AT PAG-UUGALI NG KABATAANG ATENISTA NA KAPUNA-PUNA

TESIS: ANG MGA KABATAANG ATENISTA AY MAY ILANG MGA NAKASANAYANG MENTALIDAD AT
PAG-UUGALI NA HINDI KATANGGAP-TANGGAP KAYAT NARARAPAT BIGYANG PANSIN,
PUNAHIN AT BAGUHIN

HIKAP

Ano nga ba ang ibig sabihin at halaga ng paghawak, pagsalat at paghipo sa iba? Ano ang dahilan
sa likod ng nakagawiang paghahawak o “touching” sa mga magkakaibigan lalo na sa isang paaralan o pa-
mantasan na puro lalaki? Normal ba itong kilos o hindi? Kailan ito katanggap-tanggap?
Karaniwan sa tao ang makisalamuha at makitungo sa kapwa dahil ayon sa natutuhan natin sa
Christian Living Education, ang tao ay likas na nakikiugnay sa kanyang lipunan. Komunikasyon ang susi
para magkaunawaan at maiparating ng bawat isa ang nais nilang iparating sa iba. Minsan, kasama sa
pakikitungo sa iba ang touching o paghawak at dahil dito’y bahagi rin ng komunikasyon. Hindi mai-
wasang may pisikal na kontak habang nag-uusap. Hindi man natin ito namamalayan, ito ang bagay na gi-
nagawa natin halos araw-araw sa ating kapamilya, kaibigan at mga taong nakakasalamuha kahit saan
man tayo magpunta.
Maraming uri o klase ng touching o paghahawak sa pagitan ng dalawang tao pero ang karani-
wang paghawak ay tinatawag na palakaibigang paghahawak (friendship o friendly touch) (Impact of
Touching Behavior, 2017). Ano ba ang kahulugan, saklaw at dahilan ng palakaibigang paghahawak sa
konteksto ng mataas na paaralan tulad ng Ateneo Junior High School? Ano ang mga limitasyon o hang-
ganan nito at ang epekto kung ito ay abusuhin ng mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral?

“ Friendly”
Isang uri ng paghawak na kadalasang nagaganap sa pagitan ng magkakaibigan, ang palakaibigang
paghahawak. Ito ay isang uri ng komunikasyon na isinasagawa ng ilang estudyante upang ipakita ang su -
porta, at pagmamalasakit sa isa’t isa. Maraming uri ng palakaibigang paghahawak gaya ng pagyakap,
pag-akbay, pakikipagkamay, at pati na rin ang pagtapik sa balikat at likod. Kadalasan nagaganap ito sa
pagitan ng dalawa o higit pang lalaki (Impact of Touching Behavior, 2017). Higit pa rito, may mga saliksik
din si Mark Grant (2006) na nagsasabing ang mga lalaki ang karaniwang nagsisimula ng mga ganitong uri
ng paghawak kumpara sa mga babae. Ang ganitong ugali ay maiiugnay sa pagkakaiba ng tingin ng
lipunan sa mga lalaki at mga babae. Sapagkat ang konseptong nabuo sa lipunan ay mas makapangyari-
han at nakaaangat sa katayuan ang mga kalalakihan kaysa mga kababaihan, kaya mas may kalayaan
silang kumilos, gumalaw at magpahayag ng damdamin. Ang paghawak sa iba ay nangangahulugan na
may kapangyarihan o impluwensiya ka sa iba. Dahil dito, maaaring makita ang dominante at at mapag-
kontrol na kalikasan ng mga kalalakihan (Smith, et. al, 2011)

Sa AJHS
Hindi estranghero ang mga mag-aaral ng Ateneo sa ganitong uri ng paghawak. Sa katunayan,
karaniwan ang palakaibigang paghahawak sa pagitan ng mga Atenista. Maraming mga Atenistang makik-
itang nagkakamayan, nag-aakbayan, at iba pa. Ngunit sa kasawiang palad, mayroong ding nagaganap na
mga kalokohan sa likod ng mga awtoridad o nakakatanda gaya ng biglaang paghawak ng pribadong
parte ng iba, at ang pagtapik sa mga utong ng mga kaklaseng malalaki ang dibdib. Higit pa rito, may mga
pagkakataon din kung saan sisilipin at pupunahin ng ilan ang umbok ng mga kaklase nilang nakasuot lang
ng brief habang nagbibihis. Sa tingin ng karamihang mag-aaral, walang masama sa mga gawaing ito dahil
ang mga ito ay maituturing lamang na palakaibigang paghahawak na hindi dapat seryosohin. Ngunit, da-
pat maging sensitibo sa mga damdamin ng ibang hindi komportable at sumasang-ayon sa gawaing ito.
Maaring nagiging paglabag ang mga ito sa karapatan sa “privacy” ng iba kung paulit ulit itong ginagawa
ng mga kaklase sa kapuwa nilang kaklase, na walang pahintulot.
Ngunit ano nga ba ang pagbibigay ng pahintulot at bakit ito mahalaga? Ang pagbibigay ng
pahintulot ay ang boluntaryong pagsang-ayon at pagbibigay permiso sa anumang gagawin ng isang tao.
Masasabi na ang pagbibigay ng pahintulot ay isang napakahalagang parte sa proseso ng pag-alam ng tao
kung akma ang touching o paghahawak na kaniyang ginagawa o nararanasan. Sa sandaling hindi kom-
portable ang isang tao sa paghawak ng iba, nagiging paglabag na ito sa consent at hangganan nila, lalo
na at hindi naman talaga kasama ang mga kilos na ito sa mga kilos na nasa ilalim ng palakaibigang pagha-
hawak (Zhang, 2018). Ayon pa nga sa Kristiyanismo, ang ating katawan ay templo ng espiritu santo kung
kayat dapat ito galangin ninuman (Cachila, 2017).

Pambabastos
Sa katotohanan, maaaring ituring ang paghahawak na ito na seksuwal na panliligalig (sexual har-
rasment), lalo na kapag hinahawakan ng isang tao ang isa pang tao na walang consent. Ang seksuwal na
panliligalig ay ang tuloy tuloy na pagpapakita ng kilos o pagtrato na may katangiang seksuwal sa isang
tao, kahit hindi niya ito pinahihintulutan. Hindi sapat na tahimik lamang ang biktima para masabing may
consent, sa halip dapat ay may hayagang pagsasabi. Dahil sa kahulugang ito, kapag ang isang tao ay
sinasabihan ng mga salitang seksuwal (biro, mensahe, tsismis), pinipilitang halikan, hinahawakan, o kahit
ano pa mang seksuwal na pagsalat o paghipo tulad ng paghawak sa puwet o dibdib at hindi niya pina-
pahintulutan ito o hindi siya naging komportable rito, masasabing siya ay biktima ng seksuwal na panlili-
galig. Kaiba sa namamayaning pananaw, hindi lamang ito nagaganap sa pagitan ng magkaibang kasarian
kundi pati na rin sa mga parehong kasarian.(Permanent Commission on the Status of Women, 1995).
Masasabing malaking atensyon ang naitalaga sa isyung ito sa mga paaralan kung kaya’t madalas ito
pag-usapan. Ngunit ayon kay Susan Fineran, and seksuwal na panliligalig sa parehas na kasarian ay
karaniwang nababalewala ng paaralan. Umusbong ang kultura at pagtratong ito ng paaralan sa
mentalidad na “ang mga lalaki ay mga lalaki” at “bahagi ito ng normal na pag-uugali ng lalaki” dahil gan-
ito ang idinikta ng lipunan. Natural na agresibo, magugulo at magaspang kumilos ang mga kalalakihan.
Higit pa rito, karamihan ng mga naging biktima ng paghawak na ito ay takot magsabi o magsumbong
dahil lolokohin at pag-iinitan sila ng mga kapuwa nila kaklase. Kahit mismo ang biktima ay walang mag-
awa kundi tiisin ang ginagawang pambabastos ng kaklase dahil sa ayaw niyang masabihang mahina o
parang siyang babae na nangangailangan ng proteksiyon dahil sa mentalidad na hindi dapat nagiging bik-
tima ang mga lalaki, sa halip sila ang dapat laging dominante (Lunneblad and Johansson, 2017).

Kilos ng Kinauukulan
Sa mga ganitong pangyayari sa Ateneo Junior High School, may alam kaya ang mga kinauukulan ng
paaralan? Kung oo, ano ang ginagawa nilang hakbang  upang ito ay baguhin at mahinto. Ano ba ang
nakasaad na polisiya sa libro ng batas ng paaralan hinggil sa mga ganitong pag-uugali ng mga es-
tudyante?  Sapat ba ang mga ito para mabigyan ng proteksiyon ang bawat mag-aaral na nalalabag ang
sekwalidad at leksyon o kaparusahan naman sa mga gumagawa nito?
Walang sinasabi ang libro ng batas ng paaralan sa mga  ganitong palakaibigang paghahawak na
walang pahintulot o consent na nangyayari sa paaralan. Hindi malinaw kung ano ang parusa sa mga gani-
tong kaso kaya hindi rin klaro kung bakit ang parusa para rito ay conduct unbecoming of a gentleman na
pwedeng humantong sa formative intervention 2. Magaan ba ito o mabigat?
Malaki ang tungkulin ng paaralan para maitama ang ganitong pag-uugali ng mga kabataang
lalaki.  Gayundin, bilang mga mag-aaral na hinubog nang maayos ng Ateneo na taglay ang 5 Cs at cura
personalis, may responsibilidad ang mga mag-aaral  hindi lang para sa kanilang mga  sarili kundi sa  mga
kaklase at sa lahat na sila’y tulungang mabigyan ng tamang respeto at pagtrato. Sa ating pagkakaroon ng
kamalayan hinggil sa ganitong mga isyu, marapat lamang na tayo ay makisangkot sa paglutas nito sa pa -
mamagitan ng pag-uulat sa kinauukulan at pagtindig laban sa kulturang humuhubog sa ganitong ugali.
Panahon na upang ang mga nakagawiang pag-uugali tulad nito na ating naoobserbahan at nararanasan
sa Ateneo Junior High School ay bigyan ng pansin, itama at baguhin.
SANGGUNIAN:
Cachila, J.B. (2017). My Body is a Temple: Ways to treat the human body. Retrieved
November 15, 2019 from https://www.google.com.ph/amp
Dibiase, R. & Gunnoe, J. (2004). Gender and culture differences in touching behaviour.
Journal of Social Psychology, 144 (1), 49-62.
Fineran, S. (2002). Sexual Harassment between same sex-peers: Intersection of mental health,
homophobia and sexual violence in schools.Retrieved November 15, 2019
from https://www.cybersci-hub.ty
Grant, M. (2006). Touching Behavior in Conventional Dyads: An Observation Study of
Jamaican University Students. Retrieved November 16, 2019 from
https://www.researchgate.net
Impact of Touching Behavior. (December 2017). Retrieved from
https://www.everydayhealth.com
Lunneblad, J. & Johansson, T. (17 May 2017). Violence and gender thresholds: A study of the
gender coding violent behavior in schools. Retrieved from
https://www.dol.org/10
Permanent Commission on the Status of Women. (1995). In our own backyard: Sexual
harassment in Connecticut’s public high schools. Retrieved November 15,2019
from https://www.cybersci-hub.ty
Smith, J. et. al (2011). The Power of Touch: Non-verbal communication. Retrieved
November 15, 2019 from https://www.researchgate.net
Zhang, A. (2018). The role of power imbalance and consent in sexual harassment. Retrieved
November 16, 2019 from http://www.insider.com.au

You might also like